CHAPTER 12
Zyra POV...
Haist...
I think tama nga si Maureen.
Na wag ko munang sagutin si Lance tutal sabi niya naman makapaghihintay siya right?
PAGLABAS ko na naman ng bahay.
As usual, andyan na si Lance para sunduin ako.
"Good morning!"-masayang bati ko sa kanya
"Good morning too... kamusta naman ang tulog mo kagabi? Nakapagpahinga ka ba ng mabuti?"-nakangiting tanong niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.
"Oo naman! Maganda kaya panaginip ko kagabi."-nakangiting pagkwekwento ko sa kanya.
Naalala ko na naman tuloy yung panaginip ko.
Kyahhhhh!!! Ka-date ko daw si Baekhyun my loves!!! Wahhhh!!! OP Yung hindi nakakakilala kay myloves ko... search niyo nalang sa google. hahaha, Proud exo-L here.
"Uyyy ha! Ako siguro yung napanaginipan mo kagabi noh?"-sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hindi kaya! Si Baekhyun myloves kaya yung napanaginipan ko kagabi! Wag ka ngang assuming dyan!!"-biro ko sakanya.
Napakunot naman ang noo nya.
"Sino ba yung Baekhyun na yun?"- tanong niya sa akin.
"Search mo sa google."-sabi ko at pumasok na sa sasakyan niya.
Tahimik lang kami sa byahe... Hindi rin kasi ako ganun kadaldal kahit na close kami ni Lance.
Napatingin ako sakanya...
Gwapo talaga si Lance. Mabait, Gentleman, Humble...
PERFECT na sana eh.
Ang kulang lang talaga is...
HINDI KO PA SIYA MAHAL.
Iniwas ko na ang paningin ko kasi baka mahuli niya pa ako, nakakahiya naman. Sa mga librong binabasa ko pa naman... laging nahuhuli nung boy na tinititigan siya ni Girl. Ayoko naman na matulad ako dun.
"We're here."
Hindi ko na namalayan andito na pala kami sa school. Haist, lutang na naman ako.
Hinatid na naman ako ni Lance sa room. Gaya ng dati... marami pa ring girls na halos isumpa na ako sa mga tingin nila.
"Goodbye... see you later Zy!"-nag-wave na lang ako sa kanya bago siya umalis.
Papasok ko sa room ay nakita ko na agad ang kumakaway na si Carl.
Lumapit naman ako sa kanya.
"What? Anong kinakaway-kaway mo?"-tanong ko sa kanya.
"Ikaw ah... lumalandi ka na ah... May pakaway-kaway ka pa kay fafa Lance kanina. Nakita ko yun wag mo nang ideny..."-sabi niya at sinundot-sundot niya pa ako sa tagiliran ko.
Agad ko namang tinampal ang kamay niya na sumusundot sa tagiliran ko.
"Tse !Alangan namang dedmahin ko siya diba? Baka nakakalimutan mo? Childhood Friend ko si Lance."-Paliwanag ko sa kaniya. Echosera kasi tong si baklalitang Carl. Walang magawa sa life. Tsss..
"Pero infairness... Gumagana na ata ang '#TEAM_ZYLA' ko sa f*******:. Mas bet ko talaga si Fafa Lance para sayo."-itong baklang to talaga. Hindi ako binoboto kay Allen.
"ZYRA!!'
Wow himala! Ngayon lang ata nag-ingay tong si Alyssa at Maureen.
"Oh. Ba't kayo sumisigaw diyan? Masyado niyong pinaglalandakan ang maganda kong pangalan."-biro ko sa kanila at nag-flip ng hair. hahaha
"IKAW!!! IKAW! ANG PROBLEMA NAMIN!"-Sigaw ni Alyssa.
"Huh? Ako?"-Ano nanaman bang atraso ko sa dalawang to?
"HINDI KAMI MAKATULOG KAGABI KASI AKALA NAMIN... SASAGUTIN MO NA SI LANCE!!"
"What?!"
Napalingon kami sa nag-salita.
Si Allen.
"Ahhh. W-wala. Tinanong ko kasi kung sasagutin ko ba y-yung t-tawag ni Lance kagabi. Hindi ko naman a-alam na dinamdam talaga nila yung t-tanong ko. O-oo ganun nga!"-shezzz...bakit ba ako nauutal kay Allen. At bakit ako nag-eexplain sa kaniya?
"Teka! Bakit mo tinatanong as if you care naman sana diba?"-tanong sa kanya ni baklang Carl.
Napahinto naman siya, inisip niya kaya yung sinabi ni Carl?
Hindi siya nag-salita. Dire-diretso na lamang siyang naglakad na parang walang nangyari.
Tsk. Nagseselos ba siya?
ALLEN POV...
Hindi ko alam ang nararamdaman ko kanina.
Bakit nga bigla na lang akong nag-react?
Nagtaka tuloy sila.
"Allen!! Spacing out ka na naman ba dre?"-tanong sa akin ni Gwynard. Kasama ko sa project namin.
"Ano ba yun? Pasensya na may iniisip lang."-the h*ck naman kasi ng Lance na yun! May paligaw-ligaw pa siyang nalalaman. tsk.
"Tinatanong ko lang kung sino ang partner mo sa Party? Ininvite ka rin ba ni Jelo?"
Tsk. Naalala ko na naman tuloy nung nagkasagutan kami dahil sa pambabastos ko kay Zyra. Hindi ko naman sinasadya yun, nadala lang sa init ng ulo ko nung araw na yun.
Buti nga binigyan nya pa rin ako ng invitation kahit na dapat ay hindi na.
"Wala pa eh.. Bakit?"-tanong ko sakanya.
"Nabingwit ko na kasi ung isa sa pretty girls sa room natin, si Jullienne?"-nangingiting sagot nya. tsk. Dati palang halata na na may gusto siya kay Jullienne.
"Tatanungin ko na rin siya kung pwede na rin akong manligaw sa kanya. Malay mo gusto niya na palang maging girlfriend ko."-tsk. Ang yabang talaga ni Gwynard.
Hindi naman easy to get yung si Jullienne. Parang si Zyra lang.
Naiinggit na naman tuloy ako kay Gwynard kasi atlease siya... naipapakita niya ang true feelings niya kay Jullienne. Samantalang ako? Nahihirapan ako. Dahil kapag pinakita ko kay Zy ang true feelings ko sa kaniya.. I'm sure, masasaktan ko naman si Sam. At hindi gugustuhin ni JP na mangyari yun.
*Phone ring's*
Unregistered number calling...
(hello? sino toh?)-me
(Kupida niyo.)-what?! nababaliw na ba tong kausap ko?! Kupida daw siya?
(What?! Hindi ako nakikipagbiruan... look, sino ka ba talaga ha?)
(Kilala mo na ako. Meet me at the Park. Kung saan dapat magkikita kayo ni Zyra noon) What?kilala nya si Zyra?
(Wag mo akong paghintayin tulad ng ginawa mo kay Zyra. 5:00 huh? See ya')
TOOT. TOOT. TOOT.
Inend niya na ang call.
Crazy! Sino siya? Paano niya kami nakilala ni Zyra? At sino siya sa buhay ko noon? Dahil ilan sa mga pangyayari sa akin nung bata ako ay nawala dahil sa disgrasya. Pero alam ko na may kasama akong batang babae noon nung madisgrasya kami. At hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ba yung batang babaeng yun.
ZANDARA POV...
4:45 palang andito na ako sa meeting place namin ng Allen na yun.
MAYAMAYA ay nakita ko na rin siya.
Sinuot ko na lang ang shades ko.
"Himala Allen di ka ata na-late?"-biro ko sa kanya. Halata namang nainis siya sa sinabi ko.
Pinaupo ko muna siya. Alangan namang nakatayo kaming mag-uusap diba? Mukha kaming ewan kapag ginawa namin yun.
"Listen carefully... Hindi ako masamang tao."- yes hindi ako masamang tao. Baka akala niyo masama akong tao. I'm not. Onti lang.Onti lang talaga.
Tumingin naman siya sa akin with matching kunot noo niya.
Tong batang to. Hindi naman siya ganito noon ah. Anyare?
"Diretsuhin mo na lang ako. Sino ka ba?"-ako naman ang nagkunot ng noo. Tinatanong niya pa ba yan? Hindi niya ba ako kilala?
Tinanggal ko ang shades na nakalagay sa mata ko.
"Oh... Naaalala mo na ba ako?"-lalong kumunot ang noo niya.
"Hindi nga kita kilala. At first time lang kitang na-meet. NGAYON LANG."-bakit hindi niya ako nakilala? Samantalang si Zy nakilala niya naman agad ako.
"Ako toh. Si ate Dara. Kapatid ni Ara yung kalaro mo noong bata ka."-sabi ko sa kaniya. Tapos parang may nag-pop out sa utak niya.
"Look, nadisgrasya ako nung bata ako... at ilan sa alaala ko nawala. Kaya hindi ko alam lahat ng pinagsasabi mo. Kaya kung wala ka nang sasabihin... aalis na ako. Time is gold."-sabi nya saakin. Lakas maka-Mar Roxas tong Allen na to ah. May pa-time-time is gold pa siyang nalalaman.
Pero anong sabi niya? Nawala raw ang ilan sa mga alaala niya nung bata sya?!
Napatakip na lamang ako sa bibig ko.
"This is the biggest problem ever!!"-sigaw ko na pinagtaka nya.
"Tsss... makaalis na nga. Mukhang baliw ang nadali ko."-sabi niya at nagsimula ng maglakad palayo at hinayaan ko lang.
NO. This can't be!!!
Bakit walang maalala ang batang lenlen?!
Haist!!!Don't worry Zandara...
Sabi nga sa internet,
'Nakalimutan ka man nya sa isip,sa puso mananatili pa rin?'-yun ba yun?
Aja lang sa mga team Zyllen!!!
KAKAYANIN KO TO!!!