TUMIKHIM si Lucy para mawala ang bara sa kanyang lalamuman. "Magmeryenda ka muna, anak," pilit niyang pinapasigla ang boses. Saka inilipag ang isang baso ng juice at tinapay para kay Linden. "Thank you po, 'nay." Isang matamis lang na ngiti galing sa anak niya ay ayos na sa kanya. Masaya na siya r'on sa simpleng ngiti. Nawawala lahat ang galit at poot sa kanyang dibdib. Kaya siguro siya madaling magpatawad. Pinapatawad niya ang lahat ng taong nanakit sa kanya. Kahit pa ang kuya niya na basta na lamang siya iniwan noon. Ang dami niyang pinagdaanan. At si Linden lang ang nagpapawi nang lahat ng sakit na kayang naramdaman. "Babalik na ako sa trabaho ko. Kapag nainip ka, manood ko na lang ng tv. Puwede ring matulog ka. Sisilipin kita kapag nakababa ako," bilin niya sa anak. "Sige po, 'na

