❤O N E❤ ♛The First Glance♛

3341 Words
(PLAGIARISM IS A CRIME. So, make your own legitimacy and STOP living in other else’s shadow…)   ✍A/n: ✍Names, places, events, or any scenes or whatsoever that seemed closely similar to someone or something are purely coincidental. Names, places, events, or any scenes or whatsoever are purely came out from author’s playful imagination and fictional world and nothing to do with whatsoever or whoever related to.    ❤O N E❤        ♛The First Glance♛   Ynia Lhairez Ortega Ademar. Grown as fair as her exquisite mother and of course, an impeccable resemblance of Blaire Ademar.   She has it all—fame, beauty, and power. Everyone bowed and valued the young princess of Pah as she brought both of his parents influential name locally and internationally.   She had balanced her character and personality. Tough and firm, strong and can not be tamed if she was rational about her perspectives; kind and compassionate among the poor as she always loved the feeling of freedom everytime she tried to help those farmers in their vast field through bringing their free lunch.   “I’m already a highschool student, ma.. Can I get no bodyguards this time?” Just like every princess who locked up and guarded her entire life in their kingdom—she seeks for her freedom. Now that she finally enrolled herself as a freshman junior student in Ademar University—yeah, their very own school which got bigger and wider than before, she was crossing her fingers that her mother will lessen her bodyguards.   “Ynia, anak.. We’ve settled this already, I believed? And you already heard your father’s typical verdict.. Anak, para sayo—“   Ysla, her mother once again tried to explicate everything to her daughter in a calm manner—as she always did..   She had to.. Most especially as she grown to be more intelligent and enquisitive about life—she had to explain all the essence of those hard wall that she and Blaire built..   Only to protect their eldest daughter and her three younger brothers; Yden Laire, whose just turned eleven.. Yes, a year younger than her. Yliam Laire, a ten-year old and Yzylla Laire, a nine-year old and her youngest sibling..   Yes, she had a huge and earsplitting family. They’d only have a year gap and most of the time—the three boys always gave a headache to their mother, Ysla.. Blaire Ademar had been always the most influential business tycoon even up to now as he continuously established their businesses in the industry as Ysla chose to be a housewife and cater her four children.   Every Friday, is his schedule to come home and rendered his valuable three-day vacation to his family. Amidst of Blaire’s frantic calendar, he always opt to spend his hours to his family.. And now, he’s getting ready for his flight to Pah and was smiling after seeing those boxes full of stuffs for his children while he was settling himself inside his private plane.   “Para sa’king kaligtasan.. Ma, naiintindihan ko naman, eh pero—but..I’m already fed up about their silent criticisms againt me and I wanted to make friends but I just couldn’t.. Natatakot sila sa limang bodyguards ko!”   Maktol ni Ynia habang tumutulong siyang diligan ang mga halaman ng yumaong Donya Evelyn at ngayon ay mas inalagaan ito ni Ysla ay mas lalong namumukadkad ang iba’t ibang kulay ng mga rosas sa harden.   Ysla was getting rid of those dead leaves and those leaves who had been eaten up by those worms. She sighed heavily—as much as she wanted to get rid of her daughter’s bodyguards, she can’t. It’s for her safety and her young sons—at siguradong hindi rin papayag ang ama ng mga ito..   They couldn’t just underestimate their safety even though they lived in the province and quiet far from the city. It didn’t mean that they’re locking their children inside a cage forever. Time comes that they’ll know how to protect their lives against those unexpected villains—they’ll eventually set them free.. But for now, para sa kanilang kapakanan ang lahat ng ginagawa ng mag-asawa.. Lalo na kay Ynia..   Everytime Ysla looked at her daughter’s lovely face she always remembered how she almost lost her father, Blaire. Dahil sa maling pagtitiwala niya sa mga tao.. It’s all about trust, yes.. Those kind of people always knew how to conceal their real identity and intention; knew how to camouflage until they’ll devour their prey; they knew how to play their self-conceited game!   They couldn’t risk everything now.. “Sorry about that, anak.. You can make friends even their around—just choose the right ones.. Don’t worry, I’ll tell that too to your head bodyguard, alright?”    Sabi ni Ysla saka ginulo ang buhok ng anak nitong sa wakas ay sumilay na ang ngiti sa mukha.   “Promise mo yan, huh?”    She confirmed as Ynia elatedy grabbed her gloves and a pot of fertilizer for those little new wild flowers that came from Mt. Tahor—given by their Apyaw family.. The Apyaws named it, Enya.. Yes, they named it from Ynia’s name but in a different spelling.   “I promise, anak.. Just please bare with us until you’ll old enough to handle yourself out there, okay? I almost lost you before and your father coz I was too gullible and naïve about those people whom I thought I could trust.. Promise me, you’ll understand , anak?”    Mahabang saad ni Ysla saka kinitlian ng halik ang noo ni Ynia na batid ang ibig-sabihin ng kanyang ina. She knew the story coz she always asked about his father’s chest scar..   “I promise, ma.. But until I got old enough, you said?”   Hirit pa rin ng dalagita saka pansin ang mga kaibigan nitong si Chada—anak nina tita Charlotte at tito Danny. Dito na rin sila nagtayo ng bahay sa tulong nina Ysla at para hindi mahirapan sa pag-aaral ang anak nitong si Chada na ngayon ay nakasimangot. Kasama kasi nito ang isang bodyguard habang papunta sa kanilang harden at kaagad namang tumayo at lumapit si Ynia matapos nitong ilapag ang mga gamit sa paghaharden..   “Ynia, ang sungit ng bodyguard mo! Sabi ngang kaibigan nga kita, eh parang hindi naniniwala!”    Sumbong ‘agad ng sampong-taong gulang nasi Chada. Dal’wang taon ang tanda ni Ynia rito..   Natatawang hinila ni Ynia ang kamay nito para makawala sa bantay-sarado niyang bodyguard. “Kaibigan ko siya..”   Sabi ni Ynia. Gaya ng dati--tango o iling lamang ang isasagot ng mga bodyguards niya. She even thought they’re all mute coz they just use their gestures to respond!   “Let’s go up to my tree house! Come on!”   Aya ni Ynia sa kaibigan na nawala ang simangot ng mukha. Unahang nagtatakbo sila papunta sa kanyang tree house na mismong ginawa ng kaniyang papa Blaire noong limang taong gulang palang ito. Bukod sa harden ay isa ito sa mga paboritong lugar niya sa kanilang hacienda.   It’ll take fifty steps for an average adult man to go there from their mansion—oo, malapit lang kung tutuusin pero sa mga batang katulad nina Yniah at Chada ay nakakahingal rin ang daan papunta dun. The huge tree was circled creatively with beach stones—white and black stones were the typical colors.   “Yniah, careful as you climb up the ladder. I’ll not get inside to give you both a privacy.” Napalingon ang dal’wang nagulat dahil sinundan pala sila ng kanyang bodyguard lalo na si Ynia—dahil nagsasalita pala ito!   “Uhm, of course..”   Sagot ng dalagita habang nagpatiunang umakyat na sa itaas si Chada at panay na ang kamay sa kanya para sumunod. Hindi na talaga ito makapaghintay na maglaro sila ng kaibigan—paano ba naman kasi.. Bukas ay unang araw na ng pasok nilang dal’wa. Grade six na si Chada habang Grade seven naman si Ynia—parehong nasa Ademar College lang naman ang dal’wa pero magka-iba na sila ng building.   “When was the last time we went up here? Wow..”   Nasabi ng dalagitang si Ynia nang makarating sa itaas. Para itong isang buong playhouse dahil sa dami ng laruan na nadoon; may maliit na kama na puro kulay bughaw ang bedsheet, that aqua marine duvet printed with bluish sea creatures, pillows and all those stuffs inside.   Ynia’s brothers often addressed her as one of the gang—kasi nga blue talaga ang gustong kulay niya. Hindi rin siya mahilig maglaro ng Barbie pero dahil gusto ni Chada ng mga ganun, nagpabili siya ng marami sa papa Blaire niya..    “Naku, Ynia—pwedeng ‘wag ka munang gumamit ng wikang Ingles, please? Dumudugo ang mata ko, eh—nabubulag ako sa kaka-English mo!”    Dumiretso kaagad si Chada sa maliit na kusina kung saan ay mga kichenwares na laruan dun. Isinuot nito ang apron saka kinuha ang malaking Barbie na doll na paborito nito na kasing tangkad naman ni Ynia.. Really, dolls frightened her most especially that tall but she’ll always withstand her dislike because she really wanted to be fred whenever Chada’s around.. Ever since the world begun for her—she had only one friend and that’s Chada..   You see? Kapag ‘andito sila sa tree house ay hindi sumasama paakyat ang bodyguard nito. Kaya nga kahit na natatakot siya dahil punong-puno ng mga Barbie dolls ang tree house niya at feeling niya ay may holloween party sa loob—she’ll not complain coz she always felt genuine happiness when her friend’s around. Isa pa katulad na katulad ito ni tita Charlotte, sobrang nakakatawa..   “Okay po.. Teka, Chada—tingnan mo nga yung mga dahon ng tubo oh, gumagalaw kahit walang hangin!”   Biglang sabi ni Ynia parang nakita ng multo sa umaga. Gumagalaw kasi ang matataas na dahon ng mga tubo nila sa parteng papunta sa maliit na ilog nila sa hacienda. Nakadungaw na sa maliit na bintana ang dal’wa at talagang gumagalaw nga ang parteng iyon!   “I think it’s a monster, Ynia!”   hmmp? Huwag daw’ng mag-English oh pero English yun ni Chada, hah! Na galing sa puso.. Talagang nakakagulat nga naman.   “Kuya Ryan, pwede bang pakikuha ng isang set kong encyclopedia sa room ko, please?”   Ani ni Ynia sa bodyguard nito. Of course, she had a plan to sneak out and her curiousity just can’t subside if she’d not see it for herself. Knowing her, she’s scared only for Barbie dolls and the rest? She’s quiet tough to handle everything but her parents just couldn’t give her the chance.   “Hoy, anong plano mo, ha? ‘Wag mong sabihing.. Ay, Ynia naman!”   Na-gets ni Chada ang plano ni Ynia pero sobrang ninerbyos ito dahil hindi biro ang gagawin ni Ynia. Medyo masukal ang parte dun dahil patungo ito sa maliit na ilog. Puno iyon ng mga tubo na sa susunod na linggo ay aanihin na pati na rin mga puno ng manga na hitik na sa bunga.   “Ssshhhhh…! Kuya Ryan, please?”   Dumungaw si Ynia sa baba at sa wakas ay nakumbinse nito ang bodyguard na kunin ang isang set niyang encyclopedia na sobrang kapal. Nang nawala na sa paningin ni Ynia ang bodyguard ay ‘agad na hinila nito si Chada para bumaba. Wala itong nagawa kundi ang sumunod nalang sa gusto ng kaibigan..   “Paano nalang kung isang mabangis na hayop yan, Ynia? Pwede bang ‘wag nalang tayong pumunta doon? Hindi ka ba natatakot?”   Sunod-sunod na tanong ni Chada saka panay ang tingin sa likod. Siguradong mapapagalitan sila ng mama Ysla nito ‘pag nagkataong wala sila sa tree house!   “Ano ka ba, sa Barbie dolls lang naman ako takot ‘no. Halika sumunod ka lang sa’kin.. ‘Wag kang matakot—baka kasi hayop yan ang nasugatan, kawawa naman..”   Sagot ni Ynia saka hinawi ang mga matataas na talahib ng tubo. Wala itong pakialam kahit mangangati ito mamaya.. Isa lang ang gusto niya, ang alamin kung ano iyong gumagalaw.   “Hindi po ako takot sa kung ano man yan, takot ako kay tito Blaire at tita Ysla!”   Sagot ni Chada saka napansin at nakita nila ang isang batang lalake sa kung saan dun ang may gumagalaw. Hindi nila ito napansin sa itaas ng tree house dahil may isang malaking puno ng manga dun. Anong ginagawa nito sa lupain nila? At bakit hindi ito nakikilala ni Ynia?   “Hoy! Sino ka? Ba’t ka nandito?”   Sita kaagad ni Ynia saka mas lumapit pa sa batang lalakeng noon lang din niya napansin sa kanilang lupain. Medyo singkit ang mata nito at may kaputian ang balat—hindi ito anak ng isang ordinaryong magsasaka. Inaayos nito ang bike itong mukhang nasira ang chain kaya hindi ‘agad nakaalis. Napansin rin ni Ynia ang isang basket na puno ng mga manga.   Hindi ito sumagot at ni hindi sila nilingon. Patuloy ito sa ginagawa. Nainis si Ynia dahil sigurado siyang nagnanakaw ito!   “Hoy, pipi ka ba, ha? Isa kang magnanakaw ‘no!?”   Asik ng dalagitang si Ynia saka dun tumayo ang lalake na medyo may katangkaran. Isang dipa ang layo nila sa isa’t isa at ramdam ni Ynia ang nagbabagang tingin nito sa kanya.   “I’m not mute and I’m not a stealer. Lupa namin ito—so, kinukuha ko lang ang parte ko.”   Sarkastikong sagot ng batang lalake saka inayos ang bike at sumampa dala ang basket. Bako ito makalayo ay umusbong ang galit ni Ynia sa lalake kaya pumulot ito ng isang manga saka ibinato rito na tumama sa batok nito—malakas, oo dahil malapit lang sila sa isa’t isa..   “Ynia! A-Anak yan ni  ex-M-Mayor Ramirez.. Na..Napatay mo ‘ata?”   Nagulat si Chada dahil bigla nalang bumulagta ang lalake sa lupa at mukhang nawalan ng malay. Ang galit ni Ynia ay biglang nabuhusan ng malamig na tubig—kitang-kita niya ang pagkawala ng malay ng lalake. Hindi naman iyon ang gusto niyang mangayari!   Pero hindi natinag si Ynia. Instead she hurriedly approached the boy and was supposed to touch his forehead but there was blood all over his forehead. Sa pagkawala ng malay nito ay nasugat ang noo nito.   “C’mon, help me carry this trespasser, Chada!”    But before the two could carry the unconscious young boy, Ryan was calling out there names. Nagkatinginan silang dal’wa at mukhang walang choice kundi ang magpatulong sa bodyguard nito..   “YNIA LHAIREZ, what did you do?”   Blaire Ademar the great filled the four corner of their guest room of his thunderous voice. Saktong dumating siya nang makita ang buhat-buhat ni Ryan na walang malay na batang lalake. Worst, it’s Dave Ramirez one and only son!   “Blaire, please don’t shout at her.. Hindi naman niya gusto ang mangyaring nawalan ng malay ang bata—he trespassed our land.”   Pagtatanggol ni Ysla sa anak na tahimik lang sa isang sulok at matalim na tinitigan ang binatilyong nakaupo na sa kama. Habang ang batang si Phoenix Azeil Ramirez ay  ganun rin ang tingin para sa dalagita.   They were both reserved yet they were secretly firing their bullets at eachother’s face. Our private nurse was still carefully putting a bandage to his forehead.   “Let her talk, Ysla! She handled herself very well upon sneaking out—so I guess, she can defend herself.”    Galit na sabi ni Blaire sa anak. He was mad for the fact not she might hurt herself if he didn’t smell the fishy stunt of her eldest asking Ryan to ran an errand for her. Imagine, carrying those thick-huge encyclopedia set of books? Ryan has strongly built yet it’ll take two people to carry his daughter’s books.. So, he ordered Ryan to return and look for her daughter and he followed instantly.   “I’m sorry, papa but that man was the one who sneaked in and trespassed in our hacienda. He even told me this land belongs to them and his just taking what rightfully his..”   She certainly defended herself right there.   Pero mas lalong naniningkit ang mga mata ni Azeil nang marinig ang sinabi ng dalagita. Lahat ng sinabi niya ay galing sa ama niya at lolo niya at kinamumuhian niya ang mga Ademar dahil sa kasakiman nila sa lupa lalo na sa masamang trato nito sa pamilya niya. The Ademar took everything his family had—walang tinira kahit ang kanilang bahay. Ipinakulong pa nito ang kaniyang lolo at ama dahil sa paratang sa pagmimina—sa murang edad ay nawalan sila ng mama Adele niya ng pamilya..   Sa prisinto na binawian ng buhay ang lolo nito at ang masaklap ay nagka-riot sa loob ng prisinto. Napatay ang kaniyang ama dahil sa mga saksak. Sabi ng nakakarami ay planado ang nangyaring gulo sa loob.. Ng mga Ademar.. Kaya sa murang edad niya, namulat siya sa galit sa mga Ademar..   “That was right.”   The young boy firmly said as he stood up. Hindi pa natapos ang nurse sa paglalagay ng benda sa noo nito pero wala na itong balak na magtagal doon.   “..at sa susunod, ‘wag mo na akong tulungan. I’d rather chose to be dead than to be saved by this ruthless family.” He coldly said before he walked passed by right in front of Ynia. Napatda ang buong pamilya niya sa ibig-sabihin ng binatilyo at hindi na rin ito pinatulan pa ni Blaire dahil hindi ito ang tamang pagkakataon na pag-usapan ang mga bagay na yun.. Ynia’s to naïve to understand everything..   Nakatulogan ng dalagita ang kakaisip asa ibig-sabihin ng masungit na binatilyo. Surely, her parent will conceal every detail about it but she’ll look forward facing that brute some other time and asked those questions which are lurking her mind until she fell as sleep.   Habang ang batang si Azeil ay umuwing mabigat ang dibdib bitbit ang isang basket ng manga na siyang kinuha niya sa hacienda Ademar. Merong lagusan na siya lang ang nakakaalam kaya Malaya siyang nakapasok sa hacienda ng mga taong kinamumuhian niya.   “O, saan mo na naman ‘to kinuha, anak? Sa hacienda na naman ba? Naku.. at napano iyang mukha mo ha?”   Bungad ng may sakit na hika nasi Aling Adele. Matagal na itong may karamdaman ay hindi nila madala-dala sa hospital dahil walang perang pambayad ng mga gamot nito—kahit pa sabihin ng pamahalaan na libre ang pagpapagamot at hindi pa rin maiwasan na may iba na ibinebenta pa rin ang mga sana’y libreng gamot..   “Lupa po natin yun, ma. It’s mine and someday, I’ll take it all back. They pay for what they’ve done to our family. I’ll make sure they’ll suffer..” Sagot ng bata sa murang edad nito.   Ang hirap ng mawalan ng mga ari-arian at lalo nan g pamilya. Lahat ng tao ay masama ang tingin sa kanila dahil sa mga maling kwentong ipinapalakad ng mga Ademar laban sa mga Ramirez. Nang dahil dun ay sa murang edad niyang fifteen years old ay natuto siyang magbanat ng buto pero hindi siya pumasok na katulong sa bukid sa hacienda Ademar—he promised himself, he’ll face them with much pride sooner. With power! Babawiin niya ang dapat na sa kanya.. Babawiiin niya ang kapalit na buhay ng kaniyang ama!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD