OUR STRINGS- 13

2090 Words
"Icai, hindi mo tinutulungan ang sarili mo kung palagi kang nakahiga at nagmumukmok." Alice started her rants two months after being here in Australia. She let me mourned for tita Salve's death, and maybe she gave me time to adjust for everything. But today, mukang naubos ko na ang pasensya niya. Simula pa kanina ay panay na ang talak niya sa akin. Siguro, hindi lang ang pagluluksa at depression ang dinadaanan ko. Mabigat din ang katawan ko dahil buntis ako! Hindi ko alam kung depress ba ako o dala lang ito nang pagbubuntis ko. My tummy is almost five months and I can feel my baby moving around inside me. What do I know in pregnancy anyway? I can't tell them my situation coz' I feel ashame. Sa lahat ng pinag daanan ko ay eto ako ngaun, magiging magulang sa murang edad. Bumabaliktad ang sikmura ko pero pilit ko itong pinipigilan. Patuloy ang pagtalak ni Alice habang ako ay nagpipigil dito sa higaan. Nahihiya ako sa totoo lang. But then, kahit ako mismo ay hindi alam kung saan ako magsisimula o paano ako gagalaw. "Nakikinig kaba, Gotica?" Lumingon siya sa akin. Bahagya akong nakaramdaman ng kaba sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Calling me Gotica means, she is serious. Huminga ako ng malalim. Tinitigan ako ni Alice ng nanliliit ang mga mata. Inaangat ko pa ang comforter para matabunan ang aking tyan. "Tumataba ka," she said. Butil butil ang pawis ko sa noo kahit maginaw dahil umuulan ng snow dito. "Hindi ah!" Sagot ko, kabang kaba. Tila ba binabasa ni Alice ang nasa utak at mabuti siyang nakatingin sa katawan ko. Tumaas ang kilay ni Alice at nagsimulang magligpit ng kwarto ko. Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa din tumayo. Masyado naman nakakahiya kung si Alice pa ang gagawa nito para sa akin. "Ako na," matamlay kong sabi. Kahit pilit kong pasiglahin ang sarili ko ay nanamlay pa din ang pakiramdam ko. Talagang lugmok na lugmok lang ang pakiramdam ko at wala akong gana magkikilos. Hindi naman ako pwede mag inarte dahil utang ko na nga na kinupkop nila ako. I just can't imagine her reaction kapag nalaman niya na nagdadalang tao ako. Huminga ng malalim si Alice. "Oh sige, baba kana para mag breakfast. Nandun din si Raffy." Tumango ako. May sariling apartment si Alice na nakabukod sa magulang niya. Wala siyang pasok ngaun araw pero alam kong may partime si Alice mamaya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Paano ako kikilos kung nag dadalang tao ako? Nasan kaya si Raj? Simula ng huling punta niya sa bahay ay literal na wala na akong balita sa kanya. Pinilig ko ang ulo sa iniisip. Hanggang ngaun, hindi pa din siya nawawala sa isip ko. Gusto kong magalit sa kanya at manumbat. Pero para saan? Lahat nang nangyari ay ginusto ko at binigay ko ng buo sa kanya. Binigay ko kahit hindi niya naman hiningi. Ganoon ko lang talaga kamahal si Raj. I don't need him now, or.. ever. I'm not mad at him but I've learned my lesson. Hindi na ako aasa sa kanya dahil alam kong babalik at babalik siya sa taong mahal niya. Hindi ko na hihilingin na makita siya o mahalin niya ako. Para saan pa? By now, baka may sarili na siyang buhay at masaya. Nevertheless, nagpapasalamat ako sa kanya because he gave my forever.. our strings.. our baby. Ayoko ng safety, if I tell him that I'm pregnant is still futile. Maaring tulungan niya ako pero hindi pa din magiging priority kahit ang anak ko. Ayoko nun. Ayoko maranasan ng anak ko ang buhay ko. Buhay na nakatago sa mundo. Buhay na may kulang. Buhay na binanalewala. Humalimuyak ang bawang sa sinangag na nasa lamesa. Napatakip ako ng ilong dahil ayoko ng amoy nito. "What's wrong?" Tanong ni Raffy. Mabilis tuloy ang paglingon sa akin ni Alice na mukhang nakagayak na. Umiling ako. Binuka ko ng bahagya ang bibig para doon huminga. Nanatili ang mga mata ni Alice sa akin na puno ng curiosidad. "You sure your okay?" Tanong ulit ni Raffy. Pati siya ay napuno ng pagtataka. Sinimulan kong kumuha ng salad. Nagulat nalang ako ng lagyan ni Raffy ng sinangag ang plato ko. Halos dumuwak ako sa plato sa harap ko ng maamoy ulit ang bawang.  Si Raffy ay natigilan habang si Alice ay napabuntong hininga. "May hindi kaba sinasabi sa amin, Gotica?" Diretsong tanong ni Alice. "Wala ah!" Agap ko. Inayos ko pa ang makapal na coat na suot ko para matabunan ang tiyan ko. "Hindi kita matutulungan kung hindi mo sasabihin ang totoo."  Salita ni Alice. Kabang kaba ako at hiyang hiya sa sarili ko. Raffy crossed his arms and looked at me intently while his brow shot up.  Uminom ako ng tubig. I can't believe that I'm real sweating even if the weather is cold killing. "Buntis ako." Sagot ko. Yumuko ako at pumikit. Sandaling katahimikan ang nangyari. Ang mga mata ko ay unti unti na naman nagtutubig. Walang salita, nagulat nalang ako ng yakapin ako ni Alice. Tahimik siyang umiyak habang nakayakap sa akin. Umiwas ng tingin sa akin si Raffy habang nag iigting ang panga. "I'm sorry," salita ni Alice sabay pahid ng luha niya. Napakunot ang noo ko. "Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko. "Sorry kasi iniwan kita sa Pilipinas. I'm sorry kasi pinagdadaan mo lahat ng ito ngaun. You are so young, Icai. You are so young for this life." Puno ng sakit ang paghihinayang ang mukha ni Alice. Nakatitig lang ako kay Alice, pilit kong nilalabanan ang mga luha ko. "Wag kang mag alala. We will help you start again. I will help you raise your child. Magsisimula ka, tutulungan kita." Salita ni Alice. Doon na kumawala ang luha ko. Tumatagos iyon sa puso ko. After all, may bagay at rason pa din ako para magpatuloy. Hindi nila ako hinusgahan. Her words melts me knowing that my baby will have a family with them. "Sino ang tatay?" Tanong ulit ni Alice. Napatingin pa siya ng masama kay Raffy na halatang galit. "Don't look at me like I made the crime." Umigting ulit ang panga niya. "I wish I was tho." Sagot niya. Mabilis akong napabaling sa kanya na nanlalake ang mga mata. "It's true. I wish I am the father, Gotica. But rest assured na kahit hindi ako ang biological father. I will be a father to your child." He said genuinely. Nakitaan ko ng sakit ang mga mata niya pero seryosong seryoso siya. "Kung hindi si Raffy, who?" Si Alice ulit. "Si Raj." Sagot ko. Napanganga ng bahagya si Alice at napamura si Raffy. Everything that happened to me taught me lessons. Dumaan ang mga buwan na nasa bahay ako. Nagpatuloy ng pag aaral si Alice at Raffy. May mga oras nanaiisip ko ang mommy at daddy. Si Tita Salve at si Raj. But then, kagaya ng sabi palagi ni Alice at Raffy, I let go ko na ang mga nakaraan para sa bukas ko at magiging anak ko. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ako pinabayaan. They help me and take care of me like I am their real family. "Ang laki na." Hinimas ni Raffy ang namimilog na tyan ko. Hindi naman na ako nagulat dahil sanay na ako na palagi niya iyon ginagawa. Minsan nga naabutan ko siya kinakausap ang baby ko habang natutulog ako. Si Raffy din ang unti unting nagpundar ng gamit ng baby ko. Pati pagsama sa akin sa check up ay siya din palagi ang kasama ko. Masyado din naman kasi busy si Alice dahil ang libreng oras niya ay nagtatrabaho pa din siya. I envy Alice for being strong and independent. Kahit maganda ang estado nila sa buhay ay pinili pa din niyang magsikap. Nag-birthday din pala ako nung isang buwan. I'm now eighteen and soon to be mom. Great! Wala naman akong pinagsisihan. I'm just worried about my child. Paano ko siya mabubuhay? Paano ko siya papalakihin? Kasi ako mimso, hindi napalaki ng mga magulang ko. That's my greatest fear. Ang sigurado lang ako ay hindi ko pababayaan ang anak ko. "Syempre, manganganak na kaya ako." Sagot ko. Kabuwanan ko din at pwede na ako manganak anytime soon. " I know." Sagot ni Raffy habang himas pa din ang tyan ko. "Feeling ko nga mas excited kapa sa akin." Natatawa kong sagot. Ngumiti si Raffy. Simula ng dumating kami dito ay malaki ang pinagbago ni Raffy. Mas naging matured na siya at seryoso na nag aaral. "Of course. Who wouldn't be excited to see our baby?" Sagot niya. He looks so genuine and innocent. Siguro, kung si Raffy nalang ang minahal ko ay masaya siguro ako ngaun. Hindi naman natuturuan ang puso. At hindi ko naman pinagsisihan na minahal ko si Raj. Pero, alam ko na ngaun kung hanggang saan lang. Our baby. Natigilan ako. The feeling is overwhelming na mahal nila ang anak ko. Hindi ko din maiwasan na humanga kay Raffy. Ever since, hindi ako hinusgahan ni Raffy. All he did is take care of me and my baby. Ngumiti ako sa kanya at nagsimulang magtimpla ng hot chocolate. Napatingin pa ako kay Raffy na nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone. "Here," inabot ko ang tasa kasabay ng tinapay na binake ko kanina. "Thanks." He said. Malaki ang ngiti sa labi. Tumingin sa akin si Raffy, tila ba may gustong sabihin. "Bakit?" Tanong ko. He sighed and looked at me again. "Do you want news about Raj?" Salita niya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kumakalabog ng husto ang puso ko. Maybe, even if we don't see each other anymore. Or kahit kalimutan ko si Raj. I can't. Because our baby will always be our strings. Hindi ako nagsalita. Lumagok muna ng hot chocolate si Raffy at kumagat ng tinapay. "This is good." Sabi niya. Ngumiti lang ako ng tipid. "Raj, isn't married. He is currently in San Francisco with Devone Bree Dela Fuente. They are not married but they are together." Salita ni Raffy. Bitterness dripped all over me. Tumango ako at pilit na tinatago ang sakit. Kasi, kahit alam kong hindi kasal si Raj, hindi pa din ako ang pipiliin niya. "Did he tricked you?" Tanong ni Raffy. Simula ng nalaman nila ang totoo, hindi nagtanong si Alice or Raffy ng kahit ano sa akin about kay Raj. Maybe they think it was painful for me to ask. Umiling ako. " Alam ko naman may mahal siyang iba." Sagot ko. Pero, hindi ko mapailawanag sa sarili kung bakit may parte sa akin na naininiwala na kahit papaano, minahal ako ni Raj. "How this happened? You got pregnant, Gotica. Pinaniwala kaba niya na mahal ka niya? Pinaasa ka?" Nagugulong tanong ni Raffy. "Alam kong may feelings ka sa kanya. Pero bakit pumayag ka na--" tumingin siya sa tyan ko. Puno ng panghihinayang ang mukha niya pero puno ng pag aalala ang boses niya. Huminga ako ng malalim at hinimas ang tyan ko. "Naniniwala ako na kayang magmahal ng isang tao ng sabay. Sa magkaibang paraan nga lang. Palaging may nauuna. Palaging may mas nakakalamang." Sagot ko. Nanatiling nakatangin sa akin si Raffy. Hindi siya nagsalita pero nakitaan ko ng galit ang mga mata niya. "You don't deserve that kind of love." He said. I smiled bitterly. Kung hindi ko deserve ng ganun pagmamahal, ano ang deserve ko? Kasi kahit ako hindi ko alam. Pinagpatuloy niya ang pagkain ng napangiwi ako. Bigla nalang ang pagsakit ng balakang ko. "Raffy.." tawag ko sa kanya. Bigla akong pinawisan ng tumindi ng tumindi ang hilab ng tyan ko. "What is happening?" Medyo natatarantang salita ni Raffy. " I think the baby is coming out." Sagot ko. Bigla nalang may bumuhos na tubig galing sa p********e ko. Raffy take me to the hospital in an instant. He was so relax kahit butil butil na din ang pawis niya. "We need the patient's info." Sabi ng nurse na sumalubong sa amin. Medyo hindi na ako makasalita at tawa dahil sa sakit na nadadama. "You are the husband?" Tanong ng nurse. Pumikit ng mariin si Raffy at nagmura. "Damn it! Yes I'm the husband and the daddy. Happy? " iritadong salita niya. Nang matapos siya ay isinakay ako sa stretcher. Raffy is holding my hand. "You are not allowed inside." Pigil sa kanya ng nurse. Isang mura ulit ang pinakawalan niya. I feel so groggy. " Be strong. I'm just here outside. Iloveyou Gotica." Salita ni Raffy sabay halik sa noo ko hanggang tuluyan na akong ipasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD