OUR STRINGS- 6

2056 Words
Life was never easy to people that making their lives complicated. Kagaya ko, ano pa nga ba hinahanap ko? There are people who's here and taking care of me even if I'm not asking for it. Pero kahit pasaway ako at paulit ulit ko sila tinataboy ay nanatili pa din sila sa tabi ko. But like I've said. May kanya kanya tayong prinsipyo at pinagdadaanan. And being a human, it's us how we handle our different struggles in life. Sa akin, maybe my way is not the good thing to do pero dito nalalabas yung mga baggage ko sa buhay. It was my half year of my 16th year being a teenager. Meron mga taong nawala pero mayroon din taong nanatili. Alice left me because her family went to Australia for her parents job. It was very painful for me na isang pamilya ko ang nawala. But I'm indeed happy for her kasi nabuo naman ang sa kanya. Masaya ako na kahit nagkalayo kami ni Alice ay buhay naman niya ang umayos. Though, Raffy is still here because his parents think that he is more better here. Hindi katulad noon, wala nang bagsak na grade si Raffy at hindi na masyadong gala ngaun. Sa panahon na dumaan, naging matalik na kaibigan ko din si Jace. Rajan, he's still here too. But not like before he's more focus on his studies because it is his final year. Years passed at natanggap ko na isa akong bata nakalubog sa iba niyang mundo. Kasama ng paglubog na iyon ay pagtatago ko ng nararamdaman sa kanya. I accepted the fact that he will never like me. I admitted to my self my real feelings for him. But then, siguro, may mga bagay talaga na hindi para sa atin. Lalo na ngaun, I've heard na hindi na sila maayos ng kapatid ni Kaio because of this girl who recently transfered here, Astrid. "Gotica, tara na!" Sigaw ni Jace at Raffy. Ngumuso ako at tumango sa dalawa. Sa taong ito, hindi ko pa nakikita ni isa sa magulang ko. But unlike before, mas natutunan ko na tanggapin iyon. Mas magaan na ang loob ko na wala sila sa mga importanteng kaganapan sa buhay ko. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa dalawa na halos lumipad na sa bilis ng lakad. "Sa Illustre's. " sagot ni Jace. Natigilan ako sa paglalakad dahil sa narinig. Jace and Raffy knows that clothing line is owned by my mom. How could they do this to me? "Tigil tigilan niyo akong dalawa ha! Hindi kayo nakakatawa." Sagot ko sabay simangot. Hindi naman sa first time kong pupunta doon. The first time na pumunta ako doon ay nandoon ang mommy ko kasama ang dalawa niyang anak na  babae. It was painful for me to see how she takes care of them, while she can't even ackowledge me as her child. Nakakaselos, nakakababa ng sarili. Minsan naiisip ko kung anong meron ako ng wala sila. Dahil sa pag iisip na iyon, natutunan ko tanggapin na isa lang ako bunga ng pagkakasala ng mga magulang ko sa mga pamilya nila. It's just so unfair to me kase naiwan ako mag isa. Nagdusa sa kasalanan nila na wala naman ako kinalaman. Hinawakan ni Raffy ang kamay ko kaya bahagya akong natigilan. Wala naman kaming commitment o ano man ni Raffy, in short wala kaming label but I'm fine with it. Sila ni Jace ang nasa tabi ko nung mga panahon na pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng mundo. Mga panahon na pakiramdam ko ay mag isa ako. "We are going to fit my suit. Alam mo naman na birthday ni Betina bukas diba?" Si Jace ang sumagot habang nakatingin sa kamay namin ni Raffy. For some reasons unti unti akong bumitaw sa kamay ni Raffy. I don't know why but I really feel awkward infront of Jace kapag may time na clingy si Raffy. Pakiramdam ko kase ay hinahayaan ko si Raffy gayun nagtapat sakin si Jace ng feelings. It's also respect for him. Umiling ako sa iniisip. Hindi lang ako makapaniwala na sa batang edad ko ay natuto ako ng ibang bagay. And every experience, I considered it as learning. "Are you invited?" Tanong ni Raffy kay Jace. Si Betina kasi ang kapatid ni Jace sa daddy niya. Well.. I know Betina dahil kaibigan siya ng kapatid ni Kiao. "Betina did invite me," sagot ni Jace. Patuloy kaming naglakad sa kahabaan ng hall way papunta sa may parking. Nakatingin lang ako kay Jace habang naglalakad. Tumahimik siya habang nakakunot ang noo at diretso ang tingin sa daan. Si Raffy naman ay may kung anong ginagawa sa cellphone niya. "Are you okay?" Tanong ko kay Jace. Bahagya ko pang binilisan ang lakad ko para maabutan ko siya. "In between okay and not okay," He honestly said. Tumango ako sa kanya. That's the thing I like about the guys here with me. There are so honest to me that somehow I feel that they are my family. Natatawa pa ako habang naalala ang mga kabalustugan namin noon at pang bubully ni Jace sa akin. Sino ang mag aakala na magiging ganito kami. "So sasama ka?" Tanong ni Jace sa akin. I sighed heavily and nodded. "Pwede naman hindi. " sagot naman ni Raffy. Sinamaan ko siya ng tingin. Sometimes sa sobrang honest ni Raffy, he forgot to be sensitive at times. "Pwede naman sa sasakyan lang ako." Ngumiti akoto assure them that it's fine. "So it's a good deal to us." They both agreed with my deal. Wala naman sila magagawa. It's either maiwan ako sa sasakyan o hindi talaga ako sumama sa kanilang dalawa. Nang padating kami sa parking ay natigilan ako. Alam kong nakita nila iyon kaya natigilan din sila. It was Raj, holding a box. A designer one, at nakakatawa because it's from Illustre's. Lumunok ako ng matikas siyang naglakad sa papunta sa gawi namin. Humangin ng bahagya kaya bumakat ang perpektong katawan niya sa fitted na top na suot niya. He smiled to everyone kaya nadepina ang perpektong panga niya. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kasing bilis ng t***k simula noon. I really admire Raj. But at the end of the day kailangan ko tanggapin that I will never ever have him. "Halika," hinawakan ulit ni Raffy ang kamay ko ng halos katapat na namin siya. Rajan walked confidently. He's a breath taker. Siya yung tipo na walang pakialam sa atensyon ng tao sa paligid niya. Sa dami ng nakatingin sa kanya ay wala manlang siyang pinansin. Hindi nga lang ako sigurado kung napansin niya iyon o wala lang talaga siyang pakialam. Napahinto bahagya si Raj nang matapat sa amin. Nakita ko kung paano niya tinignan ang kamay namin ni Raffy na magkahawak. I don't know pero pakiramdam ko ay nawalan ng lakas ang katawan ko para bawiin ang kamay ko kay Raffy. And part of me felt guilty. Hindi ko naman alam kung bakit. Saglit na nag igting ang panga ni Raj. "How are you?" He asked me still looking at our hands coldly. Marahan pang umigting ang panga niya. Mabuti nalang at nasa sasakyan ni Jace at nauna. Raj always judge me when I'm with other boys. Binigyan niya ako ng trauma. Takot na magpakita sa kanya kasama ang iba. Takot na baka husgahan niya na naman ako sa bagay na hindi ko naman talaga ginagawa. "Ikaw kamusta?" Tanong ko pabalik. It was so awkward! Buong buhay ko na kasama si Raj ay ngaun ko lang ito naramdaman. Maybe because he has different path now. And may feelings ako sa kanya na higit pa sa isang kaibigan. Nag taas ng tingin si Raj at lumawak ang ngiti. He continued to walk without looking at me. He ignored me reason why my jaw dropped. Tinignan ko ang pupuntahan niya ng mawala ang ngiti ko. Si Astrid, rumors says that Rajan is totally smitten to her. "Tara na," salita ni Raffy habang hinihila ako. Nanatili ako sa pwesto at pinanuod si Raj kung paano iabot ang box kay Astrid with his rare smile. Hindi ko mapigilan na hindi mainggit. Maganda si Astrid but I never thought that Raj would be fond of her. Don't get me wrong, she looks plain, innocent and simple na alam kong hindi magugustuhan ng mommy ni Raj. I've met her mom, a certified elite. Inshort, Astrid will never fit in his world. His mom will never allow her to enter their world. It was painful for me that he has new girl and still wasn't me. I envy Astrid because Raj is so willing to shout his love for the girl without her asking. Ako, nandito. Malayong humahanga nalang sa kanya. Nasasaktan. Na-iingit. Pagkatapos namin kuhanin ang suit ni Jace ay umuwi na ako sa bahay. Nawala ako sa mood dahil sa imahe sa utak kung paano ngumiti si Raj kanina. I never seen him that happy kahit pa kay Bree noon. "Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni tita Salve. Naisipan ko kasi maglakad lakad muna para makapag isip. Napatingin ako kay tita Salve. Maputi na ang buhok niya at medyo mahina na talaga tignan. Nagkaroon kasi siya ng karamdaman ng bumungad ang taon at hindi pa din nakakabawi ang katawan niya hanggang ngaun. "Maglalakad lang po, babalik din ako agad," hinalikan ko ang noo ni tita. "Umupo nalang ikaw jan tita at magpahinga." Mag aala-sais y medya na kaya bahagya ng madilim ang langit. Napayakap pa ako sa akin sarili ng maramdaman ang lamig. Umikot ako sa subdivision namin. I don't know but I find peace in here walking alone. Tahimik kasi ang lugar kaya magkakaroon ka ng oras mag muni muni. "Why are you here?" Halos mapalundag ako sa gulat ng lumitaw si Raj sa gilid ko. Napapikit pa ako ng mariin ng malanghap ang bango niya na humalimuyak sa hangin na hinihinga ko. Ang dalawang kamay niya ay parehong nakapasok sa magkabilang bulsa. Ngumuso ako at pilit na kinalma ang sarili. "Ikaw, bakit ka nadito?" Tanong ko pabalik at nagpatuloy maglakad. Unti unti ay napapanatag ako sa presenya niya. Patuloy na sumunod sa akin si Raj. "Lately, kapag tinanong kita, tanong din ang sagot mo." He said serious sabay igting ng panga. Bahagya akong nag iwas ng tingin sa kanya ng halos lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok. Mukang wala nang lunas ang paghanga ko sa kanya. Para siyang kumunoy na patuloy akong nilalamon hanggang lumubog ako ng tuluyan. "Uh, I really don't know what to say, I guess??" Sagot ko sabay kagat ng pang ibabang labi. Ang pagka-ilang ko na naglaho ay bumalik na naman. Walang kakurapkurap akong tinitigan ni Raj. "You were not like that. You used to tell me stories and your day." He said. Nakitaan ko ng sakit ang mga mata niya na agad din nawala.  I know.. I'm just scared that he's not interested with my stories anymore. "Everything's changed." Sagot ko. Nag-igting ulit ang panga niya. "I know you are busy with your thing so sinanay ko ang sarili ko na wala ka." Sagot ko. Patuloy akong naglakad. Gusto ko pang bigyan ng award ang sarili ko sa sobrang pagka martyr ko. Pakiramdam ko ay sobrang bitter ko pero hindi ko na mababawi ang sinabi ko. "Nandito pa din ako," he said softly na tila ba tinitimbang ako. Tumango lang ako sa kanya at bahagyang ngumiti. "I know." Sagot ko. This is the most awkward converstion with him. Hindi nga lang ako sigurado kung ako lang ang nakakaramdam nun. The silence between us was deafening. Hindi ko na din alam kung anong salita ang sasabihin ko. "So, boyfriend mo si Raffy?" Basag niya sa katahimikan namin. "Hindi ah!" Mabilis akong umiling. Sinamahan pa ng kaba na baka husgahan na naman niya ako. Tumango si Raj at pumikit ng mariin. Nang  nasa tapat na ako ng bahay ay huminga ako ng malalim. Nagpapasalamat din ako kay Raj dahil tahimik lang siyang naglakad at sumabay sa akin. "Uh, pasok na ako." Salita kong naiilang. Bumuka ang bibig niya pero sinara din ng mabilis. "Ano, salamat pala sa pagsama. Mag iingat ka." Sagot ko sabay ngiti. Hindi nga lang ako sigurado kung anong ngiti ang binigay ko. Nakatingin pa din siya sabay buntong hininga. " No problem. You keep safe too. And, I missed you, Gotica." He said then left me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD