OUR STRINGS- 5

2029 Words
"Wake up!" Sigaw ni Raffy habang hila ang kumot ko. Si Alice naman ay abala sa pagkalkal ng closet ko. Binaluktot ko lalo ang sarili sa loob ng kumot habang panay ang hila ni Raffy. "Ano ba!" Patuloy ang pagbawi ko sa kumot.   Sabado ngaun at walang klase. Bakit ba ang aga aga nila dito? Ayokong tumayo. Ayokong gumalaw. Gusto kong ipahinga ang nasugatan kong puso. Hindi niya ako gusto. Wala siyang pagtingin sa akin. Tanging awa lang at habag ang nadadama niya. Umasa ako. Umasa ako na baka kahit sa ka-onting bahagi niya, ay pareho ang nararamdaman niya. Oo, gusto ko si Raj. Sa murang edad ko ay alam ko at naramdaman kong gusto ko siya. Ang malaman na sa paningin niya ay isa akong bata na naliligaw ay nakakapanghina. "Gising na nga, bata!" Hila ulit ni Raffy sa kumot ko. Sabi nga nila, biruin muna ang lasing, wag lang ang bagong gising! Idagdag mo pa na broken hearted ako! "Sinabi nang hindi ako bata! And you know the thing respect? Hindi mo ba nakikita na natutulog pa ako?!" Bulyaw ko. Si Alice na nagkakalkal ng damit ko ay biglang natigilan. Si Raffy naman ay literal na nalaglag ang panga habang mabilis na napaatras.   "Okay, sorry." Nawala ang kulay ng mukha ni Raffy. Hindi ko naman siya masisi dahil ngaun niya lang nakita ang side ko na to'. "Bakit mo kasi ginising?" Malumanay na salita ni Alice. Hilaw siyang ngumiti sa akin habang tinitigan ng masama si Raffy. Ibang iba na si Alice sa paglipas ng panahon. Ibang iba sa akin. Sopistikadang manamit at kumilos. Maganda ang grado sa skwela at madaming kaibigan. " Icai, sorry kay Raffy ha?  I wont bring him again next time." Hilaw pa din ang ngiti niya. Tila ba natatakot. Tumingin ulit siya kay Raffy na mukha pa din gulantang. "Umuwi ka na nga!" Taboy nito sa pinsan. Napabuga ako ng hangin at bahagyang nakonsenya sa itsura ni Raffy.  Ganun pa man, I'm not in the mood para sa kakulitan niya. Hindi ako bastos para pigilan si Alice na paalisin siya pero hindi ko din gusto ang presensya niya sa ngaun. Worried is all over his face. Yumuko ako para hindi makaramdam ng habag. Huminga ng malalim si Raffy sabay labas ng silid ko. " Sorry, Gotica." Damang dama ko ang sinseridad sa boses niya. Hindi ako sumagot o ano. Hinayaan ko siyang lumabas. Pagsara ni Alice ng pinto ay mabilis niya akong nilapitan at binatukan. "Aray!" Daing ko. "Ano yun ha?" Madrama siyang umirap sabay balik sa closet ko. " Wala," sagot ko sabay himas ng parte ng ulo ko na binatukan niya. Nakatitig ako kay Alice habang naghahanap pa din ng damit. Through the years, I never imagine that Alice would be like this. "Sus, may narinig ako kay Raf," salita niya na sa closet ko pa din ang mga mata niya. Napamura ako ng mahina. "He's so nosy. Wag kang maniwala sa kanya!" Sagot ko. Kinusot ko ang mga mata at pinusod ang sabog sabog na buhok. Nanliit ulit ang mga mata ni Alice habang tinitignan ako. "Better be sure, Icai. I hope everything is in control. I know you are not dumb to know where you stand." Ngumiti ng malungkot si Alice sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim at nag iwas ako ng tingin. Tinuloy niya ang ginagawa. Bumaba muna ako para sa kumain ng tanghalian. Hindi ko namalayan na mag aalas dos na pala ng hapon. Kaya pala matindi na ang pagkulo ng aking tyan. Pag dating ko sa kitchen ay may kung anong ginagawa si tita Salve. "Oh, gising kana pala. Kumain kana." Salita niya ng makita ako. Nilamas niya ang mga lacatan na saging at binuhos sa isang bowl. "Nanjan pala kanina si Raj," salita ulit ni tita Salve. Mabilis akong napalingon sa kanya ang murang puso ko ay parang napupunit na naman. "Ano po sabi?" Nagkunwari akong naghahanap ng pagkain sa loob ng ref. Napanganga pa ako ng makakita ako ng dalawang bagel at dalawang cup ng hot chocolate. "Wala naman. Hinanap ka lang. Sinabi ko nalanag na tulog kapa. Nag iwan din siya ng bagel at hot chocolate. Nanjan sa loob ng ref." Tumango ako sa kanya. Patuloy na naghalo si tita Salve. Kinuha ko ang phone ko para tignan ang mga messages. Unang lumabas ang message ni Raffy na inignora ko. Tahimik kong binuksan ang messages ni Raj. From Raj Tulog kapa? Papunta ako. Sorry to missed your bagel and hot choco yesterday. I brought you double today though. Have a great day to you! Ngumuso ako ng ilang segundo. Pinoproseso ang mensahe niya. This is the most thing I like with him. He is true to his words at napaka-thoughtful niya. Hindi naman ako pwede kiligin dahil wala naman nakakakilig sa ginagawa niya. Siguro, kailangan kong kimkimin yung nararamdaman ko sa kanya. Na kahit ako mismo ay hindi sinasadyang maramdaman. Unang dahilan ko na din ay alam kong hindi ako ang tipo niya. Para sa kanya ay isa lang akong bata na kailangan ng aruga at pagkalinga. Kailangan kong intindihin ang mundo niya. Kung iyon lang ang paraan para mahawakan siya at manatili siya sa buhay ko, iignorahin ko nalang yung feelings ko. Hindi ako dapat umasa sa kanya. Una palang ay alam kong hindi niya talaga ako tipo at wala akong mapapala sa kanya. I should not put any meaning to his actions kasi para sa kanya normal lang iyon. Sa huli, pinili ko nalang wag siyang replayan. My heart still wounded. Kahit tanggap ko iyon at aksidenteng narinig, masakit pa din. Pagkatapos kong kumain ay binalikan ko si Alice na nakahiga na ngaun sa kama ko habang may katext. " Done?" Bungad niya pag pasok ko. Tumango ako sa kanya. "Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sabay upo sa tabi niya. Napaayos ng upo si Alice."Nakalimutan mo?" Tanong niya na tila ba nalungkot at dismayado. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Alin?" Tanong kong nagtataka. Madrama siyang umirap."So, nakalimutan mo nga. Birthday ko ngaun." Her voice is in between hurt and dismay. I was speechless! Nakalimutan ko nga! Ngumuso ako. "Sorry, I was just busy." Sagot ko. Pilit kong kinukumbinsi si Alice na busy lang ako kaya ko iyon nakalimutan. "This is the first time you forgot my birthday! How could you!" Dismayado pa din siya kaya napabuntong hininga nalang ako at hindi na sumagot pa. "Anyway, pinili ko na isusuot mo." "Ha?" Nagtatakang tanong ko. Muli, umirap si Alice na ngaun ay tila sobra na ang pagkairita. "May party ako Gotica!" Iritado na talaga siya at tsaka ako nilayasan. Napahampas ako sa noo. Sa dami dami kong pwede kalimutan ay ang kaarawan pa ng matalik na kaibigan. From Raj Are you coming? Biglang mensahe ni Raj. Coming saan? Ni isa sa mensahe niya simula kapahon ay wala akong nireplayan. Wala naman kaming usapan at imposible naman isama niya ako sa totoong mundo niya. Nahiga ako ulit at naghintay ng oras para ayusin ang aking sarili. Alas kuatro y media na ng napagpasyahan ayusin ang sarili. Tumunog ulit ang cellphone ko. Napatitig ako sa message ni Jace. We are not talking since last year. Why would he message me now? From Jace Can you come over? This is emergency Gotica. I need help. Help? Why me? Ang pag kakaalam ko ay masyado pa siyang bitter simula nung hindi na kami. To Jace Ha? What emergency? I have something to do. From Jace Sorry, I'm just around your area. Please. May kung ano sa sarili ko ang nabagabag. Tinanong ko ang eksaktong lugar kung nasaan siya at mabilis pinuntahan. Hindi naman kalayuan. Sa labas lang ng subdivision nakapark ang kanyang sasakyan. He can drive alone. Perks na din niya  siguro dahil sa estado nila sa buhay. "Thank you," bungad niya sa akin. Bumuntong hininga ako at sumandal sa tabi ng sasakyan niyang nakaparada. Mabuti nalang din at malayo sa main road ang b****a ng subdivision. "Kapag ako niloloko mo-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang umiyak si Jace. My jaw dropped. Totoo ang pag iyak niya at ramdam mong may dinadala. "Galing ako kila papa, I was excited to greet him personally dahil birthday niya pero pinagtabuyan ako ng mga body guards niya. It sucks Gotica!" He suddenly said.  Parang bata na patuloy na pag iyak si Jace. Nakatitig ako sa kanya. May bahagi sa akin ang nahahabag para sa kanya. Alam na alam ko ang pakiramdam na ipagtabuyan ka ng sariling mga magulang. At sa panahon ito naiintindihan ko siya. It was so painful.  "Bakit mo sa akin sinasabi iyan?" Though, I'm still wondering. Hindi na kami nagkausap ni Jace since then. Para siyang bata na tumingin sa akin. His eyes is evidence of what it feels to be in real deep pain. Sa batang edad. Kailangan namin pagdaanan ang ganitong pakiramdam. I'm telling you, it sucks bigtime. "Kasi alam kong ikaw lang ang makakaintindi sa akin." He said nonchantly. "All I want is to greet him. He is happy with his family. Pero anak niya din naman ako diba? Bakit ganon?" He said and continued to cry. Nanlambot ako. Hindi ko din siya masagot dahil kahit ako sa sarili ko ay iyan din ang tanong ko. Ang langit ay madilim na at iilan nalang ang dumadaan sa lugar. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang niyakap. Hindi ko man masagot ang tanong niya. Siguro, gagaan ang pakiramdam niya sa isang yakap ko. "Gotica!" Parehas kaming napabalikwas ni Jace sa isang sigaw. Nagulat ako kay Raj na galit ang mga mata. Si Alice at Raffy ay nakanganga sa likod niya. They were all wearing formal dresses. f**k! I forgot Alice party! Hindi ako makagalaw pati si Jace at natigil sa pag iyak. "What are you doing here?" Halos mapapikit ako sa salita ni Raj. His voice is full of wrath. Ang pag kakagulat ni Alice at Raffy ay napalitan ng pagtataka. Hindi ako makahanap ng salita. Si Jace ay bigla nalang umalis kaya naiwan ako mag isa. "I think we need to go," hila ni Raffy kay Alice. Nung una ay ayaw magpahila ni Alice hanggang nagpakawala siya ng buntong himinga at umalis.  Naiwan kami ni Raj. Patuloy ang pag igting ng kanyang panga. "Kaya wala kang time magreply? You are back at your old habbits?" He said dissapointed. Dismayadong dismayado ang mukha niya. "No, we were-" hindi niya ako pinatapos. Nabalot ako ng kaba at gulat! Why would he even think that? "We were, what?" Public display of affection? Ganon ba?" Salita niyang galit. "No!" Agap ko. Umiling si Raj and smiled bitterly. "Ano pa kulang, Gotica?" Huminahon siya ng bahagya sabay hilot ng bridge ng ilong niya na para bang may mabigat na dinadala. "What are you talking about?" Sagot ko. "I'm trying my best to give the things you are longing. Para mapaayos ka. Para hindi mo sirain ang buhay mo. And yet ayan kapa din? Still filling what's missing? Ano pa kulang?" He sound hurt and dissapointed. "It's Alice birthday today. Yung kaibigan mo na nanjan din palagi seyo. You forgot? Bakit?" He continued his rant. "You are not in my shoes, you will never understand me." Sagot kong matapang sa kanya. "Hindi talaga kita maintindihan kasi hindi mo din naiintindihan ang sarili mo." Pagalit pa din niya sabi. "Ano ba kinakagalit mo? Jace was here asked me for help. Ano gusto mong gawin ko?" Umiling siya. "Bago mo ayusin ang iba, ayusin mo muna buhay mo. That's what we want for you. That's what I want for you. Instead of finding what you don't have, why don't you  focus on what you have?" Kumalma siya ng bahagya. I was dumbfounded. Bakit ang sakit sakit ng mga sinasabi niya? Bakit ang bilis bilis niya ako husgahan. Isang busina ng sasakyan ang nagpalundag sa amin dalawa. Isang Suv ang huminto sa harap niya. Mapanuring mata ni Bree at mga kaibigan niya ang bumungad sa akin. "Dude, c'mon." Nag aalinlangan salita ni Kaio. Bree murmured something kaya napapikit si Raj at mahinang nag mura. "Damn it !" Isang tingin ni Raj sa akin sabay talikod at sumakay ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD