NAPATITIG si Tashia sa kanyang phone, na tila nag – iisip sa nakita niya ngayon, papalihim niya kasing kinuhanan ng larawan ang lumang notebook ng kanilang lola na may nakalagay na mga pangalan rito. Napapaisip tuloy siya ngayon, napabuntong – hininga siya. “Tashia,” may tumawag sa kanyang pangalan. Napatitig na lamang siya sa kanyang kasamahan. “Okay ka lang ba?” tanong naman nito sa kanya. Napakurap – kurap na lamang siya na parang pinoproseso ang katanungan ng kanyang kasama. Huminga na muna siya nang malalim bago siya sumagot. Tumango na lamang si Tashia. “Halika na, tutungo na tayo sa paroroonan natin.” Yaya naman nito sa kanya. “Susunod kaagad ako.” Tugon naman niya. Nagpatiuana namang naglakad ang tumawag sa kanya, kaya naman sumunod siya kaagad. Focus ka na muna Tashia. N

