PAGKAHATID ni Lucy sa anak sa eskwelahan ay agad siyang umalis para maghanap ng trabaho. Kailangan niyang makauwi bago maghapon. Dahil susunduin niya si Linden sa eskwelahan.
Buti may natira pang pera sa inutang niya kay Jopay. Sana umabot ng isang linggo ang natitira niyang pera. Kapag naubos iyon ay hindi na niya alam kung saan pa siya kukuha ng panggastos nilang mag-ina.
Pagkababa niya ng tricycle ay may nabasa siyang nakapaskil na hiring sa isang tindahan. Pumasok siya sa loob ng tindahan nang accessories.
"Good morning po. Itatanong ko lang po ang nakapaskil na karatula sa labas. Dati po akong nagtrabaho sa mall. May experience po ako sa pag-assists ng mga customer," kinuha niya ang resume niya at iniabot sa babaeng nasa counter.
Kinuha nito ang resume niya at binasa. Napansin niya ang mapanuring tingin ng babae sa kanya. "Naku, miss, pasensiya na. Nakakuha na pala kami kahapon ng bagong saleslady."
Nagtaka siya sa isinagot ng babae. "Bakit po may paskil pa sa labas?" Usisa niyang tanong.
Tila natigilan ang tindera sa tinuran niya.
"N-Nakalimutan kong t-tanggalin. Ang dami kong ginawang trabaho. Kaya nawala sa isip ko," rason nitong sagot sa kanya. Malikot ang mata nito na hindi makatingin sa kanya ng diretso. Ibinalik ng babae ang resume niya.
Kahit nanlulumo ay nagpasalamat pa rin siya. Saka lumabas ng tindahan.
Huminga ng malalim si Lucy. Muling binalingan ng tingin ang tindahan. Nakita niyang lumabas ang tindera at tinanggal ang karatula sa pintuan.
Muli siyang naglakad lakad. Nagtanong siya sa lahat ng mga tindahan kung may hiring sila. Pati na rin sa mga estalishment na nadadaanan niya. Pero ang palaging sagot sa kanya, "wala".
"Ano pong oras na?" tanong niya sa matandang babae na katabi niya. Nagpapahinga siya na nakaupo sa isang bench na nasa tabi lang ng kalsada. Napagod siya sa paglalakad. At pawisan na din siya.
"Alas dos na ng hapon, ineng."
Napatayo siya bigla. Kaya pala ramdam niya ang paghapdi ng tiyan. Hapon na pala. Nalipasan na siya ng gutom. Agad siyang nagpara ng tricycle. Dumiretso na siyang pupunta sa eskwelahan ni Linden.
Halos isang oras ang hinintay niya. Bago niya narinig ang malakas na bell sa loob ng eskwelahan. Naglabasan ang mga estudyante. Habang siya ay isa isang tinitingnan ang mga estudyante na lumalabas.
"Inay!" Narinig niya ang malakas na tawag sa kanya ni Linden.
Napalingon siya sa kanyang likuran at nakangiting sinalubong ang anak. Walang mababakas sa mukha niya ng pagod at hirap sa buong maghapon ng paghahanap ng trabaho.
Panibagong hamon na naman bukas para sa kanya. Hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakahanap ng trabaho. Kailangan niyang gawin para sa anak niya at para na din sa kanya. Wala na silang aasahan ngahon. Tinalikuran na siya ng kaibigan niya. At ulila na din siya.
Pagod man siya. Ngunit makita niya lang si Linden ay nawawala ang lahat ng hinanakit niya sa mundo. Ang anak niya ang lahat sa kanya. Ang nag-iisang kayamanan niya.
LUMIPAS ang apat na araw. Araw nang Biyernes. Sobrang nag-aalala si Lucy. Dalawang araw na lamang ay paalisin na sila sa bahay ni Jopay. Hindi pa din siya nakakahanap ng bagong trabaho.
Palagi na lang hindi siya nadadapuan ng swerte. Hindi na niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas. Nanghihina na siya at nakakaramdam nang pagod. Nawawalan ng pag-asa na magiging maayos din ang buhay nila ni Linden. Hanggang saan pa ba ang kaya nilang tiisin? Kailan ba sila makakaranas ng ginhawa?
Nasa eskwelahan ang anak. Hapon pa niya susunduin ito. Naisipan niyang magsimba. Baka sa sobrang pagiging abala ay nakalimutan na niya ang pumunta ng simbahan at magdasal. Baka sakali na pagbigyan na siya ng Diyos sa hiling na makahanap ng bagong trabaho. Siya na lang ang kakapitan niya para matulungan sa problema niyang kinakaharap. Malakas naman ang pananampalataya niya. Nasusubok lang siya sa buhay kaya parang nawawalan siya ng oras para magdasal.
Pumasok si Lucy sa loob ng simbahan. Nagsindi siya ng kandila at nag-alay ng taimtim na dasal. Pagkatapos magdasal ay lumuhod siya at mataman na nakatingin sa Poon sa altar. Magkadaup ang kanyang mga palad.
Pagkatapos ng isang oras na pagdarasal sa loob ng simbahan. Naglakad siya papunta sa palengke. Bibili siya ng puwede niyang lutuin para sa kanilang hapunan. Natuon ang pansin niya sa nakapaskil na papel sa poste.
"Nangangailangan kami ng katulong. Tawagan lamang ang numero sa ibaba." Basa niya sa papel. Nagliwanag bigla ang kanyang mukha. Unti unting sumilay ang ngiti sa labi. "Salamat po, Diyos ko. Baka ito na ang trabahong hinihintay ko."
Kumuha siya ng papel at ballpen sa loob ng bag niya. Saka isinulat ang nakalagay ng phone number sa nakapaskil. Baka sakaling ito ang hinihintay niyang trabaho.
Umuwi siya na punong puno ng pag-asa. Ibinaba lang niya ang bag niya. Saka kinuha ang wallet. At lumabas ng bahay.
"HELLO,"
"Magandang araw po. Puwede po kay Ma'am Mina?" nauutal na tanong ng babae sa kabilang linya.
"Ito nga. Bakit?"
"Nakita ko po ang phone number niyo doon sa nakapaskil sa poste. Nangangailangan daw po kayo ng katulong? Gusto ko po sanang mag-apply?"
"What's your name?" seryosong tanong ni Mina sa kabilang linya.
"Lucinda San Juan po."
Napigil ni Mina ang kanyang paghinga. "Ibigay mo ang phone number mo para ipadala ko sayo ang details ng bahay. Pumunta ka at tanggap ka na."
"Wala po akong cellphone," nahihiyang tugon ni Lucinda sa kanya. Narinig niyang humina ang boses nito.
"Kumuha ka na lang ng papel at ballpen. Isulat mo ang ididikta kong address sayo. Sabihin mo na pinapupunta kita. Sabihin mo ding, ikaw ang bagong pasok na katulong. Kailan ka mo pala pupuntahan?"
"Bukas na lang po. May gusto po sana akong ipakiusap. Kung puwede po sana, isama ang anak ko sa bahay? Wala po akong mapag-iiwanan sa kanya. Ulila na po ako. Kaya kami na lamang ng anak ko ang magkasama," mabilis na sagot ni Lucinda.
"Walang problema. Basta pumunta ka bukas."
"Opo, pupunta po kami," ramdam ni Mina ang saya sa boses ni Lucinda.
"Asahan kita."
"Salamat po," nagagalak na sabi ni Lucinda.
Mabilis na Ibinaba ni Carmina ang telepono. Saka sinulyapan ang asawa niya sa tabi.
"Anong sabi niya?" excited na tanong ni Brandon.
"Pupunta daw siya bukas. May anak pala siya. Hindi ko natanong ang edad 'nong bata. Pero grabe naman ang ginawa ni Raleigh kay Lucy. Nakakaawa silang mag-ina."
"It's his way para makuha niya si Lucinda. Hayaan na lang natin siya sa gusto niya. Pero sana huwag niyang sasaktan ang kawawa awang mag-ina na iyon," may bakas din ng awa na tugon ni Brandon.
Napatango ng ulo si Carmina sa tinuran ng asawa. Humingi ng tulong ang mga Sable. Sino ba sila para tanggihan ang mga ito?
NAKARATING na kay Raleigh na pupunta na si Lucinda sa kanila kinabukasan. Agad niyang pinatawag ang kuya niya.
"She is coming, kuya," imporma ni Raleigh.
"Alam ko, sinabi na ni Brandon sa akin. Ano bang plano mo sa kanya? Bakit kailangan mong mag-aalaga kay Lucinda? Ang dami namin dito. Kaya nga dito muna kami tumira ng pamilya ko. Isa pa dadalhin kita sa America para doon ipagamot. Naniniwala kami sa stansa na makakalakad ka. Hindi din kami nawawalang ng pag-asawa, Raleigh."
"Kung iyan ang pasya niyo. But I want her to take care of me. Habang nasa wheelchair ako nakaupo," pinal na sagot ni Raleigh.
Sumeryoso ang mukha ni Ryder at nagsalubong ang kilay. "Who is Lucinda San Juan to you?! Raleigh, kailan ka ba magseseryoso sa mga babae?! Tingnan mo nga ang nangyari sa 'yo! Dahil sa kalasingan mo! Kaya ka nadi-disgrasya!"
Napatiim bagang si Raleigh.
"May sarili akong buhay na akin. Kaya gagawin ko ang gusto kong gawin. Sino bang naiwan kay mommy? Di ba, ako naman? Nag-asawa ka tapos nagka-pamilya ng sa 'yo. Naiwan sa akin ang lahat ng responsibilidad dito sa bahay," giit ni Raleigh.
"So, kasalanan ko? Kasalanan ko na andito ka lang sa bahay!"
"Yes—! Kasalanan mo, kung bakit ako nakakulong ngayon dito! May sarili din akong buhay, kuya. Pero pakiramdam ko wala akong karapatan na gawin ang gusto ko! Dahil sa respondibilidad na ibinigay mo sa akin!" bulyaw na sagot niya. "Mga bata pa tayo nasa iyo ang atensyon nila. Ang mga mata nila! Samantalang ako, naghihintay kung kailan ako mapapansin nina mommy at daddy!" Mga himutok niya. Hindi na niya napigilan na ilabas ang sama ng loob na kinikimkim niya.
While they are growing up. Nagkakaisip siya na nakikitang palaging ang kuya niya ang napapansin. Pinapaboran sa lahat ng bagay. Siya ang palaging huli sa kanilang magkapatid. Dahil sabi ng mommy nila, kailangan ng kuya niya. What about him? Kailangan din niya ang kalinga ng parents niya. They send him to Spain para doon mag-aral. Hindi din nagawa ng daddy niya ang magkaroon sila ng pagkakataon na magkasama. Dahil maaga itong nawala.
"You know that's not true, Raleigh. Mahal ka nina mommy at daddy! Pantay ang pagtingin nila sa ating dal'wa," tugong turan ng kuya niya.
Napailing ng sunod sunod si Raleigh. Saka napangisi. "Pero, ikaw ang paborito nila!"
"No! Kahit kailan hindi ko na-feel na paborito nila ako. Alam mong nagkaroon ako ng napakapangit na nakaraan. At alam mong nagalit ako sa kanila. Dahil pinabayaan nila akong saktan nang hindi natin kadugo! Pero napatawad na ko sila. I'm sorry, if you feel na hindi ka pinapaboran nina mommy, Raleigh. They loved you. Mahal nila tayo," may diing sambit ni Ryder.
Mataman na nakatitig si Raleigh sa kuya niya. "Pinatawad ko na kayong lahat. But, let me do what I want! Gusto kong ako naman ang masusunod. I want Lucinda here inside my house! And that is final!" Saka pinihit ni Raleigh ang wheel chair niya patalikod sa kapatid. Dinig niya ang pagbuntonghininga nito.
Mayamaya ay narinig na lamang niya ang tunog ng pintuan na bumukas, sara.
Ilan pang pagbuntonghininga ang ginawa niya. Ngayon nangyayari ito sa kanya. Hindi niya maisip kung bakit siya pa. Sa dami ng tao sa mundo ay siya ang napiling sapitin ang ganito. Baka nga ito na ang kabayaran ng lahat sa lahat ng ginawa niya sa mga babae.
NAG-IIMPAKE na ng mga damit nila si Lucy. Bukas na bukas din ay pupuntahan niya ang address na ibinigay sa kanya. Wala na siyang ibang choice kundi ang tanggapin ang trabahong kasambahay. Bukas din ay pupunta na ang may-ari ng bahay.
Walang masama sa pagiging katulong. Marangal na trabaho na hindi dapat ikahiya. Ang mahalaga ay ang trabahong makukuha niya. May pera na sila para mabuhay. Panggastos sa mga pangangailangan nila. At nang hindi na siya nag-aalala para sa kinabukasan nilang mag-ina.
Sa ibang araw na lamang niya aayusin ang paglilipat ni Linden ng eskwelahan. Dahil hindi pa niya alam kung may malapit na eskwelahan doon sa pamilyang pagsisilbihan niya.
"Inay, bakit aalis pa po tayo dito sa bahay ni ninang?" sabing tanong ni Linden. Nang makita nito ang mga damit na tinutupi niya.
"Anak, hindi na kasi kay ninang ang bahay na ito. Tiyak ako na papaalisin din tayo dito. Pero 'wag ka ng mag-alala. Bukas ay may titirhan na tayo. Mas maayos pa kesa dito sa bahay ng ninang mo."
Ipaliwanag niya ang sitwasyon nilang mag-ina. Hindi na mag-aalala ang anak niya. Malulungkot na wala silang matitirhan. Dahil may trabaho na siya. Kahit katulong lang ito. Magiging malaking tulong ang nakuha niyang trabaho sa kanila ni Linden.
Lumiwanag ang mukha ni Linden. "Talaga po, 'nay?"
Tumango si Lucy bilang sagot. Agad siyang niyakap ng anak sa sobrang tuwa.
Nang bumitaw si Linden ay humarap ito sa kanya na hilam ng luha ang mata. "Bakit ka umiiyak? Akala ko ba masaya ka?" Pinunasan ni Lucy ang luha ng anak sa mata.
"Masaya po ako. Mas masaya ako kasi kayo po ang nanay ko. Ang swerte ko kasi ikaw po ang naging nanay ko. Mahal na mahal ko kayo, inay."
"Maswerte rin si nanay kasi dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang lahat sa akin. Kaya ako nagsisikap. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Linden. Mahal na mahal ka din ni nanay," maluha luhang tugon ni Luciy.
Muli siyang niyakap ng mahigpit ni Linden. Inihlig niya ang ulo ni Linden sa balikat niya. At hinaplos ulo ng anak.