TUMALIKOD si Lucy kay Cleo. Hindi pa siya nakakalayo. Nang hinila ng dalagang amo ang buhok niya. Nabigla si Lucy sa ginawang pagsabunot ni Cleo. "Ma'am, masakit po! Bitawan niyo po ang buhok ko!" Nagpapalag si Lucy habang hawak ang kamay ng amo na nakasabunot sa kanyang buhok. Ngunit parang bingi ang dalagang amo nila. Patuloy pa rin siyang sinasabunutan at hinihila ang buhok niya. "Tama lang sa 'yo 'yan! Ang tapang tapang mo! Ang kapal naman ng mukha mo na sampalin ako, Lucy! Makakatikim ka talaga sa 'kin sa ginawa mo! Mutsatsa ka—!" malalakas na bulyaw ni Cleo. Inikot-ikot pa ang kamay nito na nagpadaing lalo kay Lucy. Panay ang salag ni Lucy sa kamay ni Cleo. Pero sadyang wala na itong pakiramdam. At galit na ang lumukod sa katawan. "Aray, Ma'am Cleo! Tama na po!" Umiiyak na si Lu

