NAKASILIP si Raleigh sa bintana habang pinagmamasdan ang dalawang pigura na nasa harapan ng gate nila. Malaki ang ngisi niyang titig na titig sa babae. Akay nito ang bata sa isang kamay. Sa kabila naman ay hula niyang plastic na may lamang mga damit.
Bawat galaw ng babae ay sinusundan ng mga mata ni Raleigh. Ang mga kilos nito na hindi niya nilulubayan ng mata.
"Ngayon ko lang naaninag ng maigi ang mukha niya," usal niya habang hawak ang panga. Napapaisip siya kung ito nga ba ang babaeng nakita niya noong araw na maaksidente siya.
Umiling siya ng ulo. Tanda niya ang lahat. Hindi niya kailanman makakakalimutan ang araw na iyon.
Pinhit niya ang wheelchair papunta sa library. May kinuha siya doong dokumento. Kontrata na ipapasa niya para pirmahan ni Lucinda. Kailangan niyang masiguradong hindi aalis sa poder niya ang babae. Wala na itong takas sa kanya. Habang buhay niyang pagbabayaran ng mahal ang ginawa nito.
Sa oras na pumasok siya sa loob ng bahay niya. Wala ng labasan. Mananatili ito sa kanya. Siya ang magsasabi kung kailan at hanggang saan ang serbisyo nito sa kanya.
"Let them in," sabi sa kausap niya na nasa kabilang linya.
"MAGANDANG umaga po. Ako po si Lucinda San Juan. Hinahanap ko po si Mrs. Diane," bungad na sabi ni Lucy sa guwardiya sa labas ng gate.
"Nasa loob si ma'am. Pumasok ka na lang sa loob ng bahay." At napatingin ang guwardiya sa batang kasama niya. Nilingon ni Lucy ang anak sa tabi niya.
"Anak ko po. Salamat po, manong," yumuko pa si Lucy bilang paggalang. Napakamot sa ulo ang guwardiya sa ginawa niya. Saka sila pinagbuksan sila ng gate.
Agad si Lucy pumasok sa loob. Bumaling siya kay Linden. At ngumiti sa anak. Gumanti ng ngiti si Linden sa kanya. Inilinga niya ang mata niya sa buong paligid.
Nakakamangha ang ganda ng garden. Nagyayabang ang karanyaan sa labas pa lamang ng bahay.
"'Nay, dito na po tayo titira?" iginalaw nito ang kamay niya para matuon dito ang pansin niya.
"Oo, anak. Pero magtatrabaho rito si nanay. Hindi pa rin sa atin ang bahay na ito. Kaya huwag kang gagawa nang ikakagalit ng magiging amo ni nanay. 'Wag kang malikot."
Tango ang naging sagot ni Linden. Muli niyang itinuon ang tingin sa malaking bahay. Nasa harapan na sila ng malaking pinto. Naihilig ang ulo para masilip kung may tao sa loob.
"Tao po....," tawag niya sa harap ng pinto. Nahihiya pa siyang pumasok sa loob ng bahay. Kahit sinabihan na siya 'nong guwardiya sa labas.
Tamang tama na bumababa ng hagdan ang mag-asawang sina Ryder at Diane. Nagkatinginan ang mag-asawa. Saka muling sinulyapan ang babae sa may pinto. May bata din itong kasama.
Hinawakan ni Ryder ang asawa sa kamay at iginiya papunta sa pintuan.
"Good morning po. Ako po si Lucinda San Juan. Pinapunta po ako ni Ma'am Mina dito. Bago po akong hire na katulong," bungad na mga sabi ni Lucinda.
Malawak ang ngiti ni Diane sa mag-ina. "Ako pala si Diane. Nice to meet you, Lucinda."
"Lucy na lang po," maagap na sabi ni Lucinda.
Napatingin si Diane sa bata na parang nagtatago sa likod ni Lucy. "Siguro siya ang anak mo." Mabilis na tumango si Lucy at ngumiti. "Anong name niya?"
"Linden po," nahihiya pa na sagot ni Lucy.
"Hi, Linden," magiliw na bati ni Diane sa bata. Nahihiya na tumango ang bata sa kanya.
Binalingan ni Diane ang asawa. "I'm Ryder Sable. Diane is my wife. Kasama namin ang mga anak namin dito sa bahay nina mommy. But actually, this is not our house."
Tila parang naguluhan si Lucy.
"Ang ibig sabihin ng asawa ko, hindi kami ang magiging amo mo. My brother in law, Raleigh Sable. You're the one who will help him. And whatever time he needs you. Dapat palaging available ka. Dapat siya ang una sa lahat ng gagawin mo," sabat na paliwanag ni Diane.
"Okay po. Ilang taon na po siya? Tiyak na magkakasundo sila nitong si Linden ko. Saka mahilig din po ako sa mga bata, kung hindi niyo natatanong."
Nagkatinginan ang mag asawa.
"Hindi bata ang aalagaan mo. We will explain to you everything. But first you need to meet him. Kanina ka pa niya hinihintay sa kuwarto niya sa itaas," sagot ni Ryder.
Natigilan si Lucy. Hindi nito inaasahang mag-aalaga ito ng isang matigas ang ulo na kapatid niya. Hindi naman sila nagulat na isang dalagang ina si Lucinda. Nai-kuwento na ito kaagad ni Brandon sa kanya.
"Ang mabuti pa, Ryder. Samahan mo si Lucy sa kuwarto ni Raleigh. At ako na ang bahala kay Linden," mungkahi ni Diane.
Napatingin si Lucy sa anak. Tila parang kinabahan ito. "Anak, doon ka muna kay ma'am. Babalik din ako agad. Saka may mga kalaro ka na mga anak nila."
"'Nay, balikan mo ako. 'Wag mo akong iiwan dito mag-isa," namula ang mga mata nito na parang maiiyak na.
"Siyempre naman. Sandali lang ako."
Mabining hinaplos ni Lucy ang pisngi ng anak. Saka ibinigay ang kamay ni Linden sa babaeng amo.
"Hindi ka maiinip doon, Linden. Tiyak na mawiwili ka makipaglaro sa mga anak ko. Ang guwapong bata mo naman. Alam mo may kamukha ka," puri ni Diane.
Napaawang ang bibig ni Lucy. "Ma'am, baka hindi po kamukha ni Linden ko. Siguro artista ang naiisip ninyong kamukha ng anak ko."
Tumango si Diane. Umayon na lang ito sa sinabi niya. Pero alam niyang hindi ito kumbinsido.
"Come, Lucy. Ihahatid kita kay Raleigh," paanyaya ni Ryder. Saka ito nauna na naglakad papunta sa hagdan.
Napansin ni Diane na parang nagdadalawang isip pa si Lucy. "Sige na, Lucy. Ako na ang bahala sa anak mo."
Hindi alam ni Lucy kung bakit parang kakaiba ang nararamdaman niya. Ramdam niya na mayroong hindi magandang mangyayari. Sa nakikita naman niya sa mag-asawa ay mukha itong mababait. Wala siyang napapansin na kakaiba sa kanila.
Bawat hakbang ni Lucy. Tila hakbang iyon sa hindi niya malamang daan. Napahawak siya sa kanyang dibdib.
Nang makarating sila sa harap nang pintuan ng isang kuwarto ay agad na pinihit ni Ryder ang doorknob papasok. Saka siya sinulyapan sa likuran nito.
"Sumunod ka na lang sa akin sa loob. And whatever he say. Sundin mo lang siya," paunang sabi ni Ryder.
Kinabahan na naman siya. Bumilis ang t***k ng puso. Sa narinig niya parang gusto na niyang umatras.
"Kuya, I've been waiting here for an hour already. Let her in," maawroridad na wika ni Raleigh.
Niluwagan ni Ryder ang pagkakabukas ng pinto. Nakita ang kapatid na seryoso ang mukha na nakatingin sa kanila.
"This is Lucinda. Siya ang magiging kamay mo sa lahat. Tutulong at mag-aalaga sa 'yo," pakilala ni Ryder sa kanya.
Nakayuko siya sa harapan ng magiging amo. Ang boses nitong kasing lamig ng yelo ang nakakapag-pabilis ng t***k ng puso niya. Ramdam din niya ang paninitig nito sa kanyang kabuuan. Sa klase ng titig na para siyang hinuhubaran.
"Puwede ko ba siyang makausap ng sarilinan, Kuya Ryder?"
"Okay," dinig ni Lucy na sagot ng nakakatandang kapatid nito.
Hindi siya makapag-angat ng tingin sa binata. Natatakot na siya sa mga mata nitong sobra makatitig.
Napakislot si Lucy nang madinig ang pagsara ng pinto. Sila na lamang ng amo niya ang naiwan sa loob ng kuwarto nito.
"Head up and look into my eyes. Hindi iyong sa sahig ka nakatingin," may diing utos ng binata sa kanya.
Nangingimi siyang iniangat ang tingin. Sandaling natahimik sila. Nang magtama ang mga tingin nila.
"L-Lucy na lang po ang itawag niyo sa akin. Twenty two years old at may i-isang anak na l-lalaki. F-Five years old na po siya," halata na kinakabahan siyang ipakilala ang sarili. Dahil sa pagkautal.
"I read your bio data. Kaya hindi mo na kailangan isa isahin sa akin. Kung ano ang nakasulat doon."
"Liitek! Mapapasubo ata ako sa ugali ng amo ko," bulalas ni Lucy sa isip.
MASUSING tinitigan ni Raleigh si Lucy. Iba talaga ang itsura nito sa malapitan. Ang akala niyang Lucy na makikita ay losyang. Hindi marunong magdala ng damit. At hindi marunong mag-ayos.
Puwedeng nagkamali sila sa Lucy na pinadala nila?
"Follow me to my library," malamig niyang utos.
Lalapitan sana siya ni Lucy nang itaas niya ang isang kamay. Hudyat na hindi na kailangan. Saka niya ipinihit ang wheelchair niya papunta sa library.
Lumapit si Raleigh sa lamesa niya. Andoon nakapatong ang dokumento na pipirmahan ni Lucy.
"Sir, baka po---," hindi pinatapos ni Raleigh ang sasabihin ni Lucy.
"Inutusan na ba kitang magsalita?" Marahang umiling si Lucy. "Gagawin mo lang ang inuutos ko kapag kaharap mo ako. So, ako ang magsasabi kung kailan ka magsasalita. Maliwanag ba?" Tumango si Lucy sa kanya. "Ayaw ko ng ganyang sagot."
"Opo. Maliwanag na maliwanag po," mabilis nitong sagot sa kanya. Pansin niya ang panginginig ng boses nito.
Kinuha ni Raleigh ang mga papel. At ibinigay sa kanya. "Sit down. Basahin mong maigi ang nasa papel. Gusto kong marinig ang sasabihin mo."
Tumalima si Lucy. Kinuha nito ang dokumento sa kanya. Tahimik nitong binabasa ang bawat pahina.
"Sir, bakit po may ganito ang kontrata ko?"
"Dahil ako ang may gusto at ako ang masusunod."
Nanlaki ang mga mata ni Lucy. "Hindi ko po pipirmahan 'yan."
"Tinatanggihan mo ang magiging sahod mo? Kulang pa ba ang fifty thousand na magiging sahod mo buwan buwan? Dagdagan ko pa ba? Magkano ba ang gusto mong sahod? Name your price, Lucy, Kahit magkano, kaya ko pang doblehin ang sahod mo."
Napatiim si Lucy. "Sir, hindi naman po tama ito. Hindi pa po ako nagtatrabaho sa inyo. Pero ganito niyo ako itrato. Aalis na lang po ako. Humanap na lang kayo ng mag-aalaga sa inyo!"
Tumayo ito at tumalikod sa kanya.
"Yes, you can go... But you will not see your son."
Biglang humarap sa kanya si Lucy. Napaiwas siya ng tingin dito. Parang sinasaks*k ang puso niya. Dahil sa mga mata nito na parang nagmamakaawa.
"'Wag niyo naman pong gawin 'yan! Anak ko po si Linden. Kaya wala kayong karapatan na kunin siya sa akin!"
"Then sign the contract. Madali naman akong kausap, Lucy."
"Blackmail na ang ginagawa niyo, sir. Sobrang desperado niyo naman na mag-stay ako sa bahay niyo. Ni hindi ko nga kayo kilala."
Napakuyom ng kanyang kamao si Raleigh. Madilim ang mukha na tumingin siya kay Lucy.
"Huwag mong hintayin na makagawa ako ng hindi maganda, sayo at sa anak mo, Lucy. Napakadali lang ng hinihingi ko sayo. Pirmahan mo ang kontrata. Iyon lang," malumanay na sabi niya.
Nangilid ang luha ni Lucy sa mata. Ito na naman ang nararamdaman niya. Napaiwas siya ng tingin sa mukha ng dalagang ina.
"Sir, may atraso po ba ako sa inyo? Hindi ko po kayo kilala. 'Wag mo naman akong saktan," nakikiusap na saad ni Lucy.
Napapikit ng kanyang mata si Raleigh. "I said, sign that f*cking contract!"
Nagtaas baba ang balikat ni Lucy sa gulat. Nang malakas siyang sumigaw. Nanlilisik ang mata niya sa galit. Sa pagmamatigas ni Lucy. Kinuha nito ang ballpen sa ibabaw ng lamesa. Nanginginig ang kamay na pinirmahan ang kontratang ginawa niya.
"Napirmahan ko na po. Puwede ko na po bang puntahan ang anak ko?" Lakas loob na tanong nito sa kanya.
Tumango siya bilang sagot. "Pagkatapos mo, bumalik ka dito sa kuwarto ko. Ihanda mo ang pampaligo ko."
"Okay po," saka tumalikod ito sa kanya. Hinayaan niyang lumabas ito ng kuwarto niya.
Napasandal si Lucy sa pader nang maisara niya ang pinto ng kuwarto. Napaluha siya. Simula na ba ng kalbaryo niya? Paano ba siya napunta sa sitwasyon na ito? Naghahangad lang naman siya ng maayos na trabaho. Ni hindi nga niya hinangad ang mataas na sahod. Tapos ganito pa.
Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha sa mata. Inayos ang sarili at bumaba ng hagdan.
NAKITA 'yon lahat ni Raleigh. Ang tahimik na pag-iyak ni Lucy sa labas ng kuwarto niya. Nagpakabit siya ng mga CCTV sa loob at labas ng kuwarto niya.
Pilit niyang tinatatagan ang loob. Hindi siya dapat maawa. Dapat matigas na puso ang pairalin niya. Kung gusto niyang magawa ang lahat ng plano niya.
Nagbabalat kayo lamang si Lucy na anghel. Pero ang totoo ay masama itong babae. Iyon ang naiisip ni Raleigh sa pagkatao ni Lucinda.