Chapter Fourteen: Private Investigator

1463 Words

Tacenda’s POV Kinabukasan, nagising na lamang ako nang maramdaman kong masakit ang batok at balikat ko kaya naman ay kahit inaantok pa, tuluyan ko nang ginising ang sarili ko. Minulat ko ang mata ko mula sa pagkakapikit na siya namang pagbungad sa akin ng mga rule books na nasa may gitna ng center table. Mariin akong napapikit sabay na napamura sa isip. Maingat akong umayos ng upo. Binangon ko ang ulo ko na nakatulugan na pala ang binabasang rule books kagabi. Napadaing pa ako nang maramdamang masakit talaga ang balikat ko. Anaknang. Dahil sa sobrang dami ng rules ng lalaking ‘yon, sumakit pa ang balikat ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kagabi. Iginilid ko ang leeg ko sabay na hinimas-himas ang balikat gamit ang kamay. Habang ginagawa ko ‘yon, walang emosyon ang mukha kong n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD