Hinahanap

2251 Words

ALAS SINGKO ng hapon, hindi pa rin nakakalabas si Lucy ng kanilang kuwarto. Palakad lakad si Lucy at hindi mapakali. Nagtataka na talaga siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatawag ng amo. Kanina ay nagdala si Marites ng meryenda para sa kanilang mag-ina. Nagmamadaling lumabas din kaagad ito. Ni walang sinabi sa kanya. At parang iniiwasan siya nitong kausapin. "'Nay, nahihilo na po ako sa kalalakad niyo. Kayo nga po ay maupo," punang saway ni Linden. Tila naiinis na sa kanya. Napasulyap siya sa anak. "Ka-chat mo ba ang Kuya Raleigh mo? Hindi pa kasi niya ako tinatawag." Nag-aalala na siya. Mag iisang linggo palang siyang nagtatrabaho sa mga Sable. Mukhang mawawalan na agad siya ng trabaho. Pilit niyang inaalis sa isip na tatanggalin na siya ng amo niya. Pinagsalikop

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD