CHAPTER 3

1550 Words
        NAKAUWI na ako at nakahiga na sa kama ko pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi maalis sa isip ko si Clover. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya na si Clover Araullo, yung patpating classmate namin noon sa High School. Napatanong pa nga ako sa tatlo kanina kung nagparetoke ba si Clover kaya siya gumanda nang ganun pero batok lang ang isinagot sa akin nung tatlo.         Bumangon ako at naisipang maglog-in sa f******k. Ngayon lang ako nagbukas mula nang dumating ako dito sa Pinas. I went to the search tab.         Clover Araullo         Bakit hindi ko siya masearch? Wala ba siyang f******k? Sa ** kaya? Hindi ko pa rin makita. I want to know some info about her.         Susuko na sana ako nang bigla ko maisip na hanapin siya sa friend's list ni Adam sa f******k.         Damn! One thousand friends? Ganito ba talaga ka-friendly itong Adam na to?         Nagpatibuwal ako sa kama ko. Nakipagtitigan sa kisame.         Ano bang nangyayari sa akin? Hindi pa ako naging ganito ka-apektado ng isang babae.         Naging interesante lang ako sa kanya kasi hindi ako makapaniwala sa itsura niya ngayon.          Pagbibigay hustisya ko pa sa sarili ko.         Bumangon uli ako at saka inabot ang phone ko. Di-nial ko ang number ni Adam. Naka-ilang ring din bago niya sinagot ang tawag ko.  ["What's up? Better be sure na importante itong tawag mo para gisingin mo ko sa pagtulog ko."]                 I cleared my throat. "Tulog ka na agad?"  ["Agad? Anong agad? Mag-uumaga na, tad*!"]  "Ganun ba? Sorry. It's that...kasi ano. Umm...naisipan kong mag-log in sa sss. I just want to see Clover's profile... kaya lang hindi ko ma-search eh." nag-aalangan na sabi ko kay Adam. ["Well...well...well...looks like the playboy is now in love."]         Narinig ko pa sa kabilang linya ang pagtawa nito. "No! Me? Hindi noh! Ina-assume mo na agad na in-love ako sa babaeng yun? Interesado lang ako bakit naging ganun ang itsura niya ngayon. She's not my type either. " salag ko. ["Iyon naman pala. Since hindi mo naman pala type si Clover Denisse Araullo, eh di matulog na tayo."]         Then I heard a 'click' sound.         Binabaan ako ng tawag ng animal!         Idi-dial ko sana uli ang number ni Adam nang may bigla akong maalala.         Wait. That's it! Kaya pala di ko siya ma-search sa f******k.          Nag-log in uli ako sa f******k.  Clover Denisse Araullo         Bingo! Saw her account.         Unang-una kong tiningnan ang Relationship Status niya.          Blanko. Is she still single?         Pero hindi naman siya siguro ipapakasal sa akin ng mga magulang niya kung may boyfriend na siya.          Eh ano naman kung may boyfriend? Not my type nga di ba?         I went to the photos tab. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga pictures niya. Maganda talaga siya. Wala naman akong makita na pictures na may kasama siyang guy. Usually family and group pics ang andun. Kung ganito na siguro ang itsura niya nung High School kami, baka naging girlfriend ko pa ito.         Hey! This is not me....         Saan nanggaling yung 'girlfriend thing'? I don't go to bf-gf things. Ayoko nga ng commitment di ba?         Nagpatuloy na lang ako sa pag-browse ng mga pictures niya. Nakita ko pa si Adam sa ilang group pictures dun. Kung dito siguro ako sa Pinas nag-College baka sakaling nakikita ko na siya lagi. Since hindi naman kami mapaghiwalay ni Adam noon.         Hindi ko na alam anong oras na ako nakatulog. Basta ang huli kong naalala ay pinagmamasdan ko yung profile picture niya nbago ako hinila ng antok.         AS expected, late na ako nagising kinabukasan. Natural, napuyat ako kaka-stalk sa f******k account ni Clover Araullo. Nag-friend request ako sa kanya but after ilang seconds kinancel ko din. Bigla akong nahiya.          Damn, Judd! 27 ka na. Hindi ka na High School. Umayos ka!         Buti pa ikain ko na lang ito at baka gutom lang ako. Mamaya after ko kumain, tatawagan ko si Adam. Itatanong ko kung may kakilala siyang psychologist. I think I need to consult one. Hindi na maganda ang nangyayari sa akin.          After eating brunch hinanap ko si Mama. Sabi ni Yaya Flora nasa kuwarto niya.         "Ma..." tawag ko sa labas ng pintuan ng kuwarto nila ni Papa.         "Pasok iho..." narinig kong sagot nito kaya binuksan ko ang pinto.          Nakita ko si Mama na nagbabasa ng pocket book. Romance novel? I found it corny.         "Ma, baka ma-inlove ka na naman niyan!" pagbibiro ko sa kanya.         "Of course iho! I'm everyday in love with your father." nakangiting sagot nito.         "Hindi ka ba nagsawa or nagsasawa?" tanong ko uli.         "Iho when you are in love with that person, hindi ka magsasawa sa kanya. Hindi mo siya pagsasawaan. You two will be as one. Actually mas iniintindi mo siya over yourself. Pangalawa na lang ang sarili mo." nakangiti pa ding sagot ni Mama.         An epitome of a satisfied in-love person.         Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magiging ganon din.         "Umm... Ma...change topic na lang. I feel awkward talaga sa topic na yan. Gusto mo bang mag-mall, Ma? Hindi pa kita naipapasyal mula nung dumating ako."         "I'd love to, iho kaya lang may charity event akong pupuntahan later. If you want samahan mo na lang ako dun para naman maging visible ka naman sa business world natin. Wala naman ibang magmamana ng business natin kundi ikaw lang." sabi nito.         Which is wala akong balak na manahin.         Ayoko sanang sumama dahil hate ko talaga ang business world at mga ganung gatherings, kaya lang wala naman ako gagawin. Mauubos lang ang oras ko sa kaka-stalk sa f******k ni Clover. And besides, minsan ko lang naman mapagbigyan si Mama so I said "yes".                   WE arrived at the charity event and medyo marami na ring tao ang andun. Usually, mga nasa business world ang present dito. Nakita ko yung mga kaibigan ni Mama. Kumustahan, as usual.         Pero humiwalay ako agad kina Mama. Ako ang nagiging topic ng usapan nila kapag ganitong nako-corner nila akong magka-kaibigan.          Bakit ba gustung gusto nila akong mag-asawa? Ang sarap-sarap ng buhay ko!         Iginala ko ang mata ko. Baka may makita pa akong kakilala ko. Medyo nabo-bore ako and yet kadarating lang namin. Mahaba pa ang gabi. Then I heard a familiar voice...         That voice! I know it's her....         Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin yung may-ari ng boses. Then, I saw her na may kausap na mga middle-aged women. Nakangiting lumapit ako sa umpukan nila.         "Uhurm....Excuse me...." then Clover slowly look at me.          "Hi! It's so nice to see a familiar face here." all-smile na sabi ko sa kanya.         Peke siyang ngumiti sa akin.          "Kailan mo pa na-realize na familiar ang mukha ko sa yo?" sarcastic na sagot nito.          Napansin ko namang nagngitian yung mga kausap niyang mga babae. Ngumiti na lang din ako sa kanila at saka bumaling kay Clover.          "Sorry kung hindi kita nakilala agad. Kasi naman...."          Paano ko ba sasabihin na ang layo kasi ng itsura noon at saka ngayon na hindi siya mao-offend?         "Let's just start over again. Hi! I am Judd Madrigal. Your former classmate from Eastwest High." pakilala ko sa kanya.         Pinaningkitan ako nito ng mga mata, which I found cute.          "I presume we're okay na? Hindi ka na masungit sa akin." I asked her while flashing that 'kilabot' smile of mine.         "Let's just say na hindi lang kasi ako yung tipo ng namamahiya sa maraming tao," she answered back with a smirk.         "Grabe ka naman. So, siguro I'll treat you na lang? Para makabawi naman ako?" pag-offer ko sa kanya.         She must say 'yes'. I do not take "no" as an answer.         "Not necessary, Mr. Madrigal." kaswal na sagot niya.         Para namang na-frustrate ako sa sagot niya. I expect that I will be having a solo moment with her.          "For old times sake lang naman." sabi ko.         Bahagya siyang tumawa. Napagtuunan ko tuloy ang mga labi niya.         "For old times sake? Hindi mo nga ako kilala nung High School natin. Dinadaan-daanan mo lang ako. Tapos sasabihin mo for old times sake? You're kidding."          Hindi ako nakapagsalita. Na-bulls eye ako.          "Sorry. Kalimutan na natin yung past. High School pa yun."          "Okay. Fine. But don't expect me na magiging katulad kay Adam ang treatment ko sa yo. Hindi tayo close, Mr. Madrigal. Okay na ba yun?" sagot nito.         Wow! Ang prangka! Halikan kaya kita?         "Judd, na lang Miss Beautiful. Napaka-formal mo naman." nakangiting sagot ko sa kanya.          "Kasi nga hindi tayo close. By the way, wala ka bang kasama dito para makausap mo? Coz I am not comfortable na kinakausap ka. Alam na alam naman dito sa lugar natin na rival namin kayo sa negosyo tapos dikit ka nang dikit sa akin."         I was stunned. Para namang tigre sa sungit itong babaeng ito. Pero kung akala niya na titigilan ko na siya dahil sa pagsusungit niya, nagkakamali siya.          "Actually, yes, you're right. I am with my mother. And yes, wala akong ibang makausap dito dahil ikaw lang naman ang familiar face na nakita ko dito. And I do not give a damn kung anong iisipin ng mga tao sa paligid. So what kung magkalaban ang mga businesses natin?  Just do me a favor and be my company for tonight?" sabi ko sa kanya flashing my winner smile.         Nagpalinga-linga siya sa paligid at saka umirap sa hangin.         "Oh.... I guess I have no choice. I'm stuck with you." pinal na sabi nito.         Yes!!!       . ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD