CHAPTER 14
Allen POV....
Arghhh!!! Ang sakit na naman nang ulo ko. Tsk.
Uminom na naman pala ako. Tsss...
"Oh Allen gising ka na pala!"
Nagulat ako nang makita ko si JANE. Ang alam ko hindi pa ngayon ang uwi niya ah.
"Bakit ka andito? I mean... Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nandun ka palang sa U.S ngayon?"-yun rin ang alam ko. tsk. Ang sakit talaga ng ulo ko. Damn it.
"Umuwi ako ng malaman ko kung ano nang nangyayari dito. Tsk. Ba't sunod-sunuran ka na ngayon ni JP?"-nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
"Here. Inumin mo muna yan para matanggal yang hang-over mo. May painom-inom pa kasing nalalaman eh."-ito naman ang gusto ko kay Jane sa kanilang magpi-pinsan, siya lang ang pinaka-cool.
"Ano ba yung sinasabi mo na sunod-sunuran ako kay JP?"
"Allen, wala silang maiitatago sa akin. Kahit kailan napaka-protective ni JP sa mga pinsan niya, sa amin. Kaya minsan sumusobra na rin siya, nakakasira na rin siya minsan ng tao. Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, na dapat mong ipaglaban ang dapat na ipaglaban."-napatingin ako sa kaniya.
"What do you mean Jane?"-tanong ko sakanya.
"Alam ko na ang nangyayari between you, Zyra and Sam. Alam kong pinsan ko si Sam at dapat pinagtatanggol ko rin siya tulad na lang ng ginagawa ni JP. Pero mas gusto kong itama ang lahat. Mahal mo si Zyra diba?"-nagulat ako sa tanong niya, dahil ni isa sa kanilang dalawa ni Sam ang pinagsabihan ko. Tanging si JP lang.
"Paano mo nalaman yan? kanino?"-tanong ko sa kaniya. Lagi nalang akong nasu-surprise ni Jane pagdating sa mga ganitong bagay.
"Babae ako Allen, alam ko kung mahal ako nang lalaki o hindi. Sa pagtingin mo palang kay Zyra makikita mo na agad ang salitang pagmamahal."-natahimik ako dun. Ganun na ba ako ka-obvious? Eh bakit si Zyra hindi niya napapansin? Manhid ba siya?
"Sorry Jane, kung hindi ko kayang ibalik kay Sam yung pagmamaha---"-she cut me off.
"Hindi ko hinihingi yang sorry mo Allen, ang gusto ko..."-napatigil ako.
"Anong gusto mo Jane?"-nag-aalalang tanong ko. Dahil, baka katulad lang rin siya ni JP na gusto niya ring s*******n kong mahalin si Sam.
"Gusto kong itama ang pagkakamali ni JP, kaya ngayon palang... Gusto ko nang maging totoo ka sa sarili mo, kung mahal mo si Zyra, go on. Ligawan mo siya! Hindi yung nagpapaka-alila ka kay Sam at JP--"-hindi ko namalayan na niyakap ko na pala si Jane.
"Jane, Thanks talaga sa lahat. Salamat dahil dumating ka. Actually, hindi ko na rin talaga alam ang gagawin ko eh. Evey time na gagawa ako ng desisyon lagi kong iniisip ang kapakanan ni Sam. Thank you dahil merong isang Jane na umiintindi sa akin."-kumalas na ako sa yakap namin at tinignan siya.
"Salamat talaga, dahil mailalabas ko na rin ng malaya itong feelings na namumuo sa akin."-ngumiti naman sya saakin.
"Your welcome Allen, simula pa lang alam ko na hindi mo magagawang mahalin si Sam. At ito nga, Hindi mo nga siya kayang mahalin. Pero okey lang yan, kaibigan kita at iniintindi ko lang ang magiging sitwasyon kung sakaling magkatuluyan kayo ni Sam pero hindi niyo naman pala mahal ang isa't isa."-ngayon nakita ko na ang isang ngiti ni Jane hindi gaanong masaya, hindi rin gaanong malungkot.
"By the way milkyway, Tutulungan kita kay Zyra basta..."
"Basta ilakad rin kita kay Jefferson? Don't worry.. I will."-nakita ko naman na namula si Jane sa sinabi ko.
"Mauuna na pala ako Allen at about kay JP ako nang bahala sa kaniya. And afcourse kay Sam."-sabi niya at narinig ko na lang ang pag-sara ng pintuan nang kwarto ko tanda na naka-alis na siya rito.
Hindi ko maiwasang mapangiti.
Yung feeling ko ngayon ang gaan-gaan para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
Zyra, sa wakas maipadadama ko na rin and dapat ay noon ko pa nai-padama sayo.
Sana may Chance pa...Dahil kung wala na,
Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung nagkataon yun.
ZYRA POV...
"Uy ZY! Kanina ka pa lingon ng lingon dyan ah!"-sabi sa akin ni Ishi.
Kanina ko pa kasi hinahanap si Allen, maghapon siyang wala.
"Kung si Lance ang hinahanap mo, wag kang mag-alala sabay kayong uuwi mamaya diba?"-wew... tumango nalang ako at tumahimik na, hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na si Allen ang hinahanap ko. Dahil basta..
"Guys!!! Pinapasabi ni Ms.Sales na pwede na daw tayong umuwi"-sabi saamin ni JANE.Vice President sya sa room,kaya sya ang nag-babalita saamin if wala si Allen.
Nakita ko ang pag-ngiti nang malawak sa akin ni Jane, actually kanina ko pa napapansin na may ibang meaning yung ngiti niyang yun. Hindi ko nalang pinapansin. Hindi rin naman kami close.
"Zy, ayos ka lang ba kanina ka pa nakabusangot dyan eh."-wow. napansin rin pala ako ni Maureen.
"Si Allen ba ang dahilan?"-tanong ni Alyssa na kararating lang.
Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanila.
"Si Allen? Bakit ko naman iisipin yun?"-sabi ko at tumawa ako ng peke.
"Dahil mahal mo siya / Dahil mahal mo siya"-sabay na sabi nila. Kaya napatingin ako.
"No guys. Nagkakamali kayo, hindi ko na mahal si Allen."-I lied.
"Talaga? Sure ka? Kung ganon harapin mo to."-sabi nila at piniringan ako sa mata.
"ANO BA TO ALYSSA AT MAUREEN?! Ishi!"-naiinis na tanong ko sa kanila. Dahil bakit ba nila to ginagawa like, para saan?
"Wag ka na lang maingay."-teka--
"Hino-haldap niyo ba ako? Bakit Aly? Anong kasalanan ko? PLEASE PAKAWALAN MO AKO!! KUNG LAGI KO KAYONG INAASAR, SORRY NAMAN--"
"Shut up! Hindi yun. Manahimik ka na lang. Napag-utusan lang kami."-what?! Miyembro ba nang sindikato tong dalawang to.
Naramdaman ko na lang na-isinikay na nila ako sa isang kotse, sosyal ang boss nila ayaw gumamit ng VAN. tsk.
"Saan niyo ba kasi ako dadalhin ah? Madadaan pa ba to sa mabuting usapan?"-kalmadong tanong ko sa kanila.
"Sa isang lugar kung saan mahahanap mo ang true happiness mo."-napatahimik na lang ako.
Hanggang sa naramdaman ko na ang paghinto ng kotse na sinakyan namin.
"Pwede ko na bang tanggalin tong piring ko?"-tanong ko sa kanila.
"No hanggang hindi pinapatanggal ni ----"
"Ni... What?"
Hinila na lang nila ako. At hindi man lang sinagot ang tanong ko.
Hanggang sa naramdaman ko ang lamig.
Wow. Para kaming nasa hotel. Ang sosyal.
Ano bang gagawin kasi namin dito?
Alyssa POV...
Hindi ako maka-hinga feeling ko talaga may mangyayaring masama.
The hell! Ano bang iniisip mo Alyssa. tsk. Focus.
PAGDATING namin sa event ay agad ko nang nakita si Lance na naka-tuxedo.
Haist Lance, Sana maging maayos tong plan na to.
Sinenyas niya sa amin na paupuin si Zyra sa harap niya.
"Oh... Pinapaupo niyo na ako? Uyyy... Lyssa at Mau, wala namang ganituhan oh."-gusto ko sana siyang sabihan na wag siyang OA kaya lang wag na lang. Tsk. Pagkatapos niya akong sabihan nang maitim nung nakaraang araw? NO WAY.
Umalis na kami ni Maureen sa table.
Nakita kong tumayo na si Lance para tanggalin ang piring sa mata ni Zyra.
Goodluck Lance...
Zyra POV...
Naramdaman ko na may tumanggal na nang piring sa mata ko.
Kinusot ko muna ang mga mata ko, blurred kasi.
"Lance?"-anong ginagawa niya dito at bakit naka-upo ako sa harap niya at higit sa lahat bakit naka-tuxedo sya?
"Surprise!"-naka-ngiti niyang sabi.
"Para saan to Lance?"-nagtatakang sagot ko pero nanatili pa rin siyang naka-ngiti.
"Kumain muna tayo."-sabi niya at dumating naman ang mga waiter na may dala-dalang Pagkain.
Nakita ko na man na mamahalin lahat ng foods dito, pagkaing pang-mayaman.
Narinig ko naman na nag-simula nang tumugtog ang violeen, Na kanina ay nakatabi sa amin.
Kaya mas lalo akong ginanahan kumain, gustong-gusto ko kasng kumain na may music nakaka-gana eh.
"Can we dance?"-aya sa akin ni Lance at inabot ko naman ang kamay ko sa kanya tanda ng pagpayag ko.
Hindi ako gaanong marunong sumayaw but atlease, marunong pa rin kahit papaano.
Nagsimula kaming mag-sway ni Lance.
"*ehem* ang gwapo mo ngayon sa suot mo ah."-biro ko sa kaniya. Nagiging-awkward na kasi.
Ngumiti na naman siya sa akin.
"Thanks for coming Zyra. Kahit s*******n pa."-natawa naman ako nang bahagya sa huli niyang sinabi dahil nung una talaga akala ko na-kidnap na ako. hahaha
"Okey lang. Atlease naranasan ko na rin yung mga ganun. hehehe"
NAGULAT ako nang biglang mawala ang ilaw sa amin. AT..
WALA NA RIN SI LANCE SA TABI KO
"LANCE!! ASAN KA! !MAU! ALYSSA!"-pero walang sumasagot.
Nagulat na lamang ako nang may biglang nagsalita.
"Zyra, matagal na akong may gusto sayo. Matagal ring nasayang ang mga panahon na sana noon pa ako nanligaw sayo. Na sana maaga mo akong nasagot."-he chuckles. Ramdam ko ang sinsiredad niya sa bawat salitang sinasabi niya sa akin kaya hindi ko maiwasan na manubig ang mga mata ko.
"Bata palang tayo Zy, may gusto na ako sayo. Nanatili lang akong tahimiksa nararamdaman ko simula noon. Bata palang tayo nag-seselos na ako sa mga lalaking uma-aligid sayo. Lalo na sa sinasabi mong kababata mong 'lenlen' ang pangalan? Kasi feeling ko talaga nun mas mahalaga talaga yung lalaking yun kaysa sa akin, eh ni hindi mo nga makita yung mukha nun eh."-ngumiti siya sa akin.
What are you doing Lance?
"Then one day, dumating naman si Allen sa buhay natin. Minahal mo siya at tinulungan kitang makalimutan siya."-tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Oh God.
"And I guess Mukhang okey na nga......."-lumapit siya sa akin.
"I think kaya mo nang sagutin ang tanong ko ngayon Zyra..."-lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kanang kamay ko.
"Zyra Laurel...
Will you be my girlfriend?"
Sa isang tanong niyang yun tuluyan nang bumagsak ang luha sa mata ko.
What will I do now?