Denara’s POV “Let’s go. Ililibot kita sa bahay habang sasabihin ko sa ‘yo ang rule na mayroon kami,” utos ni Jespy dahilan upang mapabalik ako sa wisyo. Agad akong tumayo na sinabayan naman ni Ms. Tacenda at Sorin. Naunang maglakad si Jespy kaya naman ay sumunod kami. “That is the living room and the kitchen.” Tinuro niya ang area na napapagitnaan ng dining area kung nasaan kami. Naglakad si Jespy sa pinto katabi ng kitchen saka binuksan ito. “And this is the pantry. May kanya-kanyang lagayan para sa mga sarili nating kagustuhang pagkain, may mga pangalan naman kaya malalaman mo diyan kung kanino ang mga ‘yan. May part din na para sa lahat katulad ng mga nilulutong pagkain na para sa lahat din,” paliwanag niya saka pumasok pa kaya naman ay sumunod ako habang ang dalawa ay nakasili

