A MONTH AGO ISANG GABI, habang malakas na nagpapatugtog si Raleigh. Mabilis na minamaneho niya ang bagong kulay puting Toyota Rav4. Galing na siya sa bar at pauwi na. Masama ang loob niya. At parang nakulangan pa siya sa mga nainom niyang alak sa bar. Kaya nagdala pa siya sa kanya nang dalawang bote ng beer. Hawak niya ang manibela sa isang kamay. Habang ang kanyang kamay ay hawak ang can beer. Nagpapakalango at sumasabay sa kanta ng kanyang stereo. Nagitla na nanlalaki ang mata ni Raleigh. Nang makita ang tumatawid na babae sa gitna ng kalsada. "Oh, s**t! Tumabi ka d'yan, miss!" malakas na sigaw niya. Kinabig niya ang manibela. Pero parang walang narinig ang babae. Slow motion ito na humarap sa kanya. Napatitig siya sa maamong mukha ng babae at natulala si Raleigh. Nang masilayan a

