Kabanata 2

1246 Words
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking kasabay ni Zyren sa elevator. Napakunot ang noo niya. Ano ang ginagawa nito dito? "Good morning, Sir Lorrenze," bati ng babae rito. Sir Lorrenze? Siya ang may-ari ng building na ito? Sh*t! Bakit hindi ko man lang alam? Naku naman Zyren. Ang t*nga mo talaga kahit kailan, hindi ka man lang nag-research. "Good morning din, Rita," tugon nito na ang tingin ay kay Zyren. Namukhaan niya ito. Dumaan pa kasi siya sa opisina ng kanyang lawyer kaya hindi niya nakasabay ang babae pumasok sa opisina niya. "Sir Lorrenze, siya ho si Miss Rivera. Ang naka-schedule for interview today," wika ni Rita. "Please follow me,” anito sabay talikod papasok sa isa pang silid sa loob ng malaking opisina. Sumunod naman si Zyren pero kabado siya at tila hindi na niya alam ang gagawin niya. "Have a seat," sabi nito saka umupo sa swivel chair nito sabay kuha ng isang folder na nakapatong sa ibaba ng office table nito. "Thank you, Sir," nahihiyang tugon ni Zyren. "So, ikaw si Zyren Marie Rivera?" tanong nito. "Y–yes po, Sir," sagot ni Zyren na halatang kinakabahan. "I have one question. Just answer me in a yes or no," wika nito na nakatitig kay Zyren. "A–ano ho iyon, Sir?" tanong ni Zyren na halos basang-basa na ang kamay sa pawis dahil sa sobrang kaba. "Are you single?" seryosong tanong nito. "Ha? Ano-“ “Miss Rivera, yes or no lang ang gusto kong sagot,” pasulpladong sabi ni Lorrenze. Ayaw niya sa may asawa or boyfriend dahil mas okay na walang sabit para mas makapag-concentrate sa trabaho. Kagaya rin ni Rita noon. Pero kalaunan ay nag-asawa na ito at nagkaanak kaya madalas hindi ito nakakasama sa out of town or business trip niya. Y–yes.” Kahit nagtataka, sinagot pa rin ni Zyren ang tanong nito. Wala naman siyang boyfriend. Kaya lang siya hindi nakasagot agad dahil wala naman iyon kinalaman sa trabahong in-apply-an niya. "You’re hired," wika nito sabay tayo at lumabas ng opisina nito. Tanggap na ako? Ganoon lang iyon? Ano ang kinalaman ng pagiging single ko sa trabahong in-apply-an ko? Assistant Secretary ang trabahong in-apply-an niya kaya hindi makapaniwala si Zyren sa naging tanong sa kanya. "Miss Rivera, sumunod ka sa akin," tawag ni Rita kay Zyren. Agad naman tumayo si Zyren at sumunod kay Rita. "Maupo ka muna," nakangiting wika nito. "Salamat po," nakangiti ring tugon ni Zyren. Naupo ulit siya sa upuang inupuan niya kanina. "Pinapasabi ni Sir Lorrenze, bukas ka na magsisimula bilang assistant secretary ko. Ang oras ng pasok mo ay alas otso. Monday to Saturday ang pasok then kung may important meetings si Sir Lorrenze kahit sunday kapag wala ako ay ikaw ang mag-aasikaso." "Okay, po," tugon ni Zyren. "Miss Rivera, have patience lang pagdating kay Sir Lorrenze, istrikto lang iyon pero mabait na boss basta maayos lang ang trabaho mo. Oo nga pala, ikaw ang madalas kasama ni Sir Lorrenze kapag may mga meetings siya na pupuntahan. Mapapadalas na rin kasi ang pag-absent ko dahil na rin sa kalagayan ko. Hindi na ako puwede mapagod dahil maselan ang ipinagbubuntis ko ngayon." "Buntis ho kayo? Congrats po," nakangiting ani Zyren. Maayos siyang pinakitunguhan ni Rita kaya alam niyang makakasundo niya ito. "Oo, second baby na namin ng husband ko ito. At saka, Ate Rita na lang ang itawag mo sa akin." "Okay, Ma'am… ate Rita pala," nahihiyang tugon ni Zyren. "O siya, iyan lang ang mga gagawin mo bukas, puwede ka nang umuwi." "Salamat ho ate Rita, mauna na ho ako," paalam ni Zyren. "Huwag ma-late, ha? Iyan ang pinakaayaw ni Sir Lorenz," paalala nito kay Zyren. "Opo, thank you po.” Lumabas na si Zyren sa opisina at tinungo ang elevator. Lord salamat dininig ho ninyo ang panalangin ko. Gabayan ho sana ninyo ako sa bagong trabaho ko. Halos dalawang buwan si Zyren na walang trabaho kaya laking pasasalamat niya na natanggap siya ngayon. Kailangan talaga niya ng trabaho para sa kapatid niya upang matustusan ang pag-aaral nito. Sa edad kasi na bente singko, siya na ang tumatayong magulang nito. Pagbukas ng elevator agad na pumasok si Zyren at pinindot ang ground floor. Paglabas ng building agad pumara si Zyren ng taxi, dadaan muna siya ng mall para bumili ng mga damit na susuutin niya sa opisina. "Manong sa SM ho tayo." Ilang minuto lang nakarating na sila ng mall. Malapit lang iyon sa Glory Sky Hotel kung saan siya magtatrabaho. Pagka-abot ng bayad, agad na lumabas ng taxi si Zyren. Pumasok siya ng mall at tinungo ang womens clothing section. Ilang minuto lang nakapamili na ng tatlong pares ng office attire si Zyren. Paglabas niya roon naalala ni Zyren i-text ang kapatid para ibalita ang good news. Agad niyang kinuha ang cell phone sa bag, ngunit dahil sa nakayuko siya hindi niya nakita ang taong kasalubong niya. "Ay kabayo!" Muntik nang matumba si Zyren ngunit naagapan siyang hawakan ng mahaba at matigas na mga bisig. "Miss tumingin ka kasi sa dinadaanan–“ hindi na nito natapos ang sasabihin nang makita ang mukha ni Zyren. "Miss Rivera!?" "Sir Lorrenze!?" halos sabay nilang sambit. Gulat na gulat si Zyren. Kani-kanina ay lang nasa office ito, bakit nasa mall na ito ngayon? "Anong ginagawa mo rito?" salubong ang lilay na tanong ni Lorrenze. "Sir, mall ho ito—natural may binili ako," medyo naiinis na sagot ni Zyren sabay taas ng dala-dala niyang paper bag. Kailangan pa ba itanong iyon? "Fine! Bawal ba magtanong? Alalahanin mo boss mo ako," naiinis ring sagot nito. Boss niya ako tapos ganoon niya ako sagutin? "Sorry ho, Sir, mauuna na ho ako," paalam ni Zyren sabay talikod. Akmang aalis na siya nang pigilan nito ang kamay niya. "Sandali lang." Napatingin si Zyren sa kamay niyang hawak nito. "Bakit po, Sir? May nakalimutan ho ba kayong sabihin?" Agad na binitawan ni Lorrenze ang kamay ni Zyren at sinabi, "narito ka na rin lang, puwede mo ba akong samahan mamili ng regalo?" Hindi agad nakasagot si Zyren. Regalo? Para kanino? Sa girlfriend niya? "Miss Rivera kung anu-ano na ang nasa isip mo," nakasimangot na wika nito ng hindi agad sumagot si Zyren. "Ah... Regalo ho para kanino? Hindi kasi ako marunong pumili kung ang reregaluhan ho ninyo ay ang girlfriend po ninyo," aniya. Medyo nanghihinayang siya dahil may girlfriend na ang magiging boss niya. "Anong girlfriend pinagsasabi mo? Pamangkin ko ang reregaluhan ko," kunot-noong sagot ni Lorrenze. "Sorry ho, Sir, akala ko po girlfriend po ninyo, eh," agad na sagot ni Zyren. Bigla siyang nasiyahan nang marinig na para sa pamangkin pala nito ang regalong bibilhin. "Lets go," aya nito kay Zyren. Agad namang sumunod si Zyren. Pumasok ito sa toy's section. "Sir, lalaki ho ba ang pamangkin ninyo?" tanong ni Zyren. "Yes, six years old na siya," tugon ni Lorrenze habang namimili ng mga laruan. "Sir ano ho ba mga gusto niya?" tanong ni Zyren. "Hindi ko alam pero madalas ko marinig gusto niya maging pilot paglaki." "Sir, I think maganda kung regaluhan na lang ninyo siya ng sets of airplane na laruan for collections po niya," agad na suggest ni Zyren. "Bright idea," tatangu-tango na wika ni Lorrenze. May utak din pala ang babaeng ito. "Ito kaya?" tanong habang hawak ang isang sets ng airplane na laruan. Simula sa malaki hanggang sa pinakamaliit ang set na iyon. "Puwede na po iyan, sigurado ako magugustuhan ho iyan ng pamangkin ninyo," nakangiting saad ni Zyren.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD