Chapter 7

1282 Words
CHAPTER 7 Zyra. To: Allen Hi! Sa park na lang tayo magkita, pwede? SENT  I'm wearing my favorite pink dress. Hihintayin ko si Allen mamaya sa park. Sobrang kinakabahan ako. Nagmumuni-muni ako sa loob ng kuwarto nang marinig ko ang marahang katok na nagmumula sa pintuan. "Pasok." "Hello, Zy!" Nagulat ako nang makita ko si Lance. Siya ang kababata ko at ang boy bestfriend ko! "Bestfriend, napadalaw ka?” Masayang salubong ko sa kaniya na nagpalawak ng ngiti niya sa akin. "May lakad ka ba, Zy? Ganda ng ayos natin ah!" Pambobola niya sa akin. Namula naman ako dahil doon. Minsan lang kasi ako purihin nitong si Lance kaya pagbigyan na. "Tsk! Binobola mo ako Lance eh pero salamat." Sabi ko sa kaniya at hinampas nang bahagya. "Pero saan ka nga pupunta, Bestfriend?” Tanong niya ulit sa akin. Unli rin kasi ito minsan eh. "Ah pupunta ako sa park mamaya dahil may usapan kami na magkikita kami ni Allen." Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mga pisngi ko sa sinabi ko. Feeling ko kasi ang swerte ko dahil maya-maya lamang ay makikita ko na ang lalake na gusto ko. "Allen? Iyong crush mo?" "Oo nga. Kulet!" Sabi ko sa kaniya. Biglang nawala ang ngiti sa labi nito ngunit sandali lang ay bumalik na ulit ang masayang mukha nito. "Ganun ba? Bakit kayo magkikita?” Tanong niya ulit sa akin. "Magco-confess na ako sa kaniya, Lance." "WHAT?! IKAW ANG MAGCO-CONFESS SA KANIYA?!" Gulat na tanong niya sa akin. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya. Nakakahiya! Baka narinig nila Mama sa baba. "Tsk. Huwag kang maingay." Suway ko sa kaniya at tumango naman siya. "But seriously, ikaw talaga ang magtatapat sa kaniya?" "I need to take the risk, Lance” Paliwanag ko sa kaniya. "Lance, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya dahil natahimik siya. "I'm fine, don't worry about me." Ngumiti pa siya para lang ipakita sa akin na ayos lang talaga siya. "Pero Lance, kinakabahan ako." "Bakit naman?" "Natatakot akong ma-reject katulad ni Sam." Iyon ang totoo. Kung si Sam nga na one of his closest friend nagawa niyang i-reject, ako pa kaya? "Akala ko ba ‘you will take the risk’? Eh ba't parang susuko ka na? Alam mo bestfriend sa love, hindi maiiwasan ang masaktan. Walang love na puro pasarap lang at higit sa lahat walang FOREVER." Napailing na lamang ako sa huling sinabi niya. "Kasi bitter ka?" Pang-aasar ko sa kaniya. "Pano naman ako magiging bitter? Kung alam ko sa sarili ko na inlove na ako." Doon ako napatingin dahil sa sinabi niya. "What? Inlove ka na best? Bakit hindi ako updated?" Kunwaring tampo ko sa kaniya. "Hindi mo na kailangang malaman dahil wala naman akong pag-asa sa kaniya. She's madly in love with the other man. Walang pag-asa na mapansin niya ako dahil katulad mo, isang kaibigan lang rin ang turing niya sa akin." Nalungkot naman ako sa sinabi ni Lance dahil alam kong minsan lang rin ma-inlove ang taong tulad niya tapos complicated pa. "That's okay, Lance. Makakahanap ka rin nang mas deserving sa pag-mamahal mo. Date other girls! Gwapo ka naman at hindi malabong maraming mag-kagusto sa’yo." Binigyan niya naman ako ng mala-made in China na ngiti. Fake. "Sana nga ganun lang kadaling mag-move on sa kaniya, Zy." Sabi niya. "Tama na nga iyan. Nalulungkot na ako lalo eh. ‘Di mo pa ako binibigyan ng Tip paano mag-confess!" Pag-iiba ko ng topic at sabay kaming tumawa. ALLEN'S POV... "Bro, ikaw muna ang mag-bantay kay Sam. Uwi muna ako para kumuha ng gamit." Tango na lang ang isinagot ko sa kaniya. "Allen, saan pumunta si JP?" Gising na pala siya. "Uuwi muna daw siya." Sagot ko. "Thank you pala sa pag-aalaga mo sa akin. Kahit ganito na lang tayo lagi Iyong nandiyan ka lang sa tabi ko sapat na." Napa-iwas na lamang ako ng tingin. Ito ang pinaka-ayaw ko. Ang umasa si Sam. "Sam, please ‘wag mong bigyan ng meaning ‘tong ginagawa ko sa iyo. I’m just doing this because you’re my friend." Paliwanag ko at ito na naman ang papaiyak n'yang mukha. "Ganun na ba ako kahirap gustuhin, Allen?" Nagtatampong sabi niya sa akin. "Sam, hindi ganon ang ibig kong sabihin." "Parang ganun na rin ‘yon, Allen.” Sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi niya. Agad naman akong lumapit sa kaniya at yinakap sya. "Hush, don't cry. Hindi maganda sa katawan mo 'yang pag-iyak. Don't worry andito pa rin naman ako. So please, just calm down." Sabay abot ko sa kaniya ng tubig na may sleeping pills. "Thanks." Sabi nya at lumipas lang ang ilang minuto unti-unting nagsara ang kaniyang mga mata. Binantayan ko na lamang siya at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Zyra. I'm here at the park. 15 minutes na akong nandito sa park. Nag-text na rin ako sa kaniya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang reply. Lumipas na ang kalahating oras at wala paring Allen ang nag-paparamdam. Gumagabi na rin. Siguro traffic lang. Konting hintay pa, Zyra. Tiwala lang dadating rin siya. Isang oras na ang nakalipas at nilalamig na rin ako pero nanatili akong nakaupo sa pwesto ko sa Park. Tinext ko si Allen na pink ang suot kong damit para hindi siya mahirapan na hanapin ako. Naglaro na lamang ako ng Pou sa cellphone ko para pangtanggal lang ng bored. Napabuntong-hininga ako ng dalawang oras na pero wala pa rin siya. Darating pa ba si Allen? Isang oras pa Zy. Tiningnan ko ang wrist watch ko. 9:31pm Gabi na rin pala. Buti na lang nag-paalam ako kay mama na may kikitain ako ngayon for sure mag-aalala iyon kung late na talaga akong umuwi tapos walang paalam. Tatlong oras na. Wala pa rin si Allen. Walang Allen na dumating. Walang Allen ang nakipag-kita sa akin. Feeling ko lahat ng effort ko biglang nasayang. Nanlumo akong tumayo. Siguro hindi pa ito ang right time pero isa lang ang natutunan ko ngayong gabi. Wala akong aasahan kay Allen. He's an assh*le. I hate him for that! Masiyado s'yang paasa. Inis kong pinahid ang mga luha na kumawala sa mga mata ko. Bakit ko ba iniiyakan ang walang kwentang lalaking tulad nya?! Dumbass! I hate him! Paasa siya! At ako naman itong umasa. Naiinis ako! Inis kong nilapag ang cake na dinala ko sa table dito sa Park. Mas maganda narin siguro ‘toh kaysa itapon ko pa. Naalala ko tuloy yung sabi sa akin ni Lance kanina. “Magbigay ka ng Cake. ‘Di ba alam mo naman iyong favorite flavor niya? Chocolate right? Iyon ang ibigay mo. Kasi kaming mga boys mahilig rin naman kaming mag-appreciate sa mga bagay na binibigay sa amin. Lalo na kung paborito namin iyon!" Sayang ‘tong cake. Depende may mga batang palaboy naman dito sa park. Sila na lang ang kakain nito. Kasabay ng paglakad ko paalis ay ang unti-unti rin na pagbagsak ng balikat ko dahil umasa na naman ako sa wala. Allen. Nagising ako sa pag-ring ng cellphone ko. Sh*t! Si Zy! Tiningnan ko ang orasan. 10:38 p.m F*ck! Late na ako. Nakita ko naman na si JP na nanonood. "JP, alis muna ako." Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang reaksyon nito. Dali-Dali kong pinara ang taxi na nakita ko sa labas. Lakad takbo ang ginawa ko nang makarating ako sa Parl. Wala na siya. Wala na ring tao dito dahil gabi na. Hindi ko siya naabutan. Wala ng Zyra. Inis kong sinipa ang bato sa harapan ko. Isa lang ang nakaagaw ng pansin, iyong box sa ibabaw ng isang  table sa park. Agad ko itong nilapitan. At doon ko nakita na para sa akin pala ‘to dahil may kasama rin itong letter. Dear Allen, This is my gift for you. Pasensiya na kung cake lang ang kaya kong ibigay sayo. Ang mahalaga masaya naman ako dahil finally pumayag ka rin na makipag-kita sa akin. Ang saya sa feeling. Thanks for accepting me. Kinakabahan talaga ako noong niyaya kita na makipagkita sa akin dito. By the way, Crush kita! Tandaan mo ‘yan! Goodnight! -Zy I smiled bitterly and taste the chocolate cake with my finger. It’s delicious. Sad to say, I can’t say that anymore to Zyra. She probably hate me now for not showing up.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD