Chapter 13
Zyra POV...
Lunes na naman.
As usual may pasok na naman. Kaasar, nabitin na naman ang masarap kong tulog. Parang gusto ko lang humilata sa kama at matulog maghapon. Sino sa inyo ang katulad ko? Tamad pumasok? Pero grade consious pa rin.
Hmp. Makapagbihis na nga! Mamaya mapagalitan pa ako ni mama. Ayaw pa man din niya akong nalalate sa klase ko dahil nakakahiya daw.
Mga thirty minutes rin ng makatapos akong makaligo at makapagbihis.
Sinuklay ko ang mahaba kong buhok na nakalugay lang at nilagyan ng isang black clip sa gilid nito. Tumingin ako sa salamin at inayos ko ang neck-tie kong nakatagilid.
At viola! Tapos na ako sa kaartehan ng uniform ko.
Pagbaba ko ay agad ko na ring nakita si Mama.
Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng halik sa pisngi bilang pagbati.
"Wow. Ang sweet naman ng anak ko. Gising na ba si Anika?"-sweet na tanong niya sa akin.
"Hindi ko po alam eh. Wala po ata silang pasok kasi may pupuntahan yung teacher nila."-Haist sa panahon talaga ngayon, yung ibang teacher may pupuntahan lang, WALA NG PASOK. Sana kahit sa aming studyante rin ganun. Pero siyempre joke lang yun, edi wala nang nag-aral. hahaha
"O siya, kumain ka na. At baka mahuli ka pa sa klase mo. Mahigpit ko pa naman na rule yan sa bahay. Bawal ang ma-late sa klase, kaya kain na."-yun lang ang sinabi niya at umalis na.
Sanay naman na akong walang kasamang kumakain.
Ang sarap talaga magluto ni mama. Egg tsaka hotdog ang ulam ko ngayon. Kahapon kasi tocino.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mama.
"Ma, alis na po ako." paalam ko sa kaniya.
"Sige, at yang si Lance ay kanina pa naghihintay sayo." napakurap-kurap ako at nahihiyang tumango kay Mama.
______
Tahimik lang kami sa byahe ni Lance. Ayoko naman maging madaldal sa kanya.
Pero nung bata kami, lagi akong nagkwekwento dyan. Tungkol sa past ko.
Tungkol sa kababata kong si Lenlen.
Madalas kong ikwento sa kanya yun noon. Kaya lang pag-tinanong niya kung ano ang itsura nung si Lenlen, natatahimik ako.
Bakit?
Simple lang dahil hindi ko maaninag ang mukha ni Lenlen sa panaginip ko.
Sabi ni Mama, nadisgrasya raw kami noon. At nagkaroon ng kaunting damage sa ulo ko kaya yung mukha ng mga tao noon nung bago mangyari yung aksidente nakalimutan ko, maliban lang dun sa Lenlen na kababata ko.
____
Pakarating namin sa School ay agad na akong lumabas ng kotse ni Lance.
"Oh hindi mo naman ako hinintay, pagbbubuksan pa naman sana kita."-sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako at humalukipkip.
"Alam mo Lance hindi mo naman tungkulin na pagbuksan at sunduin ako araw-araw. Kaya please minsan hayaan mo na man akong gumalaw para sa sarili ko, nililigawan mo lang ako hindi ako baldado. Sana di kita nao-offend."-Yes. lagi na lang niya kong sinusundo. Pwede namang hindi diba? Minsan lang kasi na-iilang na rin ako. Nahihiya at the same time, na parang nakakapwermisyo ako sa time niya. Hindi ko naman siya driver para maging responsibilidad niya na sunduin at ihatid ako. Manliligaw ko siya.
"It's Fine. Don't worry, minsan-minsan nalang kita susunduin para naman hindi ka mahiya."-Haist. Lagi nalang akong iniintindi ni Lance noh? Ang bait-bait niya.
Nginitian ko siya at kinurot ang pisngi.
"Ang cute mo."-sabi ko sa kaniya na iki-nangiti niya rin.
Nagulat na lang kami ng may biglang nag-flash na camera sa amin.
"Hello! Bagay kayo. Kayo na ba?"-nakangiting tanong sa amin ng isang... I think student rin siya dito sa G.A.
"Ay! Pasensiya na kung nakuhanan ko kayo ng litrato. Hilig ko kasing mag-picture, kaya lagi kong dala tong Camera ko."-I think mabait naman siya. She looks so cute actually.
"Ahh... ako pala si Zyra at ito namang katabi ko si Lance. At hindi----"
"At magiging kami palang. hehehe"-putol ni Lance sa sasabihin ko. Pinabayaan ko nalang.
"Ahh... ang cute niyong couple kung nagkataon. Ako nga pala si Ishi."-sabi niya at inabot ang kanan niyang palad sa amin.
"Nice meeting you Ishi! Mauna na kami huh, male-late na kasi kami. Bye! See you around!"-sabi ko sa kanya at nag-wave. Nag-wave rin naman siya sa amin pabalik.
Lumapit sa akin si Lance.
"Uy, bagay daw tayong couple kung nagkaton. hahaha."-naku sabi ko na nga ba lalaki ulo nito kapag pinupuri kaming bagay kami. Kayo bagay ba kami? hahaha
____
Naabutan ko ang mga maiingay kong kaklase. Sanayan lang yan. Halos lahat naman ata ng school, hindi mawawalan ng mga studyanteng ubod ng ingay diba? Umamin. Dahil ang section namin ang isa sa living proof nito.
Umupo nalang ako. Wala kasi ako sa mood makipag-usap kay Alyssa at Mau ngayon.
Maya-maya lang rin naman ay dumating na si Ms.Sales
"Class... may bago kayong kaklase, Ms.Dimaano, Pwede ka nang pumasok."-wow! may bago kaming kaklase! Sino kaya yun?
Halos manlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang pumasok.
GOSH!! Si Ishi, yung babaeng cute na nag-picture sa amin ni Lance kanina.
Nakangiti syang pumasok sa klase namin.
"Ipakilala mo muna yung sarili mo sa kanila."-sabi ni Ms.Sales sa kanya.
Tumingin siya sa amin.
"Hi! Ako nga pala si Maria Ishi Dimaano, 15 years old. Transferee lang ako, sana maging friends ko kayong lahat!"-halata naman sa kanya na Jolly siya. Haist mukhang maganda rin siyang kaibiganin ah.
"Ms.Dimaano, you can seat beside Ms.Laurel"-wow! Magkatabi pa kami.
Naglakad siya papunta saakin.
"Wow! Magkaklase pala tayo Zyra, nice meeting you."-nakangiting sabi niya at umupo sa tabi ko.
Nagsimula na ring mag-klase si Ms. Sales.
Mabilis na lumipas ang Science subject namin hanggang sa tumunog na ang bell tanda na recess na, may favorite subject.
"Zyra, pwede bang sa inyo na lang ako sumabay. Wala pa kasi akong ibang kakilala dito sa school eh. Samahan mo naman ako, kahit ngayon lang."-sabi sa akin ni Ishi.
Oo nga pala.
Tumingin naman ako kila Alyssa.
Mukhang okey lang naman sa kanila.
"Sige. Pwede kana naming isama."-nakangiting sabi ko sa kaniya. Ayoko naman kasing maging rude sa kaniya. Alam ko kasi yung feeling ng isang transferee tulad niya.
"Yay! Thanks Zyra at sa inyo...."-hindi pa pala niya kilala yung mga bestfriend ko.
"Ahhh... Si Alyssa pala yung 'medyo' maiitim dahil nag-swimming."-tinaasan naman ako ng kilay ni Alyssa. Pero hindi rin ako nag-patinag sa kaniya, kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Pero sa huli sabay rin kaming nag-ngitian.
"Then yung matangkad na medyo kulot naman si Maureen at si Bakla, si Carl"-napahigikhik naman si Ishi nung ipakilala ko sa kaniya si Carl.
"Wow ha! Nakaka-insulto ka naman."-masungit na sabi ni Carl. Pikon kasi ang Bruho. Palibhasa walang mens ang bakla kaya naiipon sa ulo niya. Shhh lang...
Natawa na lang ako sa kanila.
"Hey! Tama na nga yan Carl, be nice to Ishi. Ayaw kong may naka-kaaway ang grupo natin."-napatango na lang siya. Grabe pa naman mang-away yang si Carl! Naalala ko na naman tuloy yung nag-away sila nung isa naming kaklase back then. NAKALBO NIYA, Seriously! Diba? Gumamit pa siya ng gunting noon. Hahaha.
"Oh! Anong nginingiti-ngiti mo diyan Zy?"-masungit na tanong niya sa akin. Wala eh, for sure badtrip yan dahil kinampihan ko si Ishi kanina.
"Wala, naalala ko lang yung kaklase natin na kinalbo mo."-sabi ko.Tinaasan niya lamang ako ng kilay. Minsan tuloy naiisip ko, nireregla rin kaya yung mga bakla?
PAGDATING namin sa Canteen nakita ko na agad si Lance.
"Wow! Si Lance yun diba? Yung manliligaw mo! Bagay talaga kayo."-sabi ni Ishi na ikinapula ko.
"Team Zyla ka rin?!"-tanong sa kaniya ni Carl. Kumunot naman ang noo ni Ishi sa tanong ni Carl.
"Anong Team Zyla?"-nagtatakang tanong ni Ishi kay Carl.
"Stupid. Zyra plus Lance is equals to Zyla. Get's na?" pagpapaliwanag ni Carl na agad namang naintindihan ni Ishi. Napailing na lamang ako.
"WOW lang talaga! May love team pala talaga kayo noh? Wahhh!!! Ako na magiging Chairman ng Love team niyo. At ikaw bakla, ikaw ang sekretary ko huh!"-seriously?! May paganyan-ganyan pang alam si Ishi?!
"Ayiee... Kinikilig talaga ako para sa inyo!"-kinikilig na sabi ni Ishi.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil sa hiya.
Lumapit na lang kami kay Lance. At sumabay kumain.
ISHI POV....
OMG lang. Nakaka-kilig talaga si Zyra at Lance. Nagtataka na nga ako kung bakit hindi pa sinasagot nitong si Zyra si Lance eh. Ang bait naman, gentleman, gwapo, masipag at higit sa lahat GALANTE.
Nilibre niya kasi kaming lahat ng foods nung Break. hahaha. Kaya nakatipid ako. hehehe
"Uyyy Ishi!"-napatingin naman ako kay Carl, yung masungit na baklang kaibigan ni Zyra. Akala mo naman kung sinong maganda! mas MAGANDA pa naman ako sa kanya noh! Kaya kung sinong manliligaw sa akin, SINGLE ako. Pero hindi ako magpapaloko. Alam ko na ang daloy ng mga bituka ng mga lalake, buti sana kung katulad ni Lance.
Uso pa naman ang manloloko sa Mundong ibabaw ni Mother Earth.
"Ano?"-sagot ko sa kaniya pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
Pumunta muna siya sa tabi ko at umupo sa upuan ni Zyra. Umalis kasi siya kanina kasama sila Maureen at Alyssa.
"Akala mo hindi ko napapansin? Kanina kapa tumitingin kay fafa Lance namin." napasinghap ako sa sinabi niya. Ano daw?
"Excuse me... anong pinalalabas mo?"
"Na may gusto ka sa kaniya.Ano pa ba? Sabunutan na lang teh?"-napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Psh!
"Excuse me la---"
"Wag kang umalis dito ka lang!"-tse! di niya ako na-gets.
"Wag mo kong putulin, Makinig ka."-huminga muna ako nang malalim.
"Wala akong gusto kay Lance. Intindientes? Gusto ko lang kasi siya para kay Zyra. Wag ka ngang mag-isip ng masama dyan uyy."-totoo naman eh. Wala akong gusto kay Lance, gusto ko lang talaga siya para kay Zy.
"Talaga lang huh? Walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang?"-nasingit pa talaga dito ang 24 oras ah.
"OO nga, Ikaw lang naman ang nag-iisip ng masama diyan eh."-sabi ko sa kaniya at nakita ko naman na parang na-relieve sya.
"Fine, naniniwala na ko sayo. Pero,"
"Pero what?"-tanong ko sa kaniya. Nakakapagtaka lang na kaya niyang ipero-pero ang isang dyosang tulad ko.
"Pero, tulungan mo akong ma-ipush ang #ZYLA sa f*******:. Ano game ka?"-tanong niya saakin, ngumisi lang ako sa kanya. Famous kaya ako dun!
"Kahit sa TRUE LIFE pa!"-napangiti naman siya sa akin.
"Serbisyong totoo yan ah?"-tanong niya sa akin, tumango nalang ako.
DUMATING na rin sila Zyra kaya lumipat na ulit siya sa upuan niya.
Napangiti naman ako sa sinabi ng baklang Carl na yun.
Parehas pala kami na gusto parehas sila Zy at Lance para sa isa't isa.hehehe.
Mukhang maganda to. Matagal-tagal na rin nung huli akong naging cupida ng pinsan ko papunta kay Kuya Zee. hehehe.
--------
Matapos ang klase namin ay agad akong nag-paalam kila Zyra.
Nakita ko naman na tinignan ako ni Carl at nag-smirk pa ang bakla. Ewww. Ang sagwa nyang mag-smirk. tsk.
Nangingiti na lamang ako nang pauwi na ako sa bahay.
That ZYLA loveteam again. Lakas talaga nung dalawang yun. Tignan mo nga naman iniisip ko pa rin sila hanggang ngayon. Napailing na lang ako.
TOK.TOK.TOK.
Aba't ang Tagal naman ni Nanay magbukas ng pinto.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pinsan ko.
"Anong ginagawa mo dito?"-tanong ko sa kaniya. Hindi pa naman ako kumportable sa kaniya masyado. Kasi ampon lang naman siya ni Tita Janice. Pero kung maka-asta akala mo prinsesa.
"Hindi ba pwedeng makituloy dito ang isang ZANDARA MENDOZA?"-napa-irap na lamang ako.
Arggh, I really hate her guts.