NAPAPAHAGALAPAK lang nang tawa si Leah sa kanyang ginagawa sa mga taong nananakit sa kanya. Kailangan ko ng bumalik sa palasyo ko. Napasabi sa kanyang isipan. Masaya siyang naglalakad at pumasok sa kanyang palasyo, nakita niya ulit ang tatlo. Tahimik siyang umupo ulit sa kanyang trono. “Anong ginawa mo sa kapatid ko, Leah? Walang kasalanan si Sheila rito.” Bungad na tanong sa kanya. Napataas naman ang kanyang kilay, ngunit, ningitian na lamang niya si Angely na galit na galit siyang tiningnan. “Huwag kang mag – aalala, hindi ko naman pinatay ang kapatid mo, Angely, I’m not that bad.” Napailing – iling na lamang siya. “Hay! They’re growing so fast, right? Ang sakit naman makalimutan nang ganoon kadali, well they’re very young kaya naman hindi ako masyadong naalala.” Tiningnan niya ang

