To Raffy
Are you still mad? I need you now. Please.
Isang buwan na ang nakalipas ng huli akong kausapin ni Raffy. I feel so lost. Hindi ko na din matawagan si Raj pagkatapos ng gabi na iyon.
I tried to reach him pero wala talaga akong mapala. Pati ang kaibigan niyang si Kaio ay ayaw naman magsalita. Hindi naman ako maghahabol sa kanya. I just to know if he's okay dahil mamatay na ako sa sobrang pag aalala.
Napabuga ako sa hangin at sumalampak sa sofa. Christmas sembreak namin ngaun. Ang lahat ay nag eenjoy sa bakasyon nila habang ako ay hindi manlang magkaroon kahit kapayaan manlang.
Tumunog ang bell na ginagamit ni tita Salve when she needs something. She is bedridden now. She can't even lift a glass of water to serve herself. Imagine how fast it happened in a month. Hindi ko siya kayang makita na ganito pero nilalakasan ko ang loob ko para sa amin.
Gusto ko na sumuko pero hindi ko kaya. Masyado kong mahal si tita. Kailangan ko muna isantabi ang personal kong problema na ako din naman ang may gawa.
Wala akong makuhang tulong sa mga magulang. Si mommy ay nasa ibang bansa ngaun kasama ang mga anak niya para doon mag aral at manirahan. Si daddy naman ay nagretiro sa pulitika at tumira na din sa ibang bansa. Ni isa sa kanila ay walang nakaalala kahit na pangangamusta manlang.
Even then, wala na kaming nakuhang balita o ano pa man sa kanila. Ang tanging bumubuhay nalang sa amin ay ang perang naipon ni tita Salve na halos ubos na. Hindi ko naman kayang pag sabayin ang pag aaral at trabaho. Isa pa, I'm just 17, san ako hahanap ng trabaho. At kapag naman may nahanap ako, sino ang mag aalaga kay tita Salve?
Hindi ko alam kung malas ako o sumpa. Simula yata lumabas ako sa mundo ay hindi na ako nakaramdam ng kapayapaan.
I went to tita Salve's room to ask for what's she needs. Pag dating ko sa roon ay medyo napahinto ako ng makaramdam ako ng pagbaligtad ng sikmura at pagkahilo. Panlalamig sa buong katawan at takot ang naramdaman.
Nang maayos na ako ay tinuloy ko ang pag pasok sa kwarto ni tita. Her bell fell on the floor while I guess she is in a deep sleep.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng makaramdam naman ako ng hilo dala marahil ng pagyuko.
Lumipas ang oras at nagawa ko na ang lahat ng gawain bahay. I just felt weird dala ng katahimikan.
Tinignan ko ang cellphone ko pero wala manlang mensahe kahit kanino. I even stalk Rajan, Raff and Jace profile but they are not all active.
Nanlumo akong binaba ang cellphone at nagpatuloy sa mga ginagawa.
Napagpasyahan ko na kumuha ng pagkain para dalin kay tita Salve. Bago ako umakyat. Tumunog ulit ang cellphone ko. I hurriedly went to it but it was just another bill.
Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pantustos o pambayad ng mga bills. I can't contact either of my parents. I don't have anything. Ang pera ni tita ay halos ubos na din.
"Tita," salita ko ng mailapag ko ang tray nang pagkain. Tinitigan ko si tita Salve na ganun pa din ang posisyon simula kanina. I don't know there's a part of me literally broke.
Nanginginig akong hinawakan siya. Isa isang tumulo ang luha ko ng malamig na si tita Salve at matigas. I know this is going to happen pero bakit ngaun? Bakit agad agad?
I stayed calm tho. Tahimik akong umiyak sa kawawang ina inahan ko na wala na ngaun. Sumalampak ako sa tabi ng kama. The grief, loneliness and being alone pains me looking at her. Paano na ako ngaun? Kahit pala hinanda ko ang sarili ko ay hindi ko pa din pala maalis na matakot at masaktan ng ganito.
Walang tumatakbo sa isip ko kundi takot. How can I handle this all? Patuloy akong umiyak. Nang mahimasmasan ako ay nag isip ako ng dapat gawin.
I dialed Raffy's number but I think he changed his it. Wala na akong choice, tinawagan ko si Raj but his phone is also dead.
Nauubos na ang pag asa ko. Nauubos na dahil wala ni isa sa kanila ang nadito ngaun. Umasa ako, pinaasa ko sarili ko na may taong mananatili sa tabi ko sa lahat ng panahon. Ganon ba ako kahirap mahalin?
Nanatili akong kalmado kahit pakiramdam ko ay winawasak ako ng mundo ngaun. I'm just 17 and officially an orphan and broken.
Pinahid ko ang mga luha. Hindi ko alam ang gagawin kaya tumunganga ako habang tahimik na umiiyak sa harap ni tita Salve.
Pumikit ako at nagdasal. Nagdasal na sana ay makayanan ko itong pinagdadanan. I just lost everything and I don't know how to stand up and carry on.
Halos kalahating oras akong nakatunganga ng tumunog ang cellphone ko. It was Alice.
"Hi---" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng makita niya ang pag iyak ko.
"Oh my God! Tita.." napatakip siya ng bibig hanggang nagtuluan ang luha ni Alice. Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin habang patuloy ang akin pagluha.
"Sino kasama mo? Paano gagawin mo?" Sunod sunod ang tanong niya sa akin. Nakatulala ako sa kanya. Tila ba walang pumapasok sa isip ko na positibo ngaun.
Lungkot, awa, at pagkataranta ang nakikita ko kay Alice.
"Wait, I'll hang up. Tatawagan ko si Raf." She said hanggang tuluyan na siyang nawala. Hinayaan ko siyang ibaba ang tawag. Nanatili ako sa tabi ni tita at patuloy sa pag iyak.
Why is this happening to me? As much as I don't want to lose my faith with him, parang ayaw ko na maniwala. Bakit mo sa akin pinadanas ang lahat ng sakit at hirap? Bakit ako lang? Bakit sakin lang? Puro panunumbat ang sinasabi ko dala ng matinding emosyon. I'm not mad, pero puno ng tanong ang utak kung bakit sa akin niya ito pinaranas.
"Icai!" Napatingin ako kay Raffy na mabilis lang nakarating. He stared at me and I saw how his tears fall. Hindi ako nagsalita o gumalaw. Hinayaan ko siyang yakapin ako at tahimik na umiyak.
Kasunod niya ang kasambahay nila at driver marahil pinapunta din ni Alice.
"I'm sorry, I shouldn't ignore you." Salita niya. Patong patong ang sakit na pumupukpok sa puso ko. Nangingibabaw ang takot at awa para sa sarili. Manhid na manhid ang pakiramdam ko.
Nang halos mag uumaga na ay dumami ang tao. Kasama na doon ang pagkuha kay tita Salve para ayusin ang kanyang katawan.
"Icai, magpahinga ka muna." Salita ng kasambahay nila Alice at Raffy. Tumingin lang ako sa kanya ngunit hindi nagsalita.
My thoughts are all over the places. Hindi ko alam ang uunahin. Sa takot at sakit, tila ba wala na akong maramdaman at maiisip. Ayaw maf function ng pagkatao ko sa sobrang daming hirap na kinahaharapan ngaun.
"Gusto mo kumain?"tanong ni Raffy. Umiling ako at tumayo. Pumikit ako ulit ng mariin ng makaramdam ng hapo at pagkahilo hanggang nawalan ako ng malay.
Tahimik ang bahay ng magising ako. Maghahapon na pero hapo at pagod pa din ang pakiramdam ko.
Pumasok ako sa banyo para maligo. Natigilan ako at takot ulit ang naramdaman ng maalala na hindi pa ako dinadatnan ng buwanan dalaw. I closed my fist to calm myself. Naalala ko na mayroong pregnancy test na nakatabi si tita Salve sa kanyang silid.
Mabilis ko itong kinuha para gamitin. I waited for five minutes after I dropped my urine on it. Dalawang pulang linya ang lumitaw. Tulala ako nakatingin sa kit at nagsimula ulit akong umiyak. How..
"Icai?" Narining kong sigaw ni Raffy. Mabilis kong itinago ang pegnancy kit at lumabas sa banyo.
The thought of losing tita Salve and gaining my baby both hurt me. Paano ko bubuhayin ang bata? Paano kaking dalawa?
Hindi ko alam paano ko nalagpasan ang nakaraan buwan sa buhay ko. Nailibing na si tita Salve at dalawang buwan na ang tyan ko. Naputulan ako ng kuryente at tubig at maririmata na ang bahay na isinanla pala ni tita Salve.
Kadiliman ang bumabalot sa akin. Hinimas ko ang tyan ko at muling umiyak. "I don't know how will we survive. I'm scared." Salita ko habang himas ang tiyan.
Araw araw pinipilit ako ni Raffy na lumipat sa kanila. Maging ang mga magulang ni Alice at si Alice ay pilit akong kinukuha.
Hindi ako sumama. Wala akong lakas ng loob at kapal ng mukha na ihaharap sa kanila kapag nalaman nila na buntis ako.
Huminahon ako at kinalma ang sarili. I decided to go to Raj house which is also inside the subdivision. Sasabihin ko sa kanya ang kalagayan ko and maybe I'm hoping that he will help me like he always do. Kahit pansamantala.
Tahimik akong akong naglakad. Bumungad sa akin ang pinakamalaki at modernong bahay sa subdivision. Kabang kaba ako at halos hindi maihakbang ang mga paa nang nasa tapat na ako nito.
"Si Raj po?" Bati ko sa guard na nagbabantay sa labas ng mansyon nila. Their house occupied the whole street and their house was immensely huge.
"Sino ka ineng?" The guard said. Kumirot ang puso ko sa kaalaman na ako lang pala ang nakakaalam na malapit ako kay Raj. Sa mundo niya, nasa ilalim pala ako noon at nakatago.
"Kaibigan po." Sagot ko. Tumingin pa sa akin ang guard mula ulo hanggang paa hanggang napakunot ang kanyang noo.
"Sigurado ka?" He said almost laughing. Tila ba isa akong joke sa kanya.
Bigo akong tumalikod sa kanya. Wala na akong lakas magpaliwanag kung paano ko nakilala si Raj. Natigilan lang ako ng may bumusinang sasakyan sa gate nila. Nakatitig ako sa babae na binaba ang salamin ng bintana at kinausap ang guard.
Mommy ni Raj. I've met her once. She is so beautiful and full of elegance. Madrama siyang bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa akin.
Bigla akong napahawak sa tiyan ko. Takot ang umusbong sa akin sa bawat hakbang niya palapit sa akin.
"The guard said you are looking for my son?" She said. Walang bakas ng humor o kahit ano.
Tumango ako. Tila ba nalunok ang dila sa tindi ng takot na nadadama. She is so intimidating.
"Sino ka?" She asked again.
"Gotica po," sagot ko. Nanliit ang mga mata ng mommy ni Raj na tila ba nag iisip. Ilang segundo ay nanlaki ang mga mata niya at nakitaan ko ng galit.
"The bastard daughter of Senator Gatchalian?" She said almost hesterical. Her vulgarity somehow weakened me. At sa tunog ng salita niya ay halatang hindi niya ako gusto.
Hindi ako sumagot. How she even know that anyway? Wala naman nagkumpirma o umamin ni isa sa mga magulang ko. Hindi ako kumibo. Tumaas ang kilay ng mommy ni Raj. Her face is the evident of disliking me so much.
"Ano kailangan mo sa anak ko?" Tanong niya ulit. Huminga ako ng malalim at matapang siyang tinignan.
"Buntis po ako sa anak ni Raj." Sagot ko. Hindi kumukurap. Raj mom's eyes widened. Nang makabawi ito ay nakitaan ko ng mas matinding galit ang mga mata niya.
"That's imposible! Sinungaling! Bastarda kana, sinungaling kapa!" She shouted shamelessly. Napapikit ako sa sobrang takot.
"I never see you near my son and he never mention you to me. How is this possible? Wag kang gumawa ng kwento. And if you are looking for Raj, you can't find him. He'a getting married to a Dela Fuente. Wag kang ambisyosa!" She lost her self.
Halos habulin na niya ang hininga niya sa galit. " Lumayas ka dito!! You will never fit in our world. Hinding hindi ka makakapasok sa mundo na ito!" Sigaw niya.
Tumingin siya sa mga body guard na mabilis akong pinagtabuyan. Halos madapa ako at masubsob sa damuhan sa pagtulak nila sa akin.
Alam kong mahirap ako. Pero hindi ko inaasahan ang ganito. Respect is basic human decency. Wala naman akong ginawang masama. Bakit ganun kagalit ang mommy ni Raj? Hindi ko maintindihan.
Walang luha ang pumatak sa akin. Marahil ay napagod na at naubos sa araw araw na pag iyak. Hinawakan ko ang tyan ko. Awang awa sa anak ko na hindi pa man lumalabas ay pinagkaitan na ng mundo.
"Icai!" Nagulat ako ng makita si Alice kasama si Raffy na dala dala ang mga maleta ko.
"Saan ka galing? Ayos ka lang?" She asked worriedly. Ang makita si Alice ngaun ay nagpagaan ng pakiramdam ko.
Yumakap ako sa kanya at umiyak ng umiyak. Sakit, takot at galit ang tanging nararamdaman ko.
"Saan niyo dadalin ang gamit ko?" Tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa.
"I can't stay here long. So isasama ko kayo ni Raffy sa Australia. I was so worried Icai. Malayo lang ako pero pamilya mo ako." She said. Hanggang nagpatianod nalang ako sa kanila.