Violet's Pov
TAPOS na ang duty ko kaya nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada at naglalakad mag-isa. Wala ang mga kasama ko at hindi ko alam kung nasaan na naman sila. Sanay naman na ako umuwi mag-isa at ayos lang naman yun sa 'kin.
Habang naglalakad ako ay biglang may humawak sa kaliwang siko ko kaya agad akong napahinto sa paghakbang at agad na lumingon sa taong yun. Handa na sana ang bag ko para sana ihampas sa ulo ng taong humawak sa 'kin ng makita ko ang matangkad na lalaki na kanina pa yata ako ginugulo sa duty ko.
Masama ko siyang tinignan saka binaklas ang pagkakahawak niya sa 'kin. "Ano na naman? Hindi mo ba talaga ako titigilan kahit saan ako magpunta? Sawang-sawa na ako sa mukha mio do'n sa bar, pati ba naman pag uwi ko mukha mo parin makikita ko. Ang malas ko naman.." saad ko habang nakasimangot.
"Grabe ka naman. Babatiin lang naman kita ng magandang umaga, highblood ka na agad." Sabi niya na parang nagtatampo.
"Hindi ko kailangan ng good morning mo. Ang kailangan ko ay kapayapaan mula sa'yo kaya tantanan mo na ako kung pwede." Saad ko sa pagod na pagod na boses. Pagod na pagod na talaga kasi ako sa kanya dahil simula ng mag duty ako kagabi ay wala siyang ginawa
kundi kulitin ako.
Abnormal talaga siya dahil pati ang chocolate na binigay ni Mario ay sinasabihan niya na sasakit daw ang tiyan ko kapag kinain ko yun. Sabi pa niya ay bibilhan daw niya ako ng ibang chocolate at mahal daw ang bibilhin niya dahil special daw ako. Napapatanong na lang ako sa sarili kong special child ba ang tingin niya sa 'kin.
"Naku baka hanap-hanapin mo ang kagwapuhan ko kapag hindi mo ako nakita. Kunwari ka talaga eh," sabi pa niya sabay kindat sa 'kin. Parang tanga!
Inirapan ko lang siya sabay pakita ng gitnang daliri ko. Malakas siyang tumawa na parang tuwang-tuwa sa ginawa ko. Tinalikuran ko nalang siya at pinabayaan siyang tumawa. Sana talaga mabilaukan siya kakatawa ng makaganti naman ako.
Kailan kaya ako makakasubok na hindi makita ang lokong 'to. Nakakasawa na talaga pagmumukha niya.
"Anong gusto mong breakfast?" Tanong niya at sinasabayan na niya ako ng lakad. Hindi ko naman siya inaway at hinayaan lang siya na sinasabayan ako.
"Bakit? Ililibre mo ba ako?" Pagsakay ko sa trip niya sa buhay. Napapagod na akong awayin siya kaya sasabayan ko nalang siya.
"Oo sana. Kahit saan mo pa gusto ililibre kita." Saad niya kaya napatigil ako sa paghakbang. Tumingin ako sakanya ng may naisip akong kalokohan.
"Kahit saan?" Paninigurado ko pa.
"Yeah," sagot naman niya habang nakatitig sa 'kin.
"Okay. Halika na! Libre mo ko. Wag kang aangal ha!" Nakangisi kong sabi.
Lumipas ang 30 minutes ay nandito na kami sa isang restaurant na sikat na sikat dito sa Bicol. Dinadayo talaga ang restaurant na 'to dahil masarap naman talaga. Isang beses lang ako nakakain dito dahil na din sa sobrang mahal at hindi ko afford talaga. Sulit naman din ang lasa kaya hindi ko talaga magawang tanungin kung bakit ganun nalang kamahal ang presyo.
Sa pagkakaalam ko kasi ay pag-aari yun ng mag-asawang Laursen. Nakita ko naman ang may-ari ng restaurant at talagang masasabi ko na sana all nalang talaga. Ang ganda kasi niya at ang gwapo din ng asawa niya.
Nakaupo ako habang may ngiti sa labi. Katapat ko naman sa upuan ay ang lalaking mayabang na manlilibre daw sa 'kin. Nakasimangot siya dahil sa mga inorder kong pagkain.
Matamis ko siyang nginitian dahil sabi naman niya kahit ano daw ang gusto ko.
"Bakit ka nakasimangot?" Tanong ko habang pinupulot ang kutsara sa table. "Parang galit ka yata sa order ko ahh.." saad ko pa.
"Hindi ako galit sa order mo. Nagtataka lang ako at napapatanong sa sarili ko kung kaya mo ba talagang ubusin ang mga pagkain na inorder mo." Sabi niya sa seryosong boses.
"Oo naman. Gutom ako. Kaya kayang-kaya kong ubusin ang mga inorder ko." Saad ko pa. Tumango naman ang lalaki at nagsimula na din siyang kumain.
Tahimik lang ako habang ine-enjoy ang pagkain ko. Tuwang tuwa talaga ako ngayon dahil masasarap lahat ng pagkain ko. Kahit antok na antok ako pero nawala yun dahil masasarap na pagkain.
Duda ko talaga nasa 60k lahat ng inorder kong pagkain. Pero hindi naman umangal ang lalaki kahit anong ituro ko sa waiter kanina. Akala ko nga pipigilan niya ako eh, sa sampung order pero hinayaan lang niya ako.
Kain lang ako ng kain at minsan ay nagkakasalubong ang tingin namin dalawa ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam.
Wala akong balak tanungin siya kung ano ba talaga ang pangalan niya. Ito ang una at huli ko siyang makakasama kumain.
Mabuti nga at sinakyan ko pa siya kanina. Para kasing ang bored umuwi sa apartment kung uuwi agad ako kaya naisip ko na why not hindi ko isahan 'tong butchokoy na 'to.
Napatigil ako sa pagnguya ng biglang punasan ng lalaki ang gilid ng labi ko gamit ang tissue. Parang tumayo lahat ang balahibo ko sa ginawa niya.
Nakatitig lang kami sa isa't-isa hanggang sa narealize ko na nakatitig pala ako sakanya.
"Sorry, may ketchup kasi sa gilid ng labi mo." Panghihingi niya ng sorry saka inilayo ang kamay niya.
Hindi naman ako naka imik at yumuko nalang at pinagpatuloy ang pagkain.
Narinig ko naman na tumikhim siya ngunit hindi ako nag angat ng mukha.
"Taga dito ka ba talaga sa Bicol?" Pambabasag niya sa katahimikan.
Nag angat ako ng tingin saka ako umiling. "Hindi. Taga Manila talaga ako pero isa ako sa napili ng boss ko na ilipat dito." Sagot ko naman saka ako sumubo ng pagkain.
Agad ko pa pinunasan ang gilid ng labi ko para hindi na niya ulitin ang ginawa niya kanina.
"Ahh.. kaya naman pala." Sagot niya.
"Anong kaya naman pala?" Kunot noo kong tanong sakanya.
"Kasi nakatira ka sa apartment. Lagi mo din kasamang umuwi at pumasok ng trabaho ang mga kasama mo kaya naisip ko na magkakasama lang kayo ng tinutuluyan." Sagot niya saka uminom ng coffee.
"Paano mo naman nalaman yun? Wag mong sabihin na alam mo din kung saan ako nag re-rent?" Tanong ko. Bahala na kung mga mukha pa akong tanga dahil sa tanong ko. Gusto ko lang talaga malaman kung alam ba talaga niya.
"Eh 'di hindi ko sasabihin," nakangisi niyang sagot sabay kindat sa 'kin.
Inirapan ko nalang siya saka ako bumalik sa pagkain.
Baka masaksak ko pa ang mata niya kapag naiinis ako sa kanya. Ayan na naman kasi siya sa kindat-kindat na yan.
Tahimik na ulit ako kumakain at hindi na nagsalita pang muli. E-enjoyin ko nalang muna ang pagkain ko dahil sure ako hindi ko na naman matitikman ang pagkain na 'to sa susunod.
Ang mahal kasi kaya kahit gusto ko ang mga pagkain dito ay mas pipiliin ko nalang sa restaurant kumain.
Habang kumakain ako ay napa angat ako ng tingin ng mapansin ko na may taong papalapit sa table namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang mga asawang Laursen ang nasa harapan namin.
Napatigil din sa pagkain ang lalaking kasama ko lalo na ng tapikin siya ni Mr. Laursen. Ang gwapo talaga niya ng asawa ni ma'am Naomi. Bagay na bagay naman din sila dahil maganda din naman ang babae.
Nagulat lang ako at hindi makapaniwala na magkakilala si Mr. Laursen at ang kasama kong lalaki. So, ibig sabihin pala nito ay hindi pala pe-petsugin ang lalaking kasama ko. Kaya siguro panay ang lapit ng mga girls sakanya dahil siguro mayaman ang lalaking 'to.
Pero kahit mayaman siya para sa 'kin ay feeling pogi pa din siya at mahangin.