Kabanata 1

1748 Words
In the city, the night was as thick as the ink. Within a certain high-class villa in Angeles City Pampanga, there was a brilliant light. In the bathroom of a certain room in the villa, Lorrenze Fernandez leaned against the bathtub, holding a glass of whiskey in one hand. He gently shook it a few times, and the strong taste went into his mouth. He still remembers how his ex-girlfriend broke his heart. Napangisi siya. Fours year ago, nag-propose siya sa girlfriend niya at umuo naman ito. Pero hindi niya akalain na kung kailan ikakasal na sila, saka naman siya nito hiniwalayan dahil may iba raw itong mahal. Masakit at hindi niya iyon matanggap kaya sinundan pa niya ito sa ibang bansa para suyuin ngunit ayaw na talaga nito sa kanya. Mas pinili nito ang lalaking mas gusto ng pamilya nito dahil sa mas mayaman iyon sa kanya. Pero bahagi na lang iyon ng nakaraan niya. He’s okay now and busy managing his own company. Sa edad na 27, nasa pangangalaga na niya ang hotel na ibinigay sa kanya ng daddy niya. Pero hindi naman niya magagawa iyon without the support of his own family. At ang breakup nila ng ex-girlfriend niya ang naging motivation niya para pagbutihin pa ang trabaho. Gusto niyang lagpasan ang ipinalit nito sa kanya. Gusto niyang ipamukha rito na “hi ako nga pala iyong sinayang mo”. But after all, he had nothing to be sad about. For him, after the failed emotional experience last time, women are not a lost…. "Rita, paki dala rito ang mga file ng mga applicants, I wiil check it," utos ni Lorrenze sa secretary niyang si Rita. "Okay, Sir, " agad na tugod nito. Wala pang isang minuto, nasa mesa na ni Lorrenze ang mga files ng mga applicants para maging assistant secretary ni Rita. He decided to hired an assistant for Rita dahil na rin sa buntis ito at hindi na ito pupuwede sa overloaded na trabaho. Dalawang taon na niyang secretary si Rita at masasabi niyang isa ito sa pinaka mahusay niyang employee. Kaya lang, dahil sa buntis ito ay kailangan niya ng magiging katuwang nito sa trabaho lalo na kapag may mga out of town siyang trabaho. Hindi naman kasi puwedeng isama pa ito. Isa-isang tiningnan ni Lorrenze ang mga file, halos wala siyang makita na capable na maging assistant ni Rita. Gusto niya iyong unang tingin pa lang niya ay pasado na sa mga mata niya. Yes! That’s him. Siya iyong tipo ng tao na masasabi niya agad kung anong klaseng tao sa unang tingin pa lang. Hindi naman siya judgemental pero madalas tama siya sa nagiging impression niya sa isang tao. "Rita, ito lang ba lahat ng applicants?" tanong ni Lorrenze. Nang marinig iyon, agad naman tiningnan ni Rita ang table kung may nakaligtaan ba siyang ibigay. Saktong pag-angat niya ng isang folder may nakita siyang isang file na naiwan. Agad siyang tumayo at ibinigay iyon. "Sir Lorrenze, may naiwan ho pala sa table ko, sorry," hinging paumanhin ni Rita sabay abot ng isang folder. Agad naman tiningnan ni Lorenz. "Zyren Marie Rivera," bulong ni Lorrenze nang mabasa ang pangalan ng aplikante. Binasa niya ang personal information nito at napatingin sa picture. Unang tingin palang, he felt that there’s something behind in her beautiful smile. Very interesting, mukhang puwede na itong maging assistant ni Rita. Sa loob-loob niya. "Rita, paki tawagan ito for interview tomorrow at 10:30 am," utos ni Lorrenze kay Rita. "Okay po, Sir," mabilis na tugon ni Rita agad na kinuha ang file. ******* Katatapos lang maligo at magbihis ni Zyren nang marinig ang tunog ng call tone ng kanyang cell phone. Agad niyang kinuha iyon upang tingnan. Unknown number. Sana isa na ito sa kumpanyang in-apply-an ko. Pinindot nya ang answer button at inilapit sa tainga ang cell phone. "Hello?" "Can I speak to Miss Zyren Marie Rivera?" wika ng nasa kabilang dulo ng linya. "Speaking, sino po ito?" tanong naman ni Zyren. "This is Rita from Glory Sky Hotel, tinawagan kita for an interview tomorrow at 10:30 am." "Talaga, ho? Okay po, makakapunta po ako, maraming salamat po," masayang tugon ni Zyren. "Miss Rivera, 10:30 am, okay? Huwag kang papa-late kung gusto mong matanggap sa trabaho," paalala ni Rita. "Opo, Ma'am, wala pang 10:30 nariyan na ho ako." Pagkatapos magsalita si Zyren, ibinaba na ng nasa kabilang linya ang telepono. Thank you Lord! Sana makapasa ako. Wait! Glory Sky Hotel? Hindi ba… Hindi na natuloy ni Zyren ang iniisip. Agad na niyang inayos ang mga kailangan niya para bukas. ****** "Sir Lorrenze, okay na ho," agad na sinabi ni Rita pagkatapos matawagan ang aplikante. "Thank you," ani Lorrenze at ibinaling na ang attention sa binabasa nito. Thinking the named Zyren Marie Rivera, agad na napatigil sa pagbabasa si Lorrenze. Zyren Marie Rivera? Bakit familiar siya sa akin? Biglang napaisip si Lorrenze kung saan niya narinig ang pangalan na iyon. And the face of applicant also looks so familiar to him. Saan ko ba siya unang nakita? ****** "Ate, gising na," gising ng kapatid ni Zyren sa kanya. "Ano ba 'yan! Bakit ang ingay-ingay mo?" nakasimangot na sabi niya. Salubong ang kilay na animo’y may buwanang dalaw. "Ate, sabi mo gigisingin kita kasi may job interview ka ngayon," sagot ng kapatid na napakamot pa sa ulo. "Oo nga pala, potek anong oras na ba? Bakit ngayon mo lang ako ginising, ha?" balikwas na bangon ni Zyren. "Alas otso na ate, kanina pa kita ginigising ayaw mo naman magising. Ang ganda siguro ng panaginip mo kaya kahit hinahampas na kita ng unan, mahimbing pa rin tulog mo at tulo laway pa.” Hindi na pinansin pa ni Zyren ang kapatid. Agad tinungo ang banyo upang maligo habang sinasabi, "paki init ang ulam sa ref Eric, kakain ako bago umalis." "Nainit ko na po, Ate. Nakahanda na rin ang almusal mo," mabilis na sagot ni Eric. Halos sampung minuto lang naligo si Zyren, agad nagbihis at dumiretso sa kusina. "Ate, kain ka na. Ipinagtimpla na rin kita ng kape,” ani Eric saka naupo na rin sa upuan katapat ng kapatid. "Salamat, maasahan talaga kita kahit kailan," wika ni Zyren habang nagsasandok ng kanin at ulam. "Salamat din sa 'yo, Ate. Kahit hirap ka na sa akin hindi ka pa rin nagsasawang buhayin ako.” "Syempre, wala naman tayong puwedeng asahan dahil dalawa na lang tayo. Hindi ko naman maatim pabayaan ang pinaka-guwapo kong kapatid," nakangiting wika ni Zyren. "Naku si Ate, nambola pa." "Kaya ikaw, mag-aral kang mabuti. Isang taon na lang makakapagtapos ka na." "Opo Ate, para sa 'yo pagsisikapan kong makapagtapos." "O siya, aalis na ako at baka ma-late ako sa interview ko, napaka-traffic pa man din ngayon," agad na tumayo si Zyren. Pagkatapos mag-toothbrush kinuha ang bag at lumabas na ng bahay." "Ingat ka ate, text mo ako kapag natanggap ka, ha? Good luck sa 'yo," bilin ng kapatid habang nag-aabang ng tryccle si Zyren. "Salamat bunso, huwag kang pumunta kung saan-saan, ha? Mag-review ka at malapit na ang exam mo," bilin rin ni Zyren sa kapatid. "Yes, Ate." "Manong, Glory Sky Hotel po tayo," sabi ni Zyren sa tryccle driver. "Okay po, Ma'am," sagot nito. Sana makapasa ako ngayon, paubos na ang pera ko sa banko at kailangan ko mag-ipon sa nalalapit na ojt ng kapatid ko. Ulilang lubos na sila Zyren at Eric, dalawang taon na ang nakalilipas ng sabay na namatay ang magulang nila dahil sa aksidente. Ito ang pinakamabigat na nangyari sa buhay nila. Dahil din doon, naatang kay Zyren ang obligasyon sa kapatid. "Ma'am, dito na ho tayo," wika ng driver na nagpagising sa kamalayan ni Zyren. "Salamat, ho," aniya sabay abot ni ng bayad. Pagkababa ni Zyren ng tryccle, napatingala siya sa mataas na building ng Glory Sky Hotel. Na lula siya sa taas niyon at tantya niya nasa tatlumpung palapag iyon. "Ang taas naman pala nito, siguro sobrang yaman ng may-ari nito," bulong ni Zyren habang naglalakad papasok sa building. "Ma'am, ano ho ang sadya ninyo?" tanong ng naka-duty na guard kay Zyren. "May interview ho ako kay Mr. Fernandez mamayang 10:30, kuya," sagot ni Zyren. "Okay, Ma'am," magalang na sagot ng guard habang pinapapasok na si Zyren. Pagkapasok, agad na dumiretso si Zyren sa reception desk at nagtanong. "Miss, anong floor po ang office ni Mr. Lorrenze Fernandez?" "Ano ang sadya mo kay President Fernandez!" mataray na sagot ng receptionist kay Zyren. "May interview ho ako sa kanya mamayang 10:30, Miss," magalang pa rin na sagot ni Zyren kahit na tinarayan siya. "Itatawag ko muna sa secretary niya," sagot nito sabay pindot sa telepono. Ang taray naman nito! Akala mo naman kagandahan ang kapal-kapal naman ng makeup! "Puwede ka ng umakyat," mataray pa rin sa wika nito "Salamat," sagot ni Zyren na nakangiti. Ayaw niyang patulan ito kahit nanggigil na siya. "Miss, anong floor ho pala ang office ni Mr. Fernandez?" habol na tanong ni Zyren. "27th floor," nakataas ang kilay na sumagot ang receptionist. "Thank you," tugon ni Zyren sabay talikod at tinungo ang elevator. Pagdating niya sa elavator saktong papasara na ito, patakbong humabol si Zyren. "Kuya, sandali lang, ho." Agad namang nakapasok si Zyren sa elevator at pinindot ang number 27. Napatingin si Zyren sa katabi niyang lalaki. Ang guwapo naman nito, ang tangkad pa at in fairness ang bango-bango niya. Ang sarap niyang yakapin. Sh*t! Bumukas ang elevator sa 27th floor, ngunit hindi parin lumalabas si Zyren. Nakatulala ito at napapangiti pa na animo’y nananaginip. "Miss, hindi ka ba lalabas?" tanong ng lalaki sa nakatulalang si Zyren. "Ha?" Tila nagising si Zyren sa isang panaginip. Agad na lumabas ng elavator na namumula ang mukha. Napangiti ang lalaki at lumabas na rin habang bumubulong. "Tulala, mukhang iniwan ng boyfriend itong babae na ito, ah." Nagpalinga-linga si Zyren habang hinahanap ang office na may pangalang Lorrenze Fernandez, sakto pagtingin niya sa kaliwa nakita niya ito. Kumatok muna siya bago pinihit ang door knob. Pagbukas niya, isang babae na nasa kalagitnaan ng edad trenta ang nadatnan niya. "Good morning, Ma'am, may interview ho ako kay Mr. Fernandez ngayon," magalang na wika ni Zyren. "Ikaw ba si Zyren Marie Rivera?" tanong nito sa kanya. "Yes, Ma'am," nakangiting sagot ni Zyren. "Maupo ka muna parating na iyon si Sir Lorrenze." Agad naman naupo si Zyren sa bakanteng upuan sa harap ng table ng babae. Nagpalinga-linga siya sa loob ng opisina. Namangha siya sa laki nito at sa ganda ng disenyo. Napakaaliwalas ng buong silid at ang bango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD