TAHIMIK niyang pinagmamasdan ang mga nakakulong sa silda na gawa ni Leah, nakaupo siya at wala siyang pakialam sa mga ito, taas – noo niyang tiningnan ang mga ito, punong – puno ng galit ang puso niya, simula nang huling kataksilan na nangyari sa kanya. Nakapanluksang damit siya, at nagustuhan naman niya ang damit niya noon, dahil naglalarawan ito sa kanyang nararamdaman. Abala siya ngayon, dahil marami siyang dinalaw sa mundo ng tao, pinagmamasdan na lamang niya ang mga nangyayari sa mahal nito sa buhay. “Felicia,” pabulong niyang tawag sa isang kaluluwa. Tinitigan lamang siya nito, nahihirapan itong tumayo man lamang, kitang – kita sa mukha nito ang pagkamuhi sa kanya, unti – unti siyang napapangiti. Wala itong salita. “Humihingi ka ba ng tulong sa mga apo mo?” tanong niya rito. “W

