Narrator's POV.
"PINA imbestegahan kita kay Alex, he's my boyfriend. At alam ko ang bawat impormasyon mo and also your Mom."
"Pano nyo ginawa? Ano kayo d-detective?"
"Im not the detective, he's the detective. And as I was saying tulongan mo kami sa problema namin and I can give you a cash. Just name your prize and I'll give it to you," taas noong tugon ni Pauline kay Paw.
"A-ano ba talaga ang gagawin ko?"
"Be my husbands fake wife," at binigay ni Pauline ang picture ng asawa nya.
"This is my husband we've been married for 5 years now. Gusto ko na mag panggap kang ako, at pag minahal kana nya iiwan mo sya, at malaki pa ang pabuyang ibibigay ko, if you want I can give you a hundred million pesos. Basta mag panggap ka lang na ako, and make him super inlove with you."
"Ano! Ang laki ng perang bibigay mo ah p-pero... Pag may! Usapang asawa at mag panggap! Hindi yata ako pinalaki ng nanay kong ganyan, ano nalang ako? Isang substitute na kabit na nagpapanggap na ikaw?! Ganun? Ikaw nalang gumawa, asawa muna man yun eh. At syaka imposible na mahalin ako nun!"
"Yun nga eh, ako yung gagawa pero hindi nya naman ako mahal!"
"Eh pano nalang pag ako? Ikaw ngang totoong asawa hindi ka nga minahal ako pakaya! Kahibangan! Atsyaka sa totoo lang hindi ko masyadong naiintindihan ang gusto mung ipagawa sakin," tarantang sabi ni Paw.
"Pauline, i think you should tell you're past about Drain and you, para maintindihan ni Paw ang lahat kasi feel ko nagugulohan din sya," sabat ni Alex.
"Tama ka kuya, nagugulohan nga ako," sabi ni Paw.
"Paw please lang, I'm begging you tulongan mo ako sa problema nato. Diba nag hihirap kayo ng Mom mo. Ang dami nyo pang financial fee's at nag-hahanap kapa nang magandang trabaho but you can't cause may sakit ang Mom mo, well I can help with those things kung gusto mo I can give you a million, house and lot and a car also, a trip to every country you want and most of all pwedi kung ipa galing ang Mom mo, ipapapunta ko sya sa napaka galing na doctor dito. Basta tulongan mo lang ako," nag mamakaawang sabi ni Pauline at hawak hawak ang kamay ni Paw.
"G-grabi nyo te, ano ba trabaho nyo at ganyan kayo ka yaman?" Gulat na tanong ni Paw.
"Well iba-iba ang trabaho ko, it's just our bloodline is very rich, yung Daddy ko is a billionare and yung husband ko 'rin isa ding billionaire at yung Lolo Dad din nya isa ding billionaire kaya ayun."
"Tas yang boyfriend mo? Billionaire rin? Ganurn?" Sabay turo ni Paw kay Alex kaya napahawak sa batok si Alex.
"Oh he's a professional detective milyonaryo din yan, not a billionaire." Simpleng sabi ni Pauline.
"T-te, p-pwedi naba akung mamatay? Ang yaman nyo, grabi may kamukha akong babaeng napaka yaman, wow teh sanaol," Tawang mapakla na sabi ni Paw.
"Kaya nga, kung gusto mong maranasan ang mga ito at gusto mong mapagaling ang Mom mo, then help us. Sige na Paw please."
Napakagat nalang si Paw sa labi nya kasi di nya alam ang gagawin. Mag o-oo basya o hindi? Kasi dito naka salalay ang kinabukasan nya.
"Ate, totoo bato?"
"Stop calling me ate okay? 4 years lang ang agwat natin, at totoo to, if you want you can search my husband's name on the internet."
"S-sige po naniniwala napo ako pero te pwedi bang pag isipan ko muna, atsyaka gutom din ako eh pwedi mamaya nalang."
"Sige I well give you one month to decide, I can wait though."
"Dinapo kaylangan mag hintay, dalawang oras lang po ako mag iisip kundi mga minutes lang." sabay ngiti ni Paw.
"Great, sana matulongan mo ako. Butler! Can you bring alot of foods in here pati nadin mga dessert."
"Pancit canton nalang po kakainin ko te, wag napo yang mga manahalin," Nahihiyang tugon ni Paw.
"No Paw, gusto kong pakainin ka ng masasarap na pagkain, kasi alam kong hindi ka pa nakakatikim nun, kumain kalang nang gusto mo I dont mind," at ngumiti ng may iyak si Pauline kasi matutulongan sya ni Paw sa problema nila.
"Salamat po te," sabay yuko ni Paw.
"Wag munalang akong e ate-ate, Just call me Pauline nalang. Because you look like my twin sister and we even had the same face and even our birthday is the same pero iba lang ang year na pinag anak tayo 21 ka 25 naman ako. Kaya Pauline nalang. Ang tawag mo sakin ha." Tumango nalang si Paw kay Pauline.
Paw Velarde's Pov:
ANG daming naihain dito, grabi. Mayaman talaga sila, ang laki kasi ng bahay dito, obvious talagang mansyon. At may guard pa! Siguro mas malaki pa ang mansyon nila dun sa Manila kaysa rito.
"Tapos na 'ako Pauline, at napag pasyahan ko na ang sagot ko."
Napatayo si Pauline sa pagkakaupo nya nang marinig nya ako.
"Are you gonna going to say No or Yes?" Kinakabahan na sabi nya sakin.
"Ipagaling nyo po ang Mama ko, yun lang at tutulongan ko 'na kay-" dina natapos ang sa-sabihin ko kasi niyakap nya ako ng napaka higpit.
"O-oh my god, i-is this real? Y-you're really gonna help us?"
"O-opo tutulongan ko kayo pero bago nyan, hindi ko po talaga alam kung bakit nyo ako gustong maging Fake wife ng asawa nyo."
"Lahat ng dapat kung sabihin ay sasabihin ko sayo, the day after tomorrow, pero sa ngayon mag pahinga ka muna, at dito kanalang mag pahinga sa bahay namin para makapag usap tayo," masayang sabi ni Pauline sakin at grabi makahawak sa kamay ko.
"S-sige po, basta po ipa galing nyo lang ang Mama ko at tutulongan ko kayo."
"Anyways napag-usapan nanatin ang mga ibibigay ko sayo ha, at marami kapang dapat malaman sa gagawin mo."
"Sige po."
DALAWANG araw nako nakatira rito at ang ganda sa feeling na naka tira sa isang bahay na malamig, may masarap na pagkain at magandang view.
"Are you ready Paw?" Tanong sakin ni Pauline.
"S-sige, mag kwento kana at makikinig ako."
Huminga muna sya nang malalim at nag salita.
Flashback POV:
"DRAIN you're marrying Pauline," simpleng saad ni Don Bernardo kaya nagulat si Drain nang husto.
"W-what?! Marrying Her?! You gotta be kidding me Lolo Dad! So this is the only reason why I came here to the Philippines to know that I will be marrying to a woman that I don't even love?! You know that I'm very busy on Korea Lo. Anf I told you na ayaw kong mag asawa cause I'm part of a K-Pop group on Korea! And it's forbidden to us to have a relationship!" Galit na singhal ni Drain.
"Don Bernardo, pwedi naman nating e urong ang kasal, hindi sila magiging masaya," sabi ng mommy ni Pauline.
"No! I have made a decision. Drain and Pauline will be marrying next month. And also... Quit on that group you had!"
"But Lolo! I'm already part of that group!"
"Don't shout at me Drain, I'm just doing this for you and for the sake of our bloodline."
"That! You only think about our bloodline! Lolo Dad I don't like her! neither do love her!" Sigaw ni Drain at tinuro si Pauline na naka yuko lang ang ulo.
"Still, you're marrying her next month."
"Fine! I'll marry her! But... I'll divorce her once I marry her."
"No Drain, you can't divorce her because I already made a contract that you can’t divorce her unless..."
"Unless what?" Singhal ni Drain na nagugulohan.
"May two options kayo para maghiwalay. First kung may mamatay sa inyo edi hiwalay na 'kayo. And the second one is gonna be difficult and very impossible... Dapat may papalit kay Pauline na kasing ganda nya at kasing puti nya at dapat din ibahin nya ang ugali mo. And once that you will fall inlove for the fake Pauline and your inlove with her at may mangyayari sa inyong dalawa... Iiwan kana nya at aalis na sa ibang bansa ang fake na Pauline for 3 years. And pwedi nakayo mag hiwalay sa totong Pauline kasi na iba na ang ugali mo sa fake na Pauline. Thats all!"
"What! B-but that's to impossible, ayaw kong mamatay, and it's still the same gusto mong mahulog ako sa fake na Pauline, edi wala parin akung kawalan."
"Yes your right apo. Sorry if I'm doing this pero sumusobra narin kasi yang ugali mo, even our dear workers or our maid trinatrato mong parang aso sinisigawan mo, kaya ipapakasal kita kay Pauline para baguhin ka nya pero kung di kanya mababago at gusto mung makawala sa kasal nyo edi dapat may mamatay sa inyo kundi humanap kayo ng ibang babae na magkamukha ni Pauline at iibahin ang ugali mo Drain. Ganun lang! Now end of our discussion."
"B-but LO!"
"Shut up Drain. End is end! Ikakasal nakayong dalawa next month!"
Paw Velarde's POV:
"Grabi! Mawalang galang na Pauline ha pero wala bang trip ang Lolo ni Drain?" Natatawang tanong ko.
"I have no idea either, kaya nga ikaw nalang ang pag-asa namin para mag hiwalay kami, kaylangan mo lang na mag panggap na 'ako at kaylangan din na mahalin ka ni Drain at may mangyari sa inyong dalawa pagkatapos nun mawawala na ang bisa ng kasal namin."
"So dapat ba talaga na may mangyari samin? Mag chukchukan kami ganurn? Eee kadiri," napalunok nalang ako at napangiwi sa tanong ko.
"Oo, mahalin kalang nya at baguhin mo sya at pwedi na kaming maghiwalay."
"Parang nag-iba yata ang takbo ng isip ko uurong nalang ho ako, ayaw kung mag pagalaw tas nakakadiri eee, yuck! Labas masok yung ano... Eww." Natatawa na nandidiri na sabi ko napalunok na nga lang ako sa naisip ko.
Natawa nalang din sya. "Kung uurong ka pano ang Mom? Mo?"
"Humanap nalang po kayo ng ibang babae kundi ipa retoki nyo sya ang dami nyo namang pera eh."
"No, Paw dapat natural ang mukha at hindi retoki, ikaw lang ang kamukha ko, mukha nga lang tayong nag sasalamin sa isat-isa eh, kaya please naman Paw wag kang umurong."
"P-pero Pauline, natatakot ako na baka galawin nya ako. Nakakadiri yun sa imagination ko palang nandidiri na 'ako." Sabay ngiwi ko at iling sa ulo ko.
"About that, pwedi ka namang ma inlove sakanya gwapo naman aya eh."
"Di pwedi mayaman sya at mahirap lang ako at 'syaka ginagawa ko lang naman to para sa Mama ko."
"Yun nga eh, kaya wag kanalang umatras sa usapan."
"Oo na sige na! Gagawin ko na bahala nalang si Batman, pero Pauline ang promise mo sakin ha ipapagaling mo ang Mama ko."
"Oo gagawin ko yun. Promise."
"Kelan ako mag uumpisa bilang fake wife ng asawa mo?" Tanong ko.
"Mag sta-start ka pag alam mo na ang mga nalalaman ko, lahat."
"Ha lahat?!"
"Oo, mga family sides ko, mga kontrabida sa buhay ko at yung mga nalalaman ko."
"Ang hirap naman nyan," reklamo ko.
"It's gonna be fine Paw, wag kang mag-aalala I'm gonna help you with it."
"Sige, ok naman yang idea mo, pero yun lang ba ang babagohin natin sa sarili ko?" Kinakabahan na tanong nya.
"Meron pa, you need a Big Fluffy Make Over!"
"Make over?" Nagugulohan na ko at napakamot sa buhok ko.
Narrator's POV:
"YOU think our plan well work Pauline? You know Drain very well, at hindi yun basta-bastang magiging maamo," sabi ni Alex, habang hinahawakan ang kamay ni Pauline.
"Ofcourse it will work, mag kamukha naman kaming dalawa and I'm gonna train her as well, kaya wag kang kabahan oka- "
"Ms Pauline, she's already done," Masayang wika ng stylist at pinalabas si Paw.
Lumabas na si Paw at gulat na gulat na tumingin sa kanya si Pauline at si Alex. Kitang kita talaga sa mga mata nila ang pagkamangha sa mukha ni Paw ngayun.
"W-wow, Magkamuka na talaga kayong dalwa," nauutal na sabi nito.
"I know, kaya dapat ma train na sya bukas about being a rich woman and a proper moral," ngiting sabi nito at tuluyan nang lumawak ang mga plano ni Pauline para sa pagpunta ni Paw sa mansyon sa susunod na limang buwan.
Si Pauline 5 years nang kasal kay Drain. Kinasal si Drain at si Pauline nung 20 years old palang silang dalawa. Si Pauline inlove na sya ng husto kay Drain nung 15 years old palang sya at masaya sya nung kinasal sila.
Kaso nawala ang pagmamahal nya nang pinakita na ni Drain ang pagiging heartless nya sa mga tao at sa kanya, kaya nag hanap si Pauline ng ibang lalaki at nahanp nya si Alex.
4 years silang relasyon at hindi na na-inlove si Pauline kay Drain. Which is nangabit si Pauline nang 4 years habang kasal sila ni Drain.
At ngayong nahanap na nila si Paw, madali nalang silang mapag hihiwalay.
Paw Velarde's Pov
NAKITA ko silang shocked na shocked habang naka tingin sakin.
"Now you looked like exactly like me," masayang tugon nito at lumapit sya sakin. "Bukas, mag-aaral ka ng mga tungkol sa nalalaman ko, and you're gonna learn the proper way to be a rich woman. At makikilala mo 'rin ang mga taong nakilala ko, including Drain, his family and my Family. As well as our business partners," sabi nito na nakahawak sa mag kabilang balikat ko.
"U-uh, s-salamat ulit ha kasi ang ganda ko ngayun, first time ko 'to eh," nahihiyang sabi ko sabay hawak sa batok ko.
"No, ako nga dapat ang mag pasalamat sayo kasi makakalaya na 'ako," at niyakap ako.
Marami kaming pinag usapan ni Pauline tungkol sa mga gagawin ko bukas, at ang dami pala nyang mga hilig, isa kasi syang interior designer at napaka professional nya, buti nalang talaga dahil may kunting nalalaman ako tungkol about fundamentals and elements of design since artist ako kaya may nalalaman talaga ako tungkol dyan.
Training:
"This is the proper way to eat, and you need to use this kind of untensils when you're eating a steak. Understood?" Sabing ng taga turo, kaya tumango nalang ako. "I don't need a nod miss Paw I need a proper answer, you should say. I understand Ma'am. Now i wan't you to repeat it," supladang sabi nito kaya naiirita ako.
"I undestand Ma'am."
"Good, now let's back to our discussion."
GRABI! Pabagsak akong humiga sa malaking higaan, at diko akalain ja dalawang buwan na pala ako nag pra-practice tungkol sa, Piano, Interior designer, Proper way on speaking English, Fashion, At pati pag poposing sa camera at pag bi-bikini ginawa ko na!
Kung tu-tuusin para na akong ibang tao!
*Knock Knock*
"Ma'am Paw, nandito na sila Ma'am Pauline. Bumaba na 'raw kayo."
Napatayo ako at inikit ko yung ulo ko. "Oo, pupunta napo ako dyan."
Pag baba ko nakita ko si Pauline na kumakaway sakin. "Hi Paw, how was your day? Hindi kaba nahihirapan? Kasi sabi ng mga teachers mo at coaches mo, madali karaw matuto, but wala ka sa mood," sabi nya.
"Oo wala talaga ako sa mood kasi dilang talaga ako sanay eh, pero dapat ko rin itong gawinl," bagsak balikat na sabi ko.
"Sabagay. And by the way pala, magiging mas busy kana next week kasi tuturoan nakita tungkol sa mga taong malalapit sa 'akin, at mag aaral ka nanaman tungkol about sa sports na mga alam ko."
"Ho? Sports? Eh Pauline dalawa lang ang alam kung sports, yun ay ping pong at basketball, baka naman pwedi nayun, nakakapagod talaga."
"I know it's hard Paw, pero yun talaga eh kaya nga binilhan kita ng mga sabon at mga skin care para mapanatili ang mukha mo." Sabay abot nya sakin ng malaking paper bag.
"Sobra napo ang pag-aalaga nyo sakin, Pano po pag hindi gumana ang plano? masasayang lang po," naka yukong sabi ko.
"I treasure you a lot right now Paw, kasi ikaw lang ang makakatulong samin, at wag kang panghinaan ng loob kasi alam kong ga-gana ang pag pa-panggap mo."
"Sana nga."
3 Months Later.
"ARE you ready to start your new story Paw- I mean Pauline Monteverde?" Sabi ni Pauline sakin.
"Yes, I'm ready. At salamat talaga ha."
"It's nothing, basta make him fall inlove to you."
"Hmhm, gagawin ko yun," sabay tango ko.
"Good. By the way pala ngayun din ang flight namin papuntang states, at tatawagan kita pag may time ako para maka balita ako. And make sure na hindi ma tra-trace ni Drain, baka mabuking tayo. At isusunod naming ihahatid ang Mama mo sa Manila, we will just send you the address."
"Sige."
"Sige na Paw, baka ma iwan ka sa eroplano," sabi sakin ni Alex.
"Sige aalis nako, pag bubutihin ko talaga," sabi ko habang dahan-dahang naglakad.
"Sige, at next week kapa dapat pumunta sa Washington States ha! Mag enjoy ka muna sa Manila!" Sigaw nya sakin, kaya tumatango nalang ako.
Almost 6 months ko syang kasama at parang kakambal ang turing nya sakin, kaya pag bubutihin ko talaga ang misyon na ito, para kay Pauline, Alex, Drain sa Mama ko at para narin sa kinabukasan ko, malaki ang pera na makukuha ko pag nagawa ko ang misyon na ito.
Kaya pag bubutihin ko ito.
In Manila.
LIMANG oras ang byahe ko at sa wakas nandito nako. Bumaba ako sa eroplano at ang ang daming eroplano.
"Good Afteenoon and Welcome back, Mrs Washington," masayang bati nito kaya tumango nalang ako, nakita ko syang may binulong sya sa lalaking ka crew mates nya kaya pinawalang bahala ko nalang yun at naglakad nako sa labas ng airport.
Grabi nakaka panibago talaga, may tumitingin sakin at parang hangang-hanga sa itsura ko, eh akalain nyo yung suot ko daig ko pa ang isang korean CEO na babae sa movie.
Naka shades ako ng black, Fitted dress na kulay white na hanggang hita ko at kulay white na sapatos, at may black pa akong coat na nasa balikat ko.
Oh tingnan nyo oh, naging mistolang CEO ng isang companya.
May lalaking biglang sumulpot sa harapan ko at kinuha ang malita ko. "Welcome back, Mrs Washington," sabi nito at parang bodyguard ko yata to.
Naka shades din kasi tas naka earphones at all in black pa. Dinaig nya pa ang isang bodyguard na nasa mga korean dramas.
Grabi ang sosyal!
Sya pala ang bodyguard at secretary ko na sinasabi sakin ni Pauline, at sya si Curb Dame. 27 years old at inferness ang gwapo.
Mayaman naman daw ito sabi ni Pauline.
Ang ganda ng hairstyle ni hindi ko ma explain, tas may pierce pa yung tenga, dagdag gwapo point! Ang taas pa nito 6.5 siguro!
Dinaig pa ang basket ball player. Napaka black ng mata nya at moreno rin sya.
Sus! Nang gigigil ako ang gwapo eh! Hmph!
Ang alam ko, halos lahat crew mates at mga empleyado sa Airport na pag mamay-ari ng Washington ay kilala si Pauline which is ko, akalain nyo Mrs ang tawag sakin! Hyss kung alam lang nila Ms pako.
Nang mapasok nako ay sumeryoso na ako. "Let's just go to the nearest hotel."
"Right away Ma'am." Seryoso na sabi nito.
Ays! Cold si boy.
Diko makayanan! Ang Sosyal ko, nakaka baliw pala ang mga mayayaman at ang exciting pala nito. Pati balhibo ko sa lahat ng katawan ko nagsitaas kasi kinakabahan yung sikmura ko.
"By the way Ma'am, Sir Washington has arrived on the mansion last two months ago." At may binigay syang sulat sakin.
"And that would be your schedule for today," sabi nito at nag maniho ulit.
"Paki cancel yan lahat, at yung upcoming schedule ko this week eh cancel mo rin, kasi may importante akong gagawin ngayung whole week," striktang sabi ko.
Gigimik yata ako sa manila, kasi first time ko rito!
"But Ma'am, those schedules are also very important, because those schedules are supposedly needed to be done at the past month's, but since you've been gone for almost 6 months, that's why you need to finish all of them right now, before Sir Drain might... Slap at you or throw you a glass of wine," mahinang wika nito.
Napanganga nalang ako sa pag eenglish ng lakaking nasa harapan ko ngayun na nag dri-drive, at napanganga rin ako kasi sinasampal pala at tinatapunan ni Drain si Pauline?
Abat napaka silbahi pala ng lalaking yun? Parang aso ang turing nya sa mga tao.
Tama nga ang kwento ni Pauline. His horrible.
Akala ko wala syang paki kay Pauline? Pero init na init pala ang ulo nya kay Pauline, aba tingnan lang natin yung lalaking yun! Pag ako ginanun nya baka mapatay ko sya.
Ang sakit pa naman ma sampal
"Ilang beses mo na bang nakita na sinasampal nya ko?"
"More than 10 times I guess."
"I see... At syaka wag kang mag alala basta cancel mo lahat ng schedule ko ngayung week kasi next week ko nalang yan aasikasuhin basta pumunta nalang tayo sa isang hotel kasi dun ako matutulog nang buong linggo."
"Y-yes Ma'am," kinakabahan na tugon nya,
Kinakabahan sya kasi dahil pinapa cancel ko lahat ng schedule this week at baka masampal ako ni Drain, well wag nya lang akong subukang sampalin baka mag kakamatayan kami. Di 'ko sya uurongan.
Pero natatakot talaga ako sa mangyayari.
NANDITO na ako sa hotel ngayon tinatawag ni Pauline.
"Pauline, cinancel ko pala lahat ng schedule ko this week kasi sabi mo nga sakin na pwedi muna ako gumala rito sa Manila diba?"
"Oh, that's not a problem, basta tapusin mo nalang yan next week."
"Sige hang up ko na to ha, e u-update lang kita sa susunod."
"Oh sige ba, wala kana bang itatanong sakin? Baka may itatanong kapa."
"Wala na, sige bye na, ingat kayo dyan sa states."
Hinang-up kuna ang tawag at humiga na ulit ako sa kama ko.
"Hm, san kaya ako pupunta ngayon? Ayaw ko naman mag shopping dito kaya pupunta nalang siguro ako sa bar para masanay ako, nag ba-bar din kasi si Pauline eh," bulong ko sa sarili ko, habang gumugulong ako sa kama.
Ge! Punta nalang yata ako sa bar mamaya para mag libang.
"GOOD EVENING, Mrs Washington," sabi ng bouncer sa bar kaya nagulat ako.
"Kilala mo ako?" Sabay turo ko sa sarili ko.
"Ofcourse, Ma'am ikaw yata ang palaging costumer dito, dimo ba naalala Ma'am?"
"Ay... Haha! shempre alala ko, sige pasok nako ha," tiningnan ako ng guard pero tinanguan nalang ako.
Pagpasok ko rito sa bar napaka ingay kaya dumiretso na lang ako sa counter at nag order ng drink. Pati brain cells ko sumasayaw. Hay ang hirap talagang maging sya, nakaka irita kasi panay english mukha tuloy ako nitong banyaga sa kaka english, minsan nga nag ta-tagalog nalang ako sa mga taong nakikipag usap sakin kasi nakaka walang gana ang english.
"Here's your order Ma'am," sabi ng lalaking barista na ubod ng gwapo. Pero tina-asan ko 'sya ng kilay kasi dinaman ako nag order nitong parang kulay blue na juice.
Ano to? Gatorade? na mayroong umbrella sa taas ng baso?
"Huh? Hindi naman ako umorder nito ah, saka tunayan gusto ko umorder ng... Soda, haha sakali rin naman kung mayroon kayung soft drink's dito," awkward na sabi ko. Alam kong ang b0bo ng sinabi ko. Kahiya.
"Haha, palagi mo nga tung ino-order dito, and It's strange that you wanna drink soda this time, well okay fine i'll give you one," at binigay nya sakin ang isang can bottled soda na Coca-Cola.
My favorite!
"Salamat ah, oh ito bayad ko tip nayang sukli," hinampas ko ang singkwenta pesos sa counter at kinindatan ko sya.
"Your attitude is different right now Mrs.Washington," ngiwing sabi nya pero binalewala ko nalang, diko naman yun kilala.
Hindi nga diniscuss ni Pauline ang mga ibang tao, yung mga kasama lang sa bahay nila at yung mga close person nya.
"WOHOO! Perst time!" Sigaw ko na parang asong ul0l.
Sumasayaw kasi ako sa beat ng music pati brain cells ko nag disco narin.
Wala akong paki kung mag bu-bulongan sila dyan na para akong baliw kasi siguro ang kilala nilang Pauline Monteverde ay isang mahinhin at feeling rich kid, at sexy manamit e ako ang sinuot ko ngayun fitted blue jeans at crop top na kulay brown, hindi ko tinali ang buhok ko at naka sneaker shoes lang.
Basta! Magiging ako na muna ako buong linggo nato!
"Hey sexy, you danced like a stripper, you know that?" Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaking sumasayaw sa likuran ko kaya napa ngiwi ako at tumigil ako sa pag sayaw.
Yuck, attracted ang tar@ntado.
Hyss! Sarap sapakin sa mukha!
"Diko alam na para pala akung pok-pok sumayaw. Ikaw rin kuya mukha karing asong ulol na nag lalaway," sabi ko at napa ikot ako sa mata ko.
"What I can't hear you!" Sigaw nito.
Hyss, manyak na nga, bingi pa!
Umalis nalang ako sa dance floor at uminom ng coke. Nawalan na ako ng gana dahil sa lalaking yun.
"Is that Pauline? Since when did she get back? And she dressed like an other person, but she looks nice on the clothes she's wearing. Sexy. Ang swerte talaga ni Drain," narinig kong sabi ng mga lalaking nasa kabilang table kaya nilingon ko sila.
Diko makita masyado ang mukha nila kasi dahil sa ilaw ng bar, pero naririnig ko sila kasi ang lapit lang namin.
Nakita ako ng isang lalaki at ngumiti sakin kaya ngumiti nalang din ako. "Yup, it really is Pauline, pinag hahanap sya ng Mommy at Daddy nya pati ang husband nya, kasi 6 months syang nawala sa kanila. We should report this baka mapirahan pa natin yan," sabi nila kaya tina asan ko sila ng kilay.
"Tsk, mga marites! chismis ng chismis dito! mga Alpha chismosa talaga!" Mahinang sabi ko. Lumabas narin ako ng bar at alas dyes pasado na pala. Sh*t.
Dapat naka uwi nako ngayon kaso diko naman alam ang lugar nato eh.
Pagkalabas ko palang sa bar nayun ang dami nanamang bulong bulongan na nakauwi naraw ako, at nag pipicture pa sakin. Hyss mga mayayaman talaga.
Sabagay pag chichismisan talaga ako kasi akalain nyo hindi nag paramdam si Pauline nang 6 months at ngayun pa nag paramdam. Which is iba na palang babae ang nakikita nila ngayun.
Di nako mag tataka pag nasa billboard nako bukas na bukas.