Prologue
"Sa wakas!" sigaw ko kasabay ng pagtaas ng dalawa kong kamay sa ere at hinayaang bumagsak ang maleta ko sa lapag. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng magiging pangalawang tirahan ko habang narito ako sa Maynila. Mas malaki ito ng kaunti sa kwarto ko sa bahay namin sa Chiang Mai at Nueva Ecija five years ago.
"Ayos naman ang disenyo. Simple lang ang mga gamit." sabi ko sa sarili ko habang tumatango-tango. My phone started ringing so I fished it out of my pocket and ruffled my curly hair a little. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang mukha ko sa malaking salamin na nakakabit sa wall bago sinagot ang tawag.
Bumungad sa akin ang mukha ng kaibigan kong si August o mas kilala bilang Gus. Siya ang orihinal na may-ari ng kwartong ito at nang marinig niya ang sitwasyon ko ay sakto namang palipat siya ng ibang School kaya ibinigay na lang niya ito sa akin.
"Hey, Gus." I greeted him as I stare at his face in the video.
Sinuklian niya rin ako ng ngiti at lumabas ang dalawang malalim niyang dimples na nakadagdag sa kaniyang kakisigan at kagwapuhan. Hindi naman talaga nakapagtatakang maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kaibigan kong ito. Ang paglipat niya ng School ay hindi na bago kung tutuusin dahil ilang beses na niya itong nagawa noon para takasan ang mga babaeng niloko o pinaglaruan niya. If you haven't catched the drift by now, August Dela Cruz is a womanizer.
"Hi, Mik! Kumusta ang Maynila?"
I rotated the camera around his room to show him that I've arrived. "Mainit, mausok, maraming tao, maingay." iritableng sabi ko. Malayo ito sa Chiang Mai na tahimik at maganda ang paligid. Ang Maynila ay magulo at maraming tao.
"Sus! Introvert ka talaga kahit na kailan! Do you like it though?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang kwarto.
"Ayos lang naman, bro. Simple lang at walang masyadong gamit." kibit-balikat kong sagot sabay tawa dahil sa sinabi niya. "Siraulo ka."
Ang buong kwarto kagaya marahil ng iba pang kwarto dito ss dorm ay kulay asul ngunit malinis naman. Wala kang makikitang agiw o hindi kaya naman ay natatanggal na pintura sa mga pader.
"Feel free to redecorate the place."
Sumalampak ako sa lapag and motioned around the room. "Bakit hindi mo tinangay mga gamit mo? Madaling-madali ka na namang makatakas sa mga babae mo?" akusa ko sa kaniya.
"Gagi, wala akong babae diyan." tanggi niya ngunit kinamot ang ilong tanda na nagsisinungaling siya kaya naman napailing na lang ako.
"Kailan naman tayo magkikita? Ngayon lang ako ulit nakabalik dito and we haven't seen each other for five years." Na totoo naman dahil ang huling pagkikita namin ay noong nasa Nueva Ecija pa kami at magkapit-bahay.
Oo, mahal ko si August. Pero hindi ko kailanman inisip na mag-confess sa kaniya at balak kong tangayin sa libingan ko ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kaniya. Kuntento na akong maging kaibigan lang siya. Isa pa, hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan namin sa damdamin kong maaaring makasira lang sa amin. Masakit na makita siyang masaya sa iba pero nakaya ko naman at kakayanin ko pa. He was my first love after all.
Nakita ko kung paanong nawala ang ngiti sa mga labi niya bago nag-iwas ng tingin. Huli ka balbon, may nagawa nga si bugok. Kilalang-kilala ko na siya at alam ko ang hitsura niya kapag guilty siya.
"I'm sorry, Mik. Hindi kita puwedeng puntahan diyan pero tatawagan kita
and let's meet somewhere near there, okay?"
Curious man sa sagot niya at pag-iwas ay tumango na lang ako. "Okay."
"August, you asshole!"
Muntikan ko ng malaglag ang cellphone ko dahil sa sigaw mula sa labas. "Sino 'yun?"
"U-uhm, Miks, sorry I have to leave. Tawagan na lang kita ulit, ha? Ingat ka diyan."
"By--" bago pa ako makapagpaalam ay ibinaba na niya ang tawag kaya naman naiwan akong takang nakatingin dito. "Nạ̀n pĕn pạỵh̄ā?" (Problema n'on?)
"Lumabas ka diyan at harapin mo ako, you traitor! H-hik."
Sino ba 'tong ugok na ito't makasigaw ay akala mo kung sino?
"August!" sigaw pa rin ng lalaki kasabay ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto.
Inis at bwisit dahil sa ingay ay binuksan ko ang pinto. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang lalaking nakatayo sa labas ng pinto ko at nakayuko. Nalukot ang mukha ko nang maamoy ang nakakasulasok na amoy ng alak mula sa kaniya.
"Wala si August dito, last week pa. Hindi mo alam? Pwede bang huwag kang mag-eskandalo kasi nakakaabala ka na?" inis kong sabi sa kaniya at tinignan ko siya mula paa hanggang ulo. "Gaano ba karami ang nainom mo?"
"W-why? Hik." he asked without even raising his head.
"Why?" ulit ko sa tanong niya at napabuntong-hininga. Kaya ayoko sa mga lasinggero. Pinapatay ang mga sarili imbes na harapin ang problema tapos ay mami-merwisyo ng ibang tao. Tapos gusto ni Lolo ay kaibiganin ko ang isa sa kanila? "Malay ko." dagdag kong sagot.
Babalik na sana ako sa loob pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Sinamaan ko ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa akin at siya mismo. "Bibilang ako ng tatlo, kapag hindi mo ako binitawan ay makakatikim ka talaga sa akin. Isa," pagbabanta ko sa kaniya at nagsimulang magbilang. "Dalawa."
"Tatlo." nagulat ako nang siya na ang tumapos ng bilang pero mas nagulat ako nang makita ang mukha na dahilan kung bakit ako nasa magulong mundo ng Maynila ngayon.
"G-gray Price?" gulat kong bulalas habang nakaturo sa mukha niya. Alam kong sooner or later ay magkikita kami pero bakit ngayon? Bakit dito? At bakit agad-agad?
What he did next surprised me more.
.
.
.
.
.
The asshole just vomited on my clothes! Bwisit! Khuṇ chokh dī māk t̄h̀xmtạw! Khuṇ p̂xn xarị! (Napakaswerte mo talaga, Meek! Ano ba itong pinasok mo?)