Car Accident

2021 Words
MALAKAS ang tugtog sa loob ng bagong bagong Toyota Rav4 ni Raleigh. Mabilis din ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Walang pakialam sa mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada. "Thank you for loving me... For being my eyes! When I couldn't see. For parting my lips. When I couldn't breath. Thank you for loving me—!" Sabay na kanta ni Raleigh. Saka uminom ng beer. Naka-dalawa na siyang bote ng beer na naubos. Nag-iinom habang nagmamaneho at nasa daan ang mata. Mabilis na mabilis pa din ang pagpapatakbo ni Raleigh sa kanyang rav4. Sa bilis ng takbo nito ay hindi napansin ang kasalubong na van. Iiwas sana ni Raleigh ang sasakyan niya. Pero huli na ang lahat. Sumalpok sa van ang sinasaktan niyang rav4. Nagulat ang mga taong nasa gilid ng kalsada. Nang marinig ang malakas na tunog ng dalawang sasakyan na nagkabanggaan. Tumakbo ang iba para tignan ang mga sakay. Kung may nasaktan o kailangang dalhin sa ospital. "Tulong! Mayroong naipit dito!" Malakas na sigaw ng isang lalaki. Nakapikit ang mga mata ni Raleigh. Habang walang malay na naipit sa loob ng driver seats. Agad ding may tumawag ng ambulansiya at pulis. Ilang sandali lang ay dumadating na ang ambulansiya at sasakyan ng rescuer. Kasunod nila ang dalawang sasakyan ng mga pulis. Nagulat si Lucy at madiing napapikit ng kanyang mata. Patawid na sana siya. Pero napahinto siya sa nasaksihang aksidente. Hindi kalayuan sa kanya. Naestatwa siyang nakatingin sa van at mamahaling sasakyan. Nakalabas ang driver ng van na duguan ang ulo. Habang nagkakagulo ang mga tao sa isa pang sasakyan. "A-Ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Lucy sa aleng pabalik na palapit sa sasakyan. "Naipit ang mga paa 'nong driver sa rav4. Hindi siya mailabas. At mukhang mahihirapan ang taga-rescue na tanggalin siya sa loob. Wasak na wasak ang harapan ng rav4, oh." Napakurap si Lucy ng mata. Saka nagmamadali siyang umalis sa lugar na iyon. HINAHABOL niya ang kanyang paghinga nang makapasok sa loob ng bahay ni Jopay. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang kaba at sa takot. Bigla niyang naalala si Linden. "Linden! Anak, andito na si nanay!" Malakas na sigaw ni Lucy. Inilapag niya sa upuan ang hawak na envelope. Saka pumunta sa kusina. Kumuha siya ng mangkok at isinalin doon ang dalang ulam na binigay ni Carlota. Tinakpan at muling pumunta sa sala. Tamang tama na bumukas ang pinto. "Inay!" Nabitawan ni Jopay ang kamay ng inaanak at tumakbo ito palapit sa ina. Sinalubong ng yakap ni Lucy si Linden. Saka kumalas at nilapitan ang kaibigan. "Salamat sa pagsundo kay Linden sa eskwelahan," aniya. Pinakiusapan niya muna si Jopay ang sumundo sa anak niya. "Okay lang, Lucy. Wala naman akong trabaho kanina. Saka atleast may nagagawa ako para sa inaanak ko." Napangiti si Lucy. Saka naalala ang ulam niyang dala. Pati na ang magandang balita na sasabihin niya. "May dala pala akong ulam. May nakuha na pala akong trabaho. Hindi malayo dito sa bahay. Magkakaroon pa tayo ng libre ng ulam araw araw," masayang balita niya sa kaibigan. "Talaga po, inay?" Yumuko si Lucy para mapantayan ang anak. Pinanggigilan niya ang pisngi ng anak. Humagikhik ito. "Oo, Linden. Magsisipag si nanay dahil next year papasok ka na sa public school. Grade one ka na." Ngumiti ng matamis ang anak niya sa kanya. Saka niya ginulo ang buhok nito. Umayos siya ng tayo at hinarap ang kaibigan. "Huwag na kayong lumipat ng bahay. Dito na lang kayo. Makakatipid ka pa at makakapag-ipon, Lucy," komento ni Jopay. Matamang tinitingnan niya ang kaibigan. "Pero hindi puwedeng hindi ako tumulong sa gastos dito sa bahay mo. Marami na ang naitulong mo sa amin ni Linden. Kaya tutulong din ako sayo, Jopay." "Mapilit ka talaga. Sige na nga." Ayaw nang makipagtalo pa ni Jopay sa kanya. Dahil alam nito na hindi siya papayag sa gusto lang nito. Maprinsipyo siya at mas gusto niyang tumulong din sa kaibigan. ******** TUMATAKBO si Antonette papasok sa loob ng ospital na pinagdalhan ni Raleigh. "Where is the room of Raleigh Sable?" Tiningnan ng nurse na nasa information ang computer sa harapan niya. "Room number 10 po." Nagmamadaling pinuntahan ni Antonette ang kuwarto na sinabi ng nasa information. May tumawag sa kanya na pulis kanina. At ibinalitang na aksidente ang anak niyang bunso. Sa taranta ay hindi pa niya muna natawagan si Ryder. Pagkapasok niya sa loob ng private room ni Raleigh ay napatakip ng kanyang bibig si Antonette. Napaluha siya sa nakikitang kalagayan at ayos ni Raleigh. May mga sugat sa ito mukha. May benda ang kaliwang kamay at ulo. Ang paa nito ay makaangat. Wala pa din itong malay at may mga nakakabit na aparato. "Diyos ko, Raleigh! Anong nangyari sa 'yo?" umiiyak na sigaw ni Antonette. Niyakap niya ang natutulog pa ding anak. Agad siyang dinaluhan ng nurse na nagbabantay kay Raleigh. "Ma'am, huminahon po kayo. Nagpapahinga po ang pasyente. Hayaan po muna natin siyang matulog." Inalalayan nitong makaupo siya sa tabi ng higaan ng anak. "Anong nangyari sa anak ko? At ano ang lagay niya?" "Car accident po ang anak niyo. Sandali po. Tatawagin ko lang po ang doktor ni sir para po siya na ang magpaliwanag sa lagay ng anak niyo," sagot ng nurse. Pagkasabi ay lumabas na ito ng kuwarto. Marahang hinaplos ni Antonette ang ulo ni Raleigh. Hindi niya mapigilang bumuhos ang emosyon. Hindi pa niya alam amg totoong nangyari sa anak. Ang alam niya ay pauwi na ito sa bahay nila. Paanong naaksidente si Raleigh? Napalingon siya sa pintuan nang bumukas iyon. Tumayo siya at sinalubong ang doktor. "Ano ang lagay ng anak ko, doc.?" "Mrs. Sable, he is out of danger. Pero may malungkot po akong balita. 'Wag po sana kayong mabibigla," malungkot na sagot ng doktor. Kinabahan si Antonette. "Ano pong sasabihin niyo na ikalulungkot ko?" "Ma'am, may natamaan po na ugat sa binti niya ang anak niyo. Mayroon pong five percent na chances para siya makalakad muli. Puwede siyang mag-undergo ng surgery at theraphy para siya muling makalakad. Pero wala pong assurance doon," sagot ng doktor. Napaupo si Antonette. Saka tahimik na umiyak. "I'm sorry, ma'am. I have to go." Tumango siya habang umiiyak pa din. Saka binalingan ang anak na wala pa ding malay. Kinuha niya ang phone niya saoob ng bag. Idinial ang numero ng anak na panganay. "Ryder, pumunta ka dito sa ospital. Si Raleigh, na aksidente siya. Car accident daw. Hindi ko pa alam ang buong kuwento sa nangyari," balita niya sa anak. Habang walang hinto na umiiyak. "What?! Saang ospital, mom?!" "Andito kami sa MPH. Puntahan mo ako agad dito, anak. Please..," naghe-hysterical na sabi ni Antonette. "Mom, huminahon po kayo. Pupuntahan ko po kayo diyan kaagad." "Okay..," hindi na nakapagpaalam pa si Ryder. Nagmamadali nitong pinatay ang tawag. Muling binalingan ni Antonette ang anak. ********* "LOVE, aalis lang ako," paalam ni Ryder sa asawa. Lumapit ito sa kanya at dala ang tasa na may kape. "Huh? Saan ka pupunta?" "Nasa ospital si Raleigh, naaksidente. Kailangan kong puntahan si mommy doon. Sobrang nag-aalala siya at umiiyak," Ibinaba ni Diane ang tasa sa center table. "Samahan na kita, love." "No need, love. Kapag kailangan kita doon. Tatawagan na lang kita. Sa ngayon ang asikasuhin mo," tangging sagot ni Ryder. Napilitang tumango si Diane. Saka nagmamadaling lumabas ng bahay si Ryder. LULAN si Ryder ng kotse niya papunta sa ospital ni Oscar. Napaka-kaskasero talaga ng kapatid niya. Hindi nag-iingat. Siguro lasing na naman si Raleigh habang nagda-drive. Napapansin niya ang pagbabago ng kapatid. Tila parang wala itong gana sa lahat ng bagay. Parati din itong umuwing lasing. Iyon ay ayon sa kanilang ina. Pagkarating sa ospital ay agad niyang naipark ang kanyang kotse sa parking lot. Sa mismong harap ng MPH. Saka mabilis na lumabas ng kanyang sasakyan. Nagmamadali na pumasok sa loob ng ospital. Hinanap ang kuwarto ng kapatid na, si Raleigh. "Mom...," tawag ni Ryder sa ina. Nang makapasok siya sa loob ng private room ni Raleigh. Mabilis na napalingon ang mommy niya. "Ryder, anak..." Tumayo ito at nilaotian siya. Saka niyakap habang umiiyak. Hinagod-hagod ni Ryder ang likod ng ina. Hinawakan niya ito sa balikat at iniharap sa kanya. "Huwag po kayong mag-alala kay Raleigh. Kaya po niya 'yan. Siya pa ba?" Pagpapalakas ng loob ni Ryder sa ina. Pinunasan ng mommy niya ang mga luha nito. "Natatakot ako para sa kapatid mo. Sinabi ng doktor na may five percent lang na chance siya para makalakad. Hindi ko alam kung paano matatanggap ni Raleigh ang sitwasyon niya. You know your brother. Masyadong matigas ang ulo niya. At maloko." Napabuntonghininga si Ryder. "Let's hope for that five percent. Sinabi ng doktor na may chance pa siyang makalakad. Kaya kumapit tayo sa five percent. Gagawin natin ang lahat para makalakad siyang muli. Dadalhin ko siya sa America. Ipapatingin ko siya sa pinakamagal8ng na espesyalista doon." Umayon ang mommy niya sa sinabi niya. Hindi sila dapat mawalan ng pag-asa. Na makakalakad ulit si Raleigh. Maraming paraan para siya gumaling. "Puwede bang ikaw na ang pumunta ng presinto? Alam in mo ang totoong nangyari sa kapatid mo," saad ng mommy niya. "Don't worry, mom. Ako na po ang bahala ng mag-asikaso tungkol doon." "Si Diane pala?" tanong nito. "Nasa bahay po. Binabantayan ang mga bata." "Can you send her here? Gusto ko na may makakausap." "Sige po. Tatawagan ko po si Diane. Pero mas maiging magpahinga na kayo. Umuwi na po kayo. Kukuha na lang ako ng magbabantay kay Raleigh," sagot ni Ryder. Inalalayan niya ang mommy niya na makaupo. UMALIS si Ryder ng ospital noong dumating ang pansamantalang magbabantay sa kapatid. Pinauwi na din niya muna ang ina. Nang makapagpahinga ito. Sa nakita niyang ayos nito sobra ang pag-aalala ng mommy niya kay Raleigh. Hibid niya masisisi ang ina. Kahit siya ay nag-aalala para sa kalagayan ng kapatid. "I'm Chairman Ryder Sable. Dito ba sa presintong ito ini-imbestigahan ang kaso ng kapatid kong si Raleigh Sable?" pakilala at tanong niya sa mga pulis sa loob. "Magandang gabi, Mr. Sable. Chief Marlon Bautista, hepe ng presintong ito," pakilala din ng hepe sa kanya. Kapwa inilahad nila ang mga palad para makipagkamay. "Itatanong ko lang ang resulta ng imbestigasyon niyo sa aksidente ng kapatid ko." "Doon na lang po tayo sa opisina ko mag-usap, Mr. Sable," paanyaya ng hepe sa kanya. Iginiya siya papunta sa opisina nito. Saka pinagbuksan pa siya ng pinto. At pinaunang pumasok sa loob. "Take a seat, Mr. Sable," alok ng hepe. Naupo si Ryder at naghintay ng sasabihin sa kanya. "Where and when did it happen? Sino ang bumangga sa sasakyan ng kapatid ko?" Sunod-sunod niyang tanong. "Sir, ang kapatid niyo po ang may kasalanan. Lasing po si Mr. Raleigh Sable noong ma-aksidente siya. Malapit na po ito papunta, sa bahay niyo. Ang driver ng van ay nagkaroon ng injuries sa ulo, braso at paa. Other than that, wala naman siyang serious injuries. Pasalamat na walang sakay ang driver ng van noong mangyari ang aksidente," mahabang sagot ng hepe. "Nasaan ang driver ng van?" "Nasa ospital po. Ginagamot ang mga sugat niya. I-discharged din daw pagkatapoa malapatan ang mga sugat niya," sagot nito muli. "Sasagutin ko na ang pagpapagamot doon sa driver. Pati na ang pagpapagawa ng van. Siguraduhin niyo lang na maabsuwelto ang kapatid ko. Ayaw ko din na lumabas ang balitang ito sa mga diyaryo. My brother is now in the hospital, nagpapagaling. Pero malaki ang naging pinsala ng aksidente sa kanya." "I will make sure na walang makakalabas na balita tungkol sa kapatid niyo, Mr. Sable. Siyanga pala, ang sabi ng mga nakakita ay may iniwasan daw po ang kapatid niyo. Kaya siya nawalan ng control," sabi ng hepe. Natigilan si Ryder. "Sino? Tao ba o hayop?" "Hindi po sigurado pero mukhang babae po," tugon nito. "Gusto kong imbestigahan niyo kung sino ang taong iyon." Tumango ito sa kanya. ********** HINDI dalawin ng antok si Lucy. Parating pabalik-balik sa kanyang isipan ang nangyaring aksidente kanina. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaking naipit. Pero kita na mayaman ito. Sa modelo palang ng sasakyan nito. Mukhang mamahalin. "Ano kayang nangyari doon sa lalaking maaksidente kanina? Sino kaya 'yon?" Mga tanong niyang usal sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD