TAMA ba ang naging desisyon ko na ikwenento ko sa kanya? Bigla na lamang niyang napatanong sa kanyang isipan. Habang ginagamot niya ang kamay nitong nasaktan. Nakonsensya siya sa nangyari ngayon. “I – I’m sorry, Sharlene. Hindi ko naman napigilan ang emosyon ko.” Paghihingi pa nito ng pasensya sa kanya. Napailing – iling lamang siya rito. “Ako dapat ang humingi nang pasensya sa iyo, hindi ko man lang nalagay ang konsiderasyon sa mararamdaman mo.” Napabuntong – hininga lang ito sa pinagsasabi niya. Nakita niya na medyo kumalma na ito ngayon. “Mabuti pa’y hindi ko na muna ipagpapatuloy.” Napasabi na lamang niya. Hinawakan siya sa balikat nito. “It’s okay, Sharlene, we need to talk about it.” Sabi naman sa kanyang kaharap. “Halika na muna papasyal na muna tayo, para maging kalma ang p

