APAT na araw na ang nakalipas nang maihatid na nila ang kanilang lola sa huling pahingahan nito. Balik na rin ang normal nilang pamumuhay, at makaka – focus na rin sa pag – aaral si Tashia. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit nagpapakita at nagpaparamdam pa rin sa kanya ang lola niya sa panaginip niya, ilang araw na ring pabalik – balik at nagpapakita ito sa kanya, na minsa’y nakamasid sa kawalan at malungkot ang tingin. Minsa’y iisang salita lamang ang sinasabi nito. Tulong. Napasabi sa kanyang isipan. Hindi niya maintindihan, nawala na rin iyong babaeng nakapanluksa, at lalong – lalo siyang hindi maka – focus, dahil nakita na naman niya si Ashley na umiiyak na duguan ang mukha. Napapakamot na lamang siya sa kanyang batok, noong mga bata pa sila, talagang may kakayahan silang

