Chapter 15 (Unedited)

919 Words
CHAPTER 15 Zyra POV...   Huminga ako nang malalim habang nakatitig ako sa mga mata ni Lance.   Ito na ba ang sinasabi nilang pag-papalaya? Bakit ito pa ang kailangan kong isukli sa kabutihan ni Lance saakin. Sa lahat nang ginawa nya saakin. Wala na akong ibang maibigay sakanya kundi puro sakit. Tulo-tuloy lang ang pagbasak nang mga luha ko habang nakatingin ako kay Lance.   "Lance...        Sorry..."-nakita ko na nawala na ang ngiti sa labi ni Lance. "L-lance *hik* Promise...G-gusto ko lang maging t-tapat sayo.Sorry.H-hindi pa kasi ako h-handa..."-pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. "I understand..."-yan na nanaman.Lagi nya nalang akong iniintindi... "Lance listen...M-mukha kasing hindi ko pa kayang i-open palang sa iba yung puso ko eh..L-lance,          Pinapalaya na kita"-iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Hindi ko pa kaya Lance."-sabi ko at binitiwan ang kamay nya.   Tumayo na rin naman sya. "Pag tumakbo ka palayo saakin ngayon....                     Pinapalaya na kita."-isang malalim na hininga ang narinig ko mula sa kanya pag-katapos nyang sabihin iyon.   "L-lance,s-sor--" "Wala kang dapat na ipagpaumanhin Zy,Just Run or                                        Stay"-huminga ako nang malalim habang pinipigilan ko ang pag-patak nang luha ko.    "Goodbye."   Sabi ko at tumakbo na palabas... IYAK lang ako nang iyak nang makarating ako sa isang garden. "Ms.Kailangan mo to?"-napaangat ang paningin ko sa nag-salita. At literal na nanlaki ang mata ko. 0_0 "Zy?" "Allen?Anong ginagawa mo dito?" "Jelo invite's me at the party hindi ko naman alam na makikita kita.Papunta palang ako dun actualy sa likod lang nitong hotel."-lumapit sya saakin. "Why are you crying?"-iniwas ko ang paningin ko sakanya. "Wala"-wala akong gana na makipag-usap ngayon. Naalala ko na naman tuloy si Lance,yung pag-reject ko sa kanya.Hindi ko na naman tuloy maiwasan na Maiyak.Naawa talaga ako kay Lance...At hindi ko kaya na mawala sya....as my friend. "Hey!Stop crying..shhh..hush Zy.Tahan na...Andito naman ako eh"-napaiyak na naman tuloy ako lalo. Hindi ko namalayan na niyakap nya na ako. "Wag ka nang umiyak Zy,Please...Nasasaktan kasi ako..."-Hindi ko man narinig ang huling sinabi nya,pero alam kong pinapatahan nya ako. "*hik*Ayoko naman talagang Manakit nang iba eh..K-kailangan l-lang dahil..*hik* m-may mahal p-pa a-ako*hik*Kung alam nya lang..."-hinanaplos nya naman ang likuan ko. "Sabihin mo lang lahat nang gusto mong sabihin para sakanya Zy,Kunwari ako sya."-sabi nya napabuntong hininga naman ako habang tuloy tuloy pa rin ang pag-hikbi ko. Huminga muna ako nang malalim bago muling mag-salita. "Salamat L-lance,dahil...ikaw ang nag-pasaya saakin nung panahon na-down ako.S-salamat dahil sa pag-intindi mo saakin...matagal ko na rin sanang gustong sabihin sayo na,m-mas mahalaga ka na kaysa kay lenlen na kababata ko.D-dahil ikaw na Bestfriend ko simula nang mawala sya..."-huminga muna ako bago sabihin ang huling salita na pulit-ulit ko nang sinasabi sa kanya... "L-lance I'm sorry..."   And everything wents black. Allen's POV...     "L-lance I'm sorry..." Feeling ko isang malaking sampal saakin ang salitang yun. Naramdaman ko na lang na bumigat na si Zy... Tulog na sya... Napagod ata kakaiyak. "Zy,kung kailan plano ko na rin sanang ipadama sayo ang feeling ko sayo tsaka naman hindi pa pwede.Paano ba naman parang hindi Pag-ibig ang kailangan mo ngayon mukhang kaibigan."-tumingin ako sa kanya.   Si Zyra talaga ang anghel nang buhay ko.Sya ang  nag-bigay nang kulay nang mawala ang ala-ala ko. Flashback...    "Mom!Ayoko po talagang pumasok!Ayoko po!Wala naman po akong kilala sa kanila eh!"-pagmamaktol ko kay Mom.Tama naman wala akong kakilala sa lahat nang bata dito,Wala rin akong ma-alala kahit isa sa mga naging kaibigan at kalaro ko noon.   "Allen,kailangan mong pumasok.Atsaka makakakita ka pa rin naman nang new friends dito eh.Nakikita mo ba yung mga bata dun"-sabi ni mom at tinuro ang mga batang nag-lalaro nang habulan sa playground.   Tumango naman ako. "Pumunta ka dun at makipag-friends....Mukhang mababait sila baby."-tama si Mom mukhang mabait sila.   Ngumiti naman ako kay mom. "Oh baby,pwede na bang umalis si Mom mukha kasing male-late na ako sa work ko eh.Bye baby"-sabi nya at hinalikan muna ako sa pisngi.   "Bye Mom.Ingat ka."-sabi ko habang papalayo na sya. Nang matiyak kong wala na si Mom.Ay lumapit na agad ako sa mga batang tinuro ni mom kanina. "Hi!Pwede ko bang maging friends kayo!"-nakangiting sabi ko sa kanila. Yung iba tinaasan ako nang kilay yung iba naman kumunot ang noo saakin. "Eeewww..Ayaw naming makipag-friends sayo,mukha kang nerd.May pa-glasses-glasses ka pang nalalaman."-sabi nung isang malditang babae. Tama nga naman sila mukha akong nerd sa glasses ko. Nagulat na lamang ako nang may-tumabi saakin na Batang babae.Ang cute nya at ang taba nang pisngi nya.Mukha rin syang mabait. Nagulat na lang ako nang bigla nyang dinuro ang mga batang umaaway saakin. "Ikaw.Ikaw,Ikaw.KAYONG LAHAT.Na mga batang paslit!Wag nyong inaaway to ha!"-sabi nya at tinuro ako. "Bago ko lang na-kalaro to.Kaya wag nyong inaaway.Intindientes?!"-nakakatakot naman pala yang batang babae.Mukhan natakot naman ang mga batang umaaway saakin at tumango naman sila sa batang babae. "Mabuti nang nag-kakaintindihan tayo...tsk."-sabi nya at hinila ako. Nang makarating kami sa parang..I think bahay kubo sa school ay hinila nya ako doon. "Natakot kaba saakin bata?"-tanong nya saakin. Umiling naman ako. "okay.Ayos ka lang."-tanong nya ulit. Tumango naman ako. "Pipi ka ba?"-Umiling naman ako. "Anong pangalan mo?" "A-Allen..." "Ako nga pala si Zyra.Siga talaga ako dito.hahaha.Takot na lang nang mga batang yun sa dalawa kong kaibigan."-ngumiti sya saakin. Feeling ko namula ako sa ginawa nya. "May sakit ka ata batang allen,yan kasi ang sinasabi nang mama ko kapag namumula ako.Hatid na kita.Mukhang hindi ka na rin makakapasok eh."-nag-aalalang sagot nya.  "Pwede ba kitang maging-kaibigan?"-tumago naman sya. Kaya napangiti ako dun. End of Flashback  Pero hindi nya na ata naalala yun.Kasi nung kinabukasan hindi ko na sya nakita. AT nakilala ko nman si Sam at Jane. Pero hindi ko talaga sya nkalimutan. Then pagtungtong ko nang high school,dun ko sya nakita ulit. Napatingin ako ulit sa mukha nya. "Ako muna ang kaibigan mo ngayon ah."-sabi ko at hinalikan sya sa noo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD