NABUGARAN ni Lucy ang isang katulong sa bahay. Dala ang uniform.
"Ikaw si Lucy?"
"Opo," maikling sagot ni Lucy.
"Ito ang uniform mo. Gusto ni Sir Raleigh suot mo ang uniform habang nagtatrabaho dito sa bahay." Tumango si Lucy. At kinuha dito ang mga uniform niya. "Sumunod ka sa akin. Ipapakita ko sa 'yo ang magiging kuwarto ninyong mag-ina. Andoon na din ang mga dala mo kanina. Ipinapasok na ni Sir Ryder."
Walang ibang ginawa si Lucy kundi ang sumunod sa lahat ng mga sinasabi sa kanya. Para tuloy siyang naging tau-tauhan.
"Manang, ilang taon na po kayong naninilbihan sa mga Sable?" Usisa niyang tanong.
"Dalawang dekada na din. Mababait ang mga Sable. Pagpasensiyahan mo na lang ang bunsong anak. Nagbago lang ang ugali noong nasa wheelchair na." Sunod sunod na tumango si Lucy. "Hindi pa pala ako nagpapakilala sa 'yo, Lucy. Ako nga pala si Manang Sherly. Ako ang namamahala sa inyo dito sa bahay. May dalawa pa tayong kasama dito. Si Maritess, ang tagaluto at si Toyang, ang tagalinis sa bahay. Pero tulong tulong kami sa paglilinis dito."
"Hayaan niyo po, kapag libre ako. Tutulong din po ako sa inyo na maglinis dito," saad ni Lucy.
"Ang trabaho mo ay si Sir Raleigh lang. Hindi mo kami kailangan na tulungan. Baka magalit pa sa iyo ang binata nating amo."
Binuksan ni Manang Gina ang pinto na magiging kuwarto nilang mag-ina. Saka pumasok sila sa loob. Inilinga niya ang mata sa paligid.
Namangha siya. Malaki ang magiging kuwarto nila ni Linden. "Manang, ang laki naman po ng kuwarto namin."
"Si Sir Raleigh mismo ang nagpa-renovate ng kuwarto niyo. Siniguro niyang tama lang ang laki nito," buong pagmamalaki ni Manang Gina.
Nagulat man. Natuwa siyang ang amo mismo ang nag-asikaso ng pagpapagawa ng kuwarto nila. May puso din pala ito.
"Salamat po, Manang Gina. Magbibihis na po ako. Pupuntahan ko pa si Linden. Kailangan ko pong bumalik sa kuwarto ni sir," litanya ni Lucy.
"Walang anuman, Lucy. Maiwan na kita dito," paalam nito. Saka ngumiti sa kanya. At hinawakan ang kamay niya. "Masaya akong makilala ka. Sana magtagal ka dito."
Gumanti ng ngiti si Lucy.
Nang makaalis si Manang Gina ay mabilis na naligo si Lucy. Sinisipat ang sarili na suot ang uniform niya. Nakapusod ang buhok. Napangiwi siya ng dumapo ang tingin sa paa niya. Naka-stinelas lang siya.
"Okay na ito," nasabi niya. Saka dali daling lumabas ng kuwarto nila. Mamaya na lamang niya aayusin ang mga damit nila sa cabinet.
Nakalimutan pa niyang itanong kung saan ang playroom ng mga bata. Maigi at nasalubong niya ang babaeng amo.
"Ma'am, pupuntahan ko po sana si Linden. Saan po ang playroom niyo?" tanong niya sa amo niyang babae— si Mrs. Diane.
"Lucy, hayaan mo na muna sa amin si Linden. Nag-eenjoy na siyang makipaglaro sa mga anak ko. 'Wag mo siyang masyadong isipin. Ang isipin mo ay ang trabaho mo. Kung may problema ka sa bayaw ko. Magsabi ka lang,"
Sasabihin ba niya ang ginawa ng amo niya kanina? Ang hindi na makataong pakikitungo nito.
"Salamat po, Mrs. Diane."
"Diane na lang," nakangiting sabi ni Diane sa kanya.
"Nakakahiya naman po."
"Hindi naman nalalayo ang edad ko sayo. Diane na lang, okay?"
Nakangiting tumango si Lucy. Mabait ang asawa ng panganay na kapatid. Siguro ay magkakasundo silang dal'wa.
NASA harapan siya nang kuwarto ng binatang amo. Hindi niya malaman ang gagawin. Kakatok ba siya o papasok na lamang.
Napahawak siya sa dibdib niya nang bumukas ang pinto.
"What are you doing outside? Come inside," malamig na tanong at utos ng amo niya sa kanya. Tumaas, baba ang tingin nito sa kanyang kabuuan.
Napayuko siya. Tinalikuran siya nito. At sumunod sa amo niya sa loob ng kuwarto.
"S-Sir, m-maliligo na po ba k-kayo?" nauutal na tanong niya.
"Yes. Ihanda mo ang maligamgam na tubig ko."
Mabilis na tumungo si Lucy papunta sa banyo. Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang tinimpla ang tubig. Sa hindi masyadong mainit at malamig. Pinuno niya ang tub ng tubig. Nang makuha ang init na tama lang sa balat ay nagmamadali siyang lumabas ng banyo.
"Sir, ready na po ang pampaligo niyo," hindi makatingin na imporma niya.
"Go out now in my room. Tatawagim kita kapag kailangan ko ang tulong mo."
Agad siyang tinalikuran nito.
"Sir, baka gusto ninyong ihanda ko ang damit niyo?" Pahabol niyang tanong.
"Hindi na kailangan. Kaya ko na. Sige na lumabas ka na."
Hindi man lang siya hinarap nito. Saka diretso na pumunta ng banyo.
Pagkapasok ng amo sa banyo ay doon niya napagmasdan ang kuwarto nito. Ang linis. Parang mahihiya kang umapak na madumi ang paa sa tiles na semento.
Napagpasyahan niyang ayusin ang kobre kama nito. Ang unan ay inayos at ang blanket ay itinupi ng kalahati sa kama. Saka pinasadahan ng kanyang palad ang blanket.
Inamoy amoy niya pa ang blanket.
Nasa ganoon siyang puwesto nang may tumikhim sa kanyang likuran.
"Patay," usal niya sa isip. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Saka humarap sa amo.
"What are you doing?"
Natulala si Lucy. Walang damit pang-itaas na suot ang amo. Ang tuwalya ay nakatabon sa beywang pababa. Litaw ang magandang hubog ng katawan. Namumutok ang mga muscel. Kita niya ang nagyayabang na abs ng binatang amo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito.
Napalunok ng sariling laway si Lucy.
"Puwede po ba kayong magdamit?" tanong niya at iiinikit ang mata.
GUSTONG matawa ni Raleigh sa reaksiyon ni Lucy. Nang makita siyang wala pang suot na damit.
"Bakit? Anong problema sa ayos ko?" Walang ekspresyon na balik niyang tanong.
"W-Wala p-po."
"Open your eyes. Akala mo ngayon lang nakakita ng hubad na katawan."
Napansin niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Lucy. Dahan dahang nitong inimulat ang mata. Nahihiya itong tumingin sa kanya.
Tila para naman may bumara sa lalamunan niya. Nang masilayan ang mga mata ng dalagang ina.
"Sorry po. Kung wala na po kayong kailangan. Aalis na po ako," sabi nito na halatang nasaktan sa sinabi niya.
Ihahakbang na sana nito ang paa. Nang magsalita siya. "May iuutos pa ako. So, stay."
Natigilan si Lucy sa sinabi niya. Saka napipilitang tumango sa kanya. "Ano pong iuutos niyo?"
"Pakikuha ang mga damit ko. Shorts, t-shirts at boxer shorts."
"P-Po?"
"Bakit nabingi ka na ba? Gusto mong ulitin ko ang sinabi ko?"
Umiling si Lucy. Saka agad ding pumunta sa built in cabinet.
Pinihit niya ang wheelchair. Pinagmamasdan ang likuran ni Lucy. Naghanap ito ng shorts at t-shirts niya. Pero ang boxers shorts ay parang diring-diri na hawakan.
"Yes, I want that color. Iyang hawak mo. Tulungan mo na din akong magbihis," walang ganang sabi ni Raleigh
Tila nagdalawang-isip si Lucy na lumapit sa kanya. Naiirita na siya sa mga kilos nito. Para itong birhen kung umasta.
"Sir, okay lang po ba ako ang magbihis sa 'yo?"
"It's okay. Sayo ba okay lang?"
NATITIGAN ni Lucy ang gwapong mukha ng amo. Hindi ito nalalayo sa ka-gwapuhan ng kapatid. Parang masarap kagatin ang labi nitong namumula. Ang kilay nito na parang inukit. Saka ang nangungusap na mga mata, na para bang ang sarap titigan. At ang matangos na ilong nito na ang lakas ng dating sa kanya. Palibhasa hindi ganoon katangos ang ilong niya.
"Tapos ka na bang eksaminin ako?"
Naihilig ni Lucy ang ulo niya. Saka napayuko nang mapansin ng binata ang paninitig niya.
"Bihisan ko na po kayo." Naglakad siya papalapit sa amo. "Ano pong gusto ninyong pananghalian? Ipagluluto ko po kayo."
Parang ang amo naman ang napipilan. Lumuhod siya para mahawakan niya ang paa at maisuot ang boxer shorts nito. Ayaw niyang tumingin dito. Dahil baka hindi pa niya magawa ang utos ng amo.
Pigil na pigil ni Lucy ang paghinga habang itinataas ang saplot. Tila ayaw niyang masagi ng balat niya ang balat ng amo. Pero kahit anong iwas niya ay nasasabi pa din niya ang balat nito.
"f**k! Ako na nga, ang kupad kupad kumilos. Bibihisan lang ako napakatagal." Bulyaw na sabi ng binata sa kanya. Saka sinalag ang kamay niya. "Lumabas ka na!"
Natataranta na tumayo si Lucy. Nagdudulot ng takot ang mga sigaw ng amo. Walang lingon na naglakad siya papunta sa pintuan.
Nangingilid ang luha niya na lumabas ng kuwarto.
Dumiretso siya sa kusina. Bumagsak na ang luha niyang pinipigilan.
Sabay na napasulyap sa kanya sina manang at ang dalawang kasama nitong kasambahay.
"Lucy, anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Manang Gina.
Napatunghay ang ulo niya sa matanda ng mayordoma. "W-Wala po." Pinunasan ang mga luha niya.
Napatitig ito sa kanya. Siguro nahuhulaan ang dahilan ng kanyang pag-iyak.
"Toyang kumuha ka nga ng tubig. At ibigay mo kay Lucy." Tumalima si Toyang. Saka kumuha ng baso at nilagyan ng tubig.
Lumalapit si Toyang sa kanya dala ang basong may lamang tubig. "Salamat." Pagkakuha ay agad siyang uminom.
"Ako nga pala si Toyang," pakilala nito.
"Lucy."
"Ako naman si Maritess. 'Wag mo akong pag-isipan na nagma-maritess. Pangalan ko lang iyon," sabat na pakilala din nito sa kanya.
Hindi niya napigilan ang tumawa ng malakas. Kahit paano ay may mga kasama siyang maglalagay ng ngiti sa labi niya. Sa kabila ng pagiging malupit ng amo.
Natapos ang buong maghapon na trabaho niya. Gabi na at nakatulog na si Linden sa katabi niya. Noong unang makita ni Linden ang kuwarto nila ay sobrang natuwa ito. Dahil unang beses palang silang nakaranas ng ganitong kama. Malambot at masarap higaan.
Nakakapagod lang dahil sa mga pagsigaw ng amo niya. Hindi siya maaring makawala dahil sa pinirmahang kontrata. Ang iniisip niyang trabaho na makakatulong sa kanilang mag-ina ay parang naging panganib.
Pinagmasdan ni Lucy ang anak. Para kay Linden, magtitiis siya. Para sa magandang kinabukasan nito. Gagawin niya ang lahat para protektahan ito.
Kinabukasan, simula na naman ng paninilbihan ni Lucy sa among masungit. Hindi niya alam kung saan ito ipinaglihi ng ina.
Medyo hindi siya komportable. Naiilang siya kay Mrs. Sable— ina ng binatang amo. Dahil ang ina ng binatang amo ay nagdaramdam. Wala kasi itong alam na kinuha siyang tagapag-alaga ng anak.
"Linden, bilisan mo kumain. Ihahatid kita sa eskwelahan. Magtatanong din ako kung saan kita puwedeng ilipat dito na eskwelahan," sabi ni Lucy sa anak.
Alas sais palang ng umaga. Maaga siyang nagising dahil papasok sa eskwelahan si Linden. Hindi puwede na mapabayaan ang pag-aaral ng anak.
"'Nay, baka po hindi natin kaya. Subdivision po ang lugar na 'to. Sigurado akong mahal ang mga eskwelahan malapit dito."
Napatigil si Lucy. "Kung para sa 'yo. Okay lang, anak. Kakayanin ni nanay. Edukasyon na lamang ang maipapamana ko sa 'yo."
Ngumiti si Linden at itinuloy ang pagkain.
Nahiya si Lucy nang makitang pumasok sa kusina si Mrs. Sable.
"Good morning po, ma'am," magalang na bati ni Lucy.
"Good morning po..." Bumati na din si Linden sa amo ng nanay niya.
Hindi sila binati pabalik bagkus ay tinapunan lamang sila ng tingin. Saka kumuha ng tubig. At walang salita na lumabas ng kusina.
"Pagpasensiyahan mo na lang muna, anak. Kagigising lang ni ma'am," hindi niya maitago ang lungkot sa mata.
"Okay lang po, nay."
"Tapos ka na bang kumain? Ihahatid na kita sa school mo," pilit na ngumiti si Lucy sa anak.
"Opo."
Kinuha niya ang bag ng anak. Saka inalalayan itong makababa ng upuan. Hawak niya ang kamay nito na palabas sila ng bahay.
"Good morning po, manong," malawak ang ngiti na bati ni Lucy sa guard. Pati ang anak niya ay ngumiti din.
"Good morning din sa inyong mag-ina. Ihahatid mo ba si Linden sa eskwelahan?"
"Opo, e."
"Tatawagin ko ang driver para ihatid kayo."
"Naku, 'wag na po. Mag-taxi na lang po kami," tanggi ni Lucy.
"Gagastos ka pa sa taxi. Napakamahal ng pamasahe sa taxi. 'Wag ka ng tumanggi. At ako naman---"
Hindi natapos ni manong ang sasabihin.
"Ano po?" Nagugulat na tanong niya.
"A-Ah, w-wala... Sandali lang. Hintayin niyo ako dito. Tatawagin ko si Nolan."
Sinusundan ni Lucy ang guard na palayo sa kanila.
SAKAY sila ng kotse ng mga Sable. Nakakahiya na inihatid pa sila sa school ni Linden. Puwede naman silang magtaxi.
Nawala ang isipin niya sa narinig sa guwardiya. At natuon ang pansin sa anak.
Paano ba sila makakatakas sa kalupitan ng amo niya?