11 years later...
"Queeny Anak! Ayos naba ang lahat ng gamit mo?" Tanong ni Papa sakin ng makita ako nito sa may kusina.
"Opo Pa! Dalawang maleta lang naman iyon" Sagot ko dito na tinanguan nya agad saka na nagtungo sa kwarto ko.
May sarili na akong kwarto simula ng bigyan kami pera nung pamilya nung batang tinulungan ni Papa noon. Malaki laki ang binigay ng mga ito kaya naipagawa namin ang bahay namin at nakapag pundar ng jeep pampasada si Papa para hindi na ito na ngangaso sa gubat.
Ni hindi ko na matandaan ang pangalan ng batang lalake na tinulungan namin noon basta ang pagkakatanda ko ay matanda ito ng isang taon sakin at palagi itong nag iingles noon kaya pinagtatawanan ako ng mga magulang ko sa tuwing maalala namin iyon.
Erase! Erase!
Ako nga po pala si Queeny Delos Reyes. 18 years old at patungo ako ngayon sa maynila para makapag aral ng kolehiyo.
Tinulungan ako ng mga naging guro ko sa National high school para makakuha ng scholarship sa maynila. Matalino daw ako kaya deserve ko ang nakuha ko.
Full scholarship iyon kaya dorm at allowance nalang ang poproblemahin ko. Pwede naman siguro akong mag working student doon para hindi na mahirapan pa sina Mama at Papa na padalhan ako lingguhan o buwanan.
Sakay ng jeep na pampasada ni Papa ay nagtungo agad kami sa terminal kasama si Mama at si Suzie ang bestfriend ko.
"Uy Queen! Sendan mo ako ng pictures ng mga gwapo doon ah!" Kinikilig na bulong ni Suzie sakin kaya napa iling naman ako.
"Baliw! Paano ko gagawin yon? Magnanakaw ako ng picture sakanila? Paano pag nahuli ako?" Tanong ko dito na kina hagikhik nya kaya binalingan kami ng tingin ni Mama na nasa tabi ng pwesto ni Papa sa harapan.
"Ano yan ah?" Pabirong tanong ni Mama kaya natawa kami ni Suzie.
"Wala po Tita. Binibilinan ko lang si Queen na wag muna mag nobyo doon" Sagot ni Suzie kay Mama na kina ngiwi ko.
"Gaga ka talaga!" Singhal na bulong ko dito kaya natawa siya lalo.
Mamimiss ko tuloy ang kakulitan at kabaliwan ng isang ito. Hindi ko din kase sigurado kung may makikilala ba akong gaya ni Suzie sa maynila na mabait kahit loka loka.
Siguro'y puro social at maarte ang mga babae doon base sa mga nababalitan ko sa mga kakilala. Kahit daw hindi mayaman ay nagpapaka feeling social para lang maka level ang mga may class na tao.
Tss! Social climmer!
Isang oras ang naging byahe namin patungong terminal. May kalayuan kase ang baryo namin kaya mahaba haba ang byahe. Ayon kay Mama at aabutin pa daw ng walong oras ang byahe ko pa maynila.
May magsusundo naman sakin na kamag anak ni Papa kaya hindi ako natatakot na maligaw. Sabi ni Mama ay susunduin ako ng pinsan ni Papa na si Tita Merla at ihahatid ako sa tutuluyan kong dorm malapit lang sa unibersidad na papasukan ko.
"Uy Queen! Mag iingat ka doon ah? Lagi mo akong tawagan para lagi akong update sayo" Mangiyak ngiyak na sabi ni Suzie sakin matapos maibaba lahat ni Papa ang bagahe ko.
"Maka emote to! Uuwi naman ako pag bakasyon no! May Internet naman anytime ay pwede tayong mag video call" Sabi ko dito na kina nguso nya.
"Ngayon lang kase tayo magkakahiwalay. Sama mo nalang ako. Kahit tiga laba ng panty mo pwede na ako" Muling anas nito na kina tawa namin nila Mama at Papa.
"Naku Suzie! Paano matututo yan kung ipag lalaba mo? Okay na din ang mag isa sya doon para masanay siya sa pagiging independent" Sagot ni Mama kay Suzie na lalong kina haba ng nguso nito kaya muli kaming natawa.
"Isasama ka nalang namin kapag papasyalan namin siya doon" Sabi naman ni Papa kaya nagliwanag ang mga mata nito at bigla nangiti ng malapad.
"Talaga po Tito?" Paniniguro pa nito na agad na tinanguan nila Mama at Papa.
Hindi na kase iba samin si Suzie. Halos saamin na nga ito tumira dahil sa ama nitong lasenggo. Palagi kase itong nag wawala sa tuwing naka inom kaya ang ginagawa ni Suzie ay samin siya natutulog para hindi siya makita ng Ama at mabalingan ng init ng ulo.
Noong una ko itong makilala ay napaka patpatin at napakaraming pasa at galos sa katawan. Gaya ng ginawa ni Papa noon sa batang lalake na tinulungan nya 11 years ago ay ganon din ang ginawa namin kay Suzie.
"Mag iingat ka doon anak ah?" Bilin ni Mama saka ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo kaya naiyak ako.
"Opo Mama. Kayo din po ah? Wag masyadong magpagod. Papa? Wag mag babyahe ng masakit ang ulo ah. Kumain kayo sa tamang oras" Umiiyak kong bilin sakanila kaya natawa sila sakin.
Kaya ganito ako ka drama ay ito ang kauna unaang mapapalayo ako sa pamilya ko. Lumaki akong palagi silang nasa tabi ko kahit na madapa man ako. Lagi silang naka suporta sakin sa lahat ng mga gusto at plano ko kaya kahit hindi man nila sabihin sakin ay alam kong tutol sila sa pag alis ko ngayon ngunit dahil gusto ko ito at para sa pangarap ko ay pumayag na sila.
Ayaw naman nilang iwan ang bahay namin dahil dito na daw sila nasanay. Sabi nalang nila ay ganito daw talaga ang nakatakdang mangyari dahil hindi daw nila ako panghabang buhay na makaka sama. Alam nila sa una palang ay hihiwalay na ako sakanila kapag lumaki na ako at gugustuhin na magkapamilya dahil dumaan nadin sila sa ganitong sitwasyon ko.
Isang group hug pa ang ginawa namin at walang humpay na bilin bago ako tuluyang nakasampa ng bus patungong maynila.
Kumaway kaway pa ako sa may bintana na ginaya din nila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Gabi na ng makarating ang sinasakyan kong bus sa terminal ng cubao. Hindi ako natulog sa byahe kahit hapong hapo na ang mga mata ko. Gusto kong makita ang bawat madaanan ko para kung sakali na maligaw ay alam ko ang daan pabalik.
Pagbaba ko ng bus ay tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Dali dali ko iyon kinuha para sagutin ang tawag.
Pangalan ni Tita Merla ang rumehistro sa screen kaya mabilis ko iyon sinagot.
"Hello po Tita?" Bungad ko dito ng sagutin ang tawag niya.
"Nasaan kana ija? Nakarating kana ba?" Tanong agad nito.
"Opo Tita. Kabababa ko lang po" Sagot ko dito.
"Anong kulay ng damit mo? Pasensya na hindi kase pamilyar ang mukha mo sakin dahil hindi pa tayo nagkikita" Muli ay tanong nito at paghingi ng paumanhin.
"Naku ayos lang po. Nakaputing shirt lang po ako at pantalon. Nasa tapat po ako ng waiting erea" Sagot ko dito.
May napansin akong isang may edad na babae ngunit maiksi parin ang suot at napaka kapal ng make-up na kumakaway sa gawi ko habang may hawak na cellphone at nakatapat sa tenga nito. Tingin ko ay ito na ang pinsan ni Papa dahil gaya nya ay hindi ko din alam ang itsura nito.
Wala kaming kamag anak sa probinsya namin dahil parehong dayo ang mga magulang ko doon. Hula ko nga ay nagtanan lang ang dalawa kaya napadpad sila sa probinsya.
Ang mga kamag anak ni Papa ay nasa Maynila lahat habang ang kay Mama ay wala akong balita dahil ayaw nitong mag kwento.
Madalas nga na napupuna ni Suzie na anak mayaman daw si Mama base sa itsura at kilos nito. Maganda ang kutis ni Mama na namana ko, maging ang tangos ng ilong at balingkinita kong katawan ay namana ko sakanya. Tanging tangkad,mata at labi lang ang namana ko kay Papa na maganda naman ang resulta dahil lahat ng nagsasabi ay maganda ako na parang manika.
"Ikaw naba ang anak ni Mario?" Bungad na tanong ng ginang ng makalapit ito sakin.
"O-opo" Naiilang at tipid na sagot ko dahil sa gawi ng pag titig niya.
Mula ulo hanggang paa kase ay sinuri nya ang kabuohan ko na may pagka mangha.
"Kamukha mo si Eloisa" Pagkuwan ay komento nito na animo'y hindi makapaniwala.
"Mama ko po siya" Sagot ko dito na kinalaki ng mga mata nya.
"Totoo? Siya ang Mama mo?" Di makapaniwalang tanong nito na tinanguan ko agad kahit na wiwirduhan sa reaksyon nito.
Hindi na ito umimik saka na ako inakay paalis ng terminal. May kasama itong lalake na sa pakilala nya ay anak daw niya. Mukha itong mas bata sakin ngunit may katangkaran kaya mukha ng binata.
Isinama namuna nila ako sa bahay nila para doon na muna daw magpalipas ng gabi. Pasado alas nuebe na kase ng gabi kaya pumayag na din ako.
Gutom at antok na din kase ang nararamdaman ko sa maghapon na byahe. Kahit nag stop over ang bus na sinasakyan ko para umihi at bumili ng pagkain ay hindi ako bumababa. Mas pinili ko nalang na umupo at ipag sawa ang mga mata sa magagandang tanawin na natatanaw sa daan.
ito ang una kong beses na lumabas ng probinsya. Kahit may fieldtrip ang paaralang pinasukan ko sa elementarya at highschool ay hindi ako sumasama hindi sa kadahilanang wala akong ipambabayad kundi iniisip ko na sayang ang gagastusin at pwede ng ipangkain iyon para sa isang linggo.
Pagdating namin sa tirahan nila Tita Merla ay napangiwi ako. Hindi sa judgemental ako kundi dahil hindi kaaya aya ang itsura ng paligid. Ayon sa tawag ng karamihan ay parang squater erea na itong lugar nila sa tondo.
May dalawang palapag ang bahay nila Tita Merla ngunit gawa ang bahay sa kahoy, flywood at yero na ginawang dingding imbes na bubong.
Ayon kay Josh. Ang anak ni Tita Merla ay pito silang magkakapatid dalawang babae at limang lalake. Maliliit pa daw ang mga kapatid nito at ang dalawang nakakatandang kapatid ay maagang nag asawa para maka alis daw sa impyerno nilang lugar.
"Uy Merla! Maganda yang kasama mo ah? Mukhang artista" Pagkuwan ay sabi ng isang lalake na naka ngisi habang nakatambay sa harapan ng bahay nila Tita. Nag iinuman ang mga ito na may kasamang tatlo pang lalake na may edad na.
"Gago! Anak ni Mario ito kaya wag na wag nyong pagtitripan ito okaya'y wag nyong idadampi ang mga daliri nyo sa balat nya" Sagot ni Tita sa lalake na kina awang ng bibig nito.
Yung tatlo naman ay nasamid sa sariling inumin na animo'y may narinig na hindi kanais nais kaya kumunot ang noo ko.
"Kilala po ba si Papa dito?" Tanong ko kay Tita Merla ng papasukin ako nito sa loob ng bahay nila.
"Naku! Hindi lang kilala ija. Kilalang kilala ang Papa mo dito." Iiling na sagot ni Tita kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Ano pong ibig nyong sabihin?" Nagtataka ko na talagang tanong.
"Kilalang siga ang Papa mo dito Ija. Basagulero iyon noong kabataan nya kaya kinatatakutan dito kahit na wala na" Sagot nito na kina gulat ko.
Si Papa basagulero?
Hindi ko ata maimagine ang itsura ni Papa habang nakikipag suntukan sa kung sino. Oo alam kong marunong ng self-defense si Papa pero ang maging basagulero ay hindi ko maaninag sa mukha nito.
Gwapo, Maginoo at magalang ang Papa ko sa kahit na sinong tao. Mabait ito kaya hinahangaan ng marami sa bayan namin.
"Simula nga lang ng umalis ang Papa mo dito ay nagsilabasan na ang mga nag sisiga siga dito kaya laganap na ang krimen dito" Patuloy na kwento ni Tita Merla na kina tindig ng mga balahibo ko sa sinabi nitong krimen.
Parang gusto ko na tuloy na umuwi na ng dorm ko kesa sa magpalipas pa ng isang gabi dito. Iniimagine ko tuloy ang sarili ko na may masamang mangyari sakin habang natutulog ako dito.
Tulog na ang tatlong maliliit na anak ni Tita. Pinaghanda naman ako ng makakain ni Josh habang si Tita ay nililinis ang isang kwarto sa taas para pansamantala kong tutulugan.
Kaya ko to! Fighting!.....