CHAPTER-1
?
"Mommy! Daddy!.... Mommy! Daddy!"
Tawag ko sa kawalan ngunit alam kong walang Mommy at Daddy ang darating para patahanin at daluhan ako.
"Tumigil ka nga sa kakangawa mo! Naririndi na ako sayo! Letse ka!" Bulyaw sakin ng lalakeng kumuha sakin sa may skwelahan na pinapasukan ko.
"Let me go! Please! Mommy! Daddy!" Pagpupumiglas ko dito habang tinatawag ng paulit ulit ang mga magulang ko.
"Isang ngawa mo pa todas kana talaga sakin punyeta ka!" Muli ay galit nitong sigaw sakin na kina takot ko kaya kahit nahihikbi pa ay pinilit kong patahanin ang sarili para hindi ako gawan ng masama nito.
I know what he wants. Even i was eight years old, I already knew about the activities of bad people. I know money is chasing it in exchange for my life and freedom. Kaya pipiliin ko nalang ang manahimik kesa sa saktan nya ako or worst ay patayin.
Dinala nya ako sa isang abandonadong gusali. Madilim, mabaho at masukal ang lugar kaya kahit naka upo lang ako sa isang sulok ay nangangati na ang buong katawan ko.
Pinaupo nya ako sa isang silya at iginapos ang mga kamay ko ng pagkahigpit higpit. Sa mura kong edad ay dinadanas na ang ganitong karumaldumal at di makataong gawa.
Binusalan nya parin ang bibig ko kahit na hikbi nalang ang lumalabas doon at ang masagana kong mga luha ay patuloy parin sa pag agos.
"Kapag hindi ibinigay ng Tatay mong gahaman ang gusto ko. Hindi kana sisikatan ng araw bukas!" Muli ay bulalas nito sakin ng matapos akong maigapos sa silya.
Napapikit nalang ako sa narinig na sinabi nito at kahit hindi pa ako gaanong marunong magdasal ay nagdasal parin ako na sana ay may magligtas saakin dito.
"Hello Mr. Samson!... Oh relax! Nasa akin nga ang bunso mong anak.... Naku! Wala pa akong ginagawa.... Easy!...." Dinig kong nakakalokong sabi ng kidnapper sa kausap nito sa cellphone.
Alam kong si Daddy na iyon base sa tinawag nitong pangalan sa kausap. Iiling at napapa ngising nakikipag usap ang kidnapper sa Daddy ko na animoy hindi mabangis na tao kani kanina lang saakin kaya napapa isip ako na pwede palang gawin iyon ng isang tao?
Ang maging mabait at maging masama sa iilang minuto lang. Kaya palang ibahin ang personality ng isang tao sa ilang segundo o minuto lang ang pagitan.
"10 million Mr.Samson! Kapalit ng Bunsong anak mo" Muling dinig kong sabi ng kidnapper kay Daddy sabay tawa ng nakakatakot.
Animo'y baliw dahil nakakatakot at nakakapanindig balahibo ang gawi ng pagtawa nito.
"Ite-text kita mamaya at dapat walang ibang makaka alam nito kung hindi ay ipapadala ko nalang ang ulo ng anak mo!"
Muli ay anas nito na kina tuod ko sa kinauupuan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at kusa nanamang tumulo ang masagana kong luha sa mga mata.
Is this my last day? Will I die here? Mommy! Daddy! please help me!
Sa kakaiyak ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Napa mulat nalang ako ng makarinig ng kalabog sa sahig.
Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko ang kidnapper na nakabulagta sa sahig at walang malay. Napabalikwas ako ng upo ng makita ang isang lalake na may hawak na tubo habang papalapit sakin.
Umungol ako sa takot na baka hampasin din nya ako kasabay ng pagpikit ko ng mga mata para hintayin ang pagdapo ng tubo sa kung saan man parte ng katawan ko ngunit mabilis ko ding naimulat ang mga mata ko ng maramdaman ang pagkalas nito sa tali na nasa kamay ko sa may likuran.
"Wag kang matakot! Hindi ako kaaway" Nakangiti nitong sabi kaya napa iyak nanaman ako at napayakap sakanya ng makalas na nito ang tali sa mga kamay ko.
Binuhat niya ako at bago kami tuluyang makaalis sa abandonadong gusali ay muli nyang pinalo ang kidnapper sa tubong hawak nito para siguraduhin na hindi pa ito magising hanggang sa makatakas kami.
Paglabas namin sa gusali ay isinakay nya ako sa motorbike nito na nakaparada sa may sulok. Natakot pa ako sakanya ng may makitang mahabang baril na naka sabit sa manibela nito ngunit mabilis nya akong nginitian para sabihing hindi siya masamang tao.
"Nangangaso ako. Nakita ko kase yung lalake kanina na kahina hinala ang kilos kaya sinundan ko at ayun nga nakita kita kaya tinulungan kita" Nakangiti nitong paliwanag sakin saka na nito pinaandar ang motorbike papalayo sa gusali.
Naka hinga ako ng maayos ng masigurong malayo na kami sa gusali lalo na sa kidnapper na iyon.
Ilang minuto pa ang binyahe namin ay narating namin ang isang simpleng bahay ngunit napaka lawak ng bakuran.
Pagtigil ng makina ng motor ay lumabas ang isang batang babae saka nito sinalubong ng yakap ang lalakeng tumulong sakin.
"Papa!" Masigla nitong tawag sa tumulong sakin at nagpakarga.
Bigla itong napa baling sakin saka ako nginitian na nagpatanga sakin dahil sa angkin nitong ganda. Pag ngiti nya palang ay nakaka walang wisyo na maging ang boses nito ay napaka sarap sa tenga.
"Sino po siya Papa?" Malambing na tanong nito sa Papa nya kaya sabay silang bumaling sakin na hanggang ngayon ay naka tanga parin ako habang nakatitig sa batang babae.
"Ano ang pangalan mo ijo?" Pagkuwan ay tanong sakin ng Papa nito.
"F-florence po" Napapa lunok kong sagot.
Ibinaba nito ang anak niya na nagpakarga saka ako inalalayang makababa sa motor nito at sabay sabay kaming pumasok sa bahay nila.
Pagpasok namin sa loob ng bahay nila ay sumalubong ang magandang ginang na may malapad na ngiti saka ito humalik sa pisngi ng lalakeng tumulong sakin.
"Hon sino siya?" Tanong din ng Ginang dito ngunit sa nakangiting itsura gaya ng batang babae kanina.
"Nakita ko sa may gubat doon sa abandonadong gusali at tinulungan ko" Sagot ng lalakeng tumulong sakin na tinanguan naman ng ginang saka ito yumuko sakin para magpantay kami.
"Hello! ako nga pala si Eloisa at ito ang asawa kong si Mario. Ito naman ang anak namin na si Queeny. Ikaw anong pangalan mo?" Mahinhind, malambing at nakangiting sabi ng Ginang sakin na nagngangalang Eloisa.
Sasagot na sana ako ngunit inunahan ako ng batang babae na Queeny daw ang pangalan.
"Florence daw ang pangalan nya Mama" Naka ngiti nitong sagot sa Mama nya kaya napa ngiti ang ginang saka ito tumango at tumayo ng tuwid.
"Hon. Asikasuhin mo muna si Florence at mag hahahin lang ako ng pagkain natin" Pagkuwan ay sabi ni Ginang Eloisa saka na ito nagtungo sa kung saan na pinto.
Tumango nalang si Ginoong Mario saka ako inaya na sumama sakanya sa isang kwarto. Sinamaan nya akong maligo at binihisan ng pambabaeng damit dahil wala daw silang anak na lalake at malalaki daw ang mga damit nya. Medyo na pangiwi nung una pero nung tignan ko naman ay hindi naman gaanong nakaka asiwang tignan. Sandong puti lang naman kase iyon at kulay pink na shorts.
Nang nasa hapag na kami ay tinanong nila ako kung paano daw ako napunta sa lugar na iyon. Ikinuwento ko sakanila na kinidnap ako at dinala ako doon ng lalakeng pinaghahampas ng tubo ni Ginoong Mario. Nagulat pa sila ng malaman nila na taga maynila ako dahil malayong malayo daw ang lugar nila sa maynila. Bale probinsya na daw ito kaya ganon nalang ang gulat nila ng malaman na galing pa akong maynila.
"Mukha kang mayaman. Baka nanghihingi ng ransome ang kumuha sayo" Pagkuwan ay sabi ni Ginang Eloisa na agad kong tinanguan.
"Opo. Ten Million po ang hinihingi nung kidnapper kapalit daw po ng buhay ko" Sagot ko dito na kina singhap ng mag asawa habang ang bata ay parang wala lang sakanya at patuloy itong kumakain.
"Naku! Napakalaking halaga naman iyon Kung ganon ay hindi basta basta ang pamilya mo kung ganoong halaga ang hinihinging kapalit ng dumukot sayo" Mahabang lintaya ni Ginoong Mario.
"We own the largest luxuries company in this country. all I know is that we have branches too in other countries" Inosente kong kwento sa mga ito ng walang halong pagmamayabang ngunit nanlaki ang mga mata nila ng marinig ang sinabi ko.
Si Ginoong Mario pa nga ay nabulunan sa kinakain dahil sa nalaman tungkol sakin habang si Ginang Eloisa ay lumuwa ang mga mata ngunit agad ding nakabawi dahil inasikaso nito ang asawa na nasamid.
"Ano pong sinabi nya Mama?" Takang tanong ni Queeny sa Mama nito dahil sa nakitang reaksyon ng mga ito matapos kong mag kwento.
"Wala anak. kumain ka ng marami dyan para makapag pahinga kana agad" Sagot ng Mama nito na agad na sinunod ni Queeny.
Hindi ko parin mapigilan ang sarili na matulala at mamangha sa taglay na ganda ng batang babae na kasama kong kumakain ngayon.
Pagkaalis ni Queeny sa hapag ay muli akong kinausap ng mga magulang nito tungkol sa parents ko. Susubukan daw nilang kontakin bukas ang mga magulang ko para ipaalam na nasa mabuting lagay na ako at hindi na nila kailangan na maglabas ng napakalaking halaga para sa buhay ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa tugtugin sa may labas ng kwarto. Isang kwarto lang ang meron sila at sakin pa ipinagamit ang kama nila dahil baka daw hindi ako sanay sa banig at sahig. Silang magpapamilya ang natulog sa sahig na kina inggitan ko dahil ni minsan sa buhay ko ay hindi pa namin nagawa ng mga magulang ko iyon.
Lumaki at nagkaisip na't lahat ako ay wala akong matandaan na tinabihan nila kaming matulog ni Kuya Francis. Laging busy ang mga ito sa business nila at palaging wala kaya si Mama Selia lang ang tumayong nanay namin sa loob ng limang taon.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Queeny na nasa center table ng living erea nila. Busy itong nagsusulat sa notebook nito habang nagbibilang pa sa mga daliri.
Napailing ako ng marinig muli ang malakas na tugtog habang nag aaral ito. Paano kaya niya naiintindihan ang inaaral kung malakas ang tugtog?
Lumapit ako sa may speaker na nasa ilalim lang ng TV nilang may likod. Pinihit ko ito para patayin kaya nabaling sakin ang atensyon ni Queeny.
"Bakit mo pinatay?" Tanong nito na kunot ang noo.
"How can you understand what you are learning if the music is so loud?" Sagot ko dito saka siya nilapitan.
Napanganga ito sa isinagot ko kaya natawa ako na lalong nagpalaglag ng panga nya.
"A-ano kamo?" Utal nitong tanong na animo'y hindi naintindihan ang sinabi ko.
"Hindi kaba nakaka intindi ng english?" Tanong ko din dito saka tumabi ng upo sakanya saka sinilip ang ginagawa nito.
Mathematics ang inaaral niya at mukhang assignmetn iyon.
"Hindi pa ako gaano kahusay e" Kamot ulong sagot nito saka nag iwas ng tingin ng makita ko ang pamumula ng mukha nito.
Napaka puti niya kaya madali mo lang makikita ang pamumula nito. Bilugan ang mga mata at may natural na makapal na kilay. Maliit at manipis na mapulang labi at may katangusan ang ilong nito.
"How old are you?" Tanong kong muli dito kaya binalingan nya ulit ako ng tingin saka sinagot ang tanong ko.
"Seven palang ako. Ikaw ba?" Sagot at balik tanong nito sakin.
"I'm Eight years old" Tipid na sagot ko dito kaya nginitian nya ako.
Tinulungan ko ito sa inaaral nya. Lahat kase ng pinag aaralan nya ay alam ko na. Hindi sa nagyayabang ako pero kahit walong taong gulang palang ako ay tungkol sa business na ang pinag aarala namin ni kuya. Yun kase ang gusto ng parents namin dahil someday kami daw ang magpapatakbo ng company namin na pilit nilang pinapalago ngayon.
Tuwang tuwa si Queeny ng magawa nito lahat ng homework nya pati ang projects nito ay tinapos namin sa maghapon kaya panandalian kong nakalimutang ang nakaka traumang pangyayari sa buhay ko kelan lang.
Nagtagal ako ng isang linggo sa pamilyang Delos Reyes. Mababait sila at itinuring nila akong parang kapamilya nila. Madalas pa kaming ipasyal ni Tito Mario gamit ang motorbike nito na talagang kina giliwan naming dalawa ni Queeny.
Lihim din akong napapasulyap kay Queeny pag kaming dalawa lang. Ewan ko ba kung bakit. Basta ang alam ko ay hindi ako makatiis na hindi makita ang maamo at maganda nitong mukha sa isang araw.
Ngayon na ang araw ng pagsundo sakin ng parents ko. Ayon kina Tito Mario ay nahirapan silang macontact ang mga magulang ko dahil hindi basta basta ang mga ito at hindi madaling makakuha ng phone call sakanila. Kundi busy ay laging out of town daw ang sagot ng mga sekretaryang nakakausap nila.
"Ito oh! itago mo yan ah! Para pag nagkita tayo ulit alam kong ikaw si Florence na ingliserong makulit" Natatawang sabi ni Queeny sabay abot sakin ng clip hair nito na may disenyong paro paro.
"Bakit ito? Hindi naman ako nag susuot nito e" Ngiwing tanong ko dito ng makita ng malapitan ang binibigay nito.
"Wala na kase akong alam na ibigay sayo. Saka paborito ko yan" Sagot nito sa naka nguso kaya natawa ako.
"Okay! i'll keep this for you. Thanks" Sagot ko dito na kina ngiti na din nya.
Kinapa ko naman ang kwintas sa leeg ko saka ko iyon mabilis na hinubad. May pendant iyon ng inicial ng pangalan ko na Letter F. Regalo iyon ni Lola sakin nung 7th birthday ko kaso wala akong ibang alam na ibibigay kaya yun nalang.
"Oh ito naman ang akin. Ingatan mo yan dahil galing pa sa lola ko yan" Sabi ko dito saka ako nagtungo sa likuran nya para maisuot iyon sakanya.
"Ang ganda naman nito. Mukhang mamahali Salamat" Mangha nitong komento sa kwintas na bigay ko.
Glod necklace iyon na purong ginto. Syempre hindi magbibigay ng peke ang lola ko lalo na't paboritong apo ako nito.
Nagpaalam na ako kina Tito at Tita. Mangiyak ngiyak pa si Tita Eloisa dahil anak na daw ang naging turing nito sakin dahil wala daw siyang anak na lalake.
Nagpasalamat sina Mommy at Daddy sakanila. Nakita ko pang may inabot na sobre ang kanang kamay ni Daddy kay Tito Mario bago kami tuluyang umalis.
Sakay ng itim naming Van ay muli kong sinulyapan ang napaka gandang babaeng pumukaw ng pansin ko sa unang kita palang. Kinakaway nito ang mga kamay bilang pag papaalam sakin kahit na hindi naman niya nakikita kung nakatingin ako o hindi hanggang sa makalayo na kami at hindi ko na maaninag ang mukha nito.
Until again Queeny....