Maghanda Ka Na

2173 Words
DUMATING ang mag-anak ni Ryder sa kanilang lumang bahay. Karga niya ang dalawang maliit na anak. At kay Diane ang bunso. Saka hawak sa isang kamay si Wenna. "Mga apo ko..." Salubong ng mommy niya sa kanila. Hinagkan isa isa ang mga anak nila. Pati na din kay Diane. Matamis itong ngumiti. "Sorry, mom. Tinanghali kami. Dumaan pa kasi ako sa kompanya. Tinawagan ako ni Cassandra. May kailangan daw aking pirmahan," hingi ng dispensa ni Ryder. "Okay lang iyon, Ryder." "Mom, iakyat ko na po sina Junior at si Rendon sa kuwarto nila," sabat ni Diane. Si Junior ang pangalawa at si Rendon ang bunso sa mga anak nila ni Ryder. "Ikaw, Wenna, sasama ka ba kay mommy mo? Baka gusto mo kay lola?" tanong ni Antonette sa panganay nila Ryder. "Mommy, can I stay with lola?" Nangingislap ang mata ni Wenna na tinanong ang ina. "Si daddy mo ang tanungin mo," sagot ni Diane. Mas gusto niyang si Ryder ang nagdedesisyon para sa mga bata. Binalingan ni Wenna ang daddy niya. Nangungusap ang mga mata nito. "Sige. Pero later go to sleep." Pagpayag ni Ryder. "And you, Renalyn. Do you want to stay with lola?" Tumango ang pangatlo nilang anak. Masayang hinawakan ni Antonette ang kamay ng kanyang dalawang babaeng apo. Saka dinala ang mga ito sa garden para maglaro. Sinusundan ng tingin nila Ryder at Diane ang mga anak at ang mommy nila. Nilapitan ni Ryder si Diane. "Love, puntahan ko lang si Raleigh sa kuwarto niya," paalam ni Ryder sa asawa. Gusto niyang makausap si Raleigh. Dahil sa mga sumbong ng ina. "Gagawan ko kayo ng meryenda at dadalhin ko na lang sa kuwarto niya." Ngumiti si Ryder sa asawa. "Ikaw ang bahala. Ihatid ko muna kayo sa kuwarto ng mga bata." Kinuha ni Ryder ang bunso. Hawak naman ni Diane sa isang kamay ang panganay nila. Habang paakyat sila ng hagdanan. NASA bintana si Raleigh. Pinapanood ang kanyang mga pamangkin na naglalaro sa hardin. Napapangiti siya kapag may natataya sa habulan. "Bakit hindi ka lumabas? Makipaglaro ka sa mga pamangkin mo. Alam ko miss ka na nila," tanong ng Kuya Ryder niya. Nakapasok na ito sa loob ng kuwarto niya. Pinihit niya ang wheelchair niya paharap sa kapatid. "Paano ako makikipaglaro sa kanila kung nasa wheelchair ako? Itong itsura ko, magtataka lang sila. Bakit ako hindi tumatakbo? Kagaya nila." "Masyado mong naida-down ang sarili mo. They are my children. Hindi ka nila ikakahiya o ipapahiya. Lumabas ka dito sa kuwarto mo. And enjoy outside. Makakapasok ka pa din sa kompanya. Kung gugustuhin mo lang. Hindi ka namin tinitignan na may kulang ka. Ikaw pa din si Raleigh. At ikaw lang ang nag-iisip na may kulang ka," bulalas ni Ryder. Kahit ano pa ang sabihin nilang pangungumbinsi. Hindi na maibabalik ang lahat. Hindi na siya ang dating si Raleigh. Mapagbiro, easy-go-lucky guy, at hindi nagseseryoso sa lahat ng bagay. Madilim na ang buhay na kanyang tinatahak ngayon. "I don't wanna go outside. Let me stay in my room, kuya," may diing tugon niya. Hindi siya mapipilit na lumabas. Napailing ng ulo si Ryder. Saka bumuntonghininga. "If you say so, hindi na kita pipilitin." "May gusto sana akong ipakiusap sa 'yo, Kuya Ryder," anang niya. "Ano 'yon? Sabihin mo lang." "Can you find Lucinda San Juan for me? Offeran mo siya ng trabaho dito sa bahay," pakiusap ni Raleigh. Napataas ang isang kilay ni Ryder. "Who is Lucinda San Juan? Mayroon ba akong hindi nalalaman? May nagugustuhan ka na ba?" Nagtatanong ang mga tingin nito sa kanya. "Gusto ko na siya ang mag-alaga sa akin. And don't worry, hindi ko siya type. Kung iyan ang pumapasok sa isip mo. Walang special sa kanya para magustuhan ko," mariing sagot niya. "'Wag kang magsalita ng tapos. Baka kainin mo ang sinabi mo." Napailing ng ulo si Raleigh. "Parang hindi mo ako kilala, Kuya Ryder." "Okay. Tell me where she live. At papuntahan ko siya sa isa sa mga tauhan ko." "Thanks." HINDI malaman ni Ryder kung ano ang nasa isip ng kapatid. Sino ba si Lucinda San Juan? Wala itong dinalang babae para ipakilala niyang girlfriend sa kanila ng mommy niya. Ni hindi nga niya alam kung nagmahal na ito. Ang naalalang gusto ni Ryder ay ang asawa niya. Noong nagtatrabaho pa ito sa RSC. Sabay silang napalingon nang bumukas ang pinto. Pumasok si Diane sa loob dala ang tray. Ibinaba ni Diane ang tray sa maliit na lamesa katabi ng kama ni Raleigh. "Nagdala ako ng meryenda niyong dalawa." "Thank you, love," matamis ang ngiti ni Ryder sa asawa. Nakita iyon ni Raleigh at bumuntonghininga. Umalis din kaagad si Diane. Matapos ang sandaling pakikipag-usap sa kanya. Habang ang kuya niya ay nanatiling kasama niya. Bumaba nang hagdan si Ryder na ang lalim ng iniisip. Nasa sala na siya at tinawagan niya si Brandon. Naging magkaibigan sila ng tunay na ama ni Wenna. "Pare, napatawag ka? May problema ba kay Wenna?" mga tanong na bungad ni Brandon sa kanya. "Wala naman, pare. May gusto lang akong pa-imbestigahan." "Oh, okay. Sino ba 'yan?" "Isend ko sa 'yo ang detail. Puwede mo ba siyang puntahan at alukin ng trabaho dito sa bahay?" pakiusap ni Ryder sa kaibigan. "Iyon lang ba? Just send to me her full details. At ipapautos ko sa isang kabaro ko." "Salamat, pare." "Anytime. Please give a kiss to my daughter from me. And give my regards to Diane," sagot ni Brandon. At ipinakiusap ang anak nila ni Carmina. "I will, pare. Dumalaw naman kayo ni Carmina kay Wenna. Palagi kayong tinatanong sa amin ni Diane." "Baka makadalaw kami," maikling sagot ni Brandon. Hindi pa din sigurado. Nagpaalam na sila sa isa't isa. Saka ibinaba ang tawag. Napagpasyahan ni Ryder na pumunta ng hardin. HAWAK ni Raleigh ang kanyang cellphone. Tinititigan ang isang pictures. Kuha iyon ng agent na inutusan niya para manmanan si Lucinda San Juan. Napag-alaman niyang may anak pala itong lalaki. Nakikitira ito sa isang kaibigan. Kasalukuyang naghahanap ito ng trabaho. "Lucinda San Juan... Maghanda ka na. I will make your life a living hell," usal ni Raleigh. Habang nakatingin pa din sa larawan ni Lucinda. HAPON na ay wala pa din ang kaibigan ni Lucy na si Jopay. Inihatid na niya si Linden sa eskwelahan. Hindi siya umalis ng bahay dahil sa hindi pa nakakauwi si Jopay. Nag-aalala na siya para sa kaibigan niya. "Jopay, nasaan ka ba?" Kabado na siya. Hindi ito gawin ng kaibigan niya. Wala din siyang telepono para man lang tawagan ang kaibigan. Naisipan niyang maglinis ng bahay para medyo mawala ang isipin niya tungkol kay Jopay. Pagkatapos maglinis ay nagluto siya ng pagkain para sa hapunan nila. Susundin pa niya si Linden. Mabilis niyang tinapos ang pagluluto. Humarap siya sa salamin at nagsuklay. Sinipat pa ang sarili. Magbibihis pa ba siya? Suot niya ay sleeveless na top at shorts na hanggang tuhod. Kita tuloy ang maputi at makinis niyang binti. Kinuha lang ni Lucy ang wallet niya at lumabas ng bahay. Nang makarating sa paaralan ay agad na hinanap ni Lucy ang anak. Pumunta siya ng classroom nito. "Ma'am Pascual, si Linden po?" tanong niya sa guro ng anak. "Lumabas na po si Linden." "Ganoon po ba. Kanina pa po ba?" "Kani-kanina lang. Baka nasa gate na iyon naghihintay," sagot ni Mrs. Pascual. Umalis na si Lucy at nagmadaling pumunta ng gate. Inilinga ang mata sa buong paligid. Wala si Linden. Nasaan ang anak niya? May nakita siyang bata na kilala niya. Kaklase ito ng anak niya. "Nakita mo ba si Linden, 'Troy?" "Hindi po," mabilis na umiling ang bata sa kanya. Nagtanong-tanong pa siya sa ibang mga naroon. Pero pare-pareho ang sagot nila. Walang nakapansin sa kanyang anak. Nanlulumo na napaupo si Lucy. Napaluha na siya nang hindi makita ang anak. "Linden, nasaan ka?" Nakayukong hinagpis niyang tanong. "Inay, bakit ka po umiiyak?" Napaangat ang tingin ni Lucy sa batang nagtanong. "Linden!" Kinabig niya ng yakap ang anak. Saka inihanap sa kanya. "Saan ka galing? Kanina pa ako naghahanap sa 'yo. Pumunta ako ng classroom niyo. Lumabas ka na daw sabi ng adviser mo. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin, anak. 'Wag mo na ito uulitin. Baka hindi ko kayanin kapag nawala ka sa 'kin." "'Nay, kumuha lang po ako ng ice cream. May lalaki po kasing namimigay ng ice cream. Sayang naman po," sagot ng anak niya. "Sinong lalaki?" "Nakalimutan ko pong tanungin ang pangalan niya." Tumayo si Lucy at pinunasan ang mga luha niya sa mata. "'Wag na wag kang makikipag-usap sa taong hindi mo kilala. Huwag mong tatanggapin kahit anong ialok niya sa 'yo. Tandaan mo, Linden." Baka masamang tao iyon. Kinukuha ang loob ng mga bata. Saka kukunin. Huwag naman sana mangyari iyon sa anak niya. "Opo, 'nay. Sorry po," sagot at hingi nito ng paumanhin sa kanya. "Halika na. Umuwi na tayo." "Si ninang po? Akala ko po siya ang susundo sa akin." "Isa pa iyon. Wala pa ang ninang mo." Hawak ni Lucy sa kabilang kamay si Linden. Habang naglalakad sila pauwi. Isang lalaki ang nadatnan nila sa pinto. Dala ng lalaki ang dalawang maleta. Saka ikinandado ang pinto. "Jopay?" Banggit ni Lucy sa pangalan ng kaibigan. Humarap ito sa kanila. "Lucy..." "Anong ginagawa mo at saka saan ka pupunta?" Naguguluhan na tanong niya. "Aalis na ako. Iiwan ko na sa inyo itong bahay ko. Pero isang linggo lang. Dahil kukunin na ito ng totoong may-ari." "Totoong may-ari? Ipinagbili mo ba ang bahay mo? Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa ako naghihintay sa pag-uwi mo." Tumango si Jopay. "Sorry, Lucy. Wala akong magagawa kundi ibenta. Ako naman ang manangot kapag hindi ko pinakawalan ang bahay na ito. Nagpalipas ako ng magdamag sa bahay ng kaibigan ko." "Kaibigan? May bahay ka..." "Hindi ko malaman kung paano ko ipapaliwanag sa 'yo, Lucy. Mas maganda na umalis na din kayo dito sa bahay." Pinagtakhan ni Lucy ang sinabi ni Jopay. "Paano kami? Alam mong wala pa akong trabaho. Saan kami titira?" "H-Hindi ko alam. Mag-iingat kayong mag-ina. Aalis na ako. Sorry talaga," nagmadali na itong umalis. Hinahabol na lamang ng tingin ni Lucy ang kaibigan. "'Nay, paano na 'yan? Saan na naman tayo titira?" Mga tanong ni Linden. Malungkot na tumingin si Lucy sa anak. "May isang linggo pa tayo para lumipat. Dito muna tayo. Gagawan na lang ni nanay ng paraan." Kinuha ni Lucy ang kanyang duplicate key. Binuksan ang pinto at pumasok na silang mag-ina. Matamlay na umupo si Linden sa sopa. Napansin ni Lucy ang anak. "Linden, magpalit ka na ng damit. May iniluto na pala akong pagkain para sa atin. Pagkatapos mong nagbihis pumunta ka ng kusina para makakain na tayo." Napilitang tumayo si Linden. Pumunta sa pinaglalagyan ng mga damit nila. Saka namili ng damit. At pumunta ng banyo. Napaluha si Lucy. Hindi na matapos-tapos ang mga problema nila. Ginagawa naman niya ang lahat. Pero bakit ganoon? Kailan ba hihinto ang pagbagsak ng mga problema sa kanilang mag-ina? Hanggang saan ang ititiis nila? Sumapit ang gabi. Nakahiga na sila. Tulog na din si Linden. Nasa sala pa din sila natutulog. Hindi niya maiwasan na hindi mapaluha. Ang hirap ng mag-isa. Walang karamay itaguyod ang buhay nila. May anak pa siya na kailangang buhayin. Nahihiya siya na hindi man lang niya mabigyan ng magandang buhay ang anak. Kung sana ay buhay pa ang mga magulang niya. Hindi sana niya nararanasan ang maghirap ng ganito. Sana kasama niya ang kuya niya. Sinulyapan ang anak sa tabi niya. Hingkan niya ito sa pisngi. Umayos ng higa saka niyakap si Linden. At doon ipinikit ang mata. Hanggang siya'y makatulog. "NAGAWA niyo ba?" "Opo, boss.," sagot ng kausap niya sa kabilang linya. "Good. Ipapadala ko na lang sa account niyo ang bayad." Pagkatapos ang pag-uusap ay pinatay na niya ang tawag. INAAYOS ni Brandon ang report na ibibigay niya kay Ryder. Tiyak na makukumbinsi isi Lucinda na magtrabaho sa mga Sable. Hindi niya alam ang kuwento sa likod ng ipinapagawa ng kaibigan niya sa kanya. Pero malaki ang utang na loob nila kay Ryder. Kaya kahit sa ganitong paraan ay makabawi siya. "Mahal, kape. Kanina ka pa nagtatrabaho," inilapag ni Carmina ang tasa na may kape. "May tinatapos lang. Bakit hindi ka pa matulog?" "Hindi kita katabi. Alam mo naman na hindi ako makatulog kapag wala ka," parang nagtatampong sagot ni Carmina. Iniyakap ni Brandon ang dalawang kamay sa beywang ng asawa. "Malapit nang matapos ito, mahal." Napangiti si Carmina. "Mukhang importante 'yan. Tungkol ba kay Lucinda?" "Oo. Mukhang mayroonng isa sa mga Sable ang may plano kay Lucinda," tugon ni Brandon sa asawa. Napaisip si Carmina. May dalawang anak lamang ang mag-asawang Richard at Antonette Sable. Si Ryder ay may pamilya na. Hindi nito ilalagay ang sarili sa alanganin para lamang sa ibang babae. Napangiti siya. "Mukha nga. Pero sana hindi matulad kay Ryder." "Sa pagkakakilala ko sa mga Sable. Mababait silang tao. Magiging masaya si Lucinda kung makakatuluyan ay isang Sable." "Huwag kang pakasiguro. Dahil kilala ko si Raleigh. Magkababata kami. Masyadong pilyo ang isang iyon. Hindi kagaya ni Ryder na seryoso," giit ni Carmina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD