“MOMMY,” tawag ng isang batang babae sa kanyang ina. Lumingon naman ang ina ng batang babae, at ningitian ito. “Bakit? Anak?” malumanay na tanong ng kanyang ina na inayos pa ang buhok ng batang babaeng kausap niya. Ngumiti na lamang ang batang babae sa kanyang ina, na umiling – iling na lamang, isang payak na buhay lang ang kinagisnan nila, isang kompletong pamilya at masayang paligid. Ngunit, bigla na lamang nagulo nang may humahabol sa pamilya ng batang babae. “Mommy,” tawag niya sa kanyang ina na natatakot. Kinarga siya ng kanyang ina, hindi nagsasalitang may tinatakasan ito habang ang kanyang ama ay mabilis din ang kilos. Kitang – kita ng bata ang takot sa mukha ng kanyang magulang, hindi na siya nagsalita pa noon, kahit litong – lito siya’y nananatili siyang tahimik at nananal

