NAESTATWA si Lucy. Nang maramdaman ang mainit na mga braso ng amo sa beywang niya. Natulala siyang nakatingin lang sa mukha ng amo niya. Habang nakahilig ang ulo niya sa dibdib nito. Hindi siya dapuan ng antok. Ang bilis ng t***k ng puso niya habang nakahiga pa rin siya at nakatunghay sa kisame na inaalala ang guwapong amo niya. Nasa isip pa din niya tagpong iyon nila ng binata kanina. Sinulyapan niya ang ironman na laruan. Wala sa sariling napangiti siya. "Lucy, tumigil ka. Hindi sa 'yo mabait ang amo mo. Sa anak mo nagigiliw 'yon. Kaya alisin mo na sa isip ang yakap niya," saway niya sa sarili. Bumaling siya ng higa sa anak. Mabini niyang sinuklay ang buhok ni Linden. Napaluha siya. Nang maalala ang nakaraan. Limang taon na ang nakakaraan. Natatakot pa rin siya. Pero masaya siya na k

