CHAPTER 8
Zyra.
Tatlong buwan na ang lumipas simula ng hindi ako siputin ni Allen sa park. Simula noon ay hindi ko na siya gaanong pinagtutuunan ng pansin sa school. Alam kong wala akong karapatan na magalit sa kaniya pero hindi ko talaga maiwasan. Sobrang disappointed ako ng araw na hindi siya dumating sa park.
Flashback...
Sobrang sikip ng dibdib ko. Pagkarating ko sa bahay ay nag-locked na ako sa loob ng silid ko at binagsak ang katawan ko sa malambot na kama.
"NAKAKAINIS KA ALLEN! PAASA KA!"
Wala akong magawa kundi sumigaw habang nakatakip ang mukha ko sa unan ko para walang makarinig sa akin. Binato ko iyong mga unan ko para doon ilabas ang frustration na nararamdaman ko.
"Zy!"
Natigilan ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Lance. Nangilid ang luha sa mga mata ko at hindi ko mapigilan na maiyak sa harapan nya.
"Shhh, tahan na. Lilipas din iyan Zy. Hayaan mo na nandito naman ako." Pang-aalo niya sa akin at hinaplos ang likod ko para patahanin ko.
"Thanks Lance dahil lagi kang nandito para sa akin." Sabi ko sa kaniya at yinakap siya.
"Syempre, bestfriend mo ako eh. Buti na lang pala at naisip kong puntahan ka ngayong gabi at nagpaalam kay Tita na ichecheck kita kapag nakauwi ka na. Nag-aalala talaga ako para sa’yo."
Napangiti naman ako dahil doon.
"Ang sakit Lance." Sabi ko at nalaglag na naman ang mga luha sa mga mata ko.
"Shhh... don't cry. Your tears is too precious for me, Zyra." Naramdaman ko ang pag-bigat ng pag-hinga niya nang sabihin niya iyon.
"Masakit mang tanggapin pero alam mo na hindi na bastang 'Crush' ang nararamdaman mo para kay Allen. It's a love Zy but sad to say, you loved someone who can love you the same as you love him." Ipinaharap niya ako sa kaniya. "But don't worry Zy, lagi lang akong nandito para sayo. Sasaluhin kita kung iyon ang nararapat. Huwag ka lang masaktan ulit."
Nagulat na lamang ako sa sunod na ginawa niya. Hinalikan niya ako sa noo. First time niyang ginawa ito sa akin. Mukha namang nabasa niya ang nasa utak ko dahil nakita niya ang nalilito kong ekspresyon dahil sa kilos niya.
"Don't worry it’s just a friendly kiss. Hindi naman kita sa lips hinalikan kaya’ wag kang mag-inarte diyan." Nakita ko sa kaniya ang mapanglokong ngiti pero agad niya ring binawi ito.
"I think you should rest." Huling sabi niya bago umalis ng kwarto ko.
End of Flashback
Iyan ang araw na namulat din ako na mas malalim na pala sa simpleng crush ang nararamdaman ko sa kaniya. That made sense since selos na pala ang nararamdaman ko kay Sam noong nag-confece siya. Natatakot nga lang ako na mahulog pa sa kaniya lalo kaya nilalayuan ko na siya.
"Zy!" Natigil ako sa pagmumuni-muni nang bigla akong tawagin ni Maureen.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Ngumuso lamang siya sa pintuan at doon ko nakita si Lance.
Namilog naman ang mata ko sa gulat na makita siya ngayon sa room dahil magkaiba kami ng section. Kumaway ako sa kaniya.
"Zy! Flowers for you!" Bungad nito.
Simpleng napangiti na lamang ako bago tinanggap iyon. Last month ko lang nalaman na hindi lang pala bestfriend ang turing niya sa akin. Tinanong niya ako kung pwede niya akong ligawan. Ayoko naman na basta-bastang ireject si Lance dahil matagal ko na siyang kaibigan kaya binigyan ko na lamang siya ng chance.
"Thank you.”
"Sabay tayong mag-lunch, Zy. Pwede ka ba?" Tumango lang ako.
Napabuntong-hininga naman siya pero nakangiti pa rin na tila nahihiya din sa akin.
“Hanggang ngayon ba naman naiilang ka rin sa akin?" Tanong niya at ngumisi sa akin.
Pinalo ko na lang siya sa braso niya nang mahina para itago ang pamumula ng pisngi ko dahil may ilang estudyante ang napatingin sa direksiyon namin.
"You know mas cute ka kapag nagblu-blush.” Napalabi naman ako. Nakakainis naman si Lance eh. Hindi ko tuloy maiwasang mamula lalo habang binobola niya ako.
"Tsk. Hindi ako nagblu-blush noh!" Pagtanggi ko.
"Huwag ka ng mahiya, okey lang yan. Ako lang naman at sila ang nakakakita eh."
Hinampas ko ulit siya ng pabiro dahil sa panunukso niya sa akin.
"Uyyyyy!" Napa-face palm na lamang ako dahil baliw ‘tong mga kaklase ko. Sarap ipatapon sa Mars! Tuksuhin ba naman ako kay Lance. Mamaya sa kakatulak nila sa akin ma-fall na naman ako.
Nagtaka na lamang kami nang biglang tumahimik ang Room.
Si Allen.
"Bakit ang ingay ng room natin?! Mamaya mapagalitan pa ako ni Ma'am! You!" Sigaw niya sabay turo kay Lance.
"You're not belong in this section right? So why are you here para lang mag-ingay? Can you please go back to your own place?!" Nagulat kami sa pagsigaw ni Allen. This is the first time that he speaks towards us using that angry voice. Nakakatakot.
Tumikhim naman si Lance.
"If you don't mind, dude masyado mo naman na ata akong nabastos. Iyan na ba ang ugaling first section? Bastos." This time nagulat na naman kami dahil ito ang unang beses na may sumagot kay Allen.
Umiwas ng tingin si Allen.
"Just get out." Mariin na sabi ni Allen sa kaniya. Pinipilit nitong huminahon.
"Fine. By the way, bye Zy! Sa lunch ha? Susunduin kita!" Sabi niya at nag-wave sa akin bago siya umalis. Baliw talaga, napagalitan na eh nakuha pang ngumiti.
Napailing na lamang ako hanggang makaalis si Lance.
"And you!"
"Ako?" Tanong ko nang bigla niya akong tinawag.
"Yes. Hindi ka ba na-inform na bawal lumandi sa room? Ikaw lang ang napansin kong lumalandi. Nakakahiya. Top ten ka pa man din. Iyan ba ang gusto mong tularan ng mga kaklase natin? Yang ugali mong iyan?!"
Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nakatingin ang mga kaklase namin at gusto ko na lamang lumubog sa kahihiyan dahil sa mga sinabi niya. Umiwas nalang ako ng paningin.
Malandi ako? Mali ata ang pagkakakilala sa akin ni Allen.
Nagulat na lamang ako nang biglang tumayo si Jelo.
"Excuse 'us' pero sa tingin ko mali ang nakikita mo, Allen. You don't have the right to say that to Zyra. That’s too much!"
Lahat kami napatahimik. Minsan lang mag-salita si Jelo. Lahat kami alam ‘yan kaya nakakagulat talaga.
Bakit ba galit na galit sa akin si Allen? Wala naman akong ginagawa sa kaniya dahil sa pagkakaalala ko, siya ang may atraso sa akin at hindi ako.