CHAPTER 2

1573 Words
        Hinihingal na napabalikwas ako ng bangon.          Ang samang panaginip!!!         Hinahabol daw ako ni Clover Araullo. Takbo ako ng takbo pero parang hindi naman ako lumalayo sa kanya kaya naabutan niya ako. Na-corner niya ako at saka aktong hahalikan sa labi. Mabuti na lang at nagising na ako!         Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.         Ano ba itong nangyayari sa akin? Kinukulam yata ako ng babaeng iyon! Hindi na maganda ito. Mabuti pa ay bumalilk na ako sa Canada sa lalong madaling panahon. Mababaliw ako dito sa Pilipinas kapag nagtagal pa ako. Mamaya, makikipagkita uli ako sa barkada para magpaalam na din. Mukhang matatagalan na uli bago ako bumalik dito sa Pilipinas habang hindi pa ako nakaka-isip ng solusyon sa problema ko kay Clover Araullo.                      NAGTAKA  ako nang nagtawanan yung tatlo kong kaibigan.         "Anong nakakatawa?" tanong ko sa  kanila.         "Alam mo, nabigla ka lang siguro kasi naisahan ka ni Tito Felipe na ipakasal pero wag ka ngang exaggerated kay Clover." sagot ni Chad.          "Kahit pa sabihing arranged marriage yan. Ikaw pa ba ang choosy?" si Klarence naman samantalang tahimik lang si Adam sa tabi ko.         "Guys, si Clover Araullo yung pinag-uusapan natin dito ha. Yung Clover Araullo na kaklase natin nung High School. Naaalala nio ba?" tanong ko sa kanila.         "Yeah!"         "Oo naman."         "Oo."         Sabay-sabay nilang sagot.         "So, what is exaggerating there?" nagtatakang tanong ko sa kanila pero tinawanan lang uli nila ako.         "Alam mo, kung meron mang lugi sa deal na yan, si Clover yun hindi ikaw." nang-iinis na sabi ni Chad.          "What?" hindi ako makapaniwalang tanong ko.         Nagpaalam muna ako na pupunta ng CR. Medyo naiinis na ako sa kanilang tatlo. Akala ko pa naman nasa side ko sila mukhang hindi naman pala. Nagpunta ako sa front bar. Wala pa akong balak umuwi and I want to be wasted tonight. Hindi ko na alam kung sino pa ang kakausapin ko para hingan ng tulong sa problema ko.         "Isang Jack Daniels nga, Jayden." sabi ko sa bartender.         Since tamabayan nga naming apat itong bar kaya halos kilala na namin ang mga staff dito.         "Mukhang nagkainitan kayo dun ah, Sir Judd," nakangiting bati sa akin ni Jayden, ang bantay sa bar counnter at saka mabilis na lumingon sa pinanggalingan kong mesa naming apat.          Kilala na kami dito sa bar na ito since suki na kami dito mula pa noong mga College pa lang kami.         Nagkibit balikat muna ako bago sumagot.          "Ewan ko ba! Hindi nila ako naiintindihan." sentimyento ko.         "Kayo pa ba? Maya maya lang okay na uli kayong apat." sagot nito sabay abot sa akin nung alak na inorder ko.         Straight kong ininom yung alak sa baso at saka nagsalin uli nang may marinig akong boses sa tabi ko.         "One tequila, please..."         Ewan ko ba. Parang naintriga ako sa boses nung babae kaya nilingon ko ito. Napakalambing kasi ng pagkakasabi niya nung order niya. Para bang yung mga nakatalik kong mga babae dati kapag gusto na nilang mag-all the way kami.          Naka-side view ito kaya napansin ko agad ang mahaba nitong pilikmata. Yung pouty lips niya na para bang ang sarap kagatin kapag kahalikan mo siya. At ang ilong niyang tamang tama lang ang tangos.          "Hi!" bati ko dito.         Lumingon ito sa akin at parang nagulat pa pagkakita sa akin.         "I'm Judd. Judd Madrigal." pakilala ko at saka iniumang ang kamay ko sa kanya pero tiningnan lang niya ito.         Ngayon lang may babaeng umisnab sa kamay ko kaya agad ko itong binawi. Pero ganunpaman, hindi ko ipinahalata dito na naapektuhan niya ang confidence level ko pagdating sa babae. Anyway, I am Judd Madrigal, a certified playboy.          "Are you with someone?" tanong ko uli.         Sandali itong natigilan na para bang iniiisip mabuti ang isasagot niya sa akin.         "Well, yes...." may pagkamataray na sagot nito.           "Ganun ba? Maybe I can get your number instead para we can bond some other time?" sagot ko sa kanya with my matching killer smile.          Tingnan ko yang taray mo kapag nahalikan na kita!         Sasagot na sana siya nang biglang mag-ring ang phone ko na nasa bulsa ng pantalon ko.         "Sandalli lang. Titingnan ko lang kung sino ang caller ko." nakangiti pa ding sabi ko sa kanya at saka ako yumuko para dukutin sa bulsa yung phone ko. Adam calling....         Wrong timing talaga itong Adam na ito!         Mabilis kong kinansel yung call ni Adam para mabalikan ko na yung babae pero nagulat ako nang wala na ito sa tabi ko. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin ito sa paligid pero hindi ko na talaga makita. Sinubukan kong suyurin ng tingin yung mga naka-upo sa mga kalapit mesa pero hindi ko din siya nakita doon.         Hinayang na hinayang ako. Unang tingin ko pa lang sa babaeng iyon ay attracted na agad ako. Tinungga ko na lang yung alak sa baso ko. Doon ko ibinuhos yung frustration na nararamdaman ko ngayon. Medyo nagtagal pa ako dito sa puwesto ko. Pasimpleng palinga-linga. Nagbabakasakaling mahagip ko ng tingin yung babae kanina. Nagbabakasakali din ako na babalik siya dito sa bar counter para umorder uli.          Pero nakaubos na ako ng isang bote ng Jack Daniels eh hindi ko na nakita pa uli yung babae. Lulugo-lugo na tumayo na ako para bumalik sa mesa namin kanina. Kailangan ko nang magpaalam dun sa tatlong walang pakinabang at mag-isa na lang akong hahanap ng solusyon sa problema ko.          Malayu-layo pa ako sa mesa nung tatlo pero nakita ko na agad na may nakatayong babae sa may mesa namin at masayang kausap nung tatlo. Since matagal na akong nawala dito sa San Pedro, marami na din akong hindi kilala sa mga tagarito.           Habang papalapit ako sa kanila ay ngayon ko lang napagmasdan yung suot nung babae. Iyon din ang suot nung babae na tumabi sa akin sa front bar. Nagmadali akong naglakad hanggang sa isang hakbang na lang ang layo ko kaya dinig ko na ang usapan nila.          "Anyway, kailan ka pa umuwi dito?" tanong ni Adam dun sa babae.         "Nung isang araw lang." sagot naman nito.         "So will you be staying here for good? O bakasyon lang?" tanong naman ni Chad.         Siya nga!         Napatitig na lang ako sa mukha niya habang nakikipag-usap siya sa tatlo.          "No. Bakasyon lang. Naglalambing kasi sila Mama since malapit na ang birthday ko, better celebrate it with them. After the Holy Week balik na ko sa work." narinig kong sagot niya.         Nakaramdam ako ng tuwa na kilala pala siya nitong tatlong mokong na kaibigan ko. At least hindi na ako mahihirapang kunin yung contact number niya.         Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang makurbang katawan nito. Almost perfect! Every curve is in the right places.          "Oh, kilala mo pala sila?" singit ko sa usapan nila.         Sabay-sabay silang napalingong lahat sa akin. Naguluhan naman ako sa klase ng tinging ipinupukol nila sa akin. Yun tingin na para bang may umusbong na halimaw sa likuran ko. Nagtataka man ay nawalan ako ng boses na magtanong.         "May kasama ka ba? Join us." narinig kong alok ni Adam sa kanya kaya nawala na sa akin ang atensiyon nila.          "Umm...meron. Okay lang sana kaming mag-join sa inyo. Pero next time na lang siguro, Adam,  Kapag hindi nio na kasama si Mr. Judd Madrigal. Bye! See you around." nakangiti pang sagot nito kay Adam at saka mabilis nang umalis doon.         Wala akong nagawa kung hindi sundan na lang ito ng tingin habang naglalakad ito palayo sa mesa namin. Nang ibalik ko ang tingin sa tatlong kaibigan ko ay nakatingin sila sa akin na para bang hinihingan ako ng paliwanag.         "Don't know. Hiningi ko lang naman yung number niya kanina. Yun lang!" may panghihinayang na sagot ko.         "Tutal, kilala nio naman pala siya. Pahingi ako ng number." pakiusap ko sa kanilang tatlo na isa-isa ko pa silang tiningnan.         Nakita kong makahulugang nagtinginan yung tatlo at saka nagtawanan.           "Anong nakakatawa? Number lang ang hinihingi ko." naiinis na sabi ko sa kanila.          Pasimpleng lumingon si Chad sa gawi ng puwesto nung babae. Pare-pareho naman kaming sinundan yung tinitingnan niya. May kasama na ito ngayon sa mesa na babae din. Nakatalikod yung bagong dating sa gawi namin kaya hindi namin kita ang mukha nito.          "Bro....ang tagal mo na kasing nawala dito sa San Pedro kaya marami ka nang hindi kilala." kaswal na sabi ni Klarence.         Nagkibit balikat lang ako.         "Type mo ba?" nanunuksong tanong ni Chad.         "Huh? Hndi noh! " sagot ko.          "Hindi mo pala type bakit mo pa kinukuha yung number?" sagot naman ni Klarence.           "No. I mean, pwede na rin." nalilitong sagot ko habang kandahaba ang leeg ko sa pagsilip sa puwesto nung babae.         "Ayan oh. Si Adam ang tanungin mo. Mas close siya dun." sabi naman ni Chad.         "Talaga?" sabi ko sabay tingin kay Adam.         "Kilalanin mo muna bago ko ibigay sa yo yung number." seryosong sagot ni Adam.         Dahil siguro sa naka-isang bote na ako ng Jack Daniels kaya mabilis na akong mapikon.         "Seriously? Ano bang meron sa babaeng iyon at ayaw ninyong ibigay sa akin yung number niya?" naiinis kong tanong.         Nakangiting umiiling si Klarence.          "What?" asik ko sa kanya.         "Ikakasal ka na kaya wala ka nang karapatan na ma-attract pa sa ibang babae." nakangiti pero nang-iinis na sagot ni Klarence.         "I told you never akong magpapakasal kay Clover Araullo!" impit na sabi ko.          At this point of time, umiiigsi na ang pisi ng pasensiya ko.            Bahagya pang tumawa si Chad kaya sinamaan ko ito ng tingin.         "Kahit pa na yung babaeng hinihingi mo yung phone number eh mismong si Clover Araullo?" sabi pa ni Chad. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD