PAGKARAAN ng dalawang araw. Matiyagang nagbabantay si Antonette sa muling pagkamalay ng anak. Kasama niya sa loob ng kuwarto ni Raleigh si Diane. Hindi umaalis sa tabi niya ang manugang. Bagay na ikinatutuwa niya sa asawa ni Ryder. Parati din siyang inaalala nito. At inaasikaso ang lahat ng kailangan niya.
"Mommy, gusto niyo po ba ng prutas? Ipaghanda ko na po ba kayo ng pagkain niyo? Baka nagugutom na kayo?" Mga sunod sunod na tanong ni Diane.
Kahapon ay si Diane ang kasama niya maghapon. Sila ang nagbantay kay Raleigh.
"Hija, umupo ka nga. Huwag mo akong masyadong intindihin. Ayos lang ako."
Sinabi niyang okay lang siya. Pero kita sa mata niyang nalulungkot. Dahil dalawang araw na ay hindi pa din nagigising ang anak.
Ipinatong ni Diane ang kamay nito sa kamay niya. "Alam ko po na ayos lang kayo. Hayaan niyo lang ako na asikasuhin kayo. Hindi po madali ang pinagdadaanan niyo ngayon. Kahit ayos lang kayo sa panlabas. Alam kong hindi kayo okay sa loob niyo. At ramdam ko po iyon. Dahil pareho tayong ina."
Gusto ng maiyak ni Antonette sa sinabi ni Diane. Hindi siya makapag-kumwaring sa kanyang nararamdaman. Alam niyang nararamdaman iyon ng mga tao sa paligid niya.
"How can I thank you, anak? Napaka-maasikaso mo sa amin. Hindi nagkamali si Ryder noong piliin ka niya. Sana makatagpo din si Raleigh ng isang katulad mo. Pero ewan ko ba sa batang 'yan. Tignan mo dalawang araw na siyang hindi gumigising," nakakataba ng puso na sabi niya kay Diane.
Malaki ang ipinagbago ng panganay niya. Noong dumating si Diane sa buhay nito. Nagkakaroon direksiyon ang buhay ng anak. At nag-mature ang isip. Inuuna ang pamilya. Hindi kagaya noon na ang laki ng galit sa kanilang mag-asawa.
Sana may isa pang Diane para kay Raleigh. Pero ang kakambal nito ay mukhang may napupusuan na. Sana kay Raleigh na lang si Devyn.
"Gigising din po si Raleigh, mommy. Manatili po tayong umasa na imumulat niya ang mga mata niya isang araw. At gagaling mula sa aksidente."
"Sana nga, hija. Sana nga....," bulalas ni Antonette na ang mata ay nasa anak. Hindi na niya naiwasan na pigilin ang luha. Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti kay Diane.
Umaasa siyang muling magigising ang anak niya. Ayaw niyang may mawala ulit sa pamilya niya. Napakabata pa ni Raleigh para mawala sa kanila. Gusto pa niyang makita na magkaroon ng pamilya ang bunsong anak.
GABI na, si Ryder ang nagprisintang magbabantay sa kapatid. Pinauwi na niya ang asawa niya at mommy niya.
Pinagmamasdan niyang maigi si Raleigh. Wala pang nakikitang signs ang mga doktor sa pagbabago ng kalagayan ng kapatid. Wala daw silang puwedeng gawin kundi ang maghintay. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ni Raleigh. Baka hindi matanggap ng kapatid niya ang nangyari sa kanya.
Napansin ni Ryder ang paggalaw ng daliri ni Raleigh. Napakislot siya at tiningnan ulit ang mga kamay ng kapatid.
Nanlaki ang mata niya nang muli iyong gumalaw. Napatayo siya bigla at dumukwang kay Raleigh.
"Raleigh, gising ka na ba? Gumising ka na!" asik niya sa kapatid. Dahan dahang inimulat ni Raleigh ang mga mata niya. At nanlalaki ang mata ni Ryder na nakatingin sa binata. "Oh my God! Gising ka na! Tatawag lang ako ng doktor!"
Ang bilis ng takbo ni Ryder palabas ng kuwarto ni Raleigh.
Ilang sandali pa ay bumalik ito at nilapitan ang kapatid. Kasunod ang doktor.
"He opened his eyes. I saw it!" Malakas na sigaw ni Ryder. Muling nakapikit ang mata ni Raleigh nang balikan niya.
Tiningnan ng doktor si Raleigh at sinuri. "Yes and he will wake up, Mr. Sable, soon. Let's just hope na magiging maayos na siya. Pero gaya ng sabi ko, wala siyang mararamdaman mula sa hita niya. Pababa sa mga paa niya. I suggest na ituloy ng kapatid mo ang gamutan sa ibang bansa. May magandang ospital sa America na kaya siyang mapalakad na mabilis. Matagal na paghihintay at mahabang pasensiya lang ang kakailanganin niyo."
"Yes, Dr. Gatchalian. Napag-usapan na namin ni mommy na magandang ipadala si Raleigh sa America," sabi din niya.
Sana ay maipaliwanag niya ng maayos kay Raleigh ang kondisyon nito.
"Aalis na ako. Baka mamaya magising na ang kapatid mo. Pakitawagan na lamang ako kapag nagising siya," nagpaalam ang doktor at lumabas ng kuwarto.
Naiwan si Ryder na nakangiti na pinagmamasdan ang kapatid. Magigising na si Raleigh. Matagal nang hinihintay ng mommy nila.
KINAUMAGAHAN, maagang pumunta si Antonette sa ospital. Parang hinihila siya ng kanyang mga paa papunta kay Raleigh.
Agad niyang binuksan ang pinto at nakita ang dalawang anak. Nakasandal si Raleigh sa headboard ng kama niya at may unan sa likod. Ngumiti ang anak niya sa kanya.
Tumulo ang luha ni Antonette.
"Raleigh...," tawag niya sa pangalan ng anak. Mabilis niyang nilapitan ang anak. At niyakap. Masaya siyang makitang gising na si Raleigh. Akala niya ay iiwan na sila ng bunso niya.
"Mom, nasasakal niyo na po ako. Ang higpit ng yakap niyo," angal ni Raleigh. Nakuha pa nitong magbiro sa kanya.
Natawa naman si Ryder sa tinuran ng kapatid. Habang si Antonette ay pinupunasan ang mga luha niya.
"Salamat sa Diyos. Gising ka na, Raleigh," masayang wika ni Antonette. Habang lumuluha ang mata. Nang kumalas siya at hinarap ang anak.
"Gising na po ako, mom. Bakit pa kayo umiiyak?"
"Masaya lang ako na makita kang nakangiti, Raleigh." Tugon niya at binalingan ang panganay na anak. "Ryder, maigi pa umuwi ka na. Andito naman ako para bantayan ang kasptid mo."
Tumango si Ryder. "Hinihintay na nga po ako ng maganda kong asawa."
"Ang chessy mo, kuya. Nakakadiri," tila nandiri ito sa pagiging sweet ng kapatid niya sa asawa.
Natawa si Antonette. Bumalik na ang anak niyang hindi nagseseryoso sa buhay. "Oh, siya. Tama na 'yan. Umuwi ka na, Ryder."
Ngingiti-ngiting nagpeace bomb si Ryder sa kapatid. Saka nagpaalam kay Antonette at lumabas na ng kuwarto.
"Mom, kailan ako makakalabas dito?" tanong ni Raleigh sa kanya.
"Kapag sinabi nang doktor. Huwag kang magmadali, Raleigh. Makakalabas ka din dito. Ang importante ay gumaling ka."
Sumeryoso ang mukha ni Raleigh. "Hindi pa daw po ako makakalakad, mom. Hindi ko na magagawa ang mga gusto kong gawin. Makukulong na po ba ako sa wheelchair?"
Malamlam na tumingin si Antonette sa anak. Saka umiling. "Hindi ka makukulong sa wheelchair. Gagawin namin ng kuya mo ang lahat para muling makalakad ka. May pag-asa pa tayo."
Pinipigilan niya ang maiyak sa harapan ni Raleigh. Magpapakatatag siya para lumaban ang anak niya.
BIGLANG nag-iwas ng tingin si Raleigh. Ikinukubli ang luha niya. Gusto niyang magalit noong nagising siya. At nalaman na wala siyang maramdaman sa hita pababa sa paa niya. Wala naman dapat sisihin, kundi siya. Dahil siya itong mabilis magmaneho ng sasakyan.
May naalala si Raleigh noong araw na iyon. Pasikretong pinunasan niya ang luha niya. Saka humarap sa ina. "Mom, ano po ang sinabi ng mga pulis sa imbestigasyon?"
"Ang kuya mo ang may alam tungkol diyan. Tanungin mo na lang siya," bulalas na sagot ng mommy niya.
SA KARINDERYA, unang araw ng pasok ni Lucy sa, trabaho. Hindi siya magkandaugaga sa pag-asikaso sa mga customer. Hindi din pala madali ang magtrabaho sa isang maliit na kainan.
"Miss, isang order pa nga ng kanin dito!" sigaw ng lalaking customer sa kanya.
Tumango si Lucy saka inilista ang order ng lalaki. Agad siyang pumunta ng kusina para kumuha ng kanin.
"Ate Carlota, isang plato ng kanin," sabi niya.
Si Carlota ang nakatoka sa kusina at pagluluto ng mga pagkain. Habang si Lucy ay sa serbedura sa labas. At taga-linis ng lamesa. Kapag may umaalis na customer.
Kumuha si Carlota ng pinggan saka nilagyan ng kanin at ibinigay kay Lucy . "Kumusta ang araw mo, Lucy?"
Pinunasan ni Lucy ang namuong pawis sa kanyang noo. "Hindi na po ako na hihinto sa pag-asikaso sa mga order. Marami din po palang customer dito. Akala ko dahil may apat lang lamesa, konti lang ang kakain."
Napangiti si Carlota. "'Wag mong kalimutang isingit na kumain ng tanghalian. Mamaya tutulungan kitang mag-served."
"Kapag libre ako. Kakain na lang ako. Salamat po, Ate Carlota," pagkasabi niyon ni Lucy at bumalik na siya sa labas.
Inilapag ang order na kanin sa lamesa.
"Puwede ka bang umupo dito? I-entertain mo naman kami, miss. Nang bumalik kami dito sa karinderya niyo," tila bastos na sabi ng lalaking customer.
Tinignan ni Lucy ang lalaki. Maitim at malaki ang tiyan ng lalaki. "Hindi po ito beer house. At hindi ako nagpapatable." Umirap si Lucy at umalis sa grupo ng mga lalaki.
Malakas na tumawa ang tatlong lalaki.
Inis na bumalik si Lucy sa counter. Habang ang tatlong lalaki ay panay ang sulyap sa kanya.
"Pare, type mo ang waitress na 'yon?"
Tumango ang lalaki at labas ang madidilaw na ngipin na ngumiti sa kaibigan. "Ang ganda, pare. Baka magustuhan din ako ni miss beautiful."
Rinig na rinig ni Lucy ang usapan ng tatlong lalaki. Hindi din malayo ang counter kung saan siya nakaupo. 'Di na lamang pinansin niya ang pambabastos sa kanya. Unang araw niya ngayon. Hindi siya puwedeng mawalan agad ng trabaho. Naisip niyang iwasan ang mga ganoong klase ng customer.
Nagdaan ang gabi. Nagsasara nang tindahan si Carlota. Pagkasara ay naglakad na sila pauwi. Mauunang makauwi si Carlota dahil malapit lang ang tinitirhan nito sa karinderya.
"Ang bilis mong natuto, Lucy. Banat ka sa trabaho na mabibigat. Pero sa itsura mo, mukha kang mayaman," komento ni Carlota.
"Magaling ka lng magturo. Kaya mabilis din akong natuto. Ang ayoko lang ay may mga bastos na customer."
"Huwag mo na lamang silang pansinin. Tiyak ako na hindi na babalik ang mga iyon." Napahinto si Carlota nang matapat sa eskinita papasok sa bahay nito. "Dito na ako. Mag-iingat ka sa pag-uwi, Lucy. Kita na lang tayo bukas ng umaga. Alas tres ka pala pumasok. Ikaw ang nakatokang mamalengke bukas."
"Sige po," maiklimg sagot ni Lucy. Saka muling nagpatuloy maglakad.
Hindi pa siya nakakalayo ay may napansin na siyang tatlong lalaki na nakatayo. Parang kilala niya ang mga iyon. 'Di kaya iyon ang mga customer nila kanina.
Napatigil sa paglalakad si Lucy. Tila parang kinabahan siya. Pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari.
Gayunpaman ay hindi na lang niya pinansin ang tatlo at dire-diretsong naglakad.
"Miss, hatid ka na namin pauwi," hinarang siya 'nong lalaking malaki ang tiyan. Nakangisi pa ito sa kanya.
"Hindi na po. Kaya kong umuwi mag-isa."
"Tinanggihan ka, pare!" Saka malakas na tawa ang dalawang kasama.
Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang lalaki at muli siyang naglakad.
Nagulat siya nang hinawakan siya sa braso ng lalaki. Hinarap niya ito at ang laki ng ngiti sa kanya.
"Bitawan mo ako," sabi niya na nasa mababang tono ng boses.
"Pano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?"
Madilim ang mukha ni Lucy na tumingin sa mukha 'nong lalaki. "Sisigaw ako! Kapag hindi mo ako binitawan!"
"Ang tapang pala ni miss beautiful," natatawang sabi ng isa pang lalaki.
"Nakakatakot nga. Sa sobrang nakakatakot parang gusto ko siyang tikman."
Binitawan nito ang braso niya at tumawa ng malakas.
Nanayo ang balahibo ni Lucy. Takot ang rumehistro sa kanyang mukha. Luminga siya sa paligid at nakitang walang katao-tao sa paligid. Ilaw lamang ng poste ang nagsisilbing liwanag sa kalsada.
"Sige, miss. Sumigaw ka hangga't gusto mo. Kahit sumigaw ka pa ng malakas walang makakarinig sayo," saad ng isa pang kasama nila.
"Kami ang bahala sa 'yo. Di ba, mga pare? Mamaya tiyak na sisigaw ka ng malakas... Sa sarap!"
Muli na namang tumawa ang tatlong lalaki. Para itong mga demonyo na ay sungay sa ulo.
Walang inaksayang panahon si Lucy. Mabilis siyang tumakbo. Napalingon siya sa kanyang likuran. Tumatakbo din ang tatlo na nakasunod sa kanya.
Takot na takot si Lucy. Sobra ang kaba niya sa dibdib. Habang patuloy na tumatakbo ng mabilis. Kanino siya hihingi ng tulong? Ni walang tao sa lugar na ito.
Napapikit si Lucy ng kanyang mata. Nagulat siya nang bumunggo siya sa dibdib ng tao.
Napamulat siya ng kanyang mata at umangat ang tingin niya sa taong nakabangga. Napaawang siya sa taong nakita.
"Lucy, kanina ka pa hinihintay ni Linden. Hindi mo naman sinabi na gabing gabi ka na uuwi." Nanatiling nakatingin si Lucy sa mukha ng kaibigang si Jopay. "Ano ka ba, Lucy? Magsalita ka nga. Bakit pawis na pawis ka? Tumatakbo ka pa. Ano bang nangyayari sayong babae ka?!"
Nahimasmasan si Lucy sa sigaw ni Jopay. Saka sinulyapan ang tatlong lalaki na humahabol sa kanya. Nakita niya na tumigil ang tatlo sa pagtakbo. Saka umatras at nagmamadaling naglakad pabalik.
Hinawakan ni Lucy sa braso si Jopay. "Tara na. Umuwi na tayo." Hingal na hingal siyang iginiya ang kaibigan pauwi.
Maigi na lamang ay dumating si Jopay. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya. Kung hindi dumating ang kaibigan.
Nagtataka si Jopay na napatingin sa kanya.