“KUMUSTA ang pinagagawa ko sa iyo?” Napatanong na lamang ni Lawrence sa kabilang linya. Narinig pa niya itong napabuntong – hininga. “Nagsisimula pa lamang akong mag – imbestiga rito.” Muli itong napabuntong – hininga. Hindi rin niya maiwasang magpakawala ng hangin sa kanyang kausap. “Balitaan mo na lang ako kapag may nahanap ka na.” tanging sabi na lamang ni Lawrence sa kausap niya. “Yeah, got it.” Binaba niya ang tawag at napailing – iling na lamang. Hindi na siya gumayak ngayong umaga dahil may bisita siya, hinihintay niya lang ito sa loob. “Sir, may naghahanap po sa iyo sa labas, Sharlene Francisco po raw ang pangalan niya.” Tanging narinig niya sa kanyang kasambahay. Napatango na lamang siya. “Sige po, patuluyin ninyo lang rito. Salamat.” Sumunod naman ito sa kanyang habili

