NAIKWENTO na ni Tashia sa kanya ang nangyari, pati rin naman si Vivianne ay nagulat na kaya ring makita ni Sharlene ang pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan, isa pa na ikinagulat niya ay kagagawan ito ng kanyang lola noon, napabuntong – hininga na lamang siya. Ayaw niyang madawit sa gulo, dahil bawat isa sa kanila’y may hinaharap na problema, nandito siya ngayon, kasama niya si Tashia sa hospital, dahil pinapahinga na muna si Sharlene, nagagalak siya na may assistance na matatanggap na biktima sa aksidente, na galing sa paaralan na pinagtatrabahuan nito. Mas mabuti na iyon, nakatutulong pa rin itong maibsan ang pangangailangan nila. Napasabi sa kanyang isipan. Patuloy pa rin ang under observation si Ashley, hindi na rin ito nanganganib ang buhay nito, ngunit comatose pa rin ito hangga

