"ANO ang nangyari sa 'yo, babaita ka? Nakatulog na tuloy si Linden sa kahihintay sayo. Hindi ko na malaman ang gagawin ko diyan sa anak mo kanina," tanong ni Jopay. Nagrereklamo na ito dahil sa pag-iyak ni Linden.
"Pasensiya na, Jopay. Gabi na talaga nagsasarado ang karinderya na pinapasukan ko. Saka inabangan pa ako 'nong tatlong lalaki naming customer sa madilim na daan. Muntik na akong mapahamak."
Napayuko si Lucy at impit na umiyak. Sobrang takot na takot siya kanina. Akala niya hindi na siya makakauwi ng buhay sa anak niya. Paano kaya kung hindi dumating si Jopay? Baka kung saan na siya pupulutin ngayon?
Nanlaki ang mata ni Jopay. Hindi din inaasahan ang sinapit niya sa kamay ng mga bastos na customer.
"Tingnan mo nga ang nangyari sa 'yo, Lucy. 'Wag ka ng pumasok sa karinderya na iyon! Mapapahamak ka pa! Mas maigi pa na humanap ka na lang ng ibang trabaho. Sa lagay mo roon, hindi ka na safe. Isang araw ka palang. Ano ang mangyayari sa 'yo sa ikinatagal?" panenermon ni Jopay sa kanya. Makikita na iritado ito sa nalaman.
"Maayos ang trabaho ko sa kainan. Ang hirap maghanap ng trabaho. Sayang pa rin ang trabaho ko at saka nakakalibre ako ng pagkain. Pagkain ko sa tanghali at may naiiuwi pa ako. Malaking kabawasan na sa paggastos namin. Makakatipid ako at tiyak na malaki ang maiipon ko para sa pag-aaral ni Linden sa susunod na pasukan."
"Nangatwiran ka pa. Anong gusto mo mapahamak ka o may pang-ulam kayong mag-ina?"
Tuluyan na siyang humagulgol ng iyak. Napapahikbi na siyang tinitignan ni Jopay. Ang malas niya sa nakukuha ng trabaho. Hindi nagtatagal. Kahit sa buhay pag-ibig niya ay hindi din nagtatagal.
"Gusto ko lang magtrabaho para sa anak ko. Wala naman akong ginagawang masama, Jopay. Bakit ba ang ilap ng magandang buhay para sa amin ni Linden?" Hinanakit niya. Habang patuloy na umiiyak.
Nilapitan siya ng kaibigan at hinagod ang likuran niya. "Sorry. Nakadagdag pa ako ng isipin mo. Nag-aalala lang ako sa 'yo, Lucy. Ayoko ding mahamak ka. Saka 'wag kang manghina. Dapat maging matapang ka. Dahil may Linden ka. Para sa kanya, kaya ka nagsisikap. Dadating din ang araw na aangat ang buhay ninyong mag-ina. Tutulungan kita. Magtulungan tayong dalawa."
Mabilis na pinunasan ni Lucy ang luha niya. Saka umangat ang tingin sa kaibigan. Tumango siya dito. "Salamat dahil palaging andiyan para sa amin ni Linden. Ano kaya kung naging lalaki ka?"
Tinanggal ni Jopay ang kamay sa likuran niya. Madilim ang mukha na umirap sa kanya. "Maghunus-dili ka, Lucy. Hindi tayo talo. Parehong lalaki ang gusto natin."
Napahagikhik si Lucy. Ang sama ng timpla ng mukha ni Jopay. "Nagbibiro lang ako. Diring diri ka sa mga babae. Baka mamaya makahanap ka ng kapatat mo. At babae ang magiging asawa mo."
Nag-aktong kinilabutan si Jopay. Habang si Lucy ay tumatawa.
Parati na lamang siyang inililigtas ng kaibigan niya. Baka tama si Jopay. Siguro ay maghanap na lamang siya ng ibang trabaho. Pero saya din iyon. Kahit na mahirap ang trabaho ay kaya naman niya. Ang iniisip lang niya ay baka maulit ang nangyari kanina. Baka nga mas malala pa doon.
PUMUNTA si Lucy sa pinapasukang kainan. Marami nang mga customer ang nasa loob. At si Carlota ay abala sa pagbibigay ng order.
Kinawayan niya si Carlota nang tumingin ito sa gawi niya. Hindi siya pinansin at hihintayin na lamang niya itong medyo lumuwag ang gawain.
Halos isang oras na siyang nakaupo. Nang lumapit si Carlota sa kanya.
"Bakit hindi ka pumunta? Ikaw ang nakatokang na mamalengke. Galit na galit si madam sa akin. Dahil ipinakiusap kita sa kanya," masama ang loob nito na tinatanong siya.
"Sorry, Ate Carlota. Kung hindi ako pumasok. Nagpunta ako dito para personal na magpaalam. Magreresign na ako. May nangyari kagabi at ayoko ng maulit pa iyon."
Naging mabait sa kanya si Carlota. Kaya naiintindihan niya kung bakit masama angoob nito sa kanya.
"Anong nangyari kagabi?"
"Inabangan ako ng tatlong lalaki. Mga customer dito na nambastos sa akin. Nag-aalala ako para sa kaligtasan ko. May anak ako, Ate Carlota. Kapag may nangyari sa akin. Paano si Linden ko?" sagot niya.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Carlota. "Hindi ktia pipilitin na pumasok dito. Ayoko naman na mapahamak ka. Tama lang ang desisyon mo. Pero kung may kailangan ka. At hindi ka pa nakakahanap ng trabaho. Sabihin mo lang sa akin. Susubukan kong tulungan kita."
Naantig ang puso ni Lucy sa narinig. Mabait si Carlota sa kanya.
"Bakit ang bait mo sa akin, ate?"
"Dahil nakikita ko ang sarili ko sa 'yo. Pareho tayong single mother. Nag-iisang itinataguyod ang anak natin. Saka gusto ko lang makatulong," tugon nitong sagot.
"Salamat, Ate Carlota. Masarap kang magluto at kaya mong magtayo ng sariling kainan. Bakit ka nagtiiis dito?"
"Kapatid ko si madam."
Nagulat si Lucy sa nalaman. "Pakisabi na lang po kay madam na nagresign na ako. Salamat po ulit."
"Mag-iingat ka, Lucy. Sana magkita tayong muli."
Lumabas si Lucy ng kainan. Bumuntonghininga siya. Panibagong araw ulit ng paghahanap niya ng bagong trabaho. Hindi siya susuko. Pasasaan ba ay makakahanap din siya. Iyong hindi na magkakaroon ng peligro ang buhay niya.
Maigi na lang ay pinahiram siya ng pera ni Jopay. Hulog talaga ng langit sa kanya ang kaibigan. Makakaganti din siya sa mga naitulong nito.
ARE you sure you want to go home, Raleigh?" May diing tanong ni Ryder.
"Yes, kuya. Four days na ako dito sa loob ng ospital. I missed outside. Ayoko ng magtagal pa dito ng isang linggo o dalawang linggo. Sa bahay na lamang ako magpapagaling."
Mataman na tiningan siya ng kapatid. Napakibit ng balikat ito. "Kung iyan ang gusto mo. Sasabihin ko kay Doc. Gatchalian na sa bahay ka na lang."
Kinabukasan pa pinayagan si Raleigh na makalabas ng ospital. Nasa wheelchair lang siya nakaupo. Kailangan pang magtulong-tulong ang driver at hardinero nila para lamang siya makataas ng hagdan. At makarating sa kuwarto niya.
"Raleigh, kumain ka na. Hindi mo na naman ginalaw ang pagkain mo. Magpalakas ka. Lumabas ka din buong araw ka ng nasa loob ng kuwarto mo," kumbinsi ni Antonette sa anak.
Pinihit ni Raleigh ang wheelchair paharap sa ina. "Paano po ako baba ng hagdan kung hindi ako makalakad? Mom, inutil na po ako."
Umiling-iling si Antonette. "No. That's not true! Hindi ka inutil... Son, we're here to help you. 'Wag kang maawa sa sarili mo. Be strong. Lumaban ka."
Mabilis na pinihit ni Raleigh ang wheelchair niya patalikod sa ina. "Hindi na po. Wala na pong mababago sa mga nangyari. Habang buhay na ako sa wheelchair ko. Can you leave me? Please, mom."
Tumulo ang luha ni Raleigh. Paano pa? Lumpo na siya. Hindi na makakalakad pa. Ni hindi niya kayang tumayo mag-isa. Paano siya lalabas? Makikita pa ng maraming tao na si Raleigh Sable ay inutil na lumpo...
Napaluha si Antonette. Mariing napapikit saka tumango. Naglakad patungo sa pintuan. Isasara na niya ang pinto nang sulyapan pa niya ang bunsong anak. Saka maingat na isinarado ang pinto.
Napayukom si Raleigh ng kamao. Nagngingitngit sa galit habang umiiyak. Malakas na pinagpapalo niya ang hita niya ng kanyang saradong palad.
"Ahh—! f**k this life! Lumakad ka! Ayokong maging baldado! Nakakahiya!" Malalakas na sigaw ni Raleigh. Habang patuloy na hinahampas ang hita niya.
Wala siyang maramdamang sakit sa mga hita niya. Dahil naging manhid ang kanyang mga hita pababa sa paa. Nang magsawa ay pinihit niya ang wheelchair niya papalapit sa bintana.
Kita niya ang liwanag ng buwan. Ang mga bituin sa langit na nagbibigay ng ganda sa madilim na kalangitan.
Kailan kaya niya makikita ang bituin ng pag-asa? Makakalakad pa kaya siya?
NANG makababa si Antonette ay iyak pa din siya nang iyak. Nahahabag siya sa anak. Hindi niya masisisi kung galit ito sa mga nangyari. Hindi niya matalim na tignan ang anak niya. Kung may magagawa lang siya. Sana siya na lang ang nakakaranas ng paghihirap ni Raleigh.
Napansin siya ng panganay niyang anak. Hindi pa nakakauwi si Ryder. "Mom, what's the problem? Bakit lo kayo umiiyak ng ganyan?"
Napaayos ng tayo si Antonette. At pinunasan ang mga luha niya. "Ang kapatid mo, naawa na ako kay Raleigh. Nahihirapan na siya, Ryder. Hindi ko kayang makita siyang nagdudusa. Puno ng galit si Raleigh dahil sa mga nangyari. Hindi ganoon si bunso. Hindi ganyan si Raleigh."
Malakas na humagulgol si Antonette. Nilapitan siya ni Ryder at niyakap. Nang kumalas ay iniharap siya nito.
"Mom, mas mabuti siguro na dito muna kami tumira. Malalaman ko pa ang nangyayari kay Raleigh. Hindi din ako matatahimik sa bahay. Dahil sa kaiisip ko sa inyo," sabi ni Ryder.
"Papayag ba si Diane? Anak, may pamilya ka na. Dapat ang pamilya mo ang inuuna mo kesa sa amin ni Raleigh."
"Maiintindihan ni Diane ang gusto ko. Alam niya at nakita niya ang mga paghihirap mo sa pagbabantay kay Raleigh. Saka, sakit ng kalooban dahil sa pag-aalala. At alam ko na papayag siya sa gusto kong mangyari," paniniguro ni Ryder.
Umayon na lang si Antonette. Kailangan din niya si Ryder sa bahay. Dahil hindi na din niya alam ang gagawin kay Raleigh.
NAPILITAN si Raleigh na kainin ang dinalang pagkain ng mommy niya. Kahit parang ayaw tanggapin ng sikmura niya. Pikit mata niya iyong kinain. Wala na siyang gana sa lahat. Pati ang mabuhay parang nawawalan na siya ng gana.
Tumawag siya sa mommy niya. Gusto na niyang mahiga sa kama. Mas magandang ipahinga niya ang sama ng loob niya.
Pinihit niya ang wheelchair palapit sa kama. Humawak siya sa wheelchair. Saka pinilit na iangat ang sarili para makalipat sa kama. Pero nabigo siya.
Nalaglag siya at ang wheelchair niya ay natumba.
"f**k!"
Napatingin siya sa pintuan nang bumukas iyon. Pumasok sa loob ang mommy niya. Kasunod ang hardinero nila.
"Raleigh!" sigaw ng mommy niya. Nasa sahig siya at pilit siyang tumatayo. Pero parati siyang nabibigo. "Mang Celso, paki-alalayan si Raleigh na makasampa sa kama.
Tumalima si Mang Celso. Inilagay nito ang kamay sa magkabilang kili-kili niya. Saka siya inangat para makaupo sa kama.
Nang makaup si Raleigh ay itinaas ang paa niya. Ang mommy naman niya ay inayos ang unan niya. Inihiga siya ng hardinero. Saka kinumutan siya ng mommy niya hanggang beywang.
"Salamat, Celso," wika ng mommy niya sa kanilang hardinero.
"Wala po iyon. Aalis na po ako, ma'am. Kung kailangan niyo po ako tawagin niyo lang po ako quarter ko."
Tumango ang mommy niya. Habang siya ay hindi na maipinta ang mukha.
Binalingan siya ng mommy niya. "Huwag mo ng uulitin na pilitin ang sarili mo. Tignan mo ang nangyari sa 'yo. Nahulog ka sa wheelchair mo."
"Mom, puwede po ba. Gusto ko nang magpahinga. Iwanan niyo na po ako," masungit na taboy ni Raleigh sa ina.
Naging mahinahon ang mommy niya. "Goodnight, son. Kung kailangan mo ang tulog ko. Tumawag ka ulit kaagad."
Masama pa din ang loob ni Raleigh na tumango sa ina. Hinalikan siya sa noo. Saka ito lumabas ng kuwarto niya.
Nakatingin lang siya sa kisame. Iniisip ang araw na mangyari ang aksidente.
Napatiim bagang si Raleigh nang may maalala. "Magbabayad siya. Kasalanan niya kung bakit ako nalumpo."
LAGLAG ang balikat ni Lucy na pumasok sa loob ng bahay. Bigo siyang makahanap ng trabaho.
"'Nay, makauwi ka na po. May nahanap na po kayong bagong trabaho?"
Napasulyap si Lucy sa anak. "Wala pa nga, Linden. Hayaan mo bukas ulit. Makakahanap din ako ng bagong trabaho."
"May bukas pa naman, inay. Naihanda ko na po ang lamesa. Kumain na po tayo," aya ni Linden sa kanya.
Nagulat naman si Lucy. Nasaan si Jopay? "Ang ninang mo?"
"Hindi pa po nakakauwi," mabilis na sagot ni Linden.
Nagtaka si Lucy na hindi pa nakakauwi ang kaibigan. Dati dati naman maaga itong umuwi sa bahay. Ito pa nga ang magsusundo kay Linden sa day care.
Tumayo si Lucy. "Halika na, anak. Mauna ka ng kumain. Hihintayin ko lang ang ninang mo."
Nauna na pumunta si Linden sa kusina. Nang makarating sa kusina ay umupo ito kaagad. Sinamahan ni Lucy ang anak sa kusina. Wala kasi itong kasabay. Sila na lang ni Jopay ang magsasabay kumain, pagdating nito.
Kasalukuyan na nakahiga na silang mag-ina. Alas onse na ng gabi. Wala pa din si Jopay. Napasulyap siya sa anak niya. Mahimbing na ang tulog nito sa tabi niya.
Bumangon si Lucy at umupo sa sopa. Hihintayin na lang niya si Jopay. Tutal hindi pa siya inaantok. Kakausapin niya ito na ipasok na lamang siya sa saloon. Kahit wala siyang alam sa trabahong saloon ay susubukan niya.