“WHO ARE YOU?” tanong ni Martin sa isang lalaking naglilibot sa mansion na pag – aari ng lola ni Sharlene. Tinitigan pa siya nito mula ulo hanggang paa. “Ako dapat ang magtatanong sa iyo. Sino ka?” pabalik nitong tanong sa kanya. Napakunot naman ang kanyang noo. Naisipan niyang pumunta na muna ngayon, dahil narinig niyang nandito rin si Sharlene. “Sino ang nagpatuloy sa iyo?” tanong naman niya sa lalaki. “It’s none of your business, ako nga ang dapat magtanong sa iyo, kung bakit nakapasok ka sa mansion na ito.” Naasar naman siya sa kaharap niya ngayon, napatawa na lamang siya. “Gusto mo ipakulong kita?” panghahamon niya. “Go on.” Isa pa kung bakit nandito siya sa San Mateo para dalawin din si Sheila sa mansion na ipinamana nito sa kapatid nito. Kailangan niyang subaybayan ang kil

