"Denver paano si raven?"
Nakayakap kong tanung sa kanya at isang buntong hininga naman ang ginawa nitobago nag salita.
"Mabait naman si raven siguro maiintindahan niya ang mga sasabihin ko" nakangiti nitong wika ng humarap ako sa kanya at isang halik ang ginawa ko sa kanya .
"Mahal na mahal kita denver and i promise hinding hindi na tayo mag hihiwalay " sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok nito .
"Sana nga " sagot nito.
Matapos naming mag almusal ay naghanda na kami sa aming dadalhin pabalik ng maynila upang ayusin ang mga dapat ayusin.
"Denver ,alis lang ako saglit pupunta lamang ako sa rancho sabi kasi ni kuya ben ay may problema daw ,kaya pupuntahan ko muna pero saglit lang naman yun" mahabang sabi ko sa kanya at isang tango naman ang ginawa nito .
"Saglit ka lang huh ,mamimiss kita agad" paglalamibing nito sa akin habang hawak ko ang bewang nito.
"Opo" nakangiti kong wika sa kanya at isang halik ang ginawad ko bago ako umalis papuntang rancho.
DENVER POINT OF VIEW...
Kakatapos ko lang ayusin ang mga pinakainan namin at dadalhin ko na sana ito sa kusina ng may marinig akong katok sa labas .
Inilapag ko muna sa lamesa ang mga platong dadalhin ko na sana at nagmamamdali akong pumunta sa pintuan .
"May nakalimutan ka ba de-TITA " gulat kong wika.
"Ano pong ginagawa ninyo rito at paano kayo napunta rito" naguguluhan kong tanung sa kanya .
"Hindi mo man kang ba ako papasukin" sabi ni tita Miles,na ina ni raven.
"pasok po" sabi ko sa kanya at agad rin naman itong pumasok at dumeristo sa sofa .
"Maganda ang lugar na ito at tamang tama lang sa mga taong nagtatago" habang iniikot nito ang kanyang paningin sa loob ng cottage .
"May gusto po ba kayong inumin like juice or coffee" sabi ko rito habang nakaupo sa tapat na upuan ..
"Wag na hindi rin naman ako magtatagal rito ,may kailangan lang naman akong asikasohin" sabi nito at nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang mga kamay ko na siyang nagpakaba sa akin .kakaiba ang paghawak nito sa kamay ko parang may gusto itong ipahiwatig ,hindi ko maintindihan kung ano ang eksaktong nararamdaman ko.
Nagulat na lamang ako ng biglang pumutak ang mga luha mula sa mata ng ina ni raven na siyang dahilan ng pag alala ko rito.
"Ti-tita" nag alala kong wika sa kanya .
"Patawarin mo sana ako sa hihilingin ko sayo denver,alam kong mali ang hilingin sayo ang bagay na ito lalo na't wala akong posisyon upang hilingin ang bagay na ito" umiiyak nitong sabi sa akin ,magsasalita na sana ako ng bigla muli itong nagsalita.
"Alam kong may balak kang makipaghiwalay kay Raven pero ako na ang nagsasabihing huwag ka ng makipaghiwalay kay raven parang awa mo na" umiiyak nitong sabi sa akin sabay hagod sa mga kamay ko.
"Pero ba-bakit " naiiyak kong tanung sa kanya .
Bigla itong tumayo sa harapan ko at marahang pinahid ang mga luhang lumalandas sa mga mata nito.
"Past few days na isugod namin si raven sa ospital dahil sa sakit nito ,alam mo naman diba ang sakit ni raven" kinabahan ko ng banggitin nito ang tungkol sa sakit ni raven.
"lumala ang sakit nito simula ng umalis ka at gusto kong magalit sayo pero alam kong wala akong sapat na ebidensya para magalit sayo ,naisugod namin siya sa ospital at sabi ng doktor na tumingin sa kanya ay ilang araw na lang ang pwedi nitong ipamalagi sa mundo ,kaya nakikiusap ako sayo ,hayaan mong makasama ka man lang ng anak ko kahit sa huling hantungan lang kahit sandali lang upang maging masaya man lang ito ,ayokong mamatay ang anak ko dahil sa lungkot at hirap na dinaranas nito ,gusto kong maging masaya ito kahit sa huli lang ,kahit dun lang ,at yon lang dina ng hiling nito ang makasama ka kahit sandali lang nakikiusap ako sayo denver please ,save him ,please come back for him ,at kapag wala na ito pwede ka ng bumalik uli sa dati at makapagsimula ng bago please nagmamakaawa ako sayo" bigla akong natulala sa mga narinig ko mula sa kanya at namalayan ko na lamang na lumuluha na pala ako.
"Nagmamakaawa ako sayo ,denver please" umiiyak nitong wika sa akin habang hinahaplos ang aking kamay na siyang lalong nagpaluha sa akin at nagpagulo ng isip ko.kung kailan pwede na ang lahat saka pa magkakaganito.
"please,save him please" nagulat ako ng bigla itong lumuhod sa harapan ko at nagsimula ng humagolhol .
Hindi ko na kaya!tuluyan ng pumatak muli ang mga luha na siyang nagpabigat sa damdamin ko.paano na ako? paano si dexter kong mawawala muli ako sa kanya? anong mangyayari ?
naguguluhan kong tanong sa sarili.Nang umalis na ang ina ni raven matapos nitong makuha ang sagot ko.
Napahawak na lamang ako sa aking mukha at tuluyan na akong napahagolhol sa mga sitwasyong kinapipiitan ko sa ngayon .
Diyos ko ! Anong gagawin ko.
"Anong nagyari sayo,bakit ka uumiyak may nangyari bahabang wala ako,please sumagot ka denver please" .
nakita ko na lamang si dexter na nasa harapan ko na siyang nagpaluha muli sa akin.
"de-dexter" hagolhol kong wika sa kanya habang nakayakap sa kanya hindi ko maiwasan ang hindi maiiyak .ang kaninang masayang pangyayari ay bigla na lamang mapapalitan ng kalungkutan.
"Ssshhhh tahan na " sabi nito habang hinahagod nito ang likod ko.
"Ano ba talagang nangyari ?" pangungumbinsi nito sa kin at isang matipid na ngiti lamang ang ginawa ko.
"Wala natakot lang ako ng makakita ako ng daga " sabi ko sa kanya .Nasiya naman ikinatawa nito.
"Hanggang ngayon paba may phobia ka parin" natatawa nitong wika sa akin na siyang ikinabalik ng kaunting kasiyahan na meron ako ,na bandang huli mawawalan din lahat ng kasiyahan ko dahil sa mga desisyon ko.
"Ta-tayo na " sabi ko sa kanya .
"Tayo naman talaga " sabi nito sa akin na siyang nagpangiti sa akin.kahit papano pala ay may babaunin parin akong ala-ala .
"kiss me" pagsusumamo ko sa kanya na at ng maglapat ang aming labi ay siyang pagpatak ng mga luha ko.
I m sorry sa gagawin ko ,sana sa pagbalik ko mapatawad no ako .