3

4350 Words
Paw Velarde's POV: KABABAGO palang ng new year at ang dami ng swerteng dumadaloy sakin, pati na nga yung kamalasan. Isang linggo na ang nakaraan nung nag bar ako, at dina ako babalik sa bar nayun, kahit masaya dun nahihilo talaga ako, at ngayun na ako pupunta sa mansion ng Washington. Ang sikat din pala ng mga Washington dito sa Quezon at Manila, kasi nakikita ko ang mukha ko sa billboard at mga ibang members ng mga Washington Family at Monteverde Family. "Ma'am we're already here in the Washington states," tinangoan ko lang si Curb at nag maniho sya ulit. So ito pala ang Washington states para syang village, may malaking gold gate at mayroong guard house. "Welcome back Ma'am," ngiti ng mga guard kaya tumango nalang ako at sinarado ko ang bintana sa kotse at umandar uli. Bumalik ang seryoso kung mukha. At dapat asal Korean CEO tayo rito noh. Pag pasok namin sa gate, ang daming bahay ang na da-anan namin at ang yaman ng mga tao, may mga nag ba-bike na mga bata sa tapat ng bahay nila. May park din dito at ang linis din dito. Hay, napaka refreshing dito grabi. Nag drive parin ang driver ko at napansin ko na habang pa-palayo kami sa village area ay wala na akung bahay na nakikita at puro malalaking puno nalang. Maya-maya may nakita akong napaka laking Mansyon at grabi ang laki! Daig pa ang malakanyang! ano to? Castle! Nakita ko ang kulay gold na gate at pagpasok namin dun ay bumungad sakin ang napaka laking bahay at ang green field. "Ma'am were here, at the Washington Mansion," sabi ng driver, kaya bumaba na 'ako sa sasakyan. Bumuntong hininga muna ako. At nilagay ko ang buhok ko sa likuran ko at tumingala ako sa nag lalakihang mansyon. Na pag mamayari ng target kong si Drain Washington, at ang mayari ng Washington State at Washington Mansion. 'Isak-sak mo sa utak mo Paw, na nandito ka para paibigin at ibahin ang ugali ng may ari ng bahay nato na si at pag nahulog sya sayo at may nangyari na sa inyong dalawa iiwan mo sya at hindi kana babalik pa,' sabi ko sa sarili ko at inayos ko ang puting coat ko at ang black shades ko at taas noo akong pumasok sa loob ng mansyon. New year, New life, New attitude and New beggining. And the action starts now. Naglakad ako papalapit sa malaking dalawang pinto na brown, at nang makapasok ako ay bumungad sakin ang malaking gold chandelier at ang hagdan na left and right, grabi ang laki rito. At ang ganda pa! Siguro may elevator to dito? Mukha ngang 5 floor's tung mansyon nato eh. "Mabuti Iha, at naka balik kana halos hanapin kana ng buong tauhan ng Mommy at Daddy mo pati narin ang mga tauhan ni Don Bernardo, ni hindi ka 'raw nag papabalita o tumawag man lang. Nag aalala na kami sayo, prero buti nalang at umuwi kana. San kaba galing? Dyos ko sayong bata ka kinakabahan na kami rito. Buti nalang talaga at tumawag yung taga airport last week na nakauwi kana raw, at halos yung mukha mo na ang pinag chi-chismisan mgayon," sabi ng matandang babae na nerbyos na nerbyos ang mukha at hinahawakan pa ang kamay ko pero nginitian ko nalang sya. "San kaba galing Iha? Bat ka hindi nag paramdam ng anim na buwan? At nung nakaraang linggo hindi ka dumiritso rito?" Parang naiiyak na sabi nito kaya nagulat ako. "W-wag po kayung malungkot manang, nag vacation lang po ako, pumunta lang naman ako sa Cebu para makapag isip," aabi ko at hinahawakan ang balikat nya. "Oo, na hindi na 'ako malulungkot, ikaw kasing bata ka pinag aalala mo ako, pero sana nag pa balita karin," sabi nito. "Oo, sorry po talaga," ngising sabi ko sabay kamot sa ulo ko at maya maya nag seryuso nanaman ako. Hinubad ko ang shades ko at nilagay ko ang kamay ko sa tyan ko, at bumalik ako sa pagiging seryoso at tumingin ako sa babaeng mid-50s, na sa pagkaka alala ko ay sya si Manang Cecil. "So how was the house, Manang? Okay lang bariito? Wala bang nangyari?" Im not really good at act, kanina lang para akung nagpapatahan ng matanda ngayun serious mood nanaman. "Wala namang nag bago Iha pero sa tingin ko ikaw lang ang nag bago, nung umalis ka rito wavy ang buhok mo pero ngayun straight na, naging puti ka lalo at higit sa lahat tumaas ka," sabay hawak ni Manang sa balikat ko. "Oo manang, nag pa straight ako sa buhok ko at pinagupitan ko narin. Alam kung tumaas din ako at pumiti. Salamat sa compliment Manang, binola nyo pa 'ako." Sabay bungis-ngis ko. Pumiti talaga ako kasi pinainum ako ng gluta ni Pauline noh. Kaya balaik nalang tayo sa seryuso mood Paw ha. "Ah, nga pala manang, nasan si Drain? Is he here or n-" Naputol ang sinabi ko nang may boses ang nag echo sa buong mansyon at tiningnan ko kung nasan yun nang galing at nakita ko ang lakaking nasa hagdan na slow motion na bumababa. Sya ang... Target ko, sya si Drain Washington, ang nag-iisang apo ni Don Bernardo. Napaka gwapo nga nya ang tangkad din, naka office attire sya na kulay navy, at ang ganda ng pagka gupit ng buhok! Shit! Tinamaan na 'ako dahil sa mukha nyang mala americano, latin, greece, koreano, at iba pa! Ang wapo nya gosh! Tas ang datingan nya. Nakakabaliw!!! Kung ako ang tatanungin napaka bait at ang amo nya tingnan kahit naka busangot sya ngayun at seryoso na may pag kairita. Half spanish daw ang lalaking toh sabi ni Pauline pero mukha namang halo-halo ang lahi. "Finding for me? Hmm, Ms Monteverde?" May diing sabi nya sa Monteverde. Grabi! Ang ganda ng boses nya parang boses ng mga half american na marunong mag tagalog, parang kagaya ni James reid may pagka slang! "Haha, malay ko sa sarili ko," sabi ko. Grabi yung kaba ko ha. Oo mabait sya tingnan sa mala anghel na mukha nya. At di naman sya mukhang silbahi, pakisamahan ko nalang to diba. "So what makes you come here again? Akala ko nga ay sumama kana sakanya. Kun di you killed your self na." Mapanglaro na sabi nya at umigting pa ang panga! Sh*t! Ang hot nya pag umiigting ang panga. Ganito ba talaga ka gwapo at kakisig ang ma ka-kama ko? Crush ko na sya! Kyahh! NDI! erase erase Paw wag mo syang pagnasaan! Nandito ka para sa misyon at sa pera. Wag maging dirty okay! Pina kalma ko ang sarili ko, "pumunta ako rito kasi dito naman ako nakatir-" "Sa papel. Stop using the word. Dito, sayo and yours! kasi ni katiting wala kang pagmamay ari sa bahay nato. All of this are mine, you Wh*re! Tsk," galit na sabi nya. Okay! I now declared that hindi ko na sya crush! Ang sama ng attitude! Naka-kairita! Unang kita pa nga lang namin0ganto nasya, pano na kaya pag natagalan ako rito? Pero kalma lang Paw, pakisamahan mo nalang, at baka mag mission complete ka diba. "Oo sa papel pero may karapatan din ako rito." Taas noong sabi ko. "So? Did I ask kung may karapatan ka?" Sabi nito at nakababa na 'sya sa hagdan at tiningnan nya ang orasan nya sa kamay nya at humarap ulit sa akin. And this time, nasa harapan na sya sakin at ang sama nyang maka tingin kaya napa lunok ako. Takot ako sa tingin nya para akong kakatayin. "Sana di kana umuwi dito, my life was peaceful in this mansion when i heard that you're gone. So I get back in here as fast as I can because your not here to pester m-" Hindi kuna sya pinatapos. "Oh, why are you telling me about that, hmm? Did I ask? Diba wala?" Mapang larong ngisi ko at binalik ko talaga sa kanya ang sinabi nya sakin kanina Pero takot ako sa kanya eh. Pero Paw! Dapat matatag ka at dapat matakot si Drain sayo! Oo dapat matakot sya sakin! Kung badass, sarcastic, cold, heartless man sya or whatsover na mga attitude nya. Pwes! Gaganunin ko rin sya! Pero baka maging malala yung sitwasyon diba? "What?" Napanga-nga nalang sya sa inasta ko. Sinuot ko ulit ang shades ko. "Good Afternoon pala sayo, I hope I don't suffer in hell! This time," at nilampasan ko na sya at pumunta na 'ako sa itaas. Kinabahan yata ako dun ah. "You're already suffering in hell. Ms Monteverde, and I'm gonna make your life more than a living hell." Diing sabi nya. "Chill lang boy, grabi ka naman," sabi ko at naglakad na sa itaas. Nang naka pasok nako sa kwarto ni Pauline ay napaka ganda nito kahit Dark ang theme nito. Kasi sabi ni Pauline sakin na pina dark daw ni Drain ang kwarto nya para mata-tak sa utak ni Pauline na she's living on a dark hell place with the man that is the reason why is she suffering like a miserable. Sana masaya na si Pauline dun kasi feel ko ako nanaman ang mag dudusa lugar nato. Habang nakaharap ko sya kanina lumakas ang t***k ng puso ko, hindi lang dahil sa gwapo sya kundi dahil sa nerbyos ko, na baka mapalpak ako. Di pa sya gaano ka demonyo pero baka mag transform din yun sa susunod. Pinag bantaan talaga ako na magiging impuerno raw ang buhay ko. Bwesit na gwapo sya! Sus sarap sampalin ng halik! Joke lang! Pero galit ako sa attitude nya. Kaso ang gwapo nya talaga. Biglang nag flashback sakin ang mga sinasabi ni Pauline noon. "He is Drain Washington. Half spanish at half filipino ang Dad at ang Lolo Dad nya while his mom is a half korean and half american, kaya saksakan din yun ng gwapo. And just like me he is also 25 years old. He hates malalandi na mga tao, mainitin ang ulo nya kaya beware, madali rin syang mainis sa mga ginagawa ng tao, hindi sya naa-awa pag nag hihirap ka. If someone is going to ask me about his attitude i'll say his a BJDHCA which stand for Big, jerk, demonic, heartless, cold, @sshole. Maski mga katulong sinusungitan nya at tina-tratong aso. Perfect standards nga sya kasi marunong kumanta at sumaway noon at mahilig sa instruments at marunong sa napaka raming language, tas saksakan ng talent, at ang talino pa. Yun nga lang ang itim ng budhi." Napailing nalang ako sa sarili ko, tama nga si Pauline silbahi nga si Drain, pero diko panaman sya gaano ka kilala kasi diko naman nakikita na ginagawa nya yun sakin. Baka mabait sya nag papakipot lang, diba? "Ma'am, Baba naraw po kayo kasi naka handa napo ang lunch," sabay katok sa labas ng kwarto ko. "Oo, pupunta na 'ako!" Sigaw ko. Nag damit ako ng oversized shirt at isang jagger pants, tinali ko rin ang buhok ko at nilagay ko ang curtain bangs ko sa left and right ng noo ko. Pag baba ko ay may narinig akong boses ng isang lalaking galit at ang diin ng english at spanish speech nya. Kaya tumingin ako sa loob ng dining room. "What the h*ll is this? Did I say that I want a beef steak that is perfectly cooked on a medium heat! But look! It turns out its over cooked! It's burned! Do you want to k*ll me you stupid chief?! Hyss stupida! Mierda!" At sunod sunod pang spanish speech nya. "I'm sorry s-sir," nakayukong sabi sa chef. "Just get the h*ll out of my sight and pack you're clothes, you really are a psycho, gusto mo yata akung p@tayin sa overcooked na beef steak!" Napa nga-nga nalang ako. Sya! mamatay sa over cooked steak? Gag0 ba 'sya? Napaluhod nalang ang babae sa gilid ni Drain. "S-sir, pag bubutihin ko po sa susunod patawarin nyo po ako h-hindi ko naman po gustong ma overcooked ang beef steak eh." Tiningnan ni Drain ng masama ang babae na naka luhod ngayun. "I hired you on the first place because I thought you're a professional chef but guess what I'm gonna fired you because I found out that you're not too perfect in this job! Guards! get this Dirty chef out of my sight!" Tumayo sya at inayos nya ang coat nya at tumingin ulit sa orasan nya at inikot nya pa ang mata nya. Halatang naiinis sya sa mga tao rito. "I'll give you 3 minutes to get that lady, bilisan nyo ang pagkilos nyo, baka gusto nyong pati kayo itaktak ko," sobrang inis na sabi nya. Ang babae na chef daw ay umiiyak kasi wala talaga daw syang trabaho. Kaya di ako naka pag timpi kaya hinarap ko sya na taas noo. "Ano ba ang ginawa mo Drain? At pinaiyak mo to?" Singhal ko. At pinaigting ko ang panga ko dahil sa pag kairita ko. Ganito talaga ang pakikitungo nya sa mga katulong! Silbahi sya! Di sya na-awa? Tiningnan nya ako sa ulo hanggang paa, "First time to see you Ms, Velarde on a not so revealing clothes, buti alam mo na ayaw ko ang mga babaeng mamalandi ang mga damit," mapanglarong ngisi nya. "Hindi yan ang topic Drain," sabay iling ko sa aking ulo, "san ka pinanganak boy at ganyan ka? May namamatay ba sa Beef steak na over cooked at sunog? Baka akala mo na mamamatay ka sa pag 'ka sunog ng beef steak nayun, okay kalang ba? Suminghot kaba ng dr*gs?" Bigla akong nagulat sa sinabi ko kasi nasabi ko yun. P@tay ka Paw. "What did you just said? I think i didn't hear it correct," naiiritang sabi nya at parang hinahamon ako. "Haha, w-wala, m-may sinabi bako?" "You know what, why can't you just mind your own sh*ts," sabay turo nya sa balikat ko kaya kinabahan ako. "Pwedi ba, wag mo akong tinuturo. Atsyaka, pinaki ilaman talaga kita sa ginawa mo kaso di yun tama Drain, mas matanda pasya kaysa sayo, matuto kanamang rumespeto sa nakakatanda sayo, kaylangan pa bang sigaw sigawan? Eh pwedi mo namang hinain ang boses ko, alam mo namang ang daming tao diba," sabay kuha ko sa Chef at pinatayo ko sya. Pero namula lang si Drain sa galit. "But the steak she give to me can give you a Cancer! Because of the acids and some molecules that came from gases,"at nag speech pa ng kung ano ano. Hyss pinapa-iral ang katalinuhan. "Oh alam mo naman palang nakakamtay at mag kaka sakit ka, kung ayaw mo nun edi ako nalang kakain nun," mahinahong aabi ko at kinuha ko ang steak at kinain ko yunn "Pahingi nga ketchup manang." Sabi ko. Napanga-nga nalang silang lahat sa inasta ko pati guard at mga katulong, kaso naawa talaga ako sa Chef eh. "Look at me! Did I die? Yan kasi ang arte mo eh. Alam ko naman na ang pag ka-sobra sa luto ay nakakamatay at nakaka cancer, pero boy, normal lang na ganito ang kalalabasan sa steak. Kung gusto mong hindi mamatay habang kumakain ng steak. Hala! Kainin mo ang hilaw," kalma na sabi ko. "Y-you!" Naiiritang turo nya sakin, at nag-lakad sya papalapit sakin at tiningnan nya ako ng masama. Huhu, tatagan mo nalang ang sarili mo Paw ha. Mabait kang babae kaya dun ka lumaban sa tama. Nag staring contest kami dito. Pati ang mga katulong sa mansyon nanginginig na. Halos nag tipon ang Hot and cold temperature dito sa buong dining room. Pati ang nga katulong dito mahihimatay nayata. "You really have guts to talk to me like that, you've change a lo-" diko na 'sya pinatapos kasi pinakain ko sakanya ang beef steak na may ketchup. "T-the f*ck," mahinang sabi nya at mura nya sabay punas sa labi nya na may ketchup. Gwapo nya, tas ang mukha ng mga katulong dito ang... Epic! "Sunod kasi toothbrush ka pag may time. Ang baho ng hininga mo," sabay takip ko sa ilong ko. Dinaman mabaho ang hininga nya, gusto kulang lumayo sya sa mukha ko, ang gwapo kaya nya at nakikipag tinginan pa sya sakin. #1.12 Napanganga at napatawa ang ibang kasambahay sa sinabi ko. Kaya tumalikod na ako sakanya papuntang kusina para kumuha ng tubig. "What did you just said!" Sigaw nya at nagulat ako nang may biglang humablot sa buhok at sinabutan pa ako! "Aray!" binitawan nya ako nang sumigaw ako. "Gago kaba! O bakla ka?! Bat mo hinila ang buhok ko! Naka shabo ka yata!" Galit na sigaw ko. At Hinawakan tuloy ako ni manang Cecil. "I don't use dr*gs! Ugh!" Sigaw ni Drain sakin. Kitang kita na pikon natalaga sya sakin. "Dika nga nag shashabu, para kanamang bakla!" Bulyaw ko. Naiinis tuloy ako! "Tama nayan Pauline." "Gago kasi tung baklang to! Maka sabunot sa buhok ko daig nya pa ang isang babae!" "Then why did you let me taste that freaking beef steak! And it even had a ketchup on it! Tapos nanglait kapa sakin! for you're information Ms Monteverde! Pinapa dentist ko ang ngipin ko every month!" Galit na sabi nya pero hinawakan din sya ni Manang Cecil. "Who?" Ako. "Ofcourse it's m-" sabi nya. Pero diko sya pinatapos. "Who ask? Diba wala! Ang baho naman talaga ng hininga mo!" "Y-you!" Lalapit sana sya pero hinawakan sya. "Bakla! Baklang ulikba! Nang sasabunot ng buhok! Naka hit-hit ng dr*gs!" Sigaw ko. "Tama nayan Pauline at Drain! Para kayong batang dalawa! At Pauline hindi naman mabaho ang hininga ni Sir Drain." Sabi ni Manang Cecil. "Hindi nga! Pero sya naman tung t@nga at naniwala sa sinabi ko! Bo0bo na nga tanga pa! Sa katunayan inferness lasang colgate! Yun nga lang diko type! Bakla kasi ng sasabunot ng buhok!" Sigaw ko at umalis na 'ako dun at pumunta nalang ako sa itaas habang bit-bit ang beef steak. Sakit ng buhok ko pakshit! Hirap paki samahan ng lalaking yun! "You're really gonna pay this you B**chy wh*re!" Sigaw nya sakin. Pero nag middle finger ako sakanya. "Edi bayaran ko! Kung gusto mo isak-sak ko sa bunganga ang pera na ibibigay ko sayo!" At tuloyan na akong umalis dun at pumunta sa kwarto. Nakakairita ang lalaking yun! Hindi lang sya Demonyo! Bakla pa 'sya! Naka lunok yun ng dr*gs! Bwesit sya! "Hys nakakairita! sinabunutan pa 'ako ang sakit tuloy ng ulo ko, kung tinapunan nya ng wine si Pauline ako naman tung sinabunutan nya! T@ngina nya po! Lak ng topak nun!" Sabay kain ko sa Beef steak. Naa-awa tuloy ako sa babaeng chef, nasunog nga lang ng napaka liit ang beef steak fired na 'sya! Hyss gusto ko pugotan ng ulo ang lalaking yun! Tengina nya! Crush ko yun kanina, kaso pag sabunot nya sa buhok ko ayaw ko na. Muntik nga akong ma upo sa sahig kasi ang lakas talaga ng impact ng pag sabunot nya sakin. Natapos ako sa pagkain ko kaya lumabas ako, pag labas ko ay naglakad ako sa malaking hall way ng 4th floor at laking gulat ko nang nagka salubong kami ni Drain! Tiningnan nya ako ng masama na para bang gusto nya na ako p@tayin, kaya tiningnan ko din sya ng masama. Pero laking gulat ko nang natalisod ako kasi pinatid pala ako ng... T@rantadong Drain! Nayan! "P*ste!" Sabi ko habang nadapa, napaka kinis ng sahig dito kasi made of tiles, kaya ang sakit tuloy ng panga at binti ko. "Oops, sorry I didn't know that you’re dumb enough to fall off, haha." Bungingis ng isang demonyo. ’Tumingin kanalang sa mga ginagawa mo Paw kasi yang si Drain pag hihirapan ka nya, kagaya nang ginawa nya sakin na pang ba-badtrip, his a bully when you mess with him.' Yun ang sabi ni Pauline sakin noon. Hindi lang pala demonyo, mapanakit na bully rin pala tung lalaking to. Tumayo ako at hinagis ko sa kanya ang pinggan na bitbit ko kanina. Muntik syang ma head hot. Sayang naka iwas! Kaya ayun basag ang plato. "Why did you throw that plate on me!" Galit na naiiritang sigaw nya. "Ikaw! Bakit mo ako pinatid!" Gag0 ka. "Because you're a big dumb! Sabi ko ’nga sayo noon don't mess with me! tapos pinahiya mo ako kanina!" Diing sabi nya sa bawat salita na bini-bitawan nya. Napailing nalang ako at napaigting ko talaga ang panga ko sa pag ka badtrip sa lalaking to. Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang panga ko dahil ang sakit talaga nung nadapa ako. Bigla akong ngumisi at tiningnan ko sya using the seducing eyes. "You're a bully," mariing sabi ko sakanya habang naka tingala ako. Humakbang sya papalapit sakin. "Yes, I am really a bully when you mess with me. May magagawa kapa ba kung bully ako pag dating sayo?" Napapikit nalang ako sa mata ko nang nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at galit na galit syang tiningnan ako. Kahit ako ay naiinis na sa pag uugali nya, taas noo parin akong tumingala sa kanya. "Do you know that there is only one way to communicate whith a bully like you?" Sabay ngisi ko at tinaas ko ang index finger ko. "Really? As if I care! Pero sige, i’ll hear you out. Then what is your own advice?" Mapang hamon at mapang iritang sabi nya. Lumayo na muna ako sa mukha nya at kitang kita ko na umigting din ang panga nya. Tiningnan ko ang likuran ng palad ko at sinampal ko yun sa mukha nya! *Pak*#1.13 Napatagilid ang mukha nya sa pagsampal ko sakanya, sobra nakasi. Kung ganito sya maka tungo kay Pauline pwes ibahin nya ako. Kanina pako naiinis sakanya. "That's how I communicate with a bully." Napaigting sya sa panga nya at tumingin sya sakin, hinawakan nya ang ilong nyang nag dudugo at tumingin sya sa daliri nyang may dugo kaya, tiningnan nya nanaman ako ng sobrang sama. Diko akalain na du-dugo pala ang ilong nya. Sabagay ang lakas ng pagkasampal ko sakanya. Kaya naka ramdam nanaman ako ng takot at guilt sa pweding mangyari. Sinampal ko kaso sya eh! Nagulat ako nang hinawakan nya ang dalawang balikat ko at hinampas nya ako sa pader, ang sakit tuloy ng ulo ko at ang likuran ko s**t! Bwesit! Gusto nya yata akong p@tayin! Bali kinorner nya ako ngayun. Nakalagay ang dalawang siko nya sa ding-ding at ang sama talaga ng tingin nya sakin at ang palad nya ay nakayukom, ang lapit din ng mukha nya. Kaya natakot na talaga ako. "You just lay you’re bare hands on my face, for the first time," diin na sabi nya kaya napalunok ako. "I-ikaw nga pinatid mo ako ang sakit tuloy ng panga ko at ng tuhod ko! " "So? Kung masakit yan, for me I don’t care about you, and guess what wala kanang magagawa kung pinatid kita, lampa ka kasi!" Napatawa ako ng bahagya at iniiling ang ulo ko at tumingin ulit sa kanya ng seryoso. "Talaga? Wala akung nagawa?" Tumawa ako. " Eh, ano ang tawag mo sa pag sampal na ginawa ko sayo? Dumugo nga eh? Ganyan kana ba talaga ka bobo ka bingi at ka bulag?" At ngumisi ulit ako! Gosh! Bat ko yun sinabi! Dyos ko! Minsan talaga diko napipigilan ang sarili at pride ko. "Y-you’re a badass girl, ano ba pinakain ng kabit mo! Ha? kaya ganyan ka maki tungo sakin ha!" At sinuntok ang pader. Bwesit natakot ako dun! "W-wala syang pinakain sakin na ano. A-atsyaka yang kakagalit mo sakin dinaig mo pa si San Guko na nag super saiyan! Wew! Kulang nalang blonde na buhok atsyaka yung suot nya, pwedi kanang tawaging San G@go! At pwedi ba bitawan mo ako!" Sigaw ko pero di nya ako pinakawalan sa pango-ngorner nya sakin sa pader. "And who the hell is that San guko huh? At hindi ako magiging San Gago! Watch your mouth Pauline baka mapuno ako sayo. Alam mo that I'm really pissed off on you right now! For the first time napuno ang pasensya ko sayo! Ano bang gagawin ko sayo! P@tayin, Bugbogin o sampalin." "I don’t do those brutals darling," sabay ngisi ko sakanya. "Kung gusto mo Lindol nalang gawin mo. With matching yanig sa kama, hmm? 7.5 when I make the bed shake." At nag smirk ako. "Alam mo naman kung ano ang lindol na ibig sabihin ko." Napabitaw sya sa pader kaya mabilis akung umalis sa harapan nya at ang lakas ng kabog sa puso ko. Namumula na sya ngayon sa mukha nya. Galit sya sa sinabi ko. "Punasan mo ang dugo mo boy, Baka mahimatay ka dyan. Alam mo na diba kung pano ako maki tungo sa bully. Kung magiging bully ka parin sakin... Sige ba, dikita uurongan," Sabi ko at umalis naako dun para bumaba. "Im not done with you Pauline," banta nya sakin. "A-ako rin hindi din ako tapos sayo." "Fine! If that's how you communicate with a bully then I will communicate with you like the way you communicate with me." Sabi nya, kaso iniwan ko na sya run. Nang maglakad ako papuntang ibaba ay diko inakala na sinabi ko yun kanina, parang lumabas yung pagka maldita ko, at mas kinabahan ako kasi baka anong gawin sakin ni Drain. Nasampal ko sya kanina at pweding masmasama pa ang gawin nya saki- "H-Hoi!" Biglang sigaw ko nang nawalan ako ng balanse kasi may biglang tumulak sakin at nahulog ako sa hagdan na sobrang taas. Umolot ako sa hagdan at naramdaman kong ang sakit ng ulo, pisngi, dibdib at ng buong katawan ko. Nahilo ako at parang na.durog lahat ng buto ko. Nakota ko si Drain na naka ngisi sa itaas ng hagdan at ang sunod na nangyari ay... *Knock Knock* Napatayo ako sa pag kakahiga ko nang marinig ko ang napa karaming katok. "Ano!" Sigaw ko. "Ma'am, nandito napo yung secretary nyo," sabi nito kaya napa higa na lang ulit ako sa kama ko. Ugh! Yung kahapon, panaginip ba yun? O hindi? Wala naman akong pasa. Eh pano yung pag sampal ko kay Drain? Panaginip bayun? Ugh! Ang gulo! "Ma'am Pauline?" "Lalabas nako wait lang!" Sigaw ko at inayos ko na ang sarili ko. Kaso di ako maka move-on sa mga nangyari, kung panaginip ba yun o hindi. "Panaginip ba talaga yun kahapon? Mukha oo eh, mukha ring hindi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD