Tacenda’s Point of View “A-Anong ako-” “Papa!” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lamang dumating si Gia. Ang batang buong akala ko ay anak ni Mr. Augusto. Kung makikita ng kung sino man ang bata na kasama si Mr. Augusto, panigurado akong ang unang papasok sa isipan ng isang tao ay mag-ama sila. They really look each other kaya naman ay hindi pa ako ganoong naniniwalang hindi anak ‘yon ni Zad. Sabay na nabaling ang atensyon namin ni Sir Zad sa gawi kung saan nanggagaling ang boses na ‘yon at kasabay noon ang automatikong pagsilay ng ngiti sa mga labi namin nang makita ang abot langit na ngiti sa mukha ni Gia kahit na malayo pa ito. Nasa pinto siya ng bahay habang kami naman ay nasa may pool area. Agad itong tumakbo papalapit sa amin na agarang sinundan ng bantay nito

