"MANONG EDGAR, let them in," sabi ni Raleigh sa guard sa kabilang linya. Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto ng mag-ina kanina. Dahil itinawag ng guwardiya na may tao sa labas. Napansin pa rin niya ang nakatayong si Lucy. Napakunot ang kanyang noo. "Sir, wala po ba kayong iuutos?" Huminga ng malalim si Raleigh at umiling sa dalaga. "Please, Lucy. Puntahan mo na muna si Linden." Naningkit ang mata ni Lucy, halatang iritado ito sa pagpapaalis niya sa dalaga. Sa huli ay sumunod din ito sa kanya at tumalikod. Tinatanaw na lamang ni Raleigh ang likuran ng naiinis na papalayong si Lucy. Iiling iling na lamang siya. "Raleigh! I missed you so much!" Napabaling siya sa taong sumigaw— si Cleo. Naglalakad ito palapit sa binata. Kasunod ang ina na may malawak na ngiti sa kanya. Bumuntong-

