CHAPTER 1

1848 Words
        It's my second day here sa Pinas. I am not planning to stay long. Siguro mga dalawang araw pa at babalik na uli ako sa Canada. Lalo na ngayon na nalaman ko ang masamang plano ng mga magulang ko. Okay lang sana yung pinaplano nilang kasal . Papayag na ako kahit masama sa loob ko dahil wala talaga sa bokabularyo ang salitang kasal.          Pero of all women, si Clover Araullo pa? No way! Hindi nila ako mapipilit magpakasal kahit pa si Clover Araullo na lang ang natitirang babae sa mundo.          Bumangon na ako. I will do some routine workouts then will browse my emails. Baka may kailangan akong asikasuhin na sa office ko dun sa Canada. Kung hindi lang kasi naging demanding si Sophie may hindi pa kasi akong natatapos na project ko dun.          I saw a note from Mama sa bedside table ko.          Just went to the grocery iho. Will be back soon....         Si Papa, malamang nakaalis na din yun papunta sa office.         Minsan nagi-guilty din naman ako. Alam ko namang sa edad nila Papa, dapat nga ay nagpapahinga na siya from work. Kaya lang pag nag-stay naman ako dito sa Pilipinas for good, tiyak ipagtutulakan na naman nila akong mag-asawa. Katulad nga ng nangyari na ngayon. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ko matatakasan ang pagpapakasal kay Clover Araullo. Dahil hindi ko iyon talaga gagawin.         Never.       Kailangan ko nang humingi ng advice sa mga kaibigan ko.          PAGKATAPOS kong mag-work out, mag-scan ng emails at mag-breakfast, naisipan kong mag-swimming muna sa pool namin. Nakakailang lapse palang ako nang dumating si Mama.         "Judd...," tila excited na tawag sa kin ni Mama.          Kita ko ang maluwang na ngiti nito. At kung hindi ako nagkakamali, sa tipo ng pagkakangiti ni Mama, parang nahuhulaan ko na ang sasabihin niya.         "Just saw Mareng Agnes sa grocery. Dumating din pala yung anak niyang si Zarah from Ireland. What a coincidence di ba?" nakangiting sabi nito.                 Bingo! Playing cupid na naman  si Mother.         Umahon na ako sa pool.         "I'll take a shower na, Ma." paalam ko sa kanya.         "Maganda yun! Si Zarah. Try mo lang siya i-meet." pangungumbinsi pa rin ni Mama sa akin pero nginitian ko lang siya.         "Nice try, Ma!" nakangiting sabi ko sa kanya.              PAGKAPASOK ko sa kuwarto ko ay agad kong nag-send ng messaage sa group chat ng barkada. . To: Grupo ng Hunks Judd the Playboy Mga bro. Same place tayo mamaya at 6pm sharp. Bawal umabsent ha. . Adam the Loyalist Copy . Klarence Mapagmahal Anong meron? . Chad the Bad Boy Habol ako. May appointment lang ako ng 5pm sa Ortigas. Judd the Playboy I need your professional advices. By the way, sino naman ang nagpalit ng mga pangalan dito??? Adam the Loyalist Not me. Klarence Mapagmahal Umaangal ka pa. Bakit? Hindi ba totoo yung nakalagay sa yo?  Judd the Playboy Okay. Bye. See you later. .         ILANG oras pa bago mag-alas sais. Mahaba pa ang hihintayin ko. Ayaw ko naman kasing tumambay sa bahay at hindi ako tinitigilan ni Mama. Pinipilit pa din niya sa akin yung anak ng kumare niya. Naisipan kong sumaglit na muna sa gym. Medyo matagal na din akong walang practice sa Muay Thai.         Iilan lang ang nasa gym nang dumating ako. Palibhasa alanganing oras.          "Hi, Sir Judd! Kailan ka pa dumating?" nakangiting tanong ni Ava, ang receptionist dito.         "ika-third day ko na today." nakangiting sagot ko.         "Dito ka na lang kasi. Wag ka nang umalis." sagot nito habang may tinitipa sa computer niya.          Tinitingnan niya siguro yung record ko,         "Pare-pareho kayo ng sinasabi." sagot ko sa kanya.         Ibinigay nito sa akin yung susi ko sa locker ko kaya nagpunta na ako sa locker room para magpalit ng damit. Gusto ko sanang may maka-sparring para sulit ang punta ko dito.         Tamang tama namang pagpunta ko dun sa area ay meron akong nakitang nagpa-practice din ng Muay Thai. Kaya lang ay babae ito kaya nalungkot ako.         Umupo na muna ako para panoorin na lang muna siya kasama ng trainer niya. In fairness, mukhang advance na ang level ng babaeng pinapanood ko. Nakakabilib ang mga stance niya at ang liksi niyang kumilos. Ginanahan tuloy akong manood pa. Mayamaya ay may biglang tumawag sa akin.         "Judd?"         Lumingon ako at nakita ko ang nakangiting si Derek, ang personal Muay Thai trainer ko.         "Nandito ka pala. Gusto mo bang makipag-sparring?" alok nito.         Biglang lumiwanag ang mukha ko.         "Kanina pa! Tara!" aya ko dito at saka tumalikod na doon sa nagi-sparring doon.         May nasalubong kaming bagong dating na babae.            "Clover!" malakas na tawag niya.         Clover??         Naalarma naman ako sa pangalang iyun. Nagmamadali akong naglakad palayo doon.          Oh no! Of all people, wag naman sanang si Clover Araullo ang tinawag nung babae. Speaking of Clover, I need to think fast para hindi ako matuloy maipakasal sa babaeng payatot na yun!       . .         "Judd Madrigal...."         "Judd Madrigal..."         "Bro....may problema ka ba?"         May narinig akong tawanan. Nakita ko sila Adam, Klarence at Chad na nagtatawanan at nakatingin sa akin.         "Bro, ano bang nangyayari sa yo ha?" si Klarence.         Si Klarence ang sole heir ng business nila na chain of gasoline stations dito sa Metro Manila.         "Mukhang malaki ang iniwang problema ni bro sa Canada ah! Natutulala eh!" si Chad, meron naman silang resorts chain sa Cavite at Batangas.         "Pinagkakaisahan nio ko ah!" naiiling kong sagot sa kanila.         Ako ang nagyaya dito pero wala ako sa sarili ko. Kanina pa ako nag-iisip kung paano ko malulusutan yung problema ko kay Clover Araullo. Sabihin ko kaya sa mga kumag na ito? Bakasakaling may maitulong sila sa akin,         Pinilit kong mag-concentrate muna sa kuwentuhan. Mamaya ko na lang io-open yung topic. After all, hindi ko alam kung kailan uli mauulit itong labas  namin. Bukas makalawa ay babalik na uli ako sa Canada.        "Adam, Judd kailan nio bang balak lumagay sa tahimik? Kayong dalawa na lang ang binata sa barkada ah?" si Chad.         Chad  is married for two years. Pero limang taon na ang panganay niyang si Zyrus. At kaka-isang taon pa lang yung sumunod na si Zaekah, na inaanak ni Adam.          "Si Adam, pwede pa. Si Judd? Malabong mag-asawa yan!" sagot ni Klarence at saka binuntutan ng tawa.         Naiiling na lang ako. Palibhasa hindi pa nila alam na gusto na akong itali ng mga magulang ko sa babaeng ayaw kong pakasalan.          Si Klarence, married na for five years with two kids. Inaanak ni Chad yung panganay niyang si Ysa at inaanak ko naman yung pangalawa na si Yoseph. Kaya panigurado, mayamaya lang ay aalis na din itong dalawang ito at kaming dalawa na lang ni Adam ang maiiwan dito. Kasi tiyak mayamaya lang ay hinahanap na sila ng mga asawa nilang sila Annika at Pepper.         "Bakit ba dinadamay ninyo ako sa kalokohan nio ha?" sagot ko sa kanila.         "Alalahanin mo Judd, hindi ka na bumabata. Hindi ka ba kinukulit nila Tita?" nakangising tanong ni Klarence.          "Ano bang hindi? Hindi ko na nga alam pano iiwas pag yan ang topic sa bahay e." naiiling na sagot ko,.         Which is true. Ano bang magagawa ko kung wala sa diksyunaryo ng nag-iisang anak nila ang pag- aasawa?         "Iyon nga sana ang ihihingi ko sa inyo ng advice mga bro..."         "Wait, tumatawag si Annika," putol ni Klarence sa sasabihin ko.         "Naku, pinapauwi na ako ni Pepper, hinahanap daw ako ni Zaekah. Ayaw matulog." sabi naman ni Chad.         As predicted,  nagpaalam na yung dalawang may asawa na uuwi na. Kaya nga ako, ayokong mag-asawa. Ang hassle kaya na gusto mo pang uminom tapos may tatawag o magte- text sa yo na umuwi ka na?         No way!         Since wala na yung dalawa so, no choice ako kung hindi kay Adam na lang muna sabihin yung problema ko.         "Judd yung babae sa kanan mo masama ang tingin sa yo. Mukhang kursunada ka," bulong ni Adam.         Sinundan ko ng tingin yung direksyong sinasabi niya.         Umm...sexy ah! Makinis....mukhang mapapalaban ako nito ah.         Likas na siguro talaga sa akin ang pagiging gigolo kasi umiral na naman ang ugaling playboy ko at nalimutan na ang sadya kong humingi ng advice sa problema ko.                 "Paano Adam, lapitan ko muna ha?"  nakangiti kong sabi sa kanya.          Iniwan ko si Adam sa mesa namin para lapitan yung babaeng kanina pa nakangiti sa akin.         "Hi!" bati ko sa kanya.         "Hello..." nakangiting sagot nito sabay kindat sa akin.         Konting kwento, konting bola. Maya maya hawak ko na ang kamay niya. Pinisil niya ang kamay ko. Alam ko na ang kasunod na mangyayari. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para halikan siya. Pero nung malapit na malapit na ang mukha ko biglang may narinig akong sumigaw.         "Clover, dito!"         What the....hanggang dito ba naman, Clover pa din ang maririnig ko??         Hindi ko naituloy yung balak ko na halikan siya. Bigla akong nawalan na ng gana. Nagpaalam na ako sa babaeng na-meet ko at saka bumalik sa mesa namin ni Adam.         Kita ko ang gulat sa mukha ni Adam.         "Ano nangyari sa yo?" natatawa niyang tanong sa kin.         Hindi ko siya sinagot. Actually, ako mismo hindi ko alam ang sagot. Sumimangot lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Tahimik na lang akong uminom. Malapit na akong mainis sa pangalang Clover kasi para na siyang bangungot sa akin.           "Bro, meron kang hindi sinasabi sakin..." nakatitig na sabi sakin ni Adam.         "Ano naman ang sasabihin ko sa yo? "         "Kung ganun, anong meron?" tanong ni Adam.         "Anong 'anong meron'? Di kita maintindihan." naguguluhan kong tanong sa kaniya.         "Asan na yung Judd na maingay? Magulo? Kailan ka pa naging tahimik? Parang ang lalim ng iniisip mo eh."         Ganun na ba ko ka transparent?  Sabihin ko na ba kay Adam?         "Bro, I need your advice...." panimula ko.         Tumingin sa kin si Adam pero hihdi ko naituloy yung sasabihin ko kasi may biglang tumawag kay Adam sa bandang likuran ko.         "Wait, bro, I saw a friend. I'll be back."          Iniwan ako ni Adam para puntahan yung sinasabi niya. Nilingon ko yung direksiyon na pinuntahan niya. Nakapatalikod sa akin si Adam kaya hindi ko kita yung kausap niya. Base sa pagkakayuko ni Adam, malamang babae ang kausap nito.         Hindi naman nagtagal at maya-maya lang ay nakita ko nang pabalik na si Adam sa puwesto namin.         "Sino yun, ha? Mukhang babae yung kausap mo ah! Isumbong kaya kita kay Gracie?" pagbibiro ko kay Adam.         Biro lang yun kasi alam na alam naming tatlong magkakaibigan kung gaano ka-loyal si Adam sa long-time girlfriend nitong si Gracie na isang sikat na beauty queen at ngayon ay ramp model na. Gusto man ni Adam na magpakasal na sila ay ayaw pa ni Gracie dahil sa career nito ngayon.          "Baliw! Si Clover lang yun." sagot ni Adam.          Bigla akong nanigas.          Clover na naman??         Nag-panic yata ang buong sistema ko kaya agad akong nagyayang umuwi na kay Adam.         "Anong meron? Maaga pa ah. HIndi ka umuuwi galing sa bar nang hindi ka lasing na lasing. May bigla ka bang naramdaman?" tanong ni Adam habang pinagmamasdan akong mabuti.         Oo. Meron na yata akong Clover-panic-nitis!         Hindi ko na lang sinabi. Wala ako sa mood sabihin ngayon ang problema ko regarding Clover Araullo. Maybe tomorrow? o sa isang araw? Ewan.  ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD