Tacenda’s Point of View “W-What did you say?” Naglaho ang kaninang ngiting nakaukit sa labi ko nang marinig ang tinuran ni Jespy. Automatikong nabaling ang atensyon ko sa kanya matapos na umabot ang salitang ‘yon sa tainga ko. Nagpakawala siya ng buntong hininga bago siya umayos ng tayo. Kung ano rin ang pwesto ko ay siya ring ginaya niya. Sinandal niya ang likod niya sa railings ang likod niya kaya naman ay nakaharap na sa siya sa direksyon kung saan din ako nakaharap. May kinuha siyang maliit na card mula sa bulsa ng pajama niyang suot saka iyon inabot sa akin. Kahit hindi alam kung ano ang mayroon doon, hindi na ako nagpaliguy-liguy na kunin at tignan ang bagay na ‘yon. “That’s the address where I saw your parents. It’s probably not the right time to tell you about this but I

