SINAMAHAN niya nga si Sheila ngayon sa mansion nito, wala namang choice si Justine, kundi alagaan ang babaeng kaharap niya ngayon. “Hey, I need to rest na muna.” Ito lamang ang narinig niya sa babaeng kasama niya. “Okay, mahaba pa naman ang araw.” Pabulong niyang sabi kay Sheila. Napatawa pa ito, inalalayan pa niya ito na umakyat sa taas para makapagpahinga sa kwarto. “Magpahinga ka na.” tipid naman niyang sabi noon. “Yeah.” Sabi pa nito. Sila lang dalawa sa malaking mansion ngayon, tahimik ang paligid, pakagat na ang kadiliman, ang sabi ni Sheila sa kanya na pribado ang mansion na ipinamana ng kapatid nito. Inilibot niya ang kanyang paningin. Welcome back, how many decades na hindi ako nakabisita rito? Napatanong na lamang sa kanyang sarili, may hawak – hawak siyang inumin. Bigla n

